Chapter #21
Nagulat naman ang tatlong taong dumating ng makita si Gerard at Frank.
Ray Toro: Mikey anong nangyari kay Gerard at Frank ( nag tatakang tanong nito kay Mikey )
Sasha Banks: Oo nga ( nag tatakang tanong din nito kay Mikey )
Mikey Way: Bakit hindi ninyo itanong dyan sa magaling na kasama ninyo ( tumingin ito ng masama kay Shana Michaela )
Shana Michaela: ( Nag tataka naman ito sa tingin ni Mikey sa kanya )
Hindi alam ni Mikey Way ang nararamdaman niya ngayon dahil ng makita niya si Shana Michaela isa lang ang naramdaman niya. Ang nararamdaman niya ngayon ay nagagalit siya kay Shana Michaela sa ginawa nito sa kanya.
Ray Toro: ( Nagtaka naman ito sa sinabi ni Mikey )
Shana Michaela: Teka nga ano ba kasi ang nangyari dito ( Halata sa mukha niya ang pag aalala )
Sasha Banks: Sandali lang ha maputol ko muna ito. Tingin ko kailangan na natin munang dalhin ang dalawang ito sa ospital
Shana Michaela: Buti pa nga tara na kayo andyan naman na yung sundo ko pwede nating gamitin ang kotse nya
Hindi na lang kumibo si Mikey Way dahil may punto naman si Sasha Banks isa pa hindi na din kaya ng Kuya Gerard niya ang panghihina. Kaya naman dinala na nila sa ospital ang dalawa gamit ang sasakyan ng kuya ni Shana Michaela.
Hospital
Nang makarating na sila sa Ospital agad naman na ginamot si Gerard at Frank ng mga nurse duon kasama si Ray Toro at Sasha Banks sa loob ng kwarto kung saan dinala ang dalawa. Habang ginagamot naman ang dalawa nasa may hallway naman si Mikey Way at Shana Michaela. Si Shawn Michaels naman ay nag paiwan sa kanyang kotse.
Shana Michaela: Ano ba talaga ang nang yari? ( Tanong nito kay Mikey at halata sa mukha niya ang pag aalala )
Mikey Way: Alam mo wag ka na ngang umastang napakabait mo ( Masungit nitong sagot kay Shana Michaela )
Shana Michaela: ( Nagtaka ito sa sinabi sa kanya ni Mikey ) Ano ba yang sinasabi mo ? Hindi kita maintindihan
Mikey Way: Hindi mo ba talaga alam ang nang yari o baka naman umaarte ka na walang alam para mapaniwala mo akong hindi ka tulad ng iba
Shana Michaela: Teka ano bang pinag sasasabi mo dyan wala naman akong ginagawang masama sayo. Sa totoo lang si Ray ang nag sabi sa akin na anduon ka daw sa Basketball Court kasama si Gerard at Frank. Kaya ano yang sinasabi mo ?
Mikey Way: Talaga eh hindi ka pa nahahanap ni Ray alam mo naman na pupunta ako duon dahil ikaw ang nag papunta sa akin duon ( Inis na sabi nito kay Shana Michaela )
Shana Michaela: ( Nag tataka ito sa sinabi ni Mikey ) Ano ? Ako ang nag papunta sayo sa Basketball Court ? Teka nga hindi ba sinabi mo sa akin na mag intay ako sa School Gate dahil sasamahan mo ako na pumunta sa Mall ?
Mikey Way: Shana Michaela wag ka na nga mag maang maangan pa hindi ba nag message ka sa akin na humihingi ka ng tulong dahil nasa Basketball Court ka. Wag mo na akong pag laruan pa dahil nakita din ni Gerard Frank at Ray yung message mo ( Galit na sabi nito kay Shana Michaela )
Shana Michaela: Wala naman akong message na ganun kanina isa pa kanina habang nag iintay ako sa schoolgate si Ray lang ang tinext ko. Kaya hindi ko alam yang sinasabi mo
Mikey Way: Hindi mo alam pero number mo ang nag reflect sa cellphone ko. Shana Michaela tama na pwede ba tumigil ka na sa pag papanggap na mabait ka dahil hindi ka talaga mabait ikaw ang may gawa nito kaya nabugbog ang Kuya Gerard ko ( Galit na sabi nito )
Shana Michaela: Bakit ba sa akin mo binibintang ito wala naman akong alam dito ( Medyo mataas ang tono ng boses nito )
Mikey Way: Wala sige itago mo pa na yang bulok at masama mong ugali wala ka talagang pinag kaiba sa kanila. Tama si Kuya Gerard dapat lumayo na lang talaga ako sayo dahil wala kang kasing sama. Pinag sisisihan ko na hindi ako sumunod kay Kuya Gerard dahil naniwala ako sayo na mabait ka at iba ka sa kanila. Pero ang totoo tulad ka din nilang mapaglaro at walang kwenta hindi ka rin nalalayo sa mga malalanding babae sa school natin. ( Galit na sabi nito )
Shana Michaela: ( Hindi niya napigilan ang sarili niya dahil sa mga narinig niyang sinabi ni Mikey kaya naman nasampal niya ng malakas si Mikey ) Kung ano man yang sinasabi wala akong alam dyan. At ito ang tatandaan mo kahit kelan hindi ako tulad nila at papatunayan ko yan sayo. ( Habang sinasabi niya iyon hindi niya namalayan na tumutulo ang luha niya )
Bigla naman dumating si Ray at Sasha Banks.
Sasha Banks: ( Napansin na tumutulo ang luha ni Shana Michaela ) Oh Shana Michaela bakit ka umiiyak ?
Ray Toro: Oo nga anong nang yayari dito ?
Shana Michaela: ( Pinunasan ang luha niya sa pisngi ) Mauna na ako ( Tumalikod na ito at nag lakad na palayo kay Mikey )
Sinundan naman ni Sasha Banks si Shana Michaela. Pumunta na si Shana Michaela sa parking lot ng Ospital.
Parking Lot
Shawn Michaels: Oh kamusta ang mga kaibigan mo Shana Michaela
Shana Michaela: Ginagamot na sila Kuya Shawn Michaels gusto ko na pong umuwi para makapag pahinga
Shawn Michaels: Sige sumakay ka na sa kotse. ( Tumingin ito kay Shasha Banks ) Sasha Banks sumabay ka na sa amin
Sasha Banks: Wag na po kaya ko na po umuwi mag isa ( Tumingin kay Shana Michaela ) Paano kwento mo na lang sa akin yan mamaya ha
Shana Michaela: ( Tumango ito at sumakay na sa kotse )
Sumakay na din si Shawn Michaels sa kotse at nag umpisa na ding mag drive pauwi. Habang nag dridrive si Shawn Michaels napansin niya ang kalungkutan ng kapatid niya.
Shawn Michaels: Bakit ka malungkot ?
Shana Michaela: Si Mikey Way kasi hindi ko alam bakit siya ganun. Sa akin niya sinisisi ang nangyari sa kay Frank at Gerard ( Hindi na niya napigilan at umiyak na siya ng tuluyan )
Shawn Michaels: Tumahan ka na. Kung ano man yang pinag daraanan ninyong dalawa maayos din yan.
Shana Michaela: Pero paano hindi ko naman alam kung bakit siya ganun. Wala naman akong ginawang masama sa kanya isa pa hindi ko naman kayang saktan siya dahil sa totoo lang talagang kinaibigan ko siya dahil sa kakaiba siya sa lahat dahil hindi siya tulad ng mga iba na kaibigan mo lang dahil may kailangan sayo. Pero kuya habang tumatagal na kasama ko siya natutunan ko din na mahalin siya ng higit sa kaibigan kaya hindi ko magagawa na saktan siya o ang mga taong mahalaga sa kanya ( Tuloy tuloy ang iyak nito )
Shawn Michaels: ( Hininto ang kotse at inakap si Shana Michaela ) Tahan ka na tiyak ako malulutas nyo din yang problemang yan malalaman nya din na mali ang tingin nya sayo ngayon
Shana Michaela: ( umayos na ito at pinahid ang luha sa pisngi niya ) Salamat Kuya Shawn Michaels
Sinagot lang ng ngiti ni Shawn Michaels si Shana Michaela at nag drive na ulit para makauwi na sila.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top