Chapter #17
Mag kasabay na pumasok si Shana Michaela at Mikey Way napansin naman ni Miz,Corbin at Neville yun kaya naman nag usap usap ang tatlo.
Miz: Ano ba ang nakita ni Shana Michaela dyan sa EMO na yan ?
Corbin: Ewan ko mukhang mauunahan ka pa ng EMO na yan
Neville: Dapat may magawa kang paraan. Dahil nung nakaraan dapat ikaw ang kasama niya sa science project pero mukhang minalas ka
Corbin: At ngayon naman sabay na silang pumasok mukhang close na silang dalawa
Miz: ( Inis na tinignan ang dalawa ) Hindi ako makakapayag na maunahan ako ng EMO na yan. Dapat makaisip tayo ng paraan
Corbin: May naisip akong paraan kailangan matanggal natin ang closeness nila
Miz: Paano naman yun ?
Neville: Paano ? Sirain natin silang dalawa sa itsura ni Shana Michaela madali nating mapapaniwala si Mikey Way na nag papanggap lang siyang mabait
Miz: ( Napangiti ito ng ngiting nakakatakot ) Alam ko na may naisip na akong paraan
Corbin: Ano naman yun ?
Miz: Madali lang
Nag usap usap ang Tatlo tungkol sa gagawin nila.
Classroom
Sasha Banks: ( Napansin na mag kasamang pumasok si Shana Michaela at Mikey Way ) Oh mukhang close na kayong dalawa
Shana Michaela: Oo naman kasi friends na kami ni Mikey ( Masayang Sabi nito )
Becky Lynch: Talaga ( medyo gulat ito sa sinabi ni Shana Michaela ) Mikey totoo ba yun na friends na kayong dalawa ?
Mikey Way: Oo totoo yun ( Pag katapos niyang sumagot umupo na ito sa upuan niya )
Shana Michaela: Bakit parang gulat kayo na friends na kami ni Mikey ?
Becky Lynch: Nakakagulat lang na may kaibigan na sya wala kasing gustong makipag kaibigan sa kanya
Sasha Banks: Ikaw lang ang nakipag kaibigan sa kanya
Shana Michaela: Ewan ko ba naman kasi sa inyo kayo lang naman ang ayaw na makipag kaibigan sa kanya dahil ba sa ayos niya ? masayang kaibigan si Mikey sa totoo lang masaya pang kasama siya kesa sa mga popular students dito ( Pag mamalaki nito kay Mikey Way )
Mikey Way: ( Nag rolled eye na lang ito at hindi na pinansin ang sinabi ni Shana Michaela )
Sasha Banks: ( Hindi na ito nakapag salita )
Becky Lynch: Siguro nga Shana Michaela dahil sa ayos niya pero sa sinabi mo nakakatuwa kang kaibigan kasi proud ka na sabihin sa amin na kaibigan mo siya
Shana Michaela: Talagang proud ako na sabihin yun hindi kasi ako tulad ng iba na puro pang labas na anyo lang ang tinitignan
Bigla naman sumingit sa usapan ni Shana Michaela,Becky Lynch at Sasha Banks.
Miz: Kung ganun dapat pala maging kaibigan na din namin si Mikey
Corbin: Oo nga kasi kaibigan na siya ni Shana Michaela
Neville: ( Lumapit ito kay Mikey Way at tinanggal ang salamin nito ) Paano mamayang recess sasabay ka na sa amin na kumain ?
Mikey Way: Akin na nga yang salamin ko
Miz: ( Kinuha ang salamin ni Mikey Way kay Neville ) Hay naku naman Neville wag mo na ngang pag tripan yang si Mikey ( Sinuot kay Mikey Way ang salamin nito at ngumiti )
Sasha Banks: Alam nyo Miz at Neville layuan nyo na lang si Mikey Way pwede ba
Miz: Bakit wala naman kaming ginagawang masama sa kanya
Shana Michaela: Miz bumalik ka na sa upuan mo
Wala naman nagawa si Miz at si Neville kundi sundin si Shana Michaela.
Shana Michaela: ( Umupo na ito sa upuan niya at tumingin kay Mikey Way )
Mikey Way: Bakit ? ( Nakatingin ito kay Shana Michaela )
Shana Michaela: Samahan mo ako sa Mall mayamayang uwian
Mikey Way: Sige intayin mo na lang ako mamaya sa school gate pupuntahan ko lang si Kuya Gerard sa room niya mamayang uwian
Shana Michaela: ( Ngumiti ito ) Thanks
Mikey Way: ( Humarap na ito sa pisara at nanahimik na )
Dumating na ang kanilang unang teacher
Teacher: Okay class may activity tayo na gagawin dalawang team ang mag lalaro sa activity natin. Okay kung sinong team ang mananalo sa activity na ito ay sila ang isasali ko sa Spelling Competition na gaganapin sa susunod na linggo at lahat naman ng kasama nila sa team may plus 5 sa quiz bukas. Okay ang dalawang team ay Left and Right sa Left ang maglalaro ay si Miz at sa Right naman si Shana Michaela.
Tumayo naman si Miz at si Shana Michaela at pumunta sa harapan
Teacher: Okay Shana Michaela at Miz pumili kayo ng isang makakasama ninyo dito sa harapan
Miz: Si Neville na lang po Ma'am
Teacher: Okay Neville samahan mo si Miz dito sa harapan
Pumunta naman sa harapan si Neville at nag apir ang dalawa.
Teacher: Ikaw Shana Michaela sino ang kukunin mong kasama ?
Lahat naman ng kanyang mga classmate ay sinigaw ang pangalan ni Corbin dahil isa din naman ito sa matalino sa Room nila
Teacher: Mukhang maganda ang payo ng mga classmate mo Shana Michaela si Baron Corbin ay isa sa matalinong studyante sa section na ito
Shana Michaela: Pero Ma'am hindi po siya ang gusto kong maging kasama sa activity na ito
Teacher: Sino naman let me guess isa sa kaibigan mo ? Tiyak si Sasha Banks yan O si Becky Lynch dahil kayong tatlo lang naman ang kalaban ni Neville,Miz at Corbin sa patalinuhan sa section na ito ( masayang sabi nito )
Shana Michaela: Sorry po Ma'am pero hindi po isa sa kanila ang isasama ko
Teacher: Oh talaga sino naman yang pipiliin mo ? ( gulat na tanong )
Shana Michaela: Si Mikey Way po ang gusto kong makasama ko sa activity na ito ( masayang sabi nito )
Nagulat naman ang classmates niya dahil first time lang na mag paparticipate si Mikey Way sa mga ganyang activity. Miski si Mikey Way ay biglang napatingin kay Shana Michaela ng sabihin na siya ang gustong makasama nito sa activity na gagawin.
Mikey Way: ( Mahinang sabi nito ) Bakit naman ako pa ang napili niyang makasama sa activity na ito ?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top