Chapter #12
Nasa kwarto Mikey Way at nakahiga sa kama niya bigla namang pumasok si Gerard Way sa kwarto niya.
Gerard: Hey Mikey gusto mo bang sumama sa amin mamaya ni Frank ?
Mikey: Bakit saan ba kayo pupunta ni Frank mamaya ?
Gerard: Sa Bahay ng classmate namin may new classmate kasi kami at kahapon lang siya pumasok tapos naging kaibigan namin siya ni Frank
Mikey: Ganun ba
Hindi natapos ang pag sasalita ni Mikey ng tumunog ang cellphone nya at agad naman niyang kinuha ang cellphone niya at tinignan kung sino ang nag message
Unknown Number
Good Morning Mr. Cute Emo ^_^ si Shana Michaela ito
Mikey: ( Napangiti naman ito ng mabasa niya ang message sa kanya sinave niya sa phonebook niya ang number ni Shana Michaela )
Gerard: ( Napansin ang pag ngiti ni Mikey kaya naman agad nitong kinuha ang cellphone ni Mikey sa kamay nito )
Mikey: Kuya Gerard akin na nga yan
Gerard: Bakit ka ba kasi napapangiti dyan ? At bakit parang ayaw mo atang ipakita ang cellphone mo sa akin ?
Mikey: Wala ka bang cellphone Kuya ?
Gerard: ( Tinignan ang cellphone ni Mikey at nabasa niya ang Message ni Shana Michaela kaya naman tinignan niya si Mikey ng masungit na titig )
Mikey: Para saan naman yan Kuya ?
Gerard: Akala ko ba napag usapan na natin ang tungkol sa Shana Michaela na ito ?
Mikey: Kuya kami ang partner sa science project namin kaya kailangan kong kausapin siya
Gerard: Eh bakit naman napangiti ka kanina ?
Mikey: Ewan ko siguro masaya lang ako na nag message siya sa akin. Kuya siya lang yung kauna unahang babae na lumapit sa akin at nakikipag kaibigan. Kuya masaya ako kapag kasama ko siya kahit na hindi ko pinapahalata sa kanya
Gerard: Gusto mo na ba yang si Shana Michaela ?
Mikey: Siguro pero alam ko naman na hindi ako magugustohan ni Shana Michaela isa pa alam kong gusto siyang pormahan ni Miz
Gerard: Alam mo kahit na naiinis ako sa Shana Michaela na yan dahil sa kanya nabubully ka nanaman ng Grupo ni Miz. Pero kung siya lang din ang mag papasaya sayo hindi na kita hahadlangan
Mikey: Salamat Kuya Gerard ikaw lang talaga ang tunay na nakakaintindi sa akin. Pero Kuya tiyak naman na hanggang mag kaibigan lang kaming dalawa
Gerard: ( Binalik na ang cellphone ni Mikey ) Sige na replayan mo na yan ( ngumiti ito )
Mikey: ( Kinuha ang cellphone )
Gerard: Pano pupuntahan ko na si Frank sa bahay nila. Mamaya na lang tayo mag usap tungkol dyan kay Shana Michaela
Mikey: Sige ( Nireplayan si Shana Michaela )
Text Conversation
Mikey: Good Morning din sayo ^_^
Shana Michaela: Wow naman mukhang maganda ang gising mo may kasi naka smile yung emoticons mo
Mikey: Hindi naman ginaya ko lang yung emoticons mo sa message mo kanina
Shana Michaela: Nga pala saan tayo gagawa ng project ? Sayang naman yung araw na ito kung wala tayong magagawa
Mikey: Saan mo ba gusto gumawa ng project ?
Shana Michaela: Puntahan mo na lang ako dito sa bahay tamang tama andito si Mama at Papa gusto kitang ipakilala sa kanila
Mikey: ANO ?? Papakilala mo ako sa Mama at Papa mo ? Bakit naman ?
Shana Michaela: Kasi kaibigan kita gusto kong ipakilala kay Mama at Papa ang kaibigan ko sa new school ko
Mikey: Kaibigan ? Bakit hindi na lang sila Miz,Neville,Corbin,Shasha Banks at Becky Lynch na lang ang ipakilala mo sa kanila
Shana Michaela: Pero ikaw ang gusto kong ipakilala sa kanila dahil ikaw ang gusto kong maging kaibigan
Mikey: Bahala ka na nga
Shana Michaela: Pano iintayin na lang kita sa dito ha ( binigay ang address ng bahay niya )
Mikey: Okay
End Of Conversation
Mikey: ( Humarap sa salamin ) Hala talaga bang ipapakilala niya ako sa Parents niya ? Paano niya akong ipapakilala sa Parents niya ng Ganito ang ayos ko ? Tiyak mapapahiya lang ako nito ( Kinuha ang cellphone niya at tinawagan si Gerard )
Phone Conversation
Gerard: Oh Mikey bakit ka napatawag
Mikey: Kuya tulungan mo naman ako pupunta ako sa bahay ni Shana Michaela duon kami gagawa ng project
Gerard: Oh ano naman ang problema duon ?
Mikey: Papakilala daw niya ako sa Parents niya at hindi ko alam ang gagawin ko kinakabaha ako Kuya Gerard
Gerard: Mikey wag kang kabahan Okay malay mo naman hindi naman masungit ang parents niya
Mikey: Pano kapag masungit ?
Gerard: Ayon ang masaklap pero hindi ka naman siguro hahayaan ni Shana Michaela na laitin lang ng Parents niya
Mikey: Sana nga
Gerard: Basta maging totoo ka lang kung sino at ano ka. Wag kang mahihiya tawagan mo ako kapag may pangit na nangyari sayo susunduin kita duon
Mikey: Sige Kuya Gerard
End Call
Binuksan niya ang cabinet niya at nag hanap siya ng masosoot na damit ng makahanap na siya ay agad siyang pumunta ng Shower para maligo.
Shana Michaela House
Shana Michaela: Kuya Shawn Michaels pupunta dito si Mikey Way yung classmate ko gagawa kami ng project
Shawn Michaels: Ganun ba maganda yan andito pa naman si Mama at Papa magandang makilala nila ang kaibigan mong yan
Bigla namang sumingit sa usapan si Mr.Hickenbottom
Mr.Hickenbottom: Bakit sino ba yang kaibigan mong yan ha ?
Mrs.Hickenbottom: Oo nga naman Shana Michaela sana naman matitino yang kaibigan mo na pupunta dito ?
Shana Michaela: Mama Papa isang kaibigan ko lang po ang pupunta dito hindi siya sikat sa school hindi siya mayabang at higit sa lahat kakaiba siya sa lahat ng nakilala ko kaya sana po pag dating niya wag nyo po siyang husgahan kung ano ang itsura niya
Shawn Michaels: Mama Papa may tiwala naman po ako kay Shana Michaela. Tiyak naman po ako na hindi siya tulad ng ibang kabataan ngayon kung ano ano ang mga pinag gagawa
Mr.Hickenbottom: May tiwala naman ako sa kanya kaya sige titignan namin yang kaibigan mo
Mrs.Hickenbottom: Tama ang Papa mo isa pa kung saan ka masaya basta nasa tama ka Okay sa amin nga Papa mo yun
Shawn Michaels: Ang bait talaga ng Mama at Papa natin
Shana Michaela: Tama ka dyan Kuya Shawn Michaels ( Ngumiti ito )
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top