Chapter #10
Canteen
Habang kumakain si Gerard,Mikey at Frank.
Gerard: Mikey bakit ba kanina ka pa tahimik dyan
Frank: Oo nga kanina ka pang umaga para bang ang dami mong iniisip ( sabay kagat sa hamburger )
Mikey: Palagi naman akong tahimik bakit parang naninibago kayo sa akin
Gerard: Mikey Kuya mo ako at alam kong yang pananahimik mong yan ay wala lang tiyak ako may dahilan kung bakit ka ganyan
Mikey: Wala nga ito ( Napatingin siya sa mesa kung saan kumakain si Miz,Neville,Corbin,Sasha Bank,Becky Lynch at Shana Michaela pero agad din siyang tumingin sa kinakain niya )
Frank: ( Napansin si Mikey at tinignan nito kung saan tumingin si Mikey ) Haaaay naku Gerard mukhang alam ko na kung bakit tahimik yang kapatid mo ( Tinuro ang mesa kung asan nakatingin si Mikey kanina )
Gerard: ( Tumingin naman ito sa tinuro ni Frank at humarap kay Mikey ) Haaay Naku ano bang sinabi ko sayo Mikey tungkol sa babaeng yan
Mikey: Kuya Gerard wag kang mag alala simula kanina hindi ko siya nakasama ( nag rolled eye at kumain na ulit )
Frank: Eh bakit ganyan ang reaksyon mo ?
Mikey: Ewan ko hindi ko din maintindihan ang sarili ko
Gerard: Bakit naman ?
Mikey: Simula kasi nung sinabi mo sa akin na kinausap mo siya na wag na akong lapitan hindi ko alam kung bakit malungkot ako. Kanina sa rooftop parang naninibago ako walang makulit na nangungulit sa akin walang magulong nang gugulo sa akin dahil wala siya sa Rooftop. Akala ko absent siya pero nung nasa Room na ako nagulat ako nung kasabay niyang pumasok sa Room si Miz.
Frank: Teka nga Mikey wag mong sabihing may gusto ka na sa babaeng yun ?
Gerard: Naku Mikey tama ba yung tanong ni Frank ?
Mikey: Ewan ko hindi ko alam hindi ko maintindihan. Kanina nung nakita kong sabay silang pumasok ni Miz sa Room tapos ang saya saya pa nilang dalawa naiinis ako sa kanya. Kaya pala wala siya sa Rooftop kasi kasama niya si Miz nakakainis talaga tapos hindi nya din ako pinapansin sa Room.
Frank: Nag seselos ka ba kay Miz ?
Mikey: Ewan ko siguro kaya ganito ako kasi siya lang ang babaeng lumapit sa akin at nangulit ng ganun
Gerard: Pero alam mo kung talagang totoong iba siya sa mga yan dapat kahit na kinausap ko siya hindi niya gagawin na hindi ka pansinin
Frank: May punto si Gerard Mikey baka nga talagang tulad din siya nyang mga kaibigan niya
Mikey: Siguro nga akala ko pa naman sa pag dating niya mag kakaroon na ako ng kaibigan. Akala ko siya na yung taong makakatanggap sa akin kung ano at sino ako
Gerard: Mikey tama na yan andito naman kami ni Frank para sayo
Frank: Oo nga hindi mo naman kailangan ang babaeng yan
Mikey: ( tahimik na lang itong kumain )
Mayamaya lang ay tumunog na ulit ang schoolbell. Bumalik naman na ang mga studyante sa kanilang mga classroom hinatid naman ni Gerard at Frank si Mikey sa Classroom nito at bumalik na din ang dalawa sa kanilang classroom.
Classroom
Nag umpisa na ulit ang klase nila dumaan ang madaming oras at dumating na ang kanilang huling teacher dahil last subject na nila nagturo ito at matapos magturo.
Teacher: Okay may ipapagawa ako sa inyong project kailangan makagawa kayo ng kahit anong bagay na pwede nating ilagay sa Science Room natin. May box ako dito at lahat ng pangalan ng mga babaeng classmate ninyo andito kayong mga lalaki ang bubunot at ang mabubunot ninyo ay ang magiging partner ninyo sa project na ito. Ngayon umpisahan na natin lalapit kayo dito sa akin at bubunot kayo at sasabihin ko kung sino ang nabunot ninyo para malaman ko kung sino ang mag kakasama. Sige umpisahan na natin
Sinunod naman nila ang sinabi ng Teacher nila tumayo isa isa ang mga lalaki at habang bumubunot ang iba tahimik lang si Mikey.
Mikey: ( kausap ang isip niya ) Tiyak naman na hindi ako tutulungan ng mabubunot ko dahil wala naman akong kaibigan sa room na ito
Mayamaya lang ay si Corbin na ang tumayo para bumunot.
Corbin: ( Bumunot sa Box ng papel at inabot sa Teacher )
Teacher: ( Binuksan ang nakatuping papel at tinignan ) Okay Baron Corbin si Sasha Banks ang partner mo
Corbin: ( Bumalik na sa upuan niya )
Neville: Nice naman si Sasha Banks ang partner mo
Miz: Swerte mo naman tiyak ko naman na si Shana ang mabubunot ko diyan
Becky Lynch: Nice Sasha Banks mukhang ayos ang partner mo
Sasha Banks: Oo nga eh atleast kaibigan din natin ang kasama ko hindi ako mahihirapan
Tumayo naman si Neville at siya naman ang ang bumunot sa box.
Neville: ( Bumunot sa box at inabot sa Teacher ang nakatuping papel )
Teacher: ( Kinuha ang papel na nakatupi at tinignan ) Okay Adrian Neville ang partner mo ay si Becky Lynch
Neville: ( Bumalik na ito sa upuan niya )
Becky Lynch: ( Nakipag apir kay Neville ) Nice tayo ang partner
Neville: Buti na lang ikaw ang nabunot ko
Sasha Banks: Si Miz kaya sino ang mabubunot niya ?
Becky Lynch: Sana si Shana Michaela na lang para sabay sabay na lang tayong anim gumawa ng project
Miz: Tiyak naman yan na si Shana Michaela ang mabubunot ko
Corbin: Dapat naman talagang siya ang mabunot mo kasi pwede mong magamit yang pag gawa ng project para mapormahan mo siya
Neville: Oo nga mas madali mong pormahan yan kung kayo ang mag kasama sa project na ito
Miz: Ayan na nga ang naiisip ko kanina pa pano ako na ang bubunot
Tumayo na si Miz at siya naman ang bumunot sa box
Miz: ( Bumunot na sa box at inabot ang nakatuping papel sa Teacher )
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top