update

HELLO!

Thank you kung nandito ka ngayon para basahin itong announcement ko.

Kung napansin niyo po, sobra akong undecided sa magiging takbo ng story na ito. Nagpalit ako ng title from A MAN FOR MONICA to BORN FOR BRYAN dahil ayaw kong maging spoiler sa mga bagong readers ng DUS lalo na at love interest/second lead si Monica sa mga naunang installments.

Maliban pa ro'n, hindi rin ako naging masaya sa naging takbo nitong kuwento the past ten chapters. Ewan ko ba, pero totoo talaga sa akin yung nanlalaban yung characters ko kung minsan HAHAHA 😭 Nangyari na rin ito noon sa kuwento nina Mads at Denver. Si Darwin talaga ang nakaplanong maging endgame noong sinisimulan ko yung story, pero pumalag si Papi D kaya ayornnn. Hindi ko kayang magbingi-bingihan sa tunay na sinisigaw ng puso ko.

SORRY sa mga madi-disappoint sa gagawin ko. But I unpublished the last ten chapters of BFB and will be re-writing the story from Chapter 15.

I have been feeling stuck for a while because I know—deep in my heart—that I am not satisfied with the way things are going. This is not the path I want to take when it comes to BFB. This is not how I envision my characters. And definitely not how I want things to unfold.

Again, sorry sa mga nakabasa na ng last updates. I know that it is a lot pero kalimutan niyo na lang po sana yung mga nakaraang updates. Some parts and scenes will still remain but there will be HUGE changes, so I don't want anyone to be confused.

Please bear with me and give me some time. Hindi ko alam kung ipo-post ko ba ang updates regularly or isang bagsakan na lang, basta promise ko sa inyo na tatapusin ko ito. I will give Monica, Bryan, and Nami the story that I believe they deserve. Ayoko kayong bigyan ng story na ako mismo ay hindi ko lubusang gusto.

Salamat sa pag-intindi.

Pangako, babawi ako.

Wagas na pasasalamat, Hirayas! Mahal ko kayo.

- HIRA

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top