Romance is Important
𝐑𝐨𝐦𝐚𝐧𝐜𝐞 𝐢𝐬 𝐈𝐦𝐩𝐨𝐫𝐭𝐚𝐧𝐭
Lines na nag-resonate sa akin sa write up ni Miss Mina:
"𝑰𝒕'𝒔 𝒋𝒖𝒔𝒕 𝒂 𝒔𝒕𝒐𝒓𝒚, 𝒊𝒕'𝒔 𝒐𝒏𝒍𝒚 𝒇𝒊𝒄𝒕𝒊𝒐𝒏" 𝒚𝒆𝒔 - 𝒃𝒖𝒕 𝒊𝒕 𝒎𝒂𝒕𝒕𝒆𝒓𝒔 𝒕𝒐 𝒔𝒐𝒎𝒆𝒐𝒏𝒆.
Na-realize ko after magbasa na pwedeng tingnan sa ibang "light" ang romance. Hindi lang ito puro tungkol sa kilig at pagkakatuluyan ng dalawang character kundi nagbibigay rin ito ng comfort sa readers at sense of familiarity sa concept ng love sa mga tao.
Naisip ko rin na, oo nga, comfort story ko ang romance kapag nararamdaman kong hindi ko mahal ang sarili ko. At salamat sa romance stories dahil ito yung nagbibigay ng push para makaramdam ulit at magkaroon ng empathy sa love na nararanasan ng iba.
"𝑻𝒉𝒆 𝒕𝒊𝒎𝒆 𝒕𝒐 𝒃𝒆 𝒓𝒆𝒎𝒊𝒏𝒅𝒆𝒅 𝒕𝒉𝒂𝒕 𝒘𝒆 𝒂𝒓𝒆 𝒘𝒐𝒓𝒕𝒉𝒚 𝒐𝒇 𝒍𝒐𝒗𝒆 𝒊𝒔 𝒏𝒐𝒘."
Ito yung pinakatumatak sa akin. Medj naluluha nga ako kapag nababasa ko. Haha. Naisip ko na malaki pala yung role ng romance stories dahil para silang living reminder na, "Deserve mo rin ang love, girl. Read me. Lemme hug you."
Natutuhan ko rin na hindi lang romantic love ang message ng stories kundi yung concept na lahat tayo capable magmahal at deserve mahalin dahil lahat tayo may puso, may feelings and emotions. Iba-iba lang siguro ng atake, expression at depende sa needs natin sa current situation in life. Merong kailangan ng love sa family and friends at sa case ko, self-love.
Siguro simula ngayon hindi ko na titingnan yung romance stories bilang, "Buti pa sila may happy ending" or "Kahit feeling ko hindi ko deserve ang love, at least alam kong nag-e-exist pa rin yung positive emotions na ito sa iba" kasi ngayon . . . nakikita ko na yung hope na after ng happily-ever-after endings, mapapasabi na lang ako na, "Ah. Gusto ko rin ng love na gano'n. Habang wala pa si soul mate, mahalin ko muna sarili ko."
Thank you po sa pagsusulat ng write up na 'to, Miss Mina. 🥺💕
March 31, 2022 (Thursday)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top