Guilty Reads Academy
💕 Guilty Reads Academy
Written by: D. Lavigne
Eight months na ako/kaming "naka-enroll" sa Guilty Reads Academy ng co-writers ko ngayong July. May quotation marks sa "naka-enroll" part kasi binigay namin yung mga kaluluwa naming lahat para makapasok dito.
Charot . . . pero totoo 'yon. Sa akin half lang muna for installment. :>
💕 Ano ang Guilty Reads Academy?
Tbh, absent ako noong nagkaroon ng academy ang GR. Haha. De jk. Offline ako sa Discord that time kaya hindi ko alam. Basta tinuturing kong bahay yung server namin kasi kyoti. Pagka-online ko kinabukasan, naging academy na yung bahay. Tinanong ko si Ate Rayne kung anyare tapos tinawanan niya lang ako.
Nagtawanan lang kami sa chat. The end.
Guilty Reads Academy. Ito yung "online school" for aspiring writers na tinayo ni Ate Rayne noong tulog ako. Para itong writing group setting kung saan nag-uusap tungkol sa stories at nagpapalitan ng knowledge lahat ng members. Kaming GR authors yung students tapos si Ate Rayne yung teacher.
💕 Para saan ang Guilty Reads Academy? Anong nakukuha mo rito?
Maraming lessons na binibigay ang GR Academy na hindi ko inakala na nag-e-exist dati. Yeah, sure. Nandiyan si Google for writing tips at writing articles. Pero iba pa rin yung writing lessons na binibigay ni Ate Rayne sa amin dahil kasama ro'n yung experience niya mismo sa writing for years. Minsan may bonus tips pa para sa pagsusulat. Hihi. Saka isa pa, madali maintindihan yung lessons dahil hinihimay niya talaga yung topic para ma-gets namin. Kyot din ng examples niya madalas. Natatawa ako at the same time, natututo.
Ibang-iba 'to sa napasukan kong writing group dati na naglalatag lang ng articles at links tapos bahala na yung members kung babasahin nila 'yon o hindi. Masyadong stiff ang kaganapan kaya ang bigat-bigat pasanin ng lahat. Para akong sumali sa isang group para lang mapag-isa. Sa GR Academy, hindi gano'n. May kasama akong tatawa at iiyak: co-writers/classmates. Haha. Kapag nailatag na yung lessons, may tasks na naghihintay about sa topic at minsan may quiz din para makita kung naintindihan talaga namin yung tinuturo.
Pwede ring magtanong gaano man kaliit yung concerns dahil sabi nga ni Ate Rayne, sa GR walang stupid questions. Allowed magkamali. Hindi rin naman ine-expect na alam namin lahat ng mga bagay-bagay. Forever work in progress kami at goal ng GR na maging parte ng growth namin sa journey. Mula sa maliit na bagay hanggang sa komplikadong part ng writing, sinisikap ng GR Academy na makapag-provide ng sagot para doon.
Bukod sa writing, safe space ang binibigay ng GR sa akin/amin kung saan pwede naming ipakita kung sino kami nang walang judgement na matatanggap kundi acceptance. Hindi lang co-writers, classmates, at teacher ang nakuha ko sa GR, nabigyan din ako ng pagkakataon para magkaroon ng bagong mga kaibigan at pamilya.
Yung isa pang gusto ko sa GR Academy, hindi lang yung writer self namin ang dapat mag-grow sa process kundi kami rin mismo bilang tao. Hindi lang puro sulat at pag-aaral tungkol sa pagsusulat ang ginagawa namin kundi yung pagkilala rin sa sarili. Thankful ako kay Ate Rayne dahil dito. Sobra.
Nasabi ko na 'to dati pero babanggitin ko ulit, sa GR ko nahanap yung version ng sarili ko na gusto ko i-maintain hanggang pagtanda. Maraming salamat po. 🥺
💕 Bakit ka napilitan mag-stay?
Grabe po sa napilitan. I'm sad. :<
Hindi po ako napilitan mag-stay. Choice ko mag-stay dahil naniniwala ako na yung mga taong kasama ko ngayon sa GR Academy yung "circle" na matagal ko nang hinahanap. Pagod na akong mag-isa sa writing journey. Natutuhan ko rin na hindi masayang maglakbay mag-isa at mahirap kapag dumating sa point na gusto mo nang sumuko tapos wala kang makapitan. Sa GR ko nahanap yung mga taong hindi ka bibitiwan at iaangat ka kapag binitiwan at binababa ka mismo ng sarili sa proseso. Siguro, kailangan ko lang din ng sampal at yakap; sampal para magising at maalala kung bakit ako nandito at yakap para maramdaman na hindi ako nag-iisa at magiging maayos din ang lahat.
💕 Ano ang favorite lesson?
Lesson 12: Triple P of Stories.
Ito yung lesson kung saan, in-introduce sa amin yung promise, progress, at payoff na dapat makita sa isang story. Favorite ko 'to kasi may part sa task na kailangan namin magbigay ng stories pero based sa real life yung isa. Challenging 'yon for me at na-excite ako gawin yung task. Haha.
Yay! Real life chika. xD
Dito ko napatunayan na nasa paligid lang talaga yung ideas at story materials. Kahit saan ka lumingon, may story na nagaganap. Ang kailangan ko na lang gawin ay mag-observe, matuto at mamili ng story na pasok sa panlasa ko bilang writer. Na-amaze ako na real life story yung dine-deconstruct ko noon at hindi fiction na dumaan na sa isa pang writer. Interesting. Unti-unti ko nang naiintindihan yung fiction writing. Nakaka-excite din magsulat. Tbh, dahil sa task na 'to lagi ko nang hinahanap yung triple p sa lahat ng stories na madaraanan ng mga mata ko. Kyot.
💕 Ano ang favorite na ginagawa?
Journaling!
Kapag may nakakatawa, nakakainis o nakakaiyak na experience ako sa buong araw, GR agad yung naiisip kong pagkuwentuhan nito. Masaya at thankful ako kasi ang kyot na may space ako sa GR Academy para latagan ng thoughts, gaano man 'yon ka-destructive minsan. Favorite ko 'to kasi pagkatapos ko mag-journal, ang gaan na lagi ng pakiramdam ko kasi nai-chismis ko na yung gumugulo sa utak ko. Bukas ulet. 🤭
Every time na nag-jo-journal ako, lagi kong iniisip na yung confession room ang kuwarto ko sa bahay (Oo, bahay pa rin yung GR for me kahit academy na yung name haha). Ang dating sa akin nito, pagkatapos lagi ng nakakapagod na araw, sa GR ako uuwi para magpahinga.
💕 Ano ang pinakaayaw na lesson?
Wala po. Saka hindi naman pinakaayaw. Siguro ako lang din talaga yung may problema kasi umaatake pa rin madalas yung takot ko sa blank page kapag magsusulat na ng scenes for task. Na-o-overwhelm ako na hindi ko malaman. Huhu. Pinakanahihirapan na lang yung term na gagamitin ko. Yung info dump lesson?
Kasi noong binasa ko yung sample stories, tumigil yung utak ko. Parang wala akong naintindihan o may naintindihan ako sa binasa pero hindi ko matukoy kung alin doon yung papansinin ko. Hahaha. Nalunod ako for days tapos saka ko binalikan yung lesson. Tapos hanggang ngayon, wala pa rin akong naipapasa para dito kahit Task 9 siya. Amen.
💕 Ano ang pinakaayaw na ginagawa?
Hindi po ulit pinakaayaw. Siguro least favorite na lang sa ngayon. Scrum. :<
Dati excited ako rito sa scrum pero lagi akong hindi makasali dahil sa mabagal na internet. So, hindi na ako gaanong excited para dito kasi hindi ko sure kung makakasali ba ako o hindi. Nalulungkot lang ako lagi kapag may schedule na ulit ng scrum. Napapabuntonghininga. Haha. Minsan, natutulog na lang ako kapag ayaw talaga ako pasalihin sa call ng universe. Hindi naman masakit. Huhu. Tapos gigising ako na parang walang nangyaring scrum kagabi pero nangingiti ako kapag binabasa yung minutes pagkagising.
Tbh, naiinggit ako na nagkakausap silang lahat tapos wala akong magawa. Sad life. So ito yung least favorite ko kasi masakit sa heart. Amsarreh. 💔
Habang sinusulat ko 'tong write up, iniisip ko kung makakasali ba ako sa scrum namin today. Baka hindi ulit ako makapasok sa call so . . . Buntonghininga ulit. I want chika. :<
Live update (July 11, 2021 - 10:26 PM): Nakasali ako tonight sa scrum pero team typing pa rin pero at least naririnig ko yung boses nila. Haha. I'm happy. 🥺
💕 Random chika sa Guilty Reads Academy.
Hmm. Siguro ie-end ko na lang yung write up dito sa random chika. Dahil hindi naman 24/7 yung drive at passion ko sa writing, maraming days na tinatamad ako kumilos so ang ginagawa ko, kinukulit ko sa chat yung co-writers o kaya si Ate Rayne. I want chismis. Dito na lang yata ako bumabawi kasi hindi ko alam ang nangyayari madalas sa scrum. Haha.
Ang kyot lang ma-witness na hindi lang pala ako yung tinatamad kundi sila rin. Hahaha. Sabay tayong tamarin ang peg. Meron pa ngang araw na yung mga kausap kong co-writer, (itatago ko na lang sila sa pangalang Kambal at Nit) nasa klase pala at webinar. Dahil supportive akong co-writer, chinichika ko pa rin sila at sinasabihan ng "very good". Kulang na lang ako na magbigay ng grade dahil sa akin sila nag-a-attendance. Hahaha. De ang boring daw kasi. Naa-appreciate ko yung paglalaan din ng time para kausapin ako kahit bawal. Iniisip ko lang talaga kung hanggang saan ba ang limit ng pagiging kunsintidor? Char. Ang sarap sa feeling na may kasama sa kalokohan. Ite-treasure ko palagi yung ganitong moment. Thank you. 💕
Dito ko nakita yung buhay ng writers malayo sa blank page. Sa GR Academy, hindi intense lagi yung vibe papunta sa goal. Hindi laging umiikot ang mundo namin sa pagsusulat kasi tao rin kami. May buhay kami sa labas ng pagsusulat na madalas humaharang sa kagustuhan namin na makapagsulat. Laging dadalaw yung pagod pero hindi dahil sa GR kundi pagod sa takbo ng buhay. Nauubos din kami at gusto na lang humilata sa buong araw.
Ah, ewan. Minsan, mabigat lang talaga isuot ang writing hat.
Maraming down moments, celebrations, o araw na gusto mo na lang magtago sa mundo at hindi kumausap ng mga tao. Okay lang 'yon. Allowed ang alone time at pag-prioritize ng mental health. Basta ang lagi lang sinasabi ni Ate Rayne, nandito lang ang GR na handang sumabay, maghintay, at umintindi sa sitwasyon. Nakakagaan ng loob yung alam mo na may handang sumalo sa 'yo kapag ginusto mo na lang mahulog . . .
Hmm.
Quota na ako sa word count para sa write up na 'to kaya hanggang dito na lang muna (Marami pa akong backlogs! Amen. 😆🤧). Isa na naman 'to sa write ups na hinarap ko yung takot sa blank page through word vomit. Gusto ko 'to i-celebrate ngayon kaya yehey! Congrats, self. Buzzer beater ka na naman. 🥳
Also, happy eight months sa atin, Guilty Reads Family! Salamat po sa pagkupkop sa chismosang gaya ko. 🤭
End of random chika (part 1 of 999999999999999999999). Charot. 👀
+++
#GuiltyReads
#DiditWrites
#DRoadForImprovement
+++
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top