Five Things That I Love About My Writing
Portal papunta sa Part 1:
Part 2:
💕 Five Things That I Love About My Writing
💕 1. Masinop ako magsulat.
Jejemon talaga ako mag-type dati pero simula noong naging writer na ako, kinamuhian ko na ang typos.
Siguro dahil 'to sa natanggap kong "feedback" noon para sa isasabak kong entry sa isang writing contest. Seryoso akong nag-aabang ng comment dahil tiwala ako sa judgement ni *censored* at lumagapak lahat ng natitira kong tiwala sa kanya noong binitiwan niya ang kaisa-isang "feedback" para sa pinaghirapan kong story.
"May typo ka."
Okay? So, may typo. Anong next? Anong need ayusin sa story?
Kaso iniwan niya ako pagkatapos niyan, besh! I mean, wala na siyang sinabi bukod doon. Tahimik na. Yung pinoproblema ko tuloy na content, natabunan ng OCness sa paraan ko ng pagsusulat. Myghad.
Dito na nga nag-exist ang OC na si Didit. Amen.
Naisip ko, baka nawalan siya ng gana magbasa at magbigay ng comment kasi may typo. At nakakainis na ino-overthink ko pa ito nang todo noon. Haha. Wapakels naman pala siya sa growth ko bilang writer. I'm sad. Ang nakuha ko lang sa munting experience na ito, OC na ako sa pagta-type hanggang ngayon. Formal o informal conversation man, ganito na ako mag-type at gusto ko ‘to para mukha akong matino kausap. Haha. Emojis na lang ang tumutulong sa akin para i-express ang mga kwan. 😆
Maliit na bagay ito kung tutuusin pero malaking tulong ang formal writing everyday lalo na kapag nagra-rush ng paperworks. Bihira ako makakita ng typos kapag proofreading na ng sariling gawa. Minsan nga, hindi ko na chine-check dahil may tiwala ako sa sarili lalo na sa part na ‘to. Hindi rin halata na minadali ko ang mga bagay-bagay kasi kahit paano malinis tingnan. Hehe.
Alam ko na hindi gano'n kasinop ang pagsusulat ko lalo kung technical ang pag-uusapan. Pero sinisikap ko na kung ipapabasa ko man lahat ng gawa sa ibang pares ng mga mata, gusto kong presentable 'yon at makikita na inalagaan kahit paano yung pagtipa ng bawat salita. Naniniwala ako na isa 'to sa dapat kong matutuhan bilang isang manunulat. Nagsisimula ang lahat sa pagseseryoso ng mga maliliit na bagay na kapag tumagal, pwede ring maging repleksiyon kung anong klase ng tao ako.
Inis pa rin ako kay *censored* at hindi na ako lumapit ulit para magpa-story review. May GR pips na kasi na pwede ko makulit anytime at hindi lang tungkol sa typos ang papansinin sa gawa ko. Huhu.
💕 2. Seryoso ako magsulat kahit madalas na joker ako.
Nakakatuwa na sa tuwing nagsusulat ako, parang ito na yung pinakamahalagang bagay na magagawa ko sa oras ko sa mundo. Ako at ang blank page lang sa umpisa pero kapag pinabasa ko na 'to sa public, ibig sabihin lang n'on seryoso talaga ako sa pagiging isang manunulat. Ready na ako ipakilala ang sarili sa ibang tao. Ready na akong i-share ang thoughts ko sa maraming bagay. At ready na akong tanggapin yung responsibility na kasama ng kalayaan sa pagkakaroon ng boses sa papel.
Gusto ko na seryoso akong writer pero joker din. Kasi gano'n ako. Na kahit hobby ko na yata ang magbiro, sa oras na pinaharap ako sa blank page, kaya ko ring magsulat ng medyo may sense na bagay. Kaya kong maging matino kausap. Hindi na rin mawawala syempre yung pambubwisit doon.
Kaya hindi rin maiwasang sabihin sa akin ng iba na parang hindi raw ako yung nagsulat ng mga gawa ko. Para daw hindi ako. Pero, bruh. Ako 'yan. Dalawa lang naman 'yan kaya ganyan ang opinyon. Una, kilala nila ako sa personal bilang tahimik na tao at maraming iniisip lagi kaya hindi alam ang boses at takbo ng utak. Pangalawa, hindi pa nila nami-meet ang writer version ko na laging tmi. Ang point ko lang, baka hindi pa nila ako gano'n kakilala at hindi basehan ang taon ng pinagsamahan sa usaping ito. Pwede ring hindi naman sila interesado na kilalanin ako nang lubos.
Nito lang ako naging writer at maraming nagbago sa akin. Ngayong umuusad ang panahon at nag-e-evolve ang iba, syempre kasama ako sa nag-go-grow. Hindi na ako yung tahimik na tao na walang boses sa real world kasi may boses na ako ngayon sa pagsusulat. Pero yeah. Tamad pa rin ako magsalita.
Gustong-gusto ko yung change ng vibe kapag writer mode na ako: from bwisit to serious. From Didit to D. Lavigne. Gusto ko rin na masyado kong sineryoso 'tong write up kaya ang dami na agad ng word count kahit nasa number two pa lang. Whew.
💕 3. Natatawa at natututo ako madalas sa mga sinusulat ko.
Kahit nakaka-frustrate 'tong write up, pagka-post nito siguradong tatawanan ko ang sarili: bago, habang, at pagkatapos pasadahan ulit ng basa yung buo. Tingnan mo nga, isa lang pinapapasa ni Ate Rayne pero gumawa pa ako ng part 1 and part 2. Kahit maikli lang sana yung write up okay na pero inabot na ako ng siyam-siyam sa pagta-type.
Halos lahat din ng natapos kong blogs noon, tinatawanan ko pa rin sa tuwing binabalikan kapag bored. Nakakatawa pero lagi akong may realization sa dulo. Laging may hidden message for me na pagbutihin palagi sa mga susunod pang write up para i-immortalize yung buhay ng kasalukuyang kapitan. Ang maiiwan siguro ng version ko ngayon para sa future Didit na magbabasa nito ay ito:
Hindi kailangan na laging perfect yung write up. Ang kailangan ko lang ay magpakatotoo sa sarili.
Tbh, alam kong may igaganda pa itong pagkakasulat ng write up pero sa estado ng nagsusulat na kapitan ng barko, ito na yung 100% niya para sa araw na 'to. Iyon naman ang mahalaga, gawin ang best palagi para walang regret. Mas maigi 'yon kaysa sa non-existent write up na maganda nga kung iisipin pero hindi naman mababasa kahit kailan dahil natatakot palaging simulan.
💕 4. I'm passionate.
Madalas sabihin ng support system ko noon na passionate daw ako magsulat. Daw. Nilagay ko 'to kasi bukod dito, may isa pa akong gusto sa sarili pagdating sa pagsusulat.
💕 4.1 Uto-uto akong writer.
Kung hindi ako passionate at uto-uto, wala ako rito ngayon. Gusto ko na binubuhos ko palagi yung 100% ko sa mga pinapasulat. Ayoko na kasi ng dagdag na regrets sa life. Utang na loob. Kaya sa tuwing haharap ako sa blank page at ramdam ko sa sarili na wala ako sa wisyo magsulat, ita-try ko muna pero kapag hindi ko naman isinasapuso lahat ng salita na tinitipa ko, 'wag na lang. Balik ako mamaya o bukas.
Itong February write up, ngayon ko lang yata naharap na walang timer para ma-obliga akong magsulat. Kusa ko na itong binabalikan para magkuwento ng mga bagay na gusto ko sa sarili. Magandang simula ito para sa journey ko sa self-love. Natututo na akong piliin na rin sa wakas ang sarili ko.
Gusto ko na passionate ako sa pagsusulat mula noon hanggang ngayon. Gusto kong inaangkin ko nang buong-buo yung espasyo na para sa akin. Gusto ko na sa bawat galaw ko bilang manunulat, hindi ko pinapatay yung apoy sa loob ko na dahilan kung bakit mahigpit pa rin yung kapit ko sa sariling panulat.
💕 5. Hindi ko kayang magsinungaling sa blank page.
Didit's February Write Up Journey:
Gusto ko na sana i-skip 'tong February write up pero sabi ni Ate Rayne hindi pwede. Kailangan kong harapin yung takot sa blank page. Kailangan kong i-post 'to rito sa author page bago umusad sa iba pang gawain. Yun nga lang, hindi na lang kasi blank page ang naging kalaban ko sa pagsusulat nito kundi pati na ang sarili.
Hindi ko matanggap na sa umpisa pa lang ng write up, hindi ko na talaga mahal yung sarili ko. Kukumbinsihin ko lang din naman na mahal ko "yata" o mahal ko "na" ang sarili habang nagsusulat. Ito ay dahil kailangan 'to sa GR task at hindi dahil sa naisip kong maglista ng ganito kasi love month, o gusto ko na pagtuonan ng pansin ang self-love nang kusang-loob.
Real talk, maiisip ko nga bang magsulat ng ganito kung hindi ginawang required ni Ate Rayne? Siguro, oo. Pero hindi ngayon. Baka hindi rin.
Ramdam ko rin kasi na pagka-post nito sa page, mga ilang minuto lang siguro akong masaya at mahal ang sarili, o hanggang sa mga susunod na araw tapos babalik na ulit ako sa, "Ugh. I hate myself!" phase na parang wala akong sinulat na things that I love about myself nitong nakaraan.
Didit, blank page na lang ang meron ka para magsabi ng totoo. 'Wag mo naman lokohin ang sarili mo.
Nag-decide ako na hindi muna magsusulat nito hangga't hindi nararamdaman na mahal ko nga ba ang sarili ko. Hindi para sa task. Hindi dahil required at omg deadline na. Gusto ko maramdaman kahit katiting na pagmamahal para ipagpatuloy 'to. Ayokong napipilitan lang ako isulat 'to lahat. :(
Kaya ito, yung February write up ko, inabot na ng May. Na-frustrate ako lalo kasi yung nadi-discover kong 5 things that I love about myself at sa writing ko, natatabunan ng maraming negative qualities at sinisigaw na, "Meh. Mahal mo nga raw kuno ang sarili mo, talk shit ka pa rin naman sa deadline! Talk shit. Talk shit. Love mo yung ganyang consistency? Meh. Liar."
Hindi ko alam kung nakailang draft na ako rito sa write up, kung ilang beses na ako naiyak at nainis sa sarili, at kung ilang beses ko na sinukuan yung blank page at tumingin na lang sa kawalan. Ayoko na ipasa 'to sa totoo lang.
Lipas na ang love month. Hindi ko naman sinasabuhay ang self-love every day. Kumikilos na lang ba ako kasi required 'to at hindi para sa self-discovery? Napapatigil ako sa pagta-type ng harsh inner critic ko. Siya lagi yung nananalo. Ayoko na talaga.
Paano kung matagal nang hindi mahal ang sarili? Paano kung mas nangingibabaw ang hate kaysa love? Paano ko paniniwalaan na from "I hate myself! Sagad!" at ganyan sa nagdaang mga taon, biglang magiging "Charaaan~ I love myself na pala!" dahil lang sa isang write up?
Ito yung frustration ko. Hindi naman kailangan na mahal agad nang buong-buo. Ang concern ko lang ay napipilitan ba ako mahalin ang sarili ngayon dahil kailangan na?
Noong tinanong ako ni ate kung mahal ko raw ba ang sarili ko, ang naging sagot ko ay, "Minsan po." at hindi buong "Opo."
50-50
Nakatingin ako sa 50% na hindi ko mahal ang sarili.
Nakatingin si Ate Rayne sa 50% na mahal ko ang sarili.
Nag-usap kami tungkol dito. Nagkaroon ako ng drive na ipagpatuloy ulit ang pagsusulat. Yun nga lang na-disappoint siya. Hindi pa rin ako tapos sa write up. Hindi ko na naman mahal ang sarili ko pagkatapos namin mag-usap pagkalipas ng ilang araw.
Disappointed din ako sa sarili ko. Doble o triple pa nga. Ayan na naman si harsh inner critic na may dinagdag sa listahan niya. May love and hate battle ulit kami.
Love-hate:
50-50
40-60
30-70
🥺
20-80
10-90
0-100
💔
Hanggang sa hindi ko na alam ang nangyayari at bigla na lang akong nag-shut down.
I. Hate. Myself.
Sigh. Nandamay ka pa, Didit. Sana nanahimik ka na lang.
.
.
.
Matapos humimlay ng ilang buwan, ito ako ulit at nagsusulat nitong February write up. Nakangiti ako ngayon kasi ramdam ko na yung katiting na pagmamahal na hinahanap ko last last month. Nagsusulat pa rin ako kasi gusto ko 'tong ginagawa ko. Hindi ako napipilitan.
Ang mali sa mindset ko noon ay hindi ko tinitingnan yung kahalagahan nitong write up na para naman sa akin. At hindi ko dapat tinuring na "write up lang" ito na babasag sa hate kundi "isang write up" na magiging stepping stone ko for self-love.
Hindi na mahalaga yung, "Paano kung wala itong write up, magsusulat ba ako nito?" kasi nandito na. Hindi ko na dapat in-overthink yung ibang posibilidad at nag-focus na lang sana sa "ngayon".
At sa oras na nababasa na 'to ng ibang tao, ibig sabihin lang nito ay sure na ako na mas mataas na yung percentage ng love kaysa hate ko sa sarili. Ready na ako i-share ang truth kong ito sa iba.
I'm proud of myself. 💕
Gusto kong i-immortalize itong version ko na hirap na hirap mahalin ang sarili. Gusto ko rin na sa bawat pag-publish ko ng post, naiiwan doon yung piraso ng pagkatao ko na pwedeng magbago o manatili sa susunod kong paglalabas ng content.
Hindi natatapos sa listahan na ito yung mga bagay na gusto ko sa sarili at sa pagsusulat. Tbh, ngayong tina-type ko na 'tong dulo ng write up, gusto ko pa magdagdag kahit ang haba-haba na nito.
Isa pa sa realization ko sa pagsusulat nitong write up: Masyado na akong nagbuhos ng time and energy sa iba at oras na para ako naman ang makatanggap ng gano'n galing sa sarili. Baka ito rin ang dahilan kung bakit hirap ako sa self-love, wala na kasing natira para sa akin dahil laging para sa iba yung atensyon ko.
Gusto kong matutuhan na mahalin at pahalagahan ang sarili, higit sa pagkatuto na mahalin at pahalagahan ang iba.
Kaya naman . . .
Sarili ko muna kahit ngayon lang. Oops. Mali. Sarili ko muna simula ngayon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top