Book Writing Talk 07: "D Guilty Fam"

Book Writing Talk 07: "D Guilty Fam"

By D. Lavigne

Kung napabilang ka sa isang community, may responsibilidad kang makialam sa bawat taong kasama mo sa loob. Isa ito sa mga natutuhan ko sa mga pinagdaanan ng Guilty Reads Family nitong mga nagdaang buwan.

Required kang makibalita sa buhay ng iba.

Responsibilidad mong makialam may magsabi man sa'yo nito o wala. Responsibilidad mong mangumusta paminsan-minsan. Responsibilidad mong papasukin o isama sa buhay mo ang iba't ibang klase ng tao sa ayaw o sa gusto mo.

Responsibilidad. Responsibilidad. Responsibilidad.

Alam mo ang meaning ng salita pero hindi mo kayang harapin at gampanan minsan.

Nakakatakot umako ng responsibilidad lalo na kung puno na ang mga kamay mo dahil sa iba pang bagay. Nakakatakot lalo na kung nagdadalawang-isip ka kung kaya mo nga ba o hindi. Sasabihin mong, "oo, gagawin ko" pero wala ka namang maipakitang output. Nagpang-abot na yung deadlines ng mga nakaraang buwan at ngayon. Hindi na naman makapagsulat kaya nakatengga pa rin ang manuscripts.

Ano nga bang problema?

May naganap ulit na h to h talk sa GR community. Pero this time, hindi sa pagitan naming writers at beta readers kundi sa aming mga writers at ni Ate Rayne. Tinigil namin lahat ng ginagawa namin para mag-usap sa naka-set na date at time kahit sandali lang.

Wala munang joke time.

Doon namin nalaman lahat ng dinaramdam ng bawat isa, kung bakit nagpapatuloy pa rin kami kahit mahirap, kung anong meron sa buhay ng isa, pareho pa rin ba kami ng goals hanggang sa mga oras na iyon, may paki pa ba kami sa GR community o puro empty promises na lang ang sinasabi namin para makumbinsi ang mga sarili at ang iba na okay lang ang lahat, at kung naaalala pa ba namin yung dahilan kung bakit kami magkakasama hanggang ngayon.

Mabigat ang pakiramdam ng lahat sa Ehe gc noon. Kahit hindi kami magkakasama physically, malamang may mga naluha o umiyak habang nagtatype ng bawat replies. Sa mismong oras na 'yon, para kaming sumabog dahil sa kanya-kanyang frustrations sa buhay at sa sarili.

Lahat kami guilty.

Halos lahat naman ng community, dumaraan sa ganito. Pero kahit gaano man ka-normal ang nalalapit na pagkawasak ng isang community at mismong mga miyembro nito, nakakatakot kapag nasa harap mo na at nakikita mong unti-unti na itong gumuguho.

Wala kang maisip na gawin.

Hindi ka makakilos.

Nakakadurog ng puso.

Dahil sa naganap na pag-uusap na 'yon, may mga bago akong natutuhan tungkol sa mga dapat tandaan at gawin para ma-i-save kahit paano ang kinabibilangang community sa nalalapit nitong pagkawasak.

Responsibilidad mong silipin ang buhay at paghihirap ng iba sa kabila ng pagpapatakbo mo sa sariling buhay at pag-aalala sa sariling sitwasyon.

Responsibilidad mong tumulong sa mga nilalamon ng lungkot at takot pero may responsibilidad ka ring ipaalam sa grupo na may iniinda ka ring lungkot at takot sa sarili mo. Hindi laging alam ng lahat kung ano nga bang meron.

At ang pinakamahalaga sa lahat, dapat mo munang tulungan at ayusin ang sarili mo bago mo asahang magagawa mong tulungan at ayusin ang iba.

Kaunting baling mo ng atensyon sa kanan, mapapabayaan mo na yung ibang tao sa pag-iisip lang ng sarili mong kapakanan. At kaunting baling mo sa kaliwa, mapapabayaan mo naman ang sarili mo dahil sa pag-aalala sa iba.

Masakit sa ulo. Nakakaiyak. Nakakaubos ng lakas. At nakakasira ng katinuan.

25%

Ilang buwan na akong stuck sa 25% ng manuscript ko. Tumaas siya nang konti sa 30% hanggang 35%. Pero minsan joke lang yun kaya babalik ako sa 25%. Nakakaloko.

Sa ngayon, masasabi ko na kaya ko na ulit magsulat. Patunay ang tatlong blogs (5, 6 at 7) na natapos ko na rin isulat (sa wakas) makalipas ang dalawa o tatlong buwang pagdadagdag ng sentences sa kanya-kanyang document.

Hindi kagaya nitong nakaraang buwan, hindi na ako natatakot harapin yung green document ng IS. Pagkatapos kasi ng umm... "pag-ayos" ko sa sarili at sa perspektibo ko sa mundo, mas naging malaya ang isip ko sa mga posibilidad na pwedeng tahakin ng kwento. Guide lang yung pinaghirapan namin ng beta readers at hindi isang permanenteng mapa.

Kakaunti pa lang ulit ang tinta ng ballpen ko ngayon kaya hahayaan kong ito ang maging pinakamaikling blog ko rito pansamantala. At alam kong hindi rito magtatapos ang pagsusulat ko.

Naghihintay sa akin sina Lian May, Jun at ang tropa.

Magbabayad pa ako ng utang na update sa beta readers.

Magkasundo na ulit kami ng IS at excited na akong tapusin siya (for real) hindi lang para sa akin kundi para sa GR community na mahalaga kay Ate Rayne.

Masyado nang maraming nangyari at nasayang na oras. Masyado na ring marami yung deadlines na hindi nasunod. Maraming mga pangako at plano na ang hindi natupad. Malayo pa rin ang finish line. Hindi laging masaya ang pagsusulat. Marami pang darating na pagsubok. Pero natutuwa ako kasi hanggang ngayon nandito pa rin kami. Ibig sabihin, nakaya namin at kakayanin pa ulit.

Saan na nga ba papunta ang GR?

Magkaiba-iba man kami ng diskarte sa pag-abot ng goal at hindi man magkasabay-sabay ng pagtapos ng kanya-kanyang kwento, basta may oras pa, isa lang naman ang patutunguhan namin.

Saan? Seriously, tinatanong pa ba 'yan?

E 'di sa finish line. :>


August 18, 2018


#GuiltyReads

#DiditWrites

#DRoadForImprovement

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top