Ako'y Tutula Writing Journey

Ako'y Tutula Writing Journey

Year 2015, naisipan kong gumawa ng ambisyosang book cover para sa first poem collection ko. Model ko si Hatsune Miku habang hawak niya ang isang notebook/book ng Ako'y Tutula. Endorser lang ang peg. Haha. Doon ko na-realize na bago ko pa man maisulat ang unang tula ng koleksiyon, pinangarap ko nang magiging libro ito balang araw.

Isa lang ang reader ko noon. Almost everyday ang update at excited ako i-post yung new poems. Alam ko kasi na may isang nag-aabang sa natapos ko. Hindi ako nagsusulat lang para sa wala. Siya si Ate N na idol ko rin. Ang totoo niyan, siya talaga yung naging inspirasyon ko kung bakit nag-attempt akong gumawa ng poem collection. (Thank you, Ate N! 💕)

Nagpatuloy lang yung routine namin na salitan ng pagbabasa at pagko-comment sa poem collection ng isa't isa. Nagpatuloy yung masasayang araw na tumutula kami para sa bayan, tungkol sa paligid, sa kung ano ang nararamdaman namin sa kasalukuyan, at marami pa. Nagpatuloy kami sa masayang mundo ng pagsusulat. Nagpatuloy kami kahit medyo ang hirap na isingit sa schedule yung pagsusulat paminsan-minsan. Hanggang sa umabot kami sa puntong natutuhan naming magpatuloy pa rin . . . kahit tuldok ng pag-asa na lang ang kinakapitan namin para makapagsulat.

Naubusan ng tinta yung mga panulat namin. Nahinto kami sa pagsusulat dahil wala nang dumadalaw na mga salita.

Naging busy kami pareho. Naging madalang na rin yung usapan tuwing gabi hanggang sa natigil na lahat. Noong nawala na yung kaisa-isang reader ko, nagsimula na rin akong iwan ang Wattpad.

Ilang buwan ang lumipas bago ko naisipan na bumalik. Umaasa ako na baka bumalik na rin si Ate N. Pero wala, e. Pagkabukas ko ng account, may good news at bad news. Good news: Nadagdagan ako ng 4 readers. Bad news: Lahat sila nagre-request na kokopyahin yung mga tula ko para maipasa nila iyon bilang assignment for school. Rush. Yung isa, namimilit pa.

Magkakaibang month nila 'yon sinend. Late ko na nakita lahat. At nakakalungkot na wala ako ni isang nahabol o natanong kung ginamit niya ba yung tula ko para sa sariling grade o hindi. Pero sa totoo lang, hindi ko alam yung ire-react sa gano'n. Kahit hanggang ngayon. Natakot ako nang sobra dahil dito. Malamang tatanggalin yung pen name ko ro'n. Napakadaling i-delete o tapalan ng bagong pangalan para mag-iba kunwari yung nagsulat. Instant assignment. Instant grade. Instant poem written (?) / copied by new author.

Ang pinakamasakit sa experience na 'to ay yung part na hindi ko alam kung kanino ako lalapit para maisalba yung mga tula ko. Besh, wala naman akong solid followers gaya ng iba na mahihingian ko sana ng tulong sa ganitong pagkakataon. Wala akong kilalang ibang writers na pwede ko mahingian ng pabor sa issue ko. Mas lalong wala akong nasalihan na writing group bilang sandalan sana. Mag-isa lang ako. Hindi alam ang gagawin kasi hindi magsink in sa akin yung nangyari. Bago lang ako sa platform at nagsusulat lang for fun. Nagsusulat para sa isang tao. Nakakaloko na ganito yung bumungad sa writing journey ko. At aaminin ko na hanggang ngayon, buhay pa rin yung kaba at pag-aalala sa puso ko para sa lahat ng sinusulat ko.

Si Ate N lang yung kilala ko na alam kong mage-gets ang hinanakit ko sa sitwasyon namin ng mga tula ko. Si Ate N na hindi iisipin na ang OA ko para magpanic e "tula lang" naman yung hinihingi. "Tula lang" daw na para bang okay lang na kalimutan lahat ng ginugol na panahon sa pagsusulat. Na para bang okay lang na ipamigay yung sariling pananaw, kuwento, pagkatao, puso, kaluluwa, pangarap, at alaala sa iba kasi kailangan na kailangan nila? Na para bang okay lang hayaan ang karapatan ko sa pinaghirapang mga obra.

Nawala na rin yung mga kilala kong dummy friends na maaasahan ko sana noong panahong 'yon. Ang pangit lang talaga ng timing kasi inactive na sila lahat. Ang ending, umiyak na lang ako habang paulit-ulit na binabasa yung natanggap kong messages. Wala. Akong. Nagawa.

Akala ko, makakabalik na ako sa pagsusulat pero dahil sa nangyari, tuluyan ko nang binitiwan yung hawak kong panulat. Nagdesisyon akong isarado na yung libro ng Ako'y Tutula.

Fast forward. Buo pa rin ang loob ko na i-publish ang poem collection sa kabila ng nangyari. Hindi man ako nagsusulat online, tinutuloy ko pa rin yung plano para magkaroon ng personal copy. Goal ko kasi na bigyan ito ng happy ending bilang isang published book. Pambawi lang sa bad experience. At least kapag printed na, may patunay na sa akin 'yon. Mas mararamdaman kong minsan sa buhay ko, meron din akong naisulat na isang libro.

Ang Ikaapat na Taon sa Pagtugma ng PluMakata: Bayanihan of The Poets 2018 [CALL FOR SUBMISSION]

"Sama-sama nating abutin ang ating mga pangarap!"

Myghad. Yung call for submission talaga ng PluMakata ang naging daan para madagdagan at matapos na yung Ako'y Tutula. Sila ang naging sagot sa lahat. Hahaha. Iyak-tawa akong sumali bitbit ang isang dosenang kaba sa dibdib. Pikit-mata akong naghanda at nagsend ng entry. Nakakakaba pero da best yung experience!!! 😍

"Kung ma-reject, e di reject."
"Kung makapasa, thank you very much!"
"Pero kung ma-reject talaga . . . Ipapa-print ko 'to sa computer shop sabay bind na parang thesis! Tapos!!!"

Hahahaha. Ang weird ko. Sorry na. Pero totoo 'yan. May naipon ako noon na pampa-print. ✌😆

Pero seryoso . . . thank you po, PluMakata Team sa pagtupad ng pangarap ko na ma-publish ang Ako'y Tutula. Noong na-receive ko yung email na pasado ako? Putek. Umiyak ako no'n!!! Pinaiyak n'yo ako. Hays. Noong dumating na dito sa bahay yung books? Putek ulit. Umiyak na naman ako. Nakakailan na kayo! Charot. Hahaha. Pero hindi gaya ng dating pag-iyak ko para sa poem collection, umiyak ako dahil sa sobrang saya. Kaya maraming maraming salamat po. 💕

Alam kong dapat maikli lang 'tong about sa book pero sabi n'yo po kasi magkuwento. So . . . Hahaha. Jk. Gusto ko lang din po i-share 'to para ipaalam na isa po ako sa mga manunula(t) na naisalba n'yo yung nalulunod na pangarap. Kaya po sana, magtagal pa nang mahabang panahon yung PluMakata para marami pang pintong mabuksan para sa ibang manunula(t). Habang buhay ko po itong ipagpapasalamat sa inyo. Salamat po kasi may nadagdag na namang makulay at masayang experience sa writing journey ko at dahil 'yon sa inyo. Hinding-hindi ako magsasawang magsabi ng "Thank you, PluMakata!"

(T^T)

Naalala ko, sinabi ni Ate Mhy na "minsan lang 'to" kaya dapat i-grab na ang opportunity. Kaya gusto kong gamitin yung chance na 'to para magpasalamat din sa mga bumili ng Ako'y Tutula. Sa mga nakisali sa "minsan lang 'to" moment ng buhay ko, thank you kasi inangat n'yo po talaga yung sumasadsad na confidence ko bilang writer. Salamat sa pagtupad ng pangarap ko na magkaroon ng reader na may copy ng book ko. First solo book ko ito kaya kilergz. Salamat sa pagbili. Salamat sa suporta. Salamat sa pag-iipon. Salamat sa hindi pagdadalawang-isip na isama kami ng libro ko sa budget n'yo. Huhu. Hinding-hindi ko rin kayo makakalimutang pasalamatan nang paulit-ulit. Sobrang naappreciate ko yung pag-acknowledge n'yo sa worth namin ng Ako'y Tutula. Na pwede rin pala kaming mailagay at maitabi sa book shelf kasama ng iba pang libro. Na kahit paano e deserving din kami na makatuloy sa tahanan n'yo. Kaya thank youuu. 💕

Plu, maraming salamat po talaga sa pagtulong sa akin para magkaroon kami ng happy ending ng Ako'y Tutula. Wala na akong masabi bukod sa salamat. Baka maumay ka na sa akin. Haha. Iiyak na lang siguro ulit ako? Charot.

Ayan. Tapos na akong magsulat. Oras na siguro para tuluyan nang isara ang kuwentong ito.

Thank you for reading.

The end. :)

- enelradengival/Darloine

August 6, 2020 (Thursday)

#BayanihanOTPClosing

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top