Last Chapter
Mabilis na pinunasan ko ang aking pisngi nang marinig ko ang pagtawag sa pangalan ko.
"Are you crying?" Jackross asked.
Humarap ako sa kaniya, "Hindi, ah!" tanggi ko.
"Napuweng lang ako. Anong ginagawa mo rito? Dapat naroon ka sa first love mo na fiancee mo na soon-to-be wife mo." bitter kong sabi na ikinatawa niya.
Sinimangutan ko siya. Tawanan ba naman ako.
"Tigilan mo nga ako." saway ko sa kaniya.
"I'm sorry," sincere at seryoso niyang sabi.
Hindi ko alam kung saan siya humihingi ng paumanhin.
"It's okay and I am okay." tugon ko.
Tumingin siya sa kalangitan.
"It's beautiful," wika niya,
Tumingin din ako sa tinitingnan niya.
"But you are more beautiful than the stars." dugtong niya na ikinalingon ko sa kaniya.
Napansin ko ang pagtitig niya sa mga mata ko. "Is that the real color of your eyes?" tanong niya,
"It is." pag-amin ko.
Napangiti siya, ngunit napansin kong dumako ang tingin niya sa kamay ko. Tiningnan ko naman ang kamay ko. Nakita ko ang pag-glow ng heart shape na nasa pulsuhan ko.
"Do you really not remember how you got that thing?" tanong niya bigla.
"Yeah," maikling sagot ko.
"Why are you so interested about this?" Tumingin ako sa kaniya. Sakto ring mayr'on siyang inaabot na isang box.
"Nothing. I am just curious." tugon niya sa sinabi ko.
Nang hindi ko kinukuha ang hawak niya. Lumapit siya sa akin. Kinuha niya ang kamay ko saka nilagay ito sa palad ko.
"What is this?" taas kilay na tanong ko.
"A gift. It's your birthday, right?" Natigilan ako sa sinabi niya. At napatingin sa kaniya.
Binigyan niya ako ng isang ngiti.
"Stop being so sweet to me. I am your ex-wife." saad ko habang binubuksan ang gift niya.
"Yes you are, but we are still friends." tugon niya.
Pagbukas ko ng box, isang butterfly necklace ang laman nito. Lihim akong ngumiti.
"But I don't want you to be my friend." ani ko habang nakatingin sa regalo niyang napakaganda.
Malungkot akong tumingin sa kaniya.
"I told you, hindi mo na ako kailangang bigyan ng gift. Alam mo namang isang gift lang ang gusto ko, e. 'di ba?" sambit ko,
Kumunot ang kaniyang noo.
Ibinaba ko ang hawak kong box. Habang ang isang kamay ko ay marahang hinawakan ang tinatago ko sa aking hita.
"Death is what I want." malungkot kong saad.
Tumulo ang aking luha.
Humakbang ako palayo sa kaniya.
"Jackross," sambit ko sa kaniyang pangalan.
"Ang deal at favor na ginawa ko ay hindi para mahulog ka sa akin. Hindi sa gusto kong mahalin mo ako. Hindi sa gusto kong bigyan mo ng chance ang kasal natin." tuloy ko.
"Kasi sa simula pa lang, may choice ako. I can leave you. I can signed those papers without creating a deal. Pero hindi ko iyon ginawa." Itinigil ko saglit ang pagsasalita ko.
"You know what, dapat ginawa ko na iyon, e. E, di sana, hindi ako nahulog sa iyo. Hindi sana ganito ang situation natin. Tigas mo, e. Talaga bang hindi mo ako sinubukang mahalin?" saad ko,
Tumawa ako nang mapakla. "Pero tama lang na hindi mo ako minahal." Binatawan ko ang regalo niya.
Marahan kong kinuha at nilabas ang baril ko saka tinutok sa kaniya.
"I am not just your wife or ex-wife, Jackross." pag-amin ko.
"Boss," Pareho kaming napalingon sa bagong dating na si Zart.
"Gacianna, put your gun down." utos niya sa akin.
Tinutukan ako ng baril ni Zart.
"Zart! Put the hell your gun down." silyak niya kay Zart.
Tutol pa sana si Zart pero ginawa niya pa rin ang inuutos ni Jackross.
Tumingin muli sa akin si Jackross. Marahan siyang humakbang palapit sa akin.
"Gacianna, put your gun down." mahina niyang ulit.
"I am your killer, Jackross." tuloy ko.
"I am Yra Gacianna Polarez, a hired killer and my target is you. I am hired to kill you. Ginamit ko ang kasal natin para mapalapit sa'yo." dagdag ko.
Napangiti ako, "Mayr'on akong isang buwan para patayin ka. At ang dahilan kung bakit gusto kong mapalapit sa'yo, ay para makakalap ako ng information tungkol sa iyo upang mahanap ko ang kahinaan mo."
Mahigpit akong napakapit sa hawak kong baril.
"But I stopped finding information about you. Then I realized all I want is to be with you, which is why I asked for a favor. Gusto kong sa huling araw na magkasama tayo, gusto kong maging memorable 'yon." mapait kong sabi.
"Frivo!" Napalingon ako sa dumating na Yra.
He's fiancee is here.
Kumapit siya kay Jackross. Agad naman siyang tinago sa likuran ni Jackross.
"Don't worry, wala akong balak patayin ang fiancee mo. Labas siya sa trabaho ko." wika ko,
Hindi lang sila ang narito. Maging ang ibang bisita ay nagsilabasan na rin.
"Gacianna," tawag sa akin ng ina ni Jackross.
Narinig ko rin ang pagtawag sa pangalan ko ni Sadler.
Umatras ako ng lumapit muli si Jackross sa kinaroroonan ko. Nakita kong pinigilan siya ni Yra.
"Stop this, Gacianna. Stop playing around. This is not a good joke, okay? Give me your gun." seryoso niyang sabi.
"I am not playing. Kailanman ay hindi ako nakipaglaro." mapakla kong sabi.
"But you know what, binigay mo ang gusto ko, kaya hindi mo na ako kailangang bigyan ng gift, e. Dahil ibinigay mo na ito sa akin." saad ko saka marahang ibinaba ang hawak kong baril.
"Gacianna, let's talk inside." pakiusap ni Yra.
Hindi ko siya pinansin. Tanging nakatingin lang ako kay Jackross.
"Kapag hindi kita pinatay ngayon, buhay ko ang kabayaran ng isang buhay na pinalaya ko." nakangiting pag-amin ko.
Buhay ko ang kapalit kapag naging failed ang mission ko. Bukod pa roon, mayr'ong nakakabit sa aking puso kung saan siya ang magbabawi ng buhay ko.
Ito ang dahilan kung bakit ako umuubo ng dugo at nahihirapang huminga. Ilang beses kong niligtas ang buhay ni Jackross ng hindi niya alam. Hindi lang kasi ako ang gustong pumatay sa kaniya. Hindi lang organization namin ang binayaran para patayin siya.
Ang hindi ko alam, ano bang mayr'on sa kaniya?
At ang pagsugat sa sarili ko ang gamot para bumalik ang paghinga ko. Meaning the chips I have in my heart detect that I am failing my job.
Falling in love with someone is forbidden too. Mahigpit na pinagbawal iyon sa aming mga hired killer. But you see, I failed.
"Thank you for giving me what I want." ani ko,
Pagkasabi ko sa mga katagang iyon, isang malakas na putok ng baril ang namayani sa lugar. Nabitawan ko ang hawak kong baril. Marahan akong tumingin sa dibdib ko. Mayr'on bumaon malapit sa puso ko ng bala.
Napabuga ako ng dugo.
Ang isang bala ay nadagdagan pa ng dalawa. Marahan akong napaluhod. Napangiti na lamang ako.
"Gacianna! Gacianna! Gacianna!" gising sa akin ni Serena.
Marahan akong tumingin sa kaniya.
"H-Hi," nginitian ko siya.
Hinawakan niya ang kamay ko.
"D-Don't c-cry," Inabot ko ang kaniyang pisngi saka marahang pinunasan ang kaniyang mga luha.
Umiling siya, "No! Please! Don't die, please!" pakiusap niya.
"Gacianna," Lumingon ako sa kaliwang direksiyon ko.
Napangiti ako kasi si Jackross 'yon.
"C-Congtras u-ulit. H-Huwag mo siyang s-sasaktan, ah." bilin ko,
Muli akong umubo ng dugo.
Tumingin ako sa kalangitan. Isang ngiti ang siyang pinakawalan ko habang dahan-dahang bumagsak ang mga mata ko kasabay nito ang pagbagsak ng aking luha.
I am finally free.
TheKnightQueen 🍀
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top