Epilogue


Jackross P.O.V

Pagkalabas ko mula sa kuwarto dumeritso ako sa isang mesa para kunin ang wine na nakita ko. Agad ko itong binuksan at tinungga ng isahan.

Pagkatapos ay marahas ko itong binato. Namayani ang pagkabasag nito, hindi pa ako nakuntento, nasuntok ko ang table. Nabasag ito sa lakas ng suntok ko.

I don't know what's happening to me.

Seeing her like that, seeing her tears, make my heart aches na hindi naman dapat. Alam kong hindi ko siya mahal, pero bakit ganito ang nararamdaman ko.

Nalilito ako.

Lalo na sa tuwing nakikita ko ang heart shape na nasa pulsuhan niya. Sa tuwing nakikita 'yon, tinutulak ako ng sarili ko sa kaniya.

I remembered the first time I met her. Unang araw niya sa bahay ko. Wala talaga akong choice ng araw na 'yon kun'di payagan siyang tumapak sa lugar ko. Sa lugar ko na walang puwedeng tumapak na kahit na sino. Tanging si Zart lamang ang hinahayaan kong naglabas-masok sa lungga ko dahil secretary ko siya at kanang kamay ko.

Dahil tanging puwede lang na tumapak sa bahay ko ay ang taong mahal ko, ang taong matagal kong hinahanap at hinihintay. Lahat nagsasabing patay na siya, but I doubt it. Kasi never kong nakita ang bangkay niya, and my heart tells me na buhay pa siya so I did not stop finding her.

Ang dahilan kung bakit ako pumayag na tumira siya sa bahay ko ay dahil sa deal namin ni mom. Hahayaan ay hindi niya ako pipigilan sa gusto if I let her enter in my house, and her a chance to know her dahil siya ang long-time fiancee ko.

Honestly, I am mad at her dahil pinagpipilitan niya ang bagay na 'yon, at mas lalo akong nagalit na magawa niya kaming maikasal sa legal na paraan.

Ang sinasabi niyang long time fiancee ko ay never kong nakita. Never nag-crossed ang landas namin, and I even don't know her name. Sinabi lang sa akin ni mom ang pangalan niya the time na lilipat na siya sa bahay ko.

The first time I heard her name. My heart beat fast, and that was a weird feeling for me. When I saw her, she caught my eye. I will not deny the fact na bigla akong natigilan nang makita ko siya personally.

She's the most beautiful woman I've seen in my whole life.

She was also surprised when I introduced myself as her husband. Even she doesn't know about our marriage. I want to push her away from me para mapabilis ang pirmahan sa annulment paper namin, but myself telling me not to do it.

But I still do it. I am determined to file an announcement para walang maging problem once I found my girl.

I am surprised when she offers me a deal. Medyo pabor ito sa akin dahil mayr'on din kaming one month agreement ni mom. Kaya pumayag ako,

Sa araw na lumilipas napapansin ko ang pagiging matigas ng ulo niya at pasaway niya. Ilang beses siyang umuuwi ng gabi, at lasing pa. Ilang beses siyang nakukulong at hindi ko na rin alam kong ilang pera na ang nabitawan ko para lang mapyansahan siya at mailabas agad sa kulungan.

Minsan nga ay sumasakit na ang ulo ko sa mga ginagawa niya. At kung minsan ay tinatawanan at tinutukso ako ni Zart dahil hindi raw ako nagrereklamo at panay ayos ako ng mga gusot niya.

Nang una ay hindi ko iyon pinansin. Ang dahilan ko ay ginagawa ko lang ang part ko as her husband.

We are both opposite, at dahil doon nauuwi kami sa bangayan at sagutan, but in the end, siya pa rin ang nanalo.

I was shocked when she become our model. Sa unang pagkakataon na nag-paint ako ng ibang tao. Dahil ang tanging gusto kong ipinta ay ang taong mahal ko. Wala ng iba. My girl give me the penname of Ivo.

But when I saw that time, kusang gumalaw ang mga kamay ko para ipinta siya. The results was good. She's indeed beautiful girl. Her smile is sweet. Her gaze make you stare at her in a long time. Her voice sounds lullaby.

Nakaramdam ako ng sakit ng i-tanong niya sa'kin kung sino ako.

I thought to myself that she is weird.

After what happened to her, she became different to the point that I don't know who she is. 

From baddass girl to sweet and gentle girl. Every morning nakikita ko siyang kausap ang mga butterflies na nasa bahay.

Ang mga paro-parong nasa bahay ay inaalagaan ko. Sinadya kong magkaroon ng maraming butterfly sa mansion dahil paborito ito ng mahal ko. Alam kong matutuwa siya kapag nakita niya ang mga ito.

But it's weird kasi lahat ng butterfly ay super malapit sa kaniya. Walang butterfly na hindi lumalapit sa kaniya. And what is the most weirdest part, never lumabas sa mga lungga nila ang mga paro-parong mayr'on sa mansion. Pero ng dumating siya, lahat ng iyon ay nagsilabasan.

I don't know why.

Ganoon pa man, I keep pushing her away from me. I keep telling that I don't like her, but my eyes can't take away from her.

I keep watching her, especially when she asleep.

I keep watching her in a distance place.

I feel annoyed every time she is with Sadler.

Every time she smiled at him, Every time she talked with him

Dahil doon napapansin ko na lang na nilalayo ko siya kay Sadler.

Nang makita ko ang heart shape na nasa pulsuhan niya, mas lumakas ang pakiramdam ko na makilala siya pa ng lubusan.

Those heart shapes are the same ones that I made for my girl. Hindi ko alam kung bakit mayr'on siya no'n.

I felt bad when I heard her story. I felt the pain every time she wanted to die. I want to hug her and tell her that I am with her, but I can't. 

Dahil nahanap ko na ang taong matagal ko ng hinahanap. Ang masakit lang dahil comatose pa rin siya after what happened to her years ago.

Nalaman kong pinatay ang kan'yang family at siya ay survivor sa kaganapang 'yon. Binaril siya sa ulo, but still keep fighting until now.

At ngayon, naiipit ako sa kanilang dalawa.

Tumingin ako sa kuwarto kung nasaan siya. Humakbang ako nang marahan at pumasok sa loob.

Natagpuan ko siyang mahimbing na natutulog.

Lumapit ako sa kaniya at marahang pinunasan ang kaniyang luha na dumaloy sa kaniyang pisngi.

Nasasaktan ako sa tuwing nakikita kong siyang ganito.

Wala akong magawa para sa kaniya.

Kahit gaano pa siya kapasaway, kakulit at katigas ang ulo, isang ngiti niya lang mawawala ang mga inis na mararamdaman mo sa kaniya.

Kaya lagi siyang nanalo, dahil natatalo ako ng mga ngiti niya. She has an irresistible Charm that I can't resist.

Hinalikan ko ang kaniyang noo and said, "I'm sorry,"

I'm sorry if I'm causing you this pain. 

I'm sorry if I can't love you back.

I'm sorry if I keep pushing you away from me.

"Mawawala rin ang pagmamahal mo sa akin." Huli kong bulong sa kaniya.

Marahan akong tumayo. Sinulyapan ko siya muli at tinitigan.

You don't deserves me.

You can find someone else who will love you back.

Hindi ako ang lalaking para sa'yo, Gacianna.

Marahan kong sinara ang pinto. Saktong pagkasara ko ay nag-ring ang phone ko. Sinagot ko ang tawag ni Zart.

"She's awake, boss." ani ng kabilang linya.

Nang marinig ko 'yon. Napadako ang tingin ko sa pintong kasasara ko pa lang.

Why am I not happy after hearing that good news?

*******************

I was stunned after seeing her again. She is the most stunning tonight. Dapat 'yong mata ko ay nasa fiancee ko lang pero hindi mawala ang mata ko sa kaniya. Nasa pinakasulok siya pero nahanap pa rin siya ng mga mata ko.

Nang umalis siya sa kaniyang puwesto ay kusang kumilos ang katawan ko para habulin siya.

Nadatnan ko siya sa labas, nakangiting nakatingin sa kalangitan. Tinawag ko ang kaniyang pangalan. Lumingon siya sa akin with her gentle looked. Natigilan ako nang makita ko ang kaniyang mata.

Silver eyes?

Napadako ang tingin ko sa kumikislap na heart shape sa pulsuhan niya.

Humakbang ako palapit sa kaniya. Tinanong ko muli kung ang kulay ng mga mata niya ang real color nito. Gusto ko lang muling marinig ang boses niya.

Inabot ko ang regalo ko sa kaniya. It's weird kasi same birthday sila ni Yra. Matagal ko na ring pinagawa itong necklace wala akong time para ibigay sa kaniya.

Mapait siyang ngumiti. Sa tuwing naririnig kong ang tanging regalo gusto niya ay kamatayan, my heart stop for beating. I can't accept it. Nagagalit ako sa tuwing sinasabi niya iyon.

I was stunned when she pointed me a gun, but what the most surprised for me? When I know she is a hired killer.

She's my killer.

Kasama ko pala ang taong papatay sa akin.

But those information I heard from her is doesn't matter to me.

Ang tumatak sa akin ay kapag hindi niya ako napatay buhay niya ang kapalit.

Humakbang ako palapit sa kaniya, but a loud bang scattered in the whole place. I saw blood on her. I was stunned. The whole place became nothing to me. All I see the woman in front slowly falling down to the ground.

Ilang minuto akong hindi makagalaw bago ako nakahakbang palapit sa kaniya. Nginitian niya ako bago marahang bumagsak ang kaniyang mga mata.

"No! No! Gacianna! Open your eyes!" tawag ko sa kaniya.

"You can't do this, Gacianna!" malakas na sabi ni Belinda.

I check to see if she has a pulse, but there's no response. Marahan akong tumingin sa payapa niyang mukha. Napatitig na lamang ako sa kaniya.

A tears fall in my cheeks, while all memories I have with her flashed in my mind.

                       Serena P.O.V

Pinigilan ako ng mga nurses na pumasok sa loob ng emergency room. Nanginginig ang kalamnan ko na sumandal sa pader. Dumako ang tingin ko sa kasasara pa lang na pinto ng E.R.

"Sa ginagawa mo, pinapatay mo ang sarili mo." galit na saad ko sa kaniya.

Sinulyapan niya lang ako.

"That's what I want, at 'yon ang plano ko." simpleng saad niya.

"What?" gulat na tugon ko.

"For God sake, Gacianna! Mas pipiliin mo lang mamatay kaysa sa buhay ng target mo?" hindi makapaniwalang saad ko.

"My target is not just my target, Serena." mariin niyang ani at tumingin sa akin. "He is my husband." she added.

Napahilamos ako ng mukha sa inis. Bakit ba kasi sa lahat ng taong puwede niyang targetin ay ang asawa niya pa.

Hindi lang iyon ang inaalala ko, e. Buhay niya ang kapalit kapag hindi niya napatay ang target niya. May nakabaon sa puso niya na isang capsule. Once na ma-detect nito na sumusuway siya sa kasunduan bilang isang hired killer. That capsule will automatically be open and it will kill you slowly.

Dumako ang tingin ko sa palad niyang nababalot ng benda. Nangyayari na ito sa kaniya. Para mawala ang epekto nito. Kailangan mong saktan ang iyong sarili, and worst kailangan mong patayin ang sarili mo.

"Hindi na ba mababago ang gusto mo?" tanong ko.

"No. Alam nating parehong kamatayan ang gusto ko." bagot niyang tugon.

"You are fucking crazy bitch friend I've know." inis kong sabi sabay walk out sa kaniya.

Hindi rin naman ako mananalo sa kaniya.

Gusto kong sugurin si Jackross. Sampalin siya ng bonggang-bongga. Ilayo ang bruhildang ahas na nakapuloput sa kaniya. Ang plastic  ang p*ta! 

Hindi ko alam na ganiyang klaseng first love pala ang pinahahalagahan niya.

Walang kuwenta!

Napalingon ako sa pagbukas ng pinto ng E.R. kinabahan ako nang makita ang down na mukha ng doktor. Lumapit kaagad ako sa kaniya pero nagtaka dahil mayr'on silang nilabas na bangkay mula sa E.R.

"I'm sorry, she's dead on arrival." saad ng doktor.

Mabilis na sinundan ko ang nilabas nilang tao. Pumasok ito sa morgue. Nanginginig na nilapitan ko ang binatawan ng mga nurses.

Mangiyak-ngiyak na tinanggal ko ang pagkakatakip sa kaniya. Napapikit ako nang makita kong si Gacianna ito.

Napatulala na lang ako.

I can't believe this. I looked at her again. Tipid akong ngumiti, "You are still beautiful"

This is what she wants.

"You want this, right? Finally, you have it. Matagal mo na 'tong gusto 'di ba? Kaya nga pinasok mo ang maging isang hired killer, e." Pinunasan ko ang luhang walang patid kong umagos.

"Naghahanap ka ng taong papatay sa'yo. Ang weird nga lang kasi sa asawa mo pa nakuha. Hindi na pala asawa, ex-husband mo pala. Alam mo bang ang tanga niya para hayaan kang mamatay. Malaking kawalan 'yon sa kaniya, girl." patuloy ko.

"That woman! That bitch of him! Bagay sila, e. Magsama sila! Pareho silang walang silbi sa lipunan." I added.

"Alam kong masakit kasi ikaw lang naman ang kaibigan ko, e. Pero kung ito ang gusto mo, ang maging malaya sa mundong ito. Hahayaan kita. Nangako rin kasi ako na susuportahan kita, 'di ba?" I continued.

Marahan kong hinalikan ang kaniyang noo.

Be happy wherever you are.

You are now free from this cruel world.


To be Continued......

TheKnightQueen 🍀

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top