Chapter 9
Napalingon ako sa labas dahil napansin kong ibang gate ang pinapasok namin.
"Nasaan tayo?" I asked with curiosity.
Hindi niya ako sinagot. Nagpatuloy na pumasok ang kotse hanggang sa huminto ito. Tinanggal ko ang seatbelt ko. Binuksan ang pinto saka lumabas. Nakita kong tumungo sa trunks si Jackross. Nilabas niya ang mga pinamili namin kanina.
Napasunod ako sa kaniyang ng pumasok siya sa mansion.
"Tito!" Tatlong bata ang mabilis na lumapit sa kaniya.
"Hey! Watch out!" Mabilis ding inangat ni Jackross ang mga dala niyang eco bags.
Pilyang yumakap sa tuhod niya ang tatlong cuties na little man. Mukhang triplets sila, magkakamukha kasi, e. Pero ang guguwapo nila.
"Tito! Why are you late today?" Triplets 1 asked.
"Tito, let's play!" masiglang ani ni Triplets 2.
"Tito! Tito! Lift me up!" pangungulit ni Triplets 3.
Natawa ako kasi hindi na alam ni Jackross ang gagawin niya sa tatlo.
"We are going to play, but later." tugon ni Jackross sa mga bata.
Pinagmamasdan ko lang sila sa pangungulit nila sa kanilang Tito Jackross.
"Alright! Kids! Bitawan ni'yo muna ang Tito ni'yo. Hayaan ni'yo siyang mailapag ang kaniyang mga dala." ani ng isang bagong dating na babae.
Sabay-sabay na nagbitawan ang tatlo. Nagpaalam silang nasa garden lang silang tatlo. Maglalaro raw muna sila habang naghihintay sa Tito nila. Kami lang din ang naiwan dito. Napalingon ako kay Frivo na walang paalam na umalis.
"Hi! I am Danice, his cousin. Also, the mother of those triplets." pakilala niya sa'kin.
"Gacianna, his ---" Naputol ang sasabihin ko kasi hindi ko alam kung dapat ko bang sabihing I am his wife.
"I know. You are his wife. You don't have to hide it from us." Napatingin ako sa kamay niyang hinawakan ang kamay ko sabay marahang tinangay ako papasok ng mansion.
Lihim na namangha ako sa ganda ng mansion nila. Mayaman talaga ang pamilya ng lalaking nakapang-iinit ng dugo.
"I am aware that both of you are hiding your marriage. Bagay na pinagtataka ko diyan kay insan. Napakaganda mo para itago niya lang. He is lucky to be your husband." naiiling na komento niya.
"Poor him. He doesn't know that. Hindi ko talaga alam kung bakit sa dami ng lalaki sa mundo siya pa ang napiling ipakasal sa'kin." busangot na reklamo ko.
Nagulat ako ng humagalpak siya ng tawa dahil sa sinabi ko.
"Why? You don't want him? Siya ang pinapangarap ng lahat." natatawa niyang wika. "At kung hindi lang talaga kami magpinsan, baka isa rin ako sa mga nagkadararapang makuha ang atensiyon niya." she continued.
"The problem is, hindi siya ang tipong gusto ko at ganoon din siya sa'kin." kibit-balikat kong wika.
Nginisihan niya ako. "We never know. Fate brought you together. So in that sense, you are destined for each other." nakangiting wika niya.
Her smile tells a different story than her eyes.
"My gorgeous, but troublemaker daughter-in-law is finally here." Pareho kaming napalingon sa ginang na pababa ng hagdan.
"Mom!" Napatayo sa tuwa si Danica.
Mabilis ding napatayo ako. Napatitig ako sa kaniya. Namangha ako sa ganda niya. Para pa rin siyang nasa twenties sa itsura niya. Pagkalapit niya sa'kin ay kaagad siyang yumakap sa'kin.
"Mas gumanda ka ngayon kumpara noong bata ka pa." malapad na ngiting saad niya.
Peke akong ngumiti kahit hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.
"How are you?" tanong niya pagkaupo.
Wala akong nagawa kun'di ang umupo rin.
"I'm doing great! And as you can see, I'm still breathing." casual na sagot ko.
"E, kayo ng anak ko?" tanong niya muli.
Tipid akong ngumiti na nauwi sa pagngiwi. "Kung ano po ang pagkilala mo po sa kaniya ay ganoon pa din po siya ngayon." saad ko,
Hindi pa naman talaga kami nagsasama, I mean 'yong matagal, kasi isa or dalawang beses pa lang ako fully na nakapag-stay sa mansion niya. Nitong mga nakalipas na linggo ay hindi naman ako umuwi at kung nasa lungga niya man ako ay hindi naman kami nagtatagpo. Kaya totally hindi ko siya makilala at ang hirap niya ring kilalanin.
"Pinahihirapan ka ba niya?" tanong niya ulit.
Umiling ako. "Hindi naman po." mayr'ong pag-aalinlangan na sagot ko.
"Pinaiinit niya lang po ang dugo ko." patuloy ko.
"At sinong nagpapainit ng dugo ng granddaughter-in-law ko?" Lahat kami muling napalingon sa pinagmumulan ng boses na iyon.
Kasalukuyang palapit si Dean sa direction namin. Nang siya ay na-meet ko sa school office. She is full of authority, but now, mukha siyang ordinary grandmother with her big smile. The powerful she has on that day is faded.
Niyakap niya ako pagkalapit niya sa'kin. Tanging tipid na ngiti ang siyang ginagawad ko sa kanila. Lihim ko silang pinagmasdan. Tipid na napangiti ako habang pinapanood ang masasaya nilang mga ngiti. Ang tawanan, kuwentuhan at laglagan ay tila natural sa kanila.
I just realized, napalilibutan si Jackross ng kababaihang katulad nila, pero mukhang he didn't bothered how noisy they are.
"Speaking of jail." Napabaling ako kay Dean when I feel her gaze.
"How are you when you're in that place? I heard something happen when you were in there." Tinutukoy niya 'yong pagkakulong ko when I hurt Darrie.
"Darrie dared to put you in jail when she was the one who started it. If I'm going to ask, you nailed it. She deserved it. You are the one who only did that, but as Dean, I still need to do the right thing." she stated but sounds apologizing.
"I was literally shocked when you crushed that woman, and I was more than surprised when they revealed that Jackross is married." segunda ni Danica.
"Hey! Hey! Hey! You are so bad." saway ni Mrs. Warner. Dumako ang tingin sa'kin ng mother ni Jackross. There's something on her eyes. Mayroon itong gustong sabihin.
"You should stay away from danger. Avoid putting yourself in a chaotic environment." she worriedly said.
Nginitian ko siya. Hindi lang siya ang nagsasabi ng bagay na 'yan sa'kin.
"Thank you for the worry, but I can handle it. That's who I am. I love taking risk, and doing something risky." I simply responded.
Dumako naman ang tingin ko kay Dean. "You did what you must did. Letting me go on that day is the best thing you did as campus Dean. After all, I troubled you. Putting myself on jail is not new to me. As you heard, and as you probably read at newspaper. Hindi lang isang beses akong nakulong this past week." Sumandal ako sa couch. "My day will not be complete without trouble." I stated meaningfully.
Napalingon ako sa gawi ng ingay. I saw the triplets happily running away from their nanny. At sa hindi sinasadya, natapon sa'kin ang dala ng isang triplets na bottled of milk. Napatingin ako sa blouse at pants kong basang-basa.
"Oh my! What did you do to your Tita Gacianna, Dein?" galit na saway ni Danica sa anak.
Nagulat ako ng biglang lumuhod ang bata sa harapan ko.
"I'm sorry! I'm sorry!" paulit-ulit na sambit nito.
Taranta akong bumaba sa couch saka pinatayo ang bata. Nakita kong sincere ang paghingi niya ng tawad.
"I'm sorry, don't be mad at me. I swear! I didn't do it on purpose. It was an accident." maluha-luhang paliwanag ng bata.
"It's okay. I'm alright! Stop crying." pag-aalo ko sa bata. Pinunasan ko ang luhang dumaloy sa kaniyang pisngi.
"What is your name?" I sweetly asked.
Tinuyo niya ang kaniyang mga luha bago sinagot ang tanong ko. "I am Dein, the youngest among them." ani niya sabay baleng ng tingin sa dalawa pang kapatid.
"Dein, why not give me a sweet kiss, instead of asking for forgiveness." maaliwalas na suhestiyon ko nang sa ganoo'y hindi siya matakot pa.
Isang malawak na ngiti ang nakita ko kay Dein. Ginawaran niya ako ng halik sa ngiti with matching tunog pa na siyang ikinatawa ko.
"Now, we're even. C'mon! Go to your nanny. Listen to her, and behave well. No more running, because it's dangerous. Do you understand?" mahinahon kong pagbibigay sermon sa bata.
Masunuring tumango naman si Dein. Marahan ko siyang ibinigay sa kaniyang nanny. Nakangiting pinanood kong makalayo ang tatlo.
"Someday, you'll be a great mother." Rinig kong komento sa aking likuran.
Isang tipid na ngiti ang ginawa ko.
I hope so.
Ang maging ina ay sobrang layong mangyari sa buhay ko.
Tumayo ako at lumingon sa kanila.
"Really? I can't wait to see my own kid." tanging sinambit ko upang sakyan ang kanilang sinabi.
"Well, you should ask your husband. I'm sure he is willing to start creating your child." segunda ni Danica.
How I wanted to cut her precious tongue to make her stop making her brainy suggestions.
Just kidding!
I barely even laughed at her. How really plastic I am.
Maya lang ay bigla siyang tumayo as if something bright idea came up to her brain. Lumapit siya sa'kin. Tiningnan niya ang ginawa sa'kin ng anak niya.
"I am deeply sorry for what my son did." she apologized.
"It's alright." I responded shortly.
"Come!" nagulat ako ng bigla niya akong hilahin.
We both go upstairs. Mayr'on kaming pinasukan na kuwarto, and next thing I knew, nasa loob na ako ng banyo.
"Change your clothes first. Sa ngayon, ito muna ang suotin mo. Maghahanap ako later sa closet ko na damit na masusuot mo." Inabot niya sa'kin ang kulay puting damit. Hindi ko siya ma-figure kung anong klaseng damit ang inabot niya. Nakatupi pa kasi ito.
Kinuha ko ito saka nagpasalamat. Pagkatapos ay lumabas na siya. Pagkalabas niya ay tila naging tahimik ang mundo este tainga ko. Danica is surely a hyper woman. Kaya ganoon na lamang kakulit ang mga anak niya.
Naiiling na binuklat ang binigay niya sa'kin na damit. Napanganga na lamang ako nang lumantad sa harapan ko ang itsura.
Kasehudang palaka naman, oh!
Kaya pala mabilis maglaho sa harapan ko. Damit pala ni Frivo ang binigay niya sa'kin. Isang white long-sleeves polo ba naman ang binigay sa'kin.
"Aish!" I'm sure hindi na ako aabutin pa ng bukas once he saw me wearing his clothes.
Anyway! Bakit ba ako nag-aalala. Sinuot ko ang hawak kong damit. Umabot hanggang kalagitnaan ng hita ko ang haba ng polo. Maluwag din siya sa'kin. Nagmukha tuloy akong hanger.
Inipon ko ang mga damit ko saka nilabhan ito. Nang matapos ako ay hinanger at sinabit ko muna sa bandang dulo para matuyo. For now, ito muna ang susuotin.
Tinungo ko ang pintuan saka binuksan ito. Nagtaka ako dahil walang Danica akong naabutan.
"Where is Danica?" mahina kong tanong.
Inilibot ko ang tingin ko sa paligid hanggang sa mahagip ng mata ko ang malaking portrait ni Frivo.
"Tsk! This is his room." nasabi ko.
Kaya pala familiar ang ambiance and the smell is same as him. After magsawa ng mata ko sa pagmamasid. I decided na lumabas na at hanapin ang lalaking 'yon. Bumaba ako ng hagdan. Saktong nasa huling baitang na ako nakaamoy ako nang mabangong amoy. Kusang humakbang ang mga paa ko para sundan ang amoy hanggang sa natagpuan ko ang sarili kong nasa kusina.
Dali-dali akong sumilip sa nakahain.
"Look delicious. Puwede patikim?" parang batang sabik na tumikim.
Nagpuppy-eye pa ako para mas convincing. Natuwa ako nang makita kong kumuha siya ng spoon saka kumuha ng kaunti sa niluluto niya. Hinipan niya muna ito bago itinapat sa'kin. Tinikman ko ito.
"Wow! Ang sarap!" mangha kong komento.
He is indeed a master cook.
Nagtaka ako kung bakit tiningnan niya ako kaya dumako rin ang tingin ko sa sarili ko. Alam ko na kung ano ang tinitingnan niya.
"Opps! This is not my idea." tanggi at depensa ko.
"Natapunan ni Dein ang suot kong blouse at pants ng bottle of milk niya. Tinangay ako ng pinsan mo sa kuwarto mo at ito ang ibinigay niyang damit na suotin ko raw muna." mabilis kong paliwanag.
Simpleng tango lang ang sinagot niya sa'kin.
"Uy! Hindi ko ginustong suotin ang damit mo, ah! Huwag kang assyuming. Wala lang talaga akong choice." depensa ko.
"I say nothing." he responded.
"Pero iyon ang sinasabi ng kinikilos mo." giit ko.
Tinaasan niya ako ng kilay.
"See!" ani ko,
Napailing siya sa ginawa ko. Tahimik na tinanggal niya sa stove ang pan saka sinalin ang laman nito sa isang plate.
"Can I help?" I asked politely.
"You can, but shut your mouth. If you can't, I suggest you leave me alone." he prankly said.
Inarapan ko siya.
"Tumulong man ako sa hindi. Plano ko pa ring guluhin ang katahimikan mo. At saka, ako na nga itong nag-o-offer ng tulong, e. Napaka-choosy nito." ani ko saka kumuha ng gulay at hinugasan ito.
Hindi ako naghintay ng utos niya, or kung ano ang dapat kung gawin. Basta na lang akong gumagawa. May pagkakataon na sinasaway niya ako, at kung minsan nga ay nauuwi sa bangayan at sagutan. Ganoon ang senaryo naming dalawa hanggang sa matapos siyang magluto.
TheKnightQueen 🍀
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top