Chapter 8


Marahan kong iminulat ang aking mga mata nang marinig ko ang mabibilis at maraming yabag. Tumingin ako sa labas. Nakita ko ang ilang mga police officers na nagmamadaling pumasok sa loob.

"Tumawag kayo ng ambulansiya." malakas na ani ng isang pulis.

Maging ang kasamahan ko sa selda ay nagtataka rin. Lahat sila ay tumayo at nakiusisa sa mga nangyayari. Tumayo at lumapit na rin ako. Hindi lang mga yabag kasi ang namayani. Binuhay nila ang kanilang emergency alarm. Lumapit ako sa bakal na rehas. Nakita ko ang mga nagtatakbuhang mga pulis.

"Sir! Anong nangyayari?" wika ng isang kasamahan ko.

Huminto naman ang pulis na nakarinig.

"Hindi ni'yo kailangan na mag-alala. Nagkaroon lamang ng problema." tugon naman nito.

Sumandal ako sa rehas habang kalmadong nanonood sa labas. Napadako ang tingin ko sa bandang pintuan. Nandito na ang ambulansiya. Hindi nagtagal ay pumasok ang medic dala ang stretcher.

Maya lang ay lumabas ang mga ito sakay ang bangkay. Nakatakip na ng tela ang tatlong taong nilabas nila. Nangangahulugang patay na ang mga ito. Ganoon din ang pang-apat at panghuling nilabas.

"Ano 'yon? Bakit mayr'ong patay sa loob?" mahinang tanong ng kasamahan kong kulot ang buhok na mukhang adik.

"Ewan, nagpatayan na siguro sila." segunda naman ng isa na mahaba ang buhok.

"Wala siguro silang maginawa sa loob ng selda." ani naman ng pangatlong kasamahan ko. Bumalik siya sa tabi saka umupo roon.

Ganoon din ang ginawa ng dalawa. Muli akong bumaling sa mga abalang tao sa labas. Wala talagang ligtas na lugar sa mundo. Kahit sa kulungan ay nagpapatayan din. Naiiling na bumalik din ako sa tabi. Umupo na lamang ako at hinintay na lumipas ang gabi. Ang tagal naman ng magpapalaya sa'kin. Nagkakagulo na rito sa loob. Wala pa rin siya.

Lumipas ang maraming oras bago natahimik ang lahat. Nag-roll call at check ang bawat pulis sa bawat selda. Hinahanap nila ang kriminal na pumatay. Ayon sa isang pulis na nag-check sa'min. Tatlong sendikato ang namatay at ang isa ay ang kanilang hepe. Bakit sila maghahanap dito kung lahat ng nakakulong dito ay mga criminal? Malamang lahat ng mga narito ay maaaring suspect. Narito ba naman ang ilang taong kayang pumatay.

Naging mahigpit ang kanilang pagbabantay. Bawat selda ay mayr'on ng bantay. Mahigpit na niyakap ko ang aking tuhod. Ipinatong ko ang aking ulo rito saka ipinikit ang mga mata ko. Hindi ko alam kung nahanap nila hinahanap nilang suspect.

Nagulat ako at napamulat ng mayroong humampas sa rehas. "Polarez, makalalaya ka na." ani niya.

Marahan akong nag-angat ng ulo. Nakita kong sinususian na niya ang kandado para bumukas. Tumayo na ako at humakbang patungo roon. Binuksan niya ang pintong rehas. Pagkalabas ko ay tinanggal niya ang posas na nakakabit pa rin sa'kin.

"Tsk! Kay suwerte mo. Maraming gustong magpyansa sa'yo. Magbago ka na pagkaalis mo rito. Hindi nababagay sa loob ng selda ang magandang kagaya mo." komento niya habang tinatanggal ang posas.

Marahan na hinilot ko ang pulsuhan ko. Magdamag ko ba namang suot ang posas. Hindi man lang inalis. Tahimik na sumunod ako sa pulis palabas.

"Pumirma ka muna rito." utos niya saka binigay sa'kin ang log book nila.

Kinuha ko naman ito saka pinirmahan ang dapat kong pirmahan.

"Puwede ka ng umalis." wika niya pagkakuha niya sa'kin ng log book.

"Next time, pakilagyan ng mosquito killer ang loob ng selda ni'yo. Malamok, e." reklamo ko.

Natawa siya sa sinabi ko. Kumibit-balikat na lamang ako. Tuluyan kong nilisan ang loob ng police station. Pagkalabas ko, napapikit ako sa fresh air na nalalanghap ko.

"Na-miss ko ang sariwang hangin." nakangiting komento ko.

Maging ang init ng araw. Kahit na magdamag lang akong nakakulong. Pakiramdam ko ay buwan akong naroon. Ang bagal ng oras  lumipas kapag nasa loob ng selda.

"Gacianna!" Napamulat ako ng mata at hinanap ang tumawag sa'kin.

Napailing ako nang makita ko si Serena na kumakaway habang nakasandal sa kotse niya. Lumakad ako sa gawi niya. Nang nasa kalagitnaan na ako. Mayr'on siyang tinurong direksiyon. Nagtatakang sinundan ko naman ito. Sa direksiyon na kan'yang tinuro. Nakita ko roon si Jackross. Nakasandal din siya sa kotse niya habang nakatingin sa'kin.

Tinaasan ko lang siya ng kilay. Itinuloy ko ang aking paglalakad patungo sa kinaroroonan ni Serena.

"Oh? Hindi ka sasabay sa asawa mo?" wika ni Serena pagkalapit ko sa kaniya. "Mukhang hinihintay ka niya." patuloy niya.

Impossible na ako ang hinihintay niya. Handa na akong buksan ang pinto nang mayr'on muling sinabi si Serena na ikinahinto ko.

"Mukhang hindi pala. Ibang babae pala ang hinihintay niya." Napadako rin ang tingin ko sa kinatatayuan ni Jackross.

Nakita ko ang isang babaeng nagmamadaling lumapit sa kaniya. Hindi na ako tumingin pa.

"Let's go." Binuksan ko ang pinto saka pumasok na. Ganoon din ang ginawa ni Serena.

"Are you okay?" biglang tanong ni Serena.

"Bakit ka nagtatanong? Paano ako hindi magiging okay kung nasa loob lang ako ng selda." wika ko,

Sumandal ako sa upuan.

"For your information, Inday! Nakita ko sa television ang nangyaring patayan sa isang police station. At ang police station na 'yon ay kung saan ka naroroon." saad niya,

"Bakit ang tagal mo akong palayain?" taas kilay kong ani.

"Bago po kita pyansahan ay mayr'on ng nagpyansa sa'yo. Hindi ko alam kung sino. Ang problema ay hindi ka pinayagan agad na makalaya. Dapat daw magpalipas ka muna ng isang gabi roon." mahaba niyang lintanya.

"Hindi ko naman alam na mayr'ong magaganap na pagsalakay doon. Dapat pala pinilit ko silang palayain ka na." muli niyang saad.

"Wala namang nangyari. Chineck lang nila bawat selda. Hinahanap ang unknown killer." bagot kong ani.

Sandali siyang tumahimik. Segundo lang ang lumipas ang paghalakhak naman ang namayani sa loob ng kotse. Bagot na tiningnan ko siya.

"Sorry! Sorry! Sorry!" hingi niya ng paumanhin habang pinipigilan ang sarili na huwag tumawa.

"Anong nakakatawa?" tanong ko.

"E-eh kasi, unang pasok mo lang sa bagong paaralang nilipatan mo ay sa kulungan kaagad ang binagsak mo." natatawa niya pa ring wika.

"T-tapos ang hina naman ng nagpakulong sa'yo." patuloy siyang tumawa.

"Balita ko binalian mo ng braso ang babaeng bumully sa'yo." ani niya,

"Tsk!" Hinayaan ko siyang tumawa nang tumawa. Malagutan sana siya ng hininga.

"Ehem! So, saan mo gusto pumunta? Ihahatid ba kita sa lugar ni Warner?" tanong niya pagkatapos niyang tumawa.

"Sa apartment mo ako mananatili." bagot kong tugon.

"Sa apartment ko? Bakit? Dahil ba sa nakita mo kanina? Sa halip na ikaw ang sunduin, iba pala ang hinihintay. Ayieee! Selos ka, noh?" pang-aasar niya.

Sinamaan ko siya nang tingin.

Humagalpak siya nang tawa. Naramdaman ko ang pagbilis ng kotse.

Lumipas ang isang oras narating namin ang condominium unit ni Serena. Sabay kaming sumakay sa elevator. Nasa third floor kasi ang lungga niya. Tahimik na sumandal ako sa pader ng elevator. Pumikit ako habang naghihintay. Buong gabi akong walang tulog. Kusang nagmulat ang mga mata ko nang marinig ko ang pagbukas ng elevator.

"Ikaw na magbukas. Nasa bag ko ang card." wika ni Serena sabay tapat sa'kin ng bag niya.

Puno ng bags ang dalawa niyang kamay. Dumaan siya kanina sa supermarket. Wala raw siyang stock na pagkain. Hinanap ko na lang at ako na ang bumukas ng pinto. Siya na pinauna kong pumasok.

"Magpahinga ka na muna. Gisingin na lang kita kapag nakapaghanda na ako ng makakain." wika ni Serena habang pumapasok sa loob ng kusina.

Tinungo ko ang kuwarto ko. Kahit kay Serena ang condo. Mayr'on akong sariling kuwarto. Dumeritso kaagad ako sa loob ng banyo. Hinubad lahat ng damit ko saka tumapat sa shower. Hindi naman ako nagtagal pa. Talagang hinahanap na ng likuran ko ang kama. Mabilis na nagsuot ako ng damit. Pagkatapos ko, pabagsak na humiga ako sa kama. Agad kong naramdaman ang antok pagkadikit ko sa kama. na-miss ko agad ang matulog sa malambot na kama.

********

Isang linggo ang lumipas. Dahil two weeks suspension ang parusa sa'kin na siyang naging malaking pabor sa'kin. Walang naging sagabal sa pag-attend ko sa mga night parties. Dahil sa sira ang camera ko. Hindi ako tumanggap ng extra job. Tinanggihan ko ang gustong kumuha sa'kin bilang photographer nila. Passed muna ako. Tinatamad din akong maging photographer ngayong linggo.

Nangunot ang noo ko sa phone kong tumutunog. Hinayaan kong ang kamay kong maghanap. Nang makuha ko ito. Sinagot ko ito agad.

"Hello?" inaantok kong sagot.

"Mayr'on ka pa ba diyang pera? Baka---" Hindi ko na tinapos ang sasabihin ni Roelyn. Alam kong inutusan siya na humingi ng pera sa'kin. Nag-send ako sa account niya ng pera para matahimik siya at tigilan ako sa kakaputak niya.

Nakahawak sa ulong bumangon. Halos madaling araw na akong nakauwi kagabi. Napadami na naman ang pag-inom ko. Tumayo ako at tinungo ang banyo. Inipit ko ang buhok ko. Naghilamos ako ng mukha para mawala ang sakit ng ulo ko. Pagkalabas ko ulit. Natawa ako dahil nagawa ko pang magpalit ng damit kahit lasing na lasing na ako. Naiiling na pinulot ko ang mga nagkakat kong damit.

Tiningnan ko ang sarili ko. Baka kasi kung papaano lang ang pagkakasuot ko. Impyernes, matinong damit pangtulog naman ang nakuha kong suotin. Isang manipis na pangtulog na sandong kulay grey at short ang sinuot ko. Hindi na rin masama. Lumabas ako ng kuwarto. Pagkalapit ko sa mesa. Mayr'ong almusalan na ang nakahanda. May sulat pang iniwan si Serena bago siya umalis.

Saktong pagkuha ko sa sandwich ay ang pagtunog ng doorbell sa pinto. Nilingon ko ito at napakunot noo. May parating bang bisita si Serena ngayong araw? Wala naman siyang sinabi.

Tinungo ko na lang ang pinto saka binuksan ang pinto.

"Frivo?" gulat na saad ko.

Nakatayo sa harapan ko ang isang Jackross Warner. Nagulat ako ng bigla na lang siyang pumasok sa loob kahit hindi ko naman pinapapasok.

"Sandali! Frivo! Anong ginagawa mo rito?" taas kilay na tanong ko sa kaniya.

Inilibot niya ang kaniyang paningin sa buong lugar.

"Sinusundo ang naliligaw kong asawa." napanganga ako sa pagtagalog niya.

"Huh?" Teka! Parang nabingi ako roon, ah.

"Wow! Mayr'on ka palang asawa." ani ko saka lumapit sa almusalan ko. Muli kong nilapag ang sandwich na kinuha ko.

"Anong gusto mong inumin?" tanong ko.

"No need. Change your clothes." he commanded.

"Wala akong balak umuwi sa palasyo mo, noh." giit ko.

"You want to continue to stay here?" tugon niya.

"Oo, bakit? May problema ba roon?" taas kilay kong ani.

"I'm not allowing it. You are ruining my name by doing not good in public." giit niya.

Doon ako napalingon sa kaniya. Iniwan ko ang ginagawa kong pagtitimpla ng kape. Lumapit ako sa kaniya. Nakataas kilay na hinarap ko siya.

"Iyan ba ang dahilan kung bakit ka narito? Ang pagsabihan ako na magtino dahil sinisira ko ang mabango mong pangalan?" wika ko,

Alam ko ang ginawa ko nitong mga nakalipas na linggo. Nakulong lang naman ako ng tatlong beses dahil nahuli akong nagmamaneho ng mabilis. Dahil sa kalasingan ko ay nakabangga ako. Nadamay ako sa rambulan sa isang bar at marami pang iba.

"Paano masisira ang pangalan mo kung wala namang nakakaalam na kasal ka sa'kin? Na nakakabit sa pangalan ko ang pangalan mo." pagpapaalam ko sa kaniya.

Nakasaad sa rules niya na dapat walang makaalam na kasal kaming dalawa.

"You are indeed different." tanging nasambit niya.

"Malamang! Wala ng ibang katulad ko dito sa mundo." giit ko.

"Lumayas ka na nga!" pagtataboy ko sa kaniya.

Umiinit talaga ang dugo ko sa kaniya. Ewan ko ba, sa lahat naman ng kilala ko, sa kaniya lang umiinit at kumukulo ang dugo ko. Sumasakit lalo ulo ko sa kaniya.

"Change your clothes. We're both leaving here." simpleng saad niya.

"What? Bakit kasama pa ako? Umalis ka mag-isa mo." inis kong sambit.

"I don't want to argue with you. Just follow what I want you to do." kalmado niyang wika.

Ano bang problema ng isang 'to?

Mag-aapila pa sana ako nang buhatin niya ako. Binuksan niya ang kuwarto ko. Nagulat ako ng walang hirap niya akong itinapon lang sa kama. Mabilis akong bumangon. Natigil muli ang pag-apila ko ng hawakan niya ang batok sabay nilapatan niya ako ng halik na siyang ikinagulat ko nang husto.

"Change your clothes. No more buts. No more excuses. No more arguments." wika niya bago ako binitawan.

Narinig ko na lang ang pagsara ng pinto. Nang natauhan ako. Nahablot ko ang unan saka itinapon sa pintuan sabay sigaw ng pangalan niya. Gigil na tumayo ako at kumuha ng masusuot. Inis na inis akong nagpalit ng damit.

Padabog na binuksan ko ang pinto. Naabutan kong mayr'ong kausap sa phone si Frivo. Tiningnan ko siya nang masama. Nanggigil akong nilagpasan siya. Gustong-gusto ko siyang hampasin.

I swear!

TheKnightQueen 🍀

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top