Chapter 7
Pagkatapos kong kumain. Niligpit ko ang pinagkainan ko. Hinawakan ko ang tray saka tumayo na.
"Hi," Nagulat ako dahil sa pagharap ko, isang babae ang siyang sumulpot sa harapan ko. Siya 'yong babaeng kasama nina Jackross.
"Call me, Belinda. We didn't have a chance to welcome you earlier because we were inside the class." she said politely, but sounds fake to me.
Tumingin ako sa kaniyang likuran. Nakita ko ang isang guy at si Jackross. Kumaway sa'kin 'yong isa while Jackross looked away. Tumingin din siya sa kaniyang likuran. Lumapit siya sa isang guy.
"This is Dan, my boyfriend. We are ---" Dumako ang kan'yang tingin kay Jackross na kasalukuyang patungo sa isang vacant table. "---his friend." masiglang wika niya.
"Glad to meet you." nakangiting tugon ni Dan. Bumulong siya kay Belinda. Tumango naman siya saka sinundan ng tingin ang boyfriend niyang patungo rin sa table kung saan naroon si Jackross.
"Nice to meet you too." tugon ko. "Now, time for me to excuse myself." polite kong paghingi ng permission sa kaniya.
"Not so fast, bitch?" Hahakbang na sana ako pero nahinto ako. Tiningnan ko ang aking sariling basang-basa. Sinabuyan lang naman ako nang malamig na juice.
Hindi pa siya nakuntento dahil talagang pinaliguan pa ako ng iba't ibang sauce. Hindi makapaniwalang marahan kong binatawan ang tray na hawak ko. Pinatong ko ito sa table na malapit sa'kin. Tiningnan ko ang sarili kong punong-puno ng malalagkit na sauce. Maging ang buhok ko ay ganoon din. Basang-basa rin siya. Okay lang kung tubig, e. Pero sh*tty! Sauce ang binuhos sa'kin.
Marahan akong lumingon sa lapastangang bumaboy sa suot ko. Bumungad sa'kin ang isang babaeng abot langit ang ngiti. Kumaway pa siya sa'kin.
"Hello, I am Darrie." sopistekadang pakilala niya.
Naalala ko na. Siya ang katabing babae ni Jackross kanina no'ng pumunta ako sa classroom niya. Sa kaniya nanggagaling 'yong masasamang tingin na nararamdaman ko habang palabas ako.
"So, you are Darrie. The girl they talked about." simpleng tugon ko habang marahang pinupunasan ang sarili ko ng aking daliri.
Lihim na napangiwi ako dahil walang nangyayari sa ginagawa ko. Lalo lang itong kumakalat at pumapailalim ang basa sa loob ng suot ko.
"At babaeng may gusto kay Frivo." patuloy kong wika.
"Frivo?" kunot noo niyang wika.
"Who are you to call him like that?" mayr'ong halong galit niyang saad.
Nahinto ako sa ginagawa ko saka marahang tumingin sa kaniya. Kumibit-balikat ako. "Why not ask him." bagot kong wika.
Kinuha ko ang tray na nilapag ko. Bagot na tinalikuran ko siya. Ayoko siyang patulan. Dahil kung papatulan ko siya. Higit pa sa pagsaboy ng juice at sauce ang kaya kong gawin sa kaniya. Bukod doon, it's my first day here.
Muli akong nahinto sa paglalakad. Sinabuyan niya ako ulit pero ngayon, pasta naman. Pinikit ko ang aking mga mata para kalmahin ang sarili ko. Narinig ko ang pagsipol ni Dan. Ang pagtawa ng mga studyanteng naririto. Ang pag-cheer ng iba at ramdam ko ang simpleng panonood ni Jackross.
"Who told you that you have the privilege to turn your back on me?" wika ni Darrie.
Saktong pagmulat ng aking mga mata. Hindi ko inaasahang hihilahin niya ang buhok ko at pagkatapos ay malakas niya akong tinulak. Napasubsob ako sa mga nagkakalat na spaghetti. Lalong nagtawanan sila.
Marahan akong bumangon. Muli akong napapikit dahil ice coffee naman ang binubuhos sa'kin.
"Masiyadong mainit ang ulo mo. Palamigin muna natin." natatawang wika ni Belinda.
Nakangiting tumayo ako. Pinunasan ko ang aking mukha nang makamulat ako ng mga mata.
"Go Belinda, Darrie! Teach her a lesson." cheer ng isang babae.
"Next time, huwag maging atrabida. Huwag ding maging asyumera na mapapasaiyo si Jackross." Darrie stated.
"Isang malaking kasalanan ba ang maging kaibigan si Frivo?" Dumako ang tingin ko sa mukha niya. "Sino ka ba? You are just his friends, right? Stop acting like you are his girlfriend. Alam nating pareho na hindi naman. Obsessed ka lang din sa kaniya. Takot na mawala siya sa'yo. Bagay rin na hindi mo naman pag-aari." bagot kong saad.
Mas lalong umingay ang paligid. Nahati sa dalawang panig ang mga manonood. Wala akong pakialam sa pinagagawa niya. Hindi lang siya ang gumawa nito sa'kin. Hindi ko nga alam kung bakit maraming nagagalit sa'kin sa kadahilang ako raw ang dahilan kung bakit nakikipag-break mga boyfriend nila sa kanila. Like the hell! Hindi ko nga kilala mga boylet nila tapos ako pinag-iinitan ng ulo.
"Ang OA mo namang mag-react, samantalang nilapitan ko lang si Frivo para kunin ang gamit kong nasa loob ng kotse niya." Bumusangot ang mukha ko.
Naalala ko naman ang ang nakakainis na ginawa niya sa'kin kaninang umaga. Ang damot-damot na magpasakay sa kotse niya.
Napansin ko ang pananahimik niya. Kumunot ang aking noo dahil humakbang ang kaniyang mga paa patungo sa table ko kanina.
"You're taking a course in photography." mahinahon na komento niya habang nakatalikod sa'kin.
"Oh--ow!" sabay na react nina Dan at Belinda.
"You reach her limits." Rinig kong wika ni Dan.
"Calm down, Belinda." Mabilis na lumapit sa kaniya si Belinda.
Marahang lumingon sa'kin si Darrie. Nanlaki ang mata kong hawak niya ang bago kong camera. What the! Naiwan ko pala ang camera ko sa table ko kanina.
"Ibigay mo sa'kin 'yan. Kabibili ko pa pang niyan, e. Kung ano man ang balak mo. Please lang, kalimutan mo na. Wala na akong perang pambili niyan. Ubos na allowance ko, noh." walang prenong saad ko sa kaniya.
Bago pa lang tapos masisira agad. Hindi ko pa nga 'yan nagagamit, e. Nakita ko ang pagngisi niya.
"Please! Please! Please! Ibigay mo na lang na matiwasay 'yang camera ko para wala ng gulo." Nanlaki ang mata kong itinaas niya ito sa ere. "Don't! Fine! Lalayo ako kay Frivo este kay Jackross kung 'yon ang gusto mo, just give me my prescious camera." pagmamakaawa ko.
Marahan akong humakbang palapit sa kaniya. Balak kong agawin ang camera ko sa kamay niya.
"Ito ang kahinaan mo. Tsk! Hmm!" marahan niyang pinagmasdan ang camera ko.
"Kaya mong isakripisyo ang lahat para lang dito? Sa isang bagay na wala namang silbi." pangmamaliit niya.
"Sandali!" sigaw ko, nanlaki at napanganga ako sa ginawa niya.
Buong lakas lang naman niyang ibinato sa sahig ang camera. Dahil sa lakas nito, nawasak ang camera ko. Tila nablangko ako at nandilim ang paningin ko.
Sinabi ng ayoko sa lahat ay pinakikialaman ang gamit ko lalo na ang camera ko. Hindi lang pagsasakripisyo ang kaya kong gawin. Kaya ko ring kumitil ng buhay kapag ang camera ko na naaagrabyado.
"What did you do?" blangko at malamig kong saad.
"What? It's just a camera. You can buy again." natatawa at balewalang tugon niya.
Marahan akong umayos nang tayo. Ipinikit ko ang aking mga mata. Pilit na kinalma ko ang aking sarili. Sa aking pagmulat, ang sira-sirang camera ang una kong nasilayan.
"That's enough. Girls, tama na ang paglalaro." Rinig kong saway ni Dan.
"Let's go, Darrie. Dan is right. We should stop this. We've already introduced ourselves to her." alanganin na saad ni Belinda.
"No, I'm not done yet. Dapat niyang kilalanin ang binabangga niya." giit ni Darrie.
Inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid. Ang mga nasusulyapan kong studyante ay napapahakbang paatras.
Nagsimulang humakbang ang mga paa ko patungo kay Darrie. Ngunit humarang si Belinda. Hinawakan niya ako pero hinawi ko lang ito. Naramdaman ko ang paghila niya sa'kin. Ang sunod ko na lang na naramdaman ay ang pagtilapon ko sa mesa.
Sa lakas nito, nagawa nitong mabasag ang salamin. Nahihigaan ko ang mga nabasag na salamin. Glass pa naman ang table ng cafeteria. Balewalang tumayo ako. Walang hirap ko ring tinanggal ang mga bumaong bubog sa kamay ko.
Mas naging malamig ang tingin ko kay Belinda. Muli akong humakbang palapit. Sa pangalawang pagkakataon ay humarang muli si Belinda. Umiwas ako sa kamay niya. Hinawakan ko ang kamay niya at pinaikot ito sa likuran niya. Tinadyakan ko ang kaniyang tuhod dahilan para siya ay mapaluhod. Binitawan ko siya. Iniwan ko siya.
"Stop! Don't you dare near with her!" Rinig kong saad ni Belinda.
Naramdaman ko ang mabilis niyang paglapit sa'kin. Hindi na ako nakatiis. Sinalubong ko ang paglapit niya. Walang hirap ko siyang inihagis.
"Belinda!" sigaw ni Dan saka kaagad na tinungo ang girlfriend niya.
Ngayon wala ng sagabal sa gagawin ko.
Mabilis akong nakalapit kay Darrie. Lalayo pa sana siya pero nagawa kong mahablot ang buhok niya. Nakakit ako ng spaghetti. Mabilis kong isinubsob ang mukha niya roon. Panay ang tili niya at pagpupumiglas sa hawak ko.
Ito ang dahilan kung bakit ayoko siyang patulan. Pero dahil sinagad niya ako. Ibibigay ko ang gusto niya. Napabaling ako sa pinagkukuhaan ng juice. Marahas na hinila ko si Darrie patungo roon.
"Help! Let me go!" anas ni Darrie.
Binuksan ko ang lagayan ng juice. Buti na lang dahil style aquarium ang laki nito. Walang awa kong ipinasok ang ulo niya sa loob nito.
"Mukha kasing uhaw ka. Kaya ayan, magsawa ka." malamig kong wika saka mas inilubog ang mukha niya.
Pagkatanggal ko ng mukha niya sa juice. Hinahabol niya ang kaniyang hininga. Muli ko siyang nilubog sa juice. Pagkalipas ng ilang minuto ay tinanggal ko ulit mukha niya. Marahas ko siyang itinapon. Nagsitilian pa ang ilang mga manonood.
Nakita kong parehong nilapitan nina Dan at Belinda si Darrie.
I'm not done yet. Napangisi ako nang makita kong umiiyak ang bruha. Humakbang muli ang mga paa ko ngunit nahinto na naman ako. Marahan kong nilingon ang kamay na pumigil sa'kin. Taas kilay na sinulyapan ko ang nagmamay-ari nito.
"Stop!" maikli subalit puno ng diin na saway sa'kin ni Jackross.
Pinaka-ayoko sa lahat sa isang tao ay kaya lamang nilang magsimula pero hindi nila kayang tapusin.
"Sino ka para utusan at pigilan ako?" blangko kong wika sa kaniya.
Hinawi ko ang kamay niyang nakahawak sa'kin. Maaaring kasal kami pero kasal lamang kami sa papel. Hindi nangangahulugang kaya niya nang kontrolin ang buhay ko.
Mabibilis na hakbang ang ginawa ko. Walang hirap kong hinawi ang dalawang asungot. Hinawakan ko ang kamay ni Darrie at walang salitang binali ito. Isang malakas na hiyaw ang siyang bumalot sa buong cafeteria. Binatawan ko siya na parang walang nangyari.
"Next time, don't ever dare touch my thing. Dahil hindi lang pagbali ang kaya kong gawin sa'yo. Kaya kitang ihatid sa libingan mo." malamig kong banta sa kaniya.
Napuno ng katahimikan ang loob ng cafeteria. Habang si Darrie, namilipit sa sakit dahil sa ginawa ko sa kaniya.
Lumapit ako sa camera kong nasira. Pinulot ko ito. Napabuntong hininga ako dahil hindi ko naman ito magagamit. Ilang camera na ba ang nasayang ko? Bukod doon, ilang pera na rin ba ang nagamit ko makabili lamang ng bago? Ito ang dahilan kung bakit mabilis akong magalit sa tuwing camera ko ang pinakikialaman. Hindi madaling kumita ng pera. Dugo at pawis ang puhunan mo para lang kumita at makahawak ng pera.
Hindi ako mayaman katulad nila. Dahil sa camerang sinisira nila ay nagkakaroon ako ng pera. Isa akong freelancer na photographer. Inaamin kong rebelde ako pero kaya kong ilugar ang pagiging rebelde at lansengga ko. Dahil sa pagiging freelancer ko ay napag-aaral ko ang aking sarili. Yes, ako ang nagpapaaral sa sarili ko. Kailanman ay hindi ako pinanggastusan ni mama.
Ang perang nakalaan at nakatago niya ay para lamang kay Roelyn. Naging mahirap pa kami sa daga simula ng ma-bankrupt ang negosyo ni papa. At simula ng magkanda-leche-leche ang buhay namin ng mabaon kami sa utang at ng mamatay si papa.
Sa akin sinisisi ni mama ang pagkamatay ni papa. Kahit hindi niya iyon sabihin sa'kin. Nakikita ko naman iyon sa kaniyang mga kilos at pananalita.
"Ms. Polarez, come to my office." Natauhan ako sa boses na nagsalita. Marahan kong ibinaba ang hawak ko saka tumingin sa kaniya.
Mapakla akong ngumiti. "Hi, Dean. It's nice to finally meet you." bagot kong saad.
Tinalikuran niya ako. Sumunod naman ako sa kaniya. Habang nakasunod ako sa kaniya. Pilit na inaayos ko ang camera ko. Narinig ko ang pagbukas niya ng pinto.
Tumigil ako sa paglalakad ng nasa harapan na ako ng table niya. Ibinaba ko ang aking kamay. Tumingin ako sa kaniya.
Nasa 50's na ang edaran niya pero hindi halatang matanda na siya. Sumisigaw pa rin ang kagandahan niya. Walang kulubot at wrinkles na makikita sa mukha niya.
"You are the first person to cause trouble at my school." simula niya.
"My pleasure. I'm not regretting it. She deserves it. Honestly, what I did to her is not enough." wika ko,
Pasalamat siya dahil nakontrol ko pa sarili ko kanina.
"I see." tanging saad niya.
"I'm not going to expel you. Two weeks of suspension are better in this situation. A simple punishment will do. After all, you are not the one who started it." she simply stated.
Medyo kumunot ang aking noo.
Nakangiti siyang tumingin sa'kin. "Nakalulungkot lang sapagkat sa ganitong situation pa tayo nagkita." may ngiti sa labing anas niya.
"I never thought na ganito kaganda ang granddaughter-in-law ko. Ngunit hindi ako naging aware na maypagka-pilya at troublemaker ka pala." natatawang komento niya.
"I am your husband grandmother." pakilala niya sa kaniyang sarili na ikinanganga ko.
"What?" gulat na gulat kong wika.
She is what? Jackross grandmother?
Magsasalita pa sana siya pero napalingon siya sa telephone na tumunog. Lumapit siya rito saka sinagot ang tawag.
"Yes, I am." Umangat ang tingin niya patungo sa'kin. Kumunot at naging seryoso ang mukha niya. Inosente namang nakatingin ako sa kaniya.
Napalingon ako sa pintong bumukas. Pumasok si Jackross wearing his famous expression. Narinig ko ang pagbaba ng telepono ni Dean.
Hindi na ako nagulat sa sunod na pumasok. Lumapit ang isang police sa'kin.
"Ms. Polarez, you are under arrest." Marami pa siyang sinabi habang sinusuot sa'kin ang posas.
"Will you shut up your mouth!" inis kong saad saka sulyap sa baril na nakasabit sa tagiliran. "Baka gusto mong sumunod sa taong nagreklamo sa'kin." bagot kong saad.
Kinuha ko ang kamay ko sa kamay niya. Kusa na akong humakbang palabas ng office ni Dean. Habang nasa hallway kami. Mata ng mga student ay nakatingin sa'kin. Pagdudukutin ko mga mata nila. Ngayon pang badtrip ako.
Pagkalabas namin sa gate. Mayr'ong mga sasakyan ng police ang nakaabang sa'min. Binuksan ng isa ang pinto ng sasakyan. Sumakay ako sa loob at sabay ding pumasok ang dalawang police at talagang tumabi pa sa'kin. Napagigitnaan nila ako.
"Out!" mariin na utos ko.
Sabay na lumingon sa'kin ang dalawang police.
"Tsk! Huwag kang maarte, ha." atungal ng nasa kanan ko.
Wala akong sinasanto kapag badtrip ako.
Binuksan ko ang pinto saka malakas siyang sinipa palabas. Ganoon din ang ginawa ko sa taong nasa kaliwa ko. Mabilis na sinara ko ang pinto para hindi na sila makapasok pa. Narinig ko ang pagtawanan ng dalawang nasa unahan.
"Tawa pa." malamig kong saad sa kanila. Mabilis na nawala ang tawa nila. Seryoso silang umayos ng upo saka sinimulang paandarin ang sasakyan.
Sumandal ako sa sandalan saka pinikit ko ang aking mga mata.
TheKnightQueen 🍀
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top