Chapter 6


"Sorry, hanggang dito na lang kita maihahatid. You know the reason, right?" Serena stated as she stop the car.

Tumingin ako sa unahan. May kalayuan pa sa gate ng campus. Kailangan pang tumawid ng dalawang pedestrian.

"Kaya mo na sigurong lakarin ang distance na 'yan?" she asked.

Tiningnan ko siya nang masama. Tinawanan lang ako ng bruha.

"Nasaan 'yong pinabibili ko sa'yo?" taas kilay kong tanong.

"Oh! Wait!" Mayr'on siyang kinuha sa likuran. Nang makuha niya ang hinihingi ko, kaagad niya itong inabot sa'kin.

"Here. Next time ikaw na bumili ng bago mong camera. Ang hirap mong hanapan. Dahil alam kong ang choosy-choosy mo. Sinigurado kong original na DSLR camera 'yan." hirit niya.

Siya kasi ang pinabili ko ng bago kong camera. Naging busy kasi ako kaya hindi kaagad ako nakabili.

"Thanks," ani ko pagkatapos kong makompirma na maganda ang quality na nabili niya.

Isinukbit ko ito sa aking balikat na parang bag lang. Binuksan ko ang pinto.

"Bago ko pala makalimutan. He wants to talk to you. He said, come with him, ASAP!" wika niya na siyang ikinahinto ko sa paglabas.

Tumingin ako sa kaniya saka tumango bilang tugon. Tuluyan ko ng binuksan ang pinto saka lumabas. Pagkalabas ko ay agad siyang lumayas sa harapan ko. Isang malalim na hininga ang ginawa ko. Legit na mayr'ong kalayuan pa ang lalakarin ko.

Nagsimula akong maglakad patungo sa tawiran. Hindi lang naman ako ang naglalakad na studyante. Mayr'on din akong kasama na parehong destination din ang tungo namin.

Saktong pagtingin ko sa traffic light. Kalilipat lang ng kulay sa green sign. Sabay-sabay kaming mga tatawid na lumakad sa pedestrian. Muli akong huminto at muling naghintay. Mayr'on pa kasing tatawiran na pedestrian.

Lumipas ang ilang minuto ay nakatawid na ako. Sa aking simpleng pagmamasid. Maraming studyante ng Jafri akong nakikita. Mostly sila ang kasabay ko. Karamihan ay naglalakad, karamihan nakasakay sa kanilang bike, ang ilan pa nakita kong bumaba sa bus, at ang karamihan ay mayr'ong kaniya-kaniyang sasakyan. Tingin ko, mga mayayamang studyante lamang ng Jafri ang mayr'on noon.

Sa aking pagpasok sa gate. Bumungad sa'kin ang ganda ng lugar. Nakahelerang maple tree sa parehong sides ang makikita mo papasok sa mismong pinaka-core ng paaralan. At pagkatapos, isang mataas at malawak na school building naman ang sasalubong sa'yo.

Ramdam ko ang bawat paglingon ng mga studyante sa'kin. Naririnig ko ang kanilang bulungan pero binalewala ko na lang iyon.

Malakas ding makaala-korean style sa uniform ang Jafri University. Color maroon ang kulay nito, mapa sa kulay ng skirt at coat. Ang tanging puti lang ay ang blouse na nasa ilalim ng coat. Bumagay sa'kin ang kulay at desinyo ng uniform. Umabot sa kalagitnaan ng hita ko ang haba ng skirt nila. Para mas maging cool ang datingan. Nagsuot ako ng heels na mayr'ong taas na five inches.

Sorry but I love wearing high heels sa kahit ano pa ang suotin ko.

"Hi, miss. Puwede ko bang malaman kung saan dito ang photography building?" tanong ko sa isang studyanteng inabangan ko.

Tinuro naman niya sa'kin kung saan. Nagpasalamat ako pagkatapos pero bigla akong mayr'ong naalala. Wala nga pala sa'kin ang bag ko. Muling bumalik ang inis na naramdaman ko kanina.

Muli akong nagtanong. "Hello, sorry sa abala pero kilala ni'yo ba si Jackross Frivo Warner?" Nagtinginan ang dalawa tila nagtataka sila kung bakit ko hinahanap si Warner.

"Why are you looking at him?" tanong ng isa.

"I need to get my things." sagot ko.

"If you know him, can you tell me what course he's taking? And in which building is he?" I asked again.

Nakita ko ang pagdalawang isip ng isa subalit sinagot niya pa rin ang tanong ko.

"Nasa fine arts building siya. Room number 4356," Tumingin siya sa kanang bahagi. "Doon banda ang kaniyang classroom. Matatagpuan mo iyon sa third floor."

"Thank you so much." masiglang pagpapasalamat ko.

Pagkaalis nila. "Bakit mo sinabi 'yon? Dapat hinayaan mo siyang mahanap ang kaniyang hinahanap. Hindi natin siya kilala, noh!" malakas na bulong ng kasama ng napagtanungan ko.

"E, kusang sumagot ang bibig ko, saka tingin ko transferree siya rito. Ngayon ko lang siya nakita, e. Nakapagtataka lang, ano ang relationship niya kay Jackross?" segunda naman nito.

"Tsk!" Hindi ba nila alam ang tamang definition ng bulong?

Naiiling na tinungo ko ang sinabi nilang direksiyon at building. Pagkarating ko sa fine arts building. Hinanap ko ang room number na sinabi nila.

"There you are!" I whispered.

Nakasara ang pinto nito. Sa tingin ko ay nagsisimula na ang kanilang klase. Kumatok ako ng tatlong beses bago marahang binuksan ang pinto. Bumungad sa'kin ang professor nila.

"I'm sorry to disturb your class, sir. But I need to talk to someone urgently." magalang kong paghingi ng permission sa kaniya.

"Who is it?" masungit na tanong niya.

Tinapatan ko ang matalim niyang tingin sa'kin. Umayos ako ng tayo at kalmadong sinagot ang tanong niya.

"I'm looking for Mr. Jackross Frivo Warner." Kinompleto ko na para direct to the point.

Humarap siya sa kaniyang klase.

"Mr. Warner, someone is looking for you." pagbibigay alam niya kay Frivo.

Sa aking pagharap din sa kaniyang klase. Nagulat ako na marami palang student na nakatingin sa'kin mismo. Pahagdan ang sitting arrangements nila kaya walang hirap na makikita mo ang nasa unahan. Agad na hinagilap ng mata ko si Frivo.

Nang makita ko siya. Mabilis na lumapit ako sa kaniya. "Give me the key of your car." Tumingin siya sa'kin.

"Nasa loob ng kotse mo ang bag ko." Naalala kong kasabay ng pagpuslit ko sa kotse niya ay siya ring pagtapon ko sa bag ko sa back seat nito.

"What?" he said.

Narinig ko rin ang pagsinghapan nila.

"Kung hindi mo sa'kin ibibigay. Samahan mo na lang akong kunin ang bag ko. Hindi ako makapapasok kung wala ang gamit ko. Naroon din ang phone ko." hirit ko.

Tinalikuran ko siya. Nang maramdaman kong hindi siya sumunod, muli akong humarap sa kaniya.

"Hurry! I'm getting late." anas ko,

"Go with her, Warner." sabat ni Professor.

Tiningnan ko muli si Jackross at nginitian siya ng mapanglokong ngiti.

"Hurry up!" muli kong wika.

Wala siyang nagawa kun'di ang tumayo. Nauna siyang lumabas kaya sumunod agad ako. Hindi nagtagal ay narating namin ang parking lot.

"Make it faster to grab your things." malamig niyang utos.

Lumapit ako sa pinto ng backseat. Hindi naka-lock kaya binuksan ko. Napangiti ako kasi nandoon pa rin ang gamit ko. Hindi man lang nagalaw. Kung ano siya sa pagkatapon ko, ganoon pa rin siya ngayon. Hindi niya siguro napansin.

Pagkakuha ko, "thanks," maikling wika ko.

Hindi pa man ako nakalalayo narinig ko ang pagtawag niya sa'kin.

"What the hell did you do?" galit na galit niyang tanong.

Dumako ang tingin ko sa kotse niya. Isang ngiti lang ang ginante ko sa kaniya. Anong ginawa ko? Binutas ko ang isa sa gulong ng kotse niya. Ito rin ang dahilan kung bakit gusto ko siyang isama sa pagkuha ng bag ko. Kung tutuusin, kaya kong kunin ang gamit ko without him.

"Well, serve it as your punishment for dragging me out earlier in your car." Tinalikuran ko siya. Patalikod na kumaway ako sa kaniya. "You deserve it!" malakas kong wika para marinig niya.

Malawak ang ngiting tumakbo ako papalayo. It's better na hindi niya na ako maabutan. And of course for me to be safe from his rants.

Nang marating ko classroom ko. Kumatok ako pinto para makuha ang atensiyon ng taong nasa unahan. Naging successful naman ako. Napalingon siya sa gawi ko.

"Good morning, ma'am." pagbati ko.

"You are?" she asked strictly.

"Gacianna Polarez." sagot ko.

Mayr'on siyang kinuha sa kaniyang table. Mayr'on siyang chineck maybe my name.

"Come in," maikling utos niya. Sinunod ko naman. Nakita kong binaba niya ulit ang hawak niya.

"Mayr'on kayong bagong makakasama ngayong semester." Tumingin siya sa'kin. "Allow us to know who you are, miss?"

"Hello, I am Yra Gacianna Polarez, a new transferred student from Gweyan University. This is my first time to transferring to another school, so I'm still adjusting to the environment that you have here. I hope everyone will help me build a new journey together with you." I politely introduced myself.

I gave them my sweetest smile.

"I hope next time don't be late, especially in my class." Tumango ako sa kaniya. "Go and find your comfortable sit."

Lihim na napangiwi ako. Find my comfortable sit? Katulad ng kila Jackross ang sitting arrangements namin. I want flat and straight arrangements. 'Yong mala-high school ang dating. Iyong malapit sa bintana nang makatakas ako kapag nabo-bore ako. Hindi pala uso 'yon dito.

Sad naman, Mas pinili ko ang nasa right side. Sa second row ako pumunta at umupo sa pinakadulong upuan.

"Let's continue our discussion." Rinig kong sabi ni prof.

Lumipas ang nakababagot na mga oras, sa wakas narinig ko na rin ang mga katagang 'class dismissed'. Kaagad na tinungo ko ang pintuan nang makalabas na. Pagkalabas ko, maraming mga studyante rin ang nagsilabasan sa kani-kanilang mga classroom. Hindi ko alam kung saan ang canteen dito.

Kaya ang ginawa ko, kung saan patungo ang karamihan ay doon din ako pumunta. Natitiyak ko kasing canteen din sila patungo.

Hindi nga ako nagkamali dahil nakita ko na ang canteen. Pumasok ako sa loob at agad na tinungo ang food counter. Kumuha muna ako ng tray na malalagyan. Nakipila na rin ako. Tumapat ako sa food na gusto ko at sa bawat magtatapat ako ay nilalagyan ako ng pagkain.

Nang nasa dulo na ako, makikita ang iba't ibang maiinom. Mayr'ong water, iba't ibang klase ng flavor ng soft drinks, mapa-in can or bottle pa ito, at marami pang iba.

Mas pinili ko ang mineral water. Nang matapos na ako makakuha ng pagkain. Humanap naman ako ng available na table. Natanaw ko ang isang walang taong mesa kaya agad ko itong tinungo at pumuwesto.

Nilapag ko ang aking tray saka nagsimula na ring kumain.

"Oh my god! Alam mo bang nariyan si Jackross. Sa unang pagkakataon ay pumasok siyang muli." Rinig kong wika ng isa sa mga kababaihang kinikilig.

Lihim na sinulyapan ko ang nasa harapan kong mga kababaihan.

"True ka r'yan, girl. Alam mo bang every semester ay inaabangan ko ang pagpasok niya. At ngayon, finally! Nasilayan ko siyang muli." wika ni girl number two habang nagpapantasya.

Napangiwi ako sa sinabi at ginawa niya. Para siyang ewan. Hindi ko na lang sila pinansin. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain.

"Psst! Psst! Psst!" Rinig kong mahinang sitsit sa bandang kanan ko.

"Siya 'yon!" wika nito.

"Ang alin?" tugon naman ng isa.

"Huwag ka ngang low gets!" Naramdaman ko ang paglingon sa'kin ng babae.

"Siya 'yong sinasabing babae sa campus forum na pinuntahan mismo si Jackross sa classroom nila." mahinang sinambit nito sa kasama.

"Iyong babaeng kinuha 'yong gamit sa loob mismo ng kotse ni Jackross. Hindi ba, alam nating bawal na bawal lumapit sa kotse niya pero siya, nagawa niyang makalapit dito. Siya pa mismo ang kumuha ng gamit niya sa loob nito." ani muli niya.

Isang big deal ba talaga ang makalapit sa kotse ni Jackross? Kaliit-liit na bagay naman n'yon, e. Lalapit ka lang naman. Anong nakatatakot doon?

"Ano sa tingin mo relasyon nilang dalawa?" curious na tanong ng kasama ng babaeng nagtsitsismisan.

"Shhhh! Lower your voice. Baka marinig tayo ni Darrie." saway sa kaniya.

Nahinto ako sandali.

Darrie?

Let me guess. She is a woman who is possessively in love with Jackross. At saka, parang may mali. Ako iyong pinag-uusapan pero mas takot silang marinig iyon ng iba, kaysa sa'king ako ang topic.

Tsk! Tsk! Mga tsismosa nga naman.

"She is more beautiful than her. I wouldn't be shocked if our Jackross liked her." wika naman ng nasa kaliwa ko.

"Shut up, Gwell! Hindi siya ang tipong babaeng magugustuhan ni Jackross." mariing pagsuway ng katabi nito.

Dumako ang tingin ko sa kaliwa kong direksiyon. Tiningnan ko ang dalawang nag-uusap especially the girl who is against me. Tiningnan ko siya nang maigi. Mukhang naramdaman niya ang titig ko. Dumako ang tingin niya sa'kin. Tinaasan ko siya ng kilay.

Mabilis na nagbawi siya ng tingin. Pinagpatuloy ko na lang din ang pagkain ko. Maya lang ay biglang nagsitilian ang mga babaeng naririto. Nang sundan ko ang direksiyon na tinitingnan nila. Nakita kong papasok si Jackross kasama ang mga kaibigan siguro niya.

Two girls and one guy ang kasama niya. Nasa unahan siya at pinapantayan ng isang babae. Samantalang 'yong isang guy and girl ay halos magkadikitan na. I assumed na magjowa sila. Sabay-sabay nilang pinuntahan ang food counter. Nagsimula na naman ang bulungan.

Naiiling na tinapos ko ang pagkaing nasa harapan ko. Mabilis na tinapos ko ito nang makalayas na ako rito sa pugad ng mga bubuyog. Wala rin ako sa mood para makipagbiruan kay Jackross ngayon.

TheKnightQueen 🍀

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top