Chapter 5


Natawa ako sa kaniyang sinabi. Getting rid of myself here in his office? Hindi ako sumusunod sa kahit na sinong tao. Isa pa aalis ako kapag gusto ko hindi dahil sa inutos at sinabi niya.

Matamis ko siyang nginitian. "I'm sorry, sir. Aalis ako kung gusto ko. Hindi ako katulad ng mga taong nakasalamuha mo na isang utos mo lang ay matatakot at susunod agad sa'yo." Nginisihan ko siya. "Since kusa akong pumasok dito, kusa rin akong aalis." pagpapatuloy ko sa sinasabi ko.

"Your choice." tila pagsuko niyang saad na mas lalong nagpangiti sa'kin.

Umalis na siya sa kaniyang kinatatayuan. Tinungo niya ang kaniyang desk at umupo sa swivel chair niya.

"Since I can't get rid of you. Suit yourself, but make sure you don't make a noise that might disturb me." mahaba niyang sabi.

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay nagsimula na siyang buksan ang mga folder na nasa tapat niya.

Dalawang minuto pa lang ang nakalilipas ay sumuko na ako sa katahimikan.

"Aish!" pagsuko ko, tumayo ako sa kinauupuan ko at nagsimula muling maglakad-lakad.

"I'm bored, and silence is not my thing." pagsimula ko sa pagbasak sa katahimikan.

Mas mabo-boring kasi ako kapag nasa tahimik na lugar. Sa halip na maging payapa ang pag-iisip ko, mas lalo pa itong gugulo dahil sa dami ng thoughts and what if na pumapasok sa utak ko kaya hate ko ang katahimikan.

Tumingin ako sa kaniya. Busy siya sa kaniyang ginagawa.

"Let's talk about our unplanned marriage." pagbubukas ko ng topic.

Wala kasi akong maisip na i-open up. Wala akong pakialam kung naririnig or nakikinig siya sa'kin. Ang gusto ko lang ay magkaroon ng ingay ang loob na ito. It's kinda weird kasi.

"Ang sabi mo, we should do what they want, but until when?" curious kong saad.

"Wala sa'kin ang problema kung dito ako mananatili, iyon din naman gusto nila to see us living together." saad ko,

There's something really bothering me. How the hell this marriage happened?

"Maybe staying here is not bad." nakangiti kong sambit. "I got to know the guy who called a mysterious guy, a guy who dreams of all women living here on earth. What a lucky woman I am to be your chosen wife."

"Don't touch it." malamig na rinig kong winika niya.

Sa lahat ng sinabi ko iyon lang sinabi niya. Sumimangot ang mukha ko. Nahinto tuloy ang kamay ko. Sayang mahahawakan ko na, e. Umalis ako sa puwesto ko at lumapit sa kaniya. Sumilip ako sa ginagawa niya. Nag-bend ako para mas lalo kong makita ang binabasa niya.

Kaagad din naman akong umayos ng tayo at humakbang patalikod.

"Kasal na rin naman tayo. Why not start as friends first?" suggestions ko. "Para naman maging goods ang marriage na ito. Maybe getting married to each other is a good thing for us." Humarap ako sa book shelves niya.

Naghanap ako ng puwedeng mabasa rito. Lahat ng mga best selling books at well-known authors ay narito. Kumuha ako ng isa saka binuksan ito.

"Stop putting hope to this marriage because this relationship we have is have a limitation." tugon niya sa'kin.

Nahinto ako sa ginagawa ko.

Indeed.

"Don't expect that I'll treat you as my wife or my woman. If I asked, I wouldn't like you to be here. I don't like someone bothering me." Tumingin ako sa kaniya. Hinintay ko ang susunod niyang sasabihin. He stop at the middle. "You are not my type after all."

Itinuloy ko ang ginagawa ko. "Marahil sa ngayon ay hindi mo ako gusto, but we never know what will happen in a future." pilya kong tugon. "What if you fall in love with me? Tatawanan kita kapag nangyari 'yon."

"It will not going to happen." mariin niyang tugon muli. "You are talking about me. How about you? All girls want me, so it is possible that you fall in love with me." balik sambit niya.

Lihim na napangiti ako. It's getting more exciting. Sumasakay siya sa trip ko. I am just breaking the silence between us.

"Hmm, you have a point." Nagpanggap akong nag-iisip. Isinara ko ang hawak kong libro saka marahang humakbang palapit sa kaniya. 

Saktong pagkalapit ko sa kaniya ay siya ring pag-ikot niya paharap sa'kin. Ngayon ay magkaharapan ang aming mga mukha ng three inches ang layo namin.

"So what if I fall? Aren't you happy that you became my first love? Falling in love with my husband is not a sin to commit." mapaglarong saad ko.

Lihim na nagdiwang ang kalooban ko sa nakita kong reaction niya na kaagad niyang tinago.

"Leave!" malamig niyang utos sa'kin.

Umayos ako ng tayo. "Ayoko nga," pagmamatigas ko.

Mukhang walang patutunguhan ang topic namin. Pareho naming hindi gusto ang situation namin ngayon. May pakiramdam akong may kakaiba sa kaniya dahil sa pumayag siyang patirahin ako rito.

Mayr'on ba siyang hidden agenda?

Sa nakikita ko sa kaniya. Hindi siya ang tipong taong mahilig makipag-socialize sa iba. Siya na rin ang nagsabi na ayaw niyang iniistorbo siya. Halata rin sa location ng bahay niya. Hindi niya ilalagay ang palasyo niya sa isang exclusive place kung mahilig siyang makipag-socialize. Now I know why he called as mysterious guy.

"I met Zart earlier." pagbabago ko ng topic. Pumunta ako sa couch saka umupo roon.

"He told me that I had been transferred to Jafri University." Dumako ang tingin ko sa kaniya. "Are you the one who did that?" tanong ko.

"Just to inform you. I hate someone deciding for me. Next time, ask me first before you decide." Hindi na ako naghintay sa magiging tugon niya.

Nilabas ko ang headset na palihim kong kinuha sa table ni Jackross kanina. Sinalpak ko ito sa phone ko saka nilagay ang ear plug sa pareho kong tainga. Ginawa kong full volume ang pinatugtog ko. I grab the book. Humiga ako sa couch.

Napa-O ako ng tahimik dahil ang soft ng couch. Sakto sa'kin ang lapad ng couch. Walang problema kung makatulog man ako. Tiyak akong hindi ako mahuhulog.

Muli kong binuksan ang librong nakita ko kanina. Hindi ko akalain na mayr'ong mga novels sa shelves niya. The book entitled Touch and Die which caught my attention and interest. I read the book until I fall asleep.

On the next day,

Mabilis na bumababa ako ng hagdan. Nakita kong lumabas si Jackross mula sa kusina. Sinundan ko siya. Napansin ko kasing suot namin pareho ang Jafri uniform. Same university kami ng papasukan? Sinundan ko siya hanggang sa marating namin ang garage. Binuksan niya ang kaniyang kulay itim na kotse. Nakaisip ako ng isang ideya. Bago pa siya makapasok sa loob. Mabilis akong tumakbo patungo sa kaniya saka pumasok sa loob.

Umupo kaagad ako sa passenger seat.

"That was cool!" mangha ko sa aking sarili.

That was my first time to do that skills. Kaya ko naman palang magpuslit.

"Get out." Nawala ang ngiti ko sa sinabi niya.

"Ayan ka na naman, e. Sabay na tayo total same university naman ang pupuntahan natin. Isa pa, wala rin akong gagamiting sasakyan papunta roon." todo depensa ko.

Sinuot ko na ang seatbelt nang makasiguro na hindi ako mapalayas. "Don't mind me. Just go! Pareho tayong mahuhuli kapag hindi mo pinaandar ang kotse."

He started the engine. Nakararamdam ako ng excitement na makita ang bagong university na papasukan ko.

"Bakit ka huminto?" taka kong tanong.

Huminto kasi siya pagkalabas ng gate. Binuksan niya ang pinto saka siya lumabas. Sinundan ko siya ng tingin habang umiikot siya patungo sa side ko. Nagulat ako ng bumukas ang pinto sa tabi ko. Hindi ako kaagad naka-react ng tinanggal niya ang pagkakasuot ng seatbelt sa'kin. Walang hirap niya akong nilabas sa kotse niya.

Mabilis ang pangyayari kaya hindi ako naka-react sa ginawa.

"What the hell, Frivo!" silyak ko.

Binuksan ko muli ang pinto. "Buksan mo ang pinto." gigil kong utos.

Kung gaano kabilis niya akong napalayas sa loob ng kotse niya, ganoon din siya kabilis na muling pumasok sa loob. Muli niyang binuhay ang engine ng kotse. Hinampas ko ang salaming bintana ng kotse.

"Hey! I said open up!" Ni-locked niya sa loob kaya hindi ko mabuksan. Nagulat ako ng nagsimula ng umandar ang kotse hanggang sa tuluyan niya akong iniwan.

Hinabol ko pa siya. Hindi makapaniwalang nakatingin na lamang ako sa papalayong Jackross Frivo.

"P*sh*t na lalaking 'yon!" gigil kong sambit.

Pinalayas niya ako pero hindi niya nilabas ang bag ko. Inis na sinipa ko ang maliit na batong nakita ko. Kapag nag-cross ang landas naming dalawa sa campus. Malilintikan sa'kin ang lalaking 'yon. Makikita niya! Ako pa talaga kinalaban niya.

Inis na humarap ako sa gate habang gigil na ginalaw ang bangs ko. Walanghiya talaga ang lalaking 'yon. Natigil ang pagsusumpa ko kay Frivo ng mayr'on akong narinig na busina sa likuran ko. Humarap ako kaagad upang tingnan.

"Hey! Are you alright? You seem pissed off!" wika ni Serena habang nakalabas ang ulo sa bintana ng kotse.

"Tsk!" Buti na lang naligaw ang babaeng 'to dito. Tatawagan ko sana siya kaso lang nasa bag ko rin ang phone ko.

"Come on!" tawag sa'kin ni Serena.

Wala akong sinayang na oras. Lumapit ako sa kotse. Binuksan ang pinto saka pumasok sa loob.

"What happened?" tanong niya agad pagkaupo ko.

"Nothing." badtrip kong sagot.

"I guess, hindi kayo magkasundo ng asawa mo." Sinimulan niya ng paandarin ang kotse. "Hindi na ako nagulat sa bagay na 'yon. It is really impossible for the both of you to be closed when you and him is an opposite to each other." simpleng hula niya.

"How do you know about that? Nagsisimula pa lang kami." malamig kong wika.

Natawa siya sa ginawa ko.

"Easy! Relax! Okay. Ano ba ginawa ni Jackross sa'yo para maging ganiyan kainit ang ulo mo?" curious niyang wika habang natatawa pa rin.

"He left me." inis kong sagot. "Alam niyang wala akong sariling sasakyan papuntang school." maktol ko. "Ang kapal niyang palabasin ako sa kotse niya." I greeted my things sa sobrang inis na nararamdaman ko.

"What? Pumasok ka sa kotse niya?" gulat na sabi ni Serena. "Kaya naman pala, e. Hoy babae! Para sa kaalaman mo. Hindi talaga nagpapasakay sa kotse 'yang si Jackross. Kahit sino ay hindi niya hinahayaan na makapasok sa kotse niya. Maging nanay nga niya ay hindi pa nagagawang makasakay sa kotse niya, e. Ikaw pa kayang sabit lang sa buhay niya." Serene continued.

Kunot noo akong lumingon sa kaniya.

"Pero impyernes, sis. Hanga din ako sa'yo. Ikaw pa lang ang nakagawang makapasok sa loob ng kotse niya. Paano mo nagawang pasukin 'yon. No can do that. Takot nga silang lumapit sa kotse niya, e." Lumingon siya sa'kin ng mayr'ong pilyang ngiti. "I forgot, you are a famous Gacianna. Babaeng walang inuurungan." Hindi ko alam kung compliment ba sinabi niya, o nang-aasar siya.

"Tsk!" tanging naging tugon ko.

"Isa pa, Jackross is a guy who never fall in love with the girl. He never give a glance in any of them. Kahit na maraming nagkakandarapa sa kaniya." sambit niya,

"You know what, ang dami mong alam." I commented.

"S'yempre, anong silbi ng trabaho ko." proud niyang wika.

"Dakilang tsismosa ka talaga ng taon." pagpupuri ko sa kaniya.

Tumingin ako sa labas ng bintana. Ibinaba ko ang salamin ng bintana. Marahan kong pinatong ang ulo rito saka dinamdam ang simoy ng hangin na tumatama sa'king mukha. Marahan na ipinikit ko ang aking mga mata habang nakangiti ang aking mga labi.

"I am wondering: Will you make him fall in love with you? Will he be able to resist your irresistible charm? I can't wait to see your love story." Rinig kong sambit ni Serena na mayr'ong halong panunukso.

Unti-unting nawala ang ngiti ko. Marahan ding nagmulat ang aking mga mata.

Love story?

Do I deserve to have that?

Sinakyan ko ang sinabi niya. "Sure! Be the witness to my love story. I will make him fall in love with me without his noticing that he is already falling for me bit by bit."

Tumingin sa'kin si Serena. "You have a lot of confidence, ha. Just to remind you. He is Jackross, a cold-hearted guy. Hindi siya ang tipong taong madaling mahulog."

"Let see." tugon ko,

Naiiling siyang tumingin sa unahan. Muli akong tumingin sa labas.

Guard your heart. Make it hard like a stone. Make it cold like ice. Don't make it weak. Don't let it eat you, and most of all, don't let it fall in love.

Mapakla akong napangiti.

TheKnightQueen 🍀

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top