Chapter 4


Marahan kong iminulat ang aking mga mata. Kunot noo akong tumingin sa paligid ko. Bakit parang ang tahimik naman ng gising ko? Ganitong oras ay dapat nanggigising na si mama. Siya kasi ang alarm ko. 

Anong oras na ba? Inaantok na sinilip ko ang orasan. Eleven na pala. Pilit na bumangon ako. Anong araw ba ngayon?

Ny*ta! Ang sakit na naman ng ulo ko. Napasobra na naman ako nang saya kagabi. Nilinis ko ang mga mata ko saka tumingin muli sa paligid.

Nang ma-recognize ko ang paligid ko. Napa-O ng bibig na lang ako. Oo nga pala. Wala nga pala ako sa bahay. Naiiling na umalis ako sa kama at dumeritso sa banyo. Kaagad akong naghilamos ng mukha.

Ilang minuto rin ang ginugol ko para makapag-ayos ng sarili. Sa paglabas ko sa banyo, biglang sumagi sa isip ko na lunes ngayon. May pasok na pala ngayong araw pero hindi ko alam kung saang university ako papasok.

I am a fourth year college taking Bachelor of Arts in Photography at Gweyan University. Speaking of Photography, kinuha ni Roelyn ang camera kong ginagamit. Ang bruha talagang iyon wala ng maginawa sa buhay kun'di pakialaman ang mahahalagang gamit ko.

Lalabas na sana ako nang marinig ko ang phone ko. Hinanap ko sa katawan ko ang phone. Nang hindi ko siya mahanap. Pinakinggan ko nang maigi kung saan nanggagaling ang tunog.

Napadako ang tingin ko sa isang mini cabinet na nasa kanang bahagi malapit sa kama. Lumapit ako at binuksan ang unahang drawer. Agad na bumungad sa'kin ang phone ko. Dito ko ba nilagay ang phone ko kagabi?

Kinuha ko ito at sinagot ang tawag ni Serena.

"Babaeee!" malakas na bati niya sa'kin.

Sinara ko ang drawer. Tuluyan na rin akong lumabas sa kuwarto dahil nanunuyo na rin ang lalamunan ko.

"How are you? Nagawa mo bang makauwi ng buo? You are worst wasted last night." Rinig ko sa kabilang linya.

Kasalukuyan akong pababa ng hagdan.

"Am I?" bagot kong tugon.

Pagkarating ko sa kusina. Pinindot ko ang loudspeaker saka inilapag ko sa ibabaw ng mesa ang phone. Kumuha ako ng baso at nagsalin ng tubig.

"Bruha ka. Wala ka bang maalala sa nangyari kagabi? Maging kung paano ka nakauwi at nakatulog nang matiwasay?" Ramdam ko ang pagtaas ng kilay niya. Sandali akong natigilan at nag-isip dahilan para hindi ako nakasagot.

Inalala ko ang nangyari kagabi maging kung paano nga ako nakauwi nang maayos. Pero bigo ako dahil wala namang pumasok sa isip ko.

"Tsk! Tsk! Tsk! Napaka mo talaga." reklamo ni Serena.

Mostly kasi hindi ko na inaalala pa ang mga nakalipas. Ang mahalaga ay buhay, buo at maayos akong nakauwi. May sarili yatang utak ang katawan ko kapag lasing dahil sa tuwing imumulat ko ang aking mga mata ay maayos akong nakahiga sa kama like nothing happened.

At saka, mang-tsitsismis lang talaga 'yang si Serena kaya ganiyan siya kung makaintriga. Mayr'on lang na mailathalang tsismis sa tao.

"Ano bang klaseng memorya mayr'on ka? Hindi man lang marunong umalala." Alam kong nakabusangot na naman mukha niya.

"Sige nga, ano sa tingin mo ang nangyari? Bakit ba tanong ka ng tanong? Ikaw lang naman naghahatid sa'kin sa harap ng gate ng bahay." lintanya ko.

Binaba ko ang baso. Nakakita kasi ako ng Fuji apple. Mabilis kong kinuha ito at kinagatan. Nakararamdam na kasi ako ng hapdi ng sikmura. Wala pa pala akong kinain simula ng mapunta ako rito.

"Para sa kaalaman mo, Inday. Hindi kita hinatid. Umuwi ka kaya ng mag-isa. Ihahatid sana kita kaso lang pagtalikod ko ay naglaho ka na. Tinangay mo pa ang isang taxi." kuwento ni Serena na siyang ikinahinto ko sa pagkain ng Fuji apple. "Kawawa tuloy 'yong driver ng tinangayan mong taxi."

Marahan ang naging pagkagat ko sa hawak kong Fuji Apple. Hindi ko masiyadong naiintindihan at naririnig ang mga sinasabi ni Serena dahil nakatuon ako sa mga memoryang pumapasok sa utak ko. Marahan ang naging paglingon ko sa pintuan ng kusina as a memory flash to my mind.

Nagre-replay sa utak ko ang mga nangyari kagabi. Mula sa sinasabing ninakaw ko raw ang isang taxi. Ang epal kasi no'ng driver ang bagal-bagal kaya kinikick out ko.

Marahan muli akong napakagat sa Fuji Apple. Nagsalubong ang mga kilay ko ng mayroong muling pumasok sa isip ko. Pagkarating ko sa tapat ng gate, gumawa ako kahangalan este katangahan. Dahil sa hindi ko mabuksan ang gate. Pinagsisipa ko ito saka nagngawa nang malakas. Dahil sa ginawa ko, mayr'ong taong lumitaw. Hindi ko siya makilala dahil sa kalasingan ko pero ngayon, sh*tty! Si Jackross ang taong lumitaw.

At waaaa! Marami akong ginawang kahihiyan sa buhay. Marahan akong lumingon sa refrigerator. At doon, habang nakatingin ako. Nakikita ko ang mga ginawa ko. Ano ang ginawa ko? Gusto ni'yo malaman?

Well, nilabas ko lang naman lahat ng laman sa refrigerator as if I am looking for something that I can't figure out. Tapos, nagluluto ako ng hindi naman bukas ang stove. Nagbasag din ako ng mga wine glass dahil lang sa wala akong mainom na tubig.

Napatampal ako sa noo. Anak ka naman ng tipaklong, Gacianna! Mabilis na nilapitan ko ang pinaglagyan ng mga wine glass.

"My gulay!" Napasinghap ako dahil talagang totoong nagbasag ako kagabi. Maraming mga vacant space. Halatang nawala ang iba.

"Hoy! Gacianna! Nariyan ka pa ba? Hello! Earth 'to, noh! Naririnig mo pa ba ako" Bigla akong napalingon sa phone ko.

Aish! Oo nga pala. Naka-on call nga pala si Serene. Nakalimutan ko na. Bagsak-balikat kong isinara muli ang cabinet. Humakbang akong patungo sa phone, kinuha ko ito.

"Nothing happened last night. Will you stop bothering me today? I had a headache, so please! Give me a peaceful day." lintanya ko saka pinatayan siya ng linya.

Napainom ako ulit ng tubig ng wala sa oras. Sa tuwing naiisip ko ang katangahan at kahihiyang ginawa ko kagabi. Gusto ko na lang maglaho at lamunin ng lupa ngayon mismo.

Muli akong lumapit sa refrigerator saka basta na lang kumuha ng maiinom na nasa in can. Binuksan ko ito saka ininom agad. Sinara ko ang fridge saka lumabas na ng kusina.

"Here you are." Nahinto ako sa paglalakad maging pag-inom ko ay naudlot din. Tumingin ako sa taong gumambala sa'kin. Tinaasan ko ng kilay si Zart pero dinedma ako ng bruho.

"Here, take this." Inabot niya sa'kin ang isang brown envelope.

Kinuha ko ito at walang paligoy-ligoy na binuksan at tiningnan. Binasa ko ang papel na nasa loob nito.

"College Admission?" kunot noo kong tanong sa aking sarili.

Binasa ko pa ang ilang mga papers na nasa loob ng envelope. I found out that I have already been transferred to the new university, Jafri University, with the same course. Nakasaad na continues ang pagpasok ko at walang subject na mawawala or maiiwan. Nakita ko rin ang schedule ko.

"You don't need to worry because everything is settled. All you have to do is go there and attend your class." Zart stated.

Lihim na humugot ako nang malalim na hininga. Nakangiting tumingin ako sa kaniya.

"Thanks for these." Inangat ko ang hawak kong envelope. "But next time, inform me first before making a decision." magkahalong ngiti at seryoso na pagbibigay alam ko sa kaniya.

Humakbang ako para umakyat ng kuwarto pero mayr'on akong naalala dahilan para lumingon muli ako kay Zart. Buti na lang hindi pa siya nakaaalis.

"Saan ko makikita si Frivo?" tanong ko.

Kumunot ang kaniyang noo sa tanong ko. Nabahiran din ng gulat ang kaniyang mukha.

"In his office." sagot niya.

Ngumiti ako sa kaniya. "Salamats!" masiglang pasasalamat ko.

Muli ko siyang tinalikuran. Malawak ang ngiting humakbang ako at mabilis na umakyat pataas ng hagdan. Pagkarating ko sa kuwarto. Tinapon ko lang sa ibabaw ng kama ko ang dala kong brown envelope. Pagkatapos ay lumabas din naman ako, sa kalagitnaan ay bigla akong napahinto at napatampal sa noo dahil nakalimutan kong itanong kay Zart kung saang part ng bahay matatagpuan ang office ni Jackross.

"Aish! Bahala na. Siguro naman matatagpuan ko iyon dito." kausap ko sa sarili ko.

Muli akong naglakad at nagsimulang maghanap. Hmm. Parang nagto-tour na rin ako sa buong bahay. Ngayong araw din pala ang first day ko rito. Talaga namang maganda ang bahay niya. Pure modern type ang design ng mansion. Talagang mapapa-speechless ka na lang sa ganda. Dito pa lang ay makikita mong mayaman talaga ang may-ari ng bahay.

Patingin-tingin ako sa buong lugar. Lumapit ako sa railings ng stairs to see at nagbabakasakaling makita ko siya sa baba pero bigo ako. Nagpatuloy ako sa paghahanap hanggang sa mapangiti ako nang malawak.

Pinasok ko ang pintuang binuksan ko. I think I found his office, but where is he? Hindi ako puwedeng magkamali ng hinala na sa kaniya ito dahil the room is represent of his personality. Paano ba naman, kung ang buong kulay interior design niya ay light color, dito sa office niya is dark color. Hindi na ako magtataka kung sa kuwarto niya ay ganito rin.

The ambiance is also dark and full of mystery, like him. Marahan akong naglakad-lakad sa loob habang pinagmamasdan ang bawat details ng kaniyang office. I like his office, from the color, theme, atmosphere and ambiance. The room is neither too small nor too big. Sakto lang sa size for home office.

Is he one of those people who loves to collect antique things? Marami kasi siyang mga antique base, painting, small sculpture and etceterang mga bagay pa.

Sa pagpasok sa office niya. Ang bubungad sa'yo ay ang sala set. Sunod na makikita mo ang kaniyang desk na napakalinis. Makikita mo rin ang malaking painting na sa tingin ko ay gawa pa ng mga sikat noon na pintor.

Sa left side naman ng painting ay ang shelf na naglakaman ng mga trophies, certificate and medals habang sa kabila ay mga libro ang mga nakalagay. Marahan akong humakbang palapit sa kaniyang desk habang naglilibot ng tingin ang mga mata ko.

Nang makalapit ako, tinungo ko ang shelf ng mga trophies. Namangha ako dahil lahat ng trophies niya ay pure gold lahat.

"What kind of guy is he?" nakangiwing bulong ko sa sarili.

Marami siyang sinalihan noong elementary and secondary days niya, at sa lahat ng sinalihan niya ay lahat first place siya.

Inangat ko ang kamay ko para hawakan ang trophy.

"What are you doing here?" Nahinto sa kalagitnaan ang kamay ko. Isang malamig na boses ang siyang narinig ko mula sa aking likuran.

"Who allowed you to enter here?" he asked coldly.

Marahan na ibinaba ko ang kamay ko. Palihim na humugot ako ng malalim na hininga. Hindi tatalab sa'kin ang malamig niyang pananalita. Humarap ako sa kaniya ng mayroong ngiti sa labi at mayr'ong maaliwalas na mukha.

"Ito naman, oh. High blood kaagad. Hindi naman kita pagnanakawan, and FYI hindi ako magnanakaw." saad ko,

Umalis ako sa harapan ng shelf. Hindi ako natatakot sa mga titig niya. Isa pa, mahinahon naman siya kaya walang problema. Isang tao lang din naman siya katulad ko, kaya bakit ako matatakot.

"Out!" maikli subalit mayr'ong diing utos niya sa'kin.

"Huwag ka namang ganiyan. Ngayon na nga lang tayo nagkita ulit. Tapos gaganyanin mo ako. Hindi pa nga tayo nakakapag-usap nang maayos kahit no'ng first meeting natin." pangongonsensiya ko. 

Sa halip na umalis, umupo pa ako sa upuang nasa harapan ng desk niya. Pa-indian sit akong umupo sa one seater chair.

"Don't let me say what I said." pagbabanta niya sa'kin.

Hindi ko ito pinansin. "Huwag ka ngang madamot diyan. Narito lang naman ako para humingi ng sorry at thank you sa'yo." Nakita ko ang pagtaas ng kilay niya.

Iniharap ko sa direksiyon niya ang upuan. Inalis ko ang pagkakaindian sit. Sabay na itinukod ko ang mga kamay ko sa harapan ng upuan.

"Pasens'ya dahil mukhang naabala kita kagabi nang todo, and thank you for being good to me last night." Nanatili siyang nakatayo habang mayr'ong blangkong mukhang nakatingin sa'kin.

Binalewala ko ang kaniyang mga blangkong tingin. Wala akong magagawa dahil ganiyan yata siya mula ng siya ay isilang. Pinaglihi yata siya sa mga taong weirdo.

"Are you done?" he asked.

"If yes, get rid of yourself here." he continued.

TheKnightQueen 🍀

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top