Chapter 31
Tatlong linggo na mula ng umalis ako sa mansion ni Jackross. Nanatili lang ako rito sa kuwarto nang hindi kumakain, tanging alak lang ang laman ng tiyan ko. Hindi naman kasi ako nakararamdam ng gutom. Gusto kong magpakalasing nang mawala naman itong sakit na nararamdaman ko pero wala, e.
Hindi ako nalalasing kahit hindi ko na mabilang kung ilang malalakas na alak ang nainom ko.
Nandito ako ngayon sa terrace. Kalulubog lang din ng araw. Napalingon ako sa isang kulay violet na butterfly. Pinadapo ko ito sa aking daliri. Then, naalala ko si Lavender sa mansion ni Jackross.
Nawala ang ngiti ko. Tumingin ang mga mata ko sa likuran ko nang maramdaman ko si Serena.
"I know you are not okay, but I think nasa wisyo ka na at puwede na kitang makausap." saad niya, pumuwesto siya sa aking harapan at sumandal sa railings.
Kumuha rin siya ng isang bote ng alak at bumalik din sa puwesto niya kanina.
"Mukhang kinain mo ang mga sinabi mo noon." simula niya.
"Mukhang ikaw ang natalo sa deal ni'yo." dugtong niya saka uminom.
Tumawa siya, "Sinabi ko naman sa'yo, hindi mo magagawang pasukin ang puso ng isang Warner. Suntok sa buwan kung magawa mo iyon. Si Jackross Frivo Warner ba naman ang kinakalaban mo. Ang taong kasing TIGAS ng bato ang puso. Ang taong iisang tao lang ang laman ng puso." sambit niya,
"Pero alam mo bang, suwerte talaga ng isang babae kapag ang isang Warner ay mapa-ibig niya. Why? Kasi loyal ang mga Warner, at isang halimbawa si Jackross." she continued.
"Kita mo naman, ilang taon na ang lumipas pero mahal niya pa rin ang first love niya. Kahit mga bata pa lang sila ng huli silang magkita. Na kahit alam niyang engaged na siya sa iba pero hinanap niya pa rin ito. At kahit na kasal na siya, pinili niya pa rin ang first love niya." patuloy niya.
"Kahit mga paint niya ay tungkol sa first love niya." bitter niyang dugtong.
Hindi ko mapigilang hindi siya pagtaasan ng kilay kasi hindi ko alam kung kino-comfort niya ako, o kung ano.
Nahinto siya dahil mukhang napansin niya ang pagtitig ko sa kaniya. Nginitian niya ako.
"Gusto ko lang sabihin sa'yo na, hindi ikaw 'yan. Hindi ikaw ang tipong babaeng magmumukmok at magkukulong sa loob ng isang silid para lang sa isang taong mahal mo." seryoso niyang saad sa akin.
"I mean, hindi ko sinasabing hindi ka dapat umibig. Katunayan nga ay masaya ako dahil marunong ka pa lang magmahal. Na Ang taong kagaya mo ay tatamaan din pala ni kupido." natatawa niyang wika.
Dumako ang tingin ko sa hawak niya. Kanina niya pa ito hawak, e.
"Say it," utos ko.
Tumingin siya sa hawak niya. Inabot niya ito sa akin.
"This is the last day of your mission." saad niya,
Inabot ko ito saka binuksan. Mapakla akong natawa sa laman nito.
"Kung handa ka ng makaharap siya. Nakahanda na ang iyong damit. Hintayin kita sa labas. Fix yourself, Gacianna." Tinapik niya ang balikat ko.
Palabas na siya pero huminto siya.
"Hindi ko alam kung ano ang magiging desisyon mo ngayong gabi. Gusto kong malaman mo na susuportahan kita sa desisyon, pero ---" Pinutol niya ang kaniyang sasabihin saka humarap muli sa'kin.
"Please! Choose yourself. I don't want to lose you. Ayokong mawala ang kaibigan ko. Wala na kasi akong matatagpuan na kasing galing mo. Pero ganoon pa man, whatever you're decision, I will support you no matter what." marahan niyang saad.
Tuluyan na siyang lumabas. Tumingala ako sa kalangitan. Madilim ito subalit punong-puno ito ng mga bituin. Mapakla akong natawa para sa sarili ko.
Hindi ko nga alam kung ano ang gagawin ko, e. Hindi ko kilala ang sarili ko. Gusto ko na lamang na maglaho sa mundong ito.
"Sino ba ako? Ano bang purpose ko sa mundong ito? Nabubuhay ako para saan? Para kanino?" Pinikit ko ang aking mga mata.
Sa aking pagmulat muli. Tumayo ako at pumasok sa loob. Binuksan ko ang ilaw, bumungad sa akin ang isang fitted gown.
Napadako ang tingin ko sa isang invitation. Oo nga pala, ngayon ang kaarawan ni Yra. Napangiti ako ng maalala kung, kaarawan ko rin ngayong araw.
Kung sabagay, wala namang nakakaalam na birthday ko ngayon.
Pumasok ako sa banyo. Napatitig ako sa sarili ko sa salamin. Hinawakan ko ang aking buhok. Marahan kong tinanggal ang suot kong wig. Lumabas ang tunay kung buhok. Marahang bumagsak ito sa aking likuran. Mahaba ang buhok ko. Umabot ito hanggang puwetan ko. Ang kulay nito ay black na mayr'ong highlights na kulay gray sa dulo nito.
Tinanggal ko rin ang suot kong contact lens. Pagtingin ko sa salamin, bumungad sa akin ang kulay gray kong mata. Pumasok ako sa shower room. Tumapat sa shower at naligo.
Mabilis din naman akong natapos. Lumabas ako at tiningnan ang gown na susuotin ko. Kinuha ko ito saka isinuot. Lumipas ang ilang minuto, natapos na ako sa pag-aayos.
Pagkalabas ko ng kuwarto. Napalingon sa gawi ko si Serena na nakaayos na rin siya. Nanlaki ang mata niya sa gulat nang makita ako.
"Gacianna? Ikaw ba 'yan?" gulat niyang sabi.
Hindi niya rin alam ang tunay kong anyo.
"Quit staring," malamig kong saway sa kaniya.
"Wow! May tinatago ka pa palang ganda. What the hell! Tiyak akong ikaw ang highlights ngayong gabi. Swear! Mahuhulog na sa'yo niyan si Jackross." Hindi mawala ang pagkamangha niya habang tinititigan ako.
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Let's go," bagot kong yaya sa kaniya. Gusto ko ng matapos ang lahat ngayong gabi.
Nauna akong lumabas at sumakay sa elevator. Sumunod agad si Serena. Pagkarating namin sa labas, mayr'on ng sasakyan na naghihintay. Binigay ng isang lalaki ang susi kay Serena. Tahimik akong sumakay sa kotse.
Pinaandar kaagad ni Serena ang kotse. Hindi ko pinansin ang mga sinasabi niya hanggang sa marating namin ang lugar kung saan ginanap ang birthday party ni Yra.
Yra?
Ngayon ko lang napansin na pareho ang pangalan namin.
Sabay kaming lumabas sa kotse ni Serena. May mga kasabay din kaming pumasok sa loob. Pagkalagpas namin sa nagche-check ng invitation. Binagtas namin ang hagdan. Marahan akong bumaba rito habang pinagmamasdan ang paligid.
Tingin ko hindi lang ito isang simpleng birthday party.
Nahinto ako sa paglalakad nang hawakan ni Serena ang kamay ko. Dumako ang tingin ko sa kaniya.
"Nakalimutan kong sabihin sa'yo na," Tumingin siya sa paligid. Dumako rin ang tingin niya sa unahan kung saan nasulyapan ko roon sina Jackross at Yra.
"This is not just a birthday party. Ngayong gabi rin i-a-announce ng dalawa na engaged na sila." alanganin niyang wika.
"Serena, saan mo nakalap 'yan?" Hindi na ako nagulat pa roon.
Alam kong mabilis niyang mapawawalang bisa ang kasal namin. Pero impyernes, three days pa lang ang nakalilipas. Hindi man lang pinalagpas sa three months.
"Siyempre malakas ang radar ko when it comes sa tsismis. At saka, baka nakalilimutan mong kaibigan ako nila. Remember, ako si Belinda." proud niyang saad.
"Tsk!" Hindi ko mapigilang hindi matawa.
Oo nga pala. Si Serena at si Belinda ay iisa lang. Dalawa ang katauhan ng bruhang 'yan. Siya si Belinda sa umaga. Isang simpleng girlfriend ni Dan, at kapag gabi, siya naman si Serena, ang girl buddy ko.
Patuloy siyang nagsasalita. Lihim ko siyang pinagmasdan. She is a good girl. Nagpapasalamat akong nakilala ko siya. Alam niya lahat ang nangyayari sa buhay ko, ngunit hindi niya alam ang tunay na ako. Bagay na gusto kong ring malaman.
Gusto kong malaman kung sino ako.
Niyakap ko si Serena na ikinahinto niya sa pagsasalita.
"Thank you for everything." mahina kong ani sa kaniya.
Bumitaw ako sa kaniya saka tinungo ang dalawang taong masayang sinasalubong ang kanilang mga bisita.
"Happy birthday," ani ko,
Napalingon sila sa gawi ko. Natawa ako sa kanila kasi pareho nila akong tinitigan.
"Ouch! Hindi ni'yo lang ako nakita. Hindi ni'yo na ako nakilala. It's me, Gacianna." pakilala ko sa aking sarili.
"G-Gacianna?" hindi makapaniwalang ani ni Yran.
Napansin ko ang paglingon nito kay Jackross na titig na titig sa akin na ikinataas kilay ko naman.
"And congratulations! I am happy to know that you are both engaged. Wedding is waving." saad ko,
Hindi ko alam pero gusto kong nang-asar ngayong gabi. Kusang humakbang ang mga paa ko palapit kay Jackross. Hinawakan ko ang kaniyang batok saka siya hinalikan sa labi.
"Congrats again, my dear ex-husband." bulong ko sa kaniya.
Isang ngiti ang ginawad ko kay Yra. Hindi nakatakas sa akin ang pagkuyom ng kaniyang palad na siyang ikinangisi ko.
Pumasok ako sa loob. Nakita ko si Sadler pero tumago ako sa kaniya. Ayokong makita niya ako. Pumunta na lamang ako sa isang sulok. Kumuha ako ng maiinom.
Hindi nagtagal, pumasok na sa loob ang lahat ng mga bisita. Nagsimula na ring magsalita ang emcee. Marami siyang sinabing ka-echosan at marami mga naging ganap.
Nandoon na nagpasalamat si Yra with Jackross. At ng i-a-announce na ang kanilang engagement. Umalis ako sa pinagtataguan ko. Ngunit narinig ko pa rin ito. Pagkalabas ko ay hindi ko napigilang hindi bumagsak ang luha ko.
Ganito ko ba talaga kamahal ang isang Jackross Warner?
Hindi mawala ang sakit, e.
At hindi ko ring maiwasan na hindi mainggit kay Yra. Ang suwerte niya kasi, e.
Magiging masama ba ako kung hihilingin kong na sana ako na lang, na sana hindi na lang siya nabuhay at nagpakita pa.
Maayos na, e.
Ano ba 'yan!
Ngayon na nga lang ako nagmahal. Ganito pa ang kinahinatnan.
Ang saya 'di ba.
TheKnightQueen 🍀
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top