Chapter 26


"Death," sagot ko.

"What?" gulat at kunot noo niyang tanong.

"See! Hindi mo kayang ibigay ang tanging gusto ko. Huwag ka ng nagsayang ng oras at panahon." bagot at simpleng wika ko.

Tinalikuran ko siya at nagsimulang maglakad ulit pero nagulat ako ng bigla mayr'ong humigit sa kamay ko. Mabilis na napalingon ako sa kaniya.

"Why?" he asked seriously.

Binawi ko ang kamay ko sa kaniya dahilan para matanggal ang pagkabalot ng tela sa pulsuhan ko.

Binigyan ko siya nang matalim na tingin saka pinulot ang tela. Ibabalot ko sana muli ang tela sa tinatago ko pero nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko at tinitigan ang heart shape na patuloy pa ring nag-glo-glow.

"How? Paano ka nagkaroon nito?" walang tigil niyang tanong.

"Bitawan mo nga ang kamay ko!" inis na ani ko at pilit na binabawi ang kamay ko.

"Answer me! Since when ka pa meron nito?" pagtukoy niya pa rin dito.

"Hindi ko alam. Hindi ko maalala. Basta simula bata pa lang ako ay mayr'on na ako niyan." sagot ko.

When I open my eyes and every time I stay in the dark, lalabas ito. That is why I always hide it, because it caught some attention. 

"Bakit ba?" Nilagyan ko nang lakas ang pagbawi ko sa kamay ko. Nagtagumpay naman ako.

Agad ko itong binalot muli ng tela. Inis akong naglakad palayo sa kaniya. Kainis! Bakit sa lahat ng taong makakikita ng heart shape na nasa pulsuhan ko ay siya pa? Hindi ko nga ito pinaaalam sa kahit na kanino.

Sa bilis kong maglakad, kaagad akong nakabalik sa base namin. Hindi ko na rin siya naramdaman pa. Huminto ako sa kalagitnaan. Marahan akong tumingin sa kamay ko.

One that I hate the most ay tinatanong kung sino ako dahil kahit ako mismo ay hindi ko alam ang isasagot ko.

Maging tungkol sa heart shape na 'to. Hindi ko alam kung sino ang nagbigay nito sa'kin. Hindi ko siya masabing birthmark dahil hindi talaga siya birthmark, e.

Tinago ko na lang ulit ito. Patakbo kong tinahak ang tent namin. Binuksan ito saka patakbong pumunta ng higaan. Agad kong binalot ang sarili ko ng kumot. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sumisikip na naman ito.

Darn it!

Bakit ba lagi ito ang nararamdaman ko? Wala naman akong sakit sa puso. Umalis ako sa pagkatalukbong sa kumot. Talagang sumisikip siya.

"Damn it!" marahan kong bigkas.

Napahawak ako sa dibdib ko.

Hindi ako makahinga nang maayos.

Palala siya ng palala. Napakapit ako sa bedsheet nang sobrang higpit. Tumingin ako sa paligid ko. Naghahanap ako nang matalim na bagay.

"Argh! S-Shete!" daing ko.

Napalingon ako sa bag ko. Mayr'on akong nilagay doon na maliit na kutsilyo. Siniksik ko iyon sa loob. Pilit ako bumangon. Hinayaan kong mahulog ako. Gumapang ako hanggang sa mahawakan ko ang bag ko. Naghihina ko itong binuksan.

Buong lakas kong kinuha ang maliit na kutsilyo sa bag ko. Nanginginig na itinapat ko ito sa palad ko. Mariin akong pumikit. Pinigilan kong huwag mapasigaw pagkatapos kong sugatan ang palad ko.

Naramdaman kong agad na umagos ang dugo mula rito. Marahang bumaba ang talukap ng aking mga mata hanggang sa hindi ko na alam kung ano ang nangyari. Ang tangi at huling narinig ko ay ang taong tumawag sa'kin.

                     *********************

Bumangon ako ng nakapikit pa ang aking mga mata.

"You're awake?" Rinig kong tanong sa'kin kaya napamulat ako ng mga mata.

Nakita ko si Jackross na mayr'ong inaayos sa bag niya. Nagtaka ako sa ginagawa niya. Napalingon pa nga ako sa labas, e. Blangko kasi ang isip ko.

"Fix yourself. We're leaving," sambit muli ni Jackross.

"Where ang why?" Inaantok na humikab ako. Biglang napagawi ang tingin ko sa kamay kong mayr'ong benda.

Kumunot ang noo ko habang nakatingin dito. Bigla kong naalala ang nangyari kagabi. Napadako ang tingin ko sa kalalabas pa lang na Jackross.

"Shit!" Naalala ko na nasa camping pala kami.

Mabilis akong kumilos. Nagpalit agad ako ng damit. Nang matapos na ako, lumabas kaagad ako. Pagkalabas ko, naabutan kong orientation nila. Naririnig ko ang mga paalala at mechanics ni Professor Yannie habang hinanap ng mga mata ko si Jackross.

"Gacianna?" Dumako ang tingin ko sa tumawag sa'kin.

"What happened to your palm?" tanong ni Sadler saka tumingin sa kamay ko.

Naitago ko sa likuran ko ang kamay ko. Tipid ko siyang nginitian.

"Nothing." alanganin kong sagot.

Hindi ko masabi na sinugatan ko ang sarili ko. Baka pagkamalan niya akong baliw.

"Let's go together." Napalingon ako sa kaniya.

"Huh?" gulat kong naitugon.

"We can go wherever we want here. We are taking a photography course. We can grab this opportunity to get some shots. when I checked the place before we came. There are a lot of good places here. I want see it and take a picture." mahaba niyang sabi.

Napalingon ako kay Darrie na kasama si Jackross. Pareho silang nag-aayos ng gamit. Napasulyap din ako kina Belinda at Dan.

"Bakit hindi si Darrie ang ayain mo? I am sure na siya ang mas gusto mong makasama." tugon ko,

Tumingin din siya kay Darrie. "Tingin mo ba sasama siya sa'kin? Mas gusto niyang kasama si Jackross kumpara sa akin pero okay lang naman. Hindi na rin naman ako nasasaktan. Sanay na ako, at saka tingin ko hindi na siya ang gusto ko." sambit niyang muli pero 'yong bandang huli ay naging malabo na kasi hininaan niya.

Tinaasan ko siya ng kilay. Napakamot siya sa batok niya na parang nahiya bigla.

"So?" nahihiya niyang tanong.

Sasagutin ko sana ang suggestion niya pero ---

"Let's go," Napalingon ako sa nagsalita.

Hinawakan ni Jackross ang kamay ko saka hinila palayos kay Sadler. Nilingon ko si Sadler. Wala akong nagawa. Hinayaan ko kung saan niya ako dadalhin.

Binitawan niya ang kamay ko kaya napalingon ako sa kaniya tapos sa paligid namin. Namangha ako kasi nasa falls na kami. Pagtingin ko sa kaniya, naghahanda na siya para mag-paint. Hindi ko na siya inabala.

Lumapit ako sa batuhan at inabot ang tubig. Ang lamig ng tubig. Dumako ang tingin ko sa falls. Ang ganda niyang tingnan. Parang ang sarap maligo kaya lang wala akong dalang damit.

Nang sumulyap ako kay Jackross. Mukhang nagsisimula na siyang magpinta. Napahawak ako sa tiyan ko ng bigla itong kumulo. Umalis ako sa tinatayuan ko. Lumapit ako kay Jackross.

"Mayr'on ka bang dalang pagkain?" tanong ko.

Naghanap ako sa mga dala niya. Napalingon ako sa isang basket. Lumapit ako rito para tingnan kung ano ang laman niya. Napangiti ako dahil puno ito ng pagkain. Agad akong kumuha ng isang tupperware na mayr'ong lamang omelette.

Tumungo ako ulit sa isang bato. Umupo ako at nagsimulang kumain nang tahimik. Wala ako sa mood para abalahin or kulitin si Jackross ngayon.

Tiningnan ko ang kamay kong mayr'ong benda. Marahan kong tinanggal ang pagkabalot ng tela. Bumungad sa'kin ang sugat na nagawa ko kagabi. Hinawakan ko ang aking dibdib.

Lumingon ako kay Jackross.

Ano bang mayr'on sa kaniya?

Mukha lang naman siyang ordinary guy.

Isang malalim na buntong hininga ang ginawa ko. Ibinalik ko ang tingin ko sa kinakain ko.

Pagkatapos kong kumain. Inayos ko ang basket, at saka hinintay ko na lang siyang matapos sa kaniyang ginagawa.

Pagkatapos namin dito sa falls. Tumungo naman kami sa tabi ng river. Iyong river naman ang pinipinta niya. Maganda kasi iyong paligid niya kaya deserves naman nitong ma-paint.

Ang sunod na pinuntahan namin, ay sa paanan ng isang bundok at marami pa kaming pinuntahan na lugar. Hindi ko nga inakala na ang laki pala nitong lugar. At totoo nga ang sinabi ni Sadler na marami ngang magagandang lugar dito.

At ngayon nasa isang malawak na taniman kami ng lavander. Ang ganda nga nito kaya hindi ko mapigilang hindi pumunta sa gitna nito. Kumuha na rin ako ng mga shots. Marami na nga akong nakuhaan na pictures sa lahat ng lugar na napuntahan namin.

Nakangiting lumingon ako kay Jackross. Patakbo akong lumapit sa kaniya. Tiningnan ko ang kaniyang ginawa. Namangha ako sa ganda ng pagkagawa niya. Natural na natural. Para ngang pinicturan niya iyong lugar.

"Wow! It is beautiful. Puwedeng akin na lang 'yan? I want it." mahina kong sabi.

Dumako ang tingin ko sa pangalang nakalagay sa ibaba.

"Ivo?" basa ko sa nakasulat.

Parang narinig ko ang pangalan na 'yan? Saan ko ba narinig? Possible kayang kasama ito sa nabura kong alaala?

Napaayos ako ng tayo. Iniisip ko pa rin kasi iyong pangalan na nakalagay sa paint niya.

"Sino si Ivo? Is that your penname?" hindi ko mapigilang itanong sa kaniya.

Nahinto siya saglit saka pinagpatuloy ang pagliligpit niya. Umupo ako sa blanket na inilatag ko kanina. Wala pa akong planong umalis din dito. Gusto ko pang mag-stay here kahit isang oras lang.

"Why? Why do you want to know?" he answered.

"Nothing. I am just curious. Mukha kasing narinig ko na siya somewhere." tugon ko.

"What's wrong with you?" tanong niya.

Natigilan ako sa tanong niya. Mapakla akong ngumiti.

"Maniniwala ka ba kapag sinabi kong wala akong maalala tungkol sa mga nakalipas na linggo. Mula ng makilala kita hanggang ngayon." mahina kong sabi.

"What do you mean?" he asked again.

"I am collecting new memories. A memories that I might forget them all again." Tumingin ako sa kaniya. "Is it okay for you to be part of my new memory?" I continued.

Tinitigan niya ako nang maigi.

"Can I have you for a while? Can you be my husband in a days? Can you love me too? Kahit hindi katulad ng pagmamahal mo sa first love mo. Kahit one percent lang na pagmamahal sapat na 'yon sa akin. Puwede mo rin ba akong bigyan ng lugar diyan sa puso mo?" ani ko,

Nang wala akong narinig na sagot mula sa kaniya. Ngumiti na lang ako.

"Nevermind. Forget what I said. Hindi mo rin naman iyon gagawin." Nag-inat ako ng kamay. Tumingala ako, at pumikit ng ilang segundo.

Sa aking pagmulat, napangiti ako sa ganda ng kalangitan. Kulay asul na asul pa rin kahit na hapon na. Nang buo na ang pasya ko. Tumayo ako at lumapit kay Jackross. Kumunot ang kaniyang noo habang nakatingin sa akin. Marahil nagtataka na naman sa kinikilos ko.

I secretly chuckled sa reaction niya. I extended my right hand in front of him.

"Hi, I am Yra Gacianna Polarez." pakilala ko sa aking sarili.

"I am your current wife, and I will soon be your ex-wife. However, with the days remaining, I will do my best to be your best wife. I hope you'll let me stay with you for a short period of time. During those days, I'll make you fall in love with me, and you will realize that letting me go is your biggest mistake." I declared.

"What is this? Another game from you?  a new deal? A new rule?" kunot na kunot niyang tanong.

Sa halip na tanggapin ang kamay ko at makipag-shakehands sa akin. Tiningnan niya lang ito saka nilagpasan ako. Narinig kong kinuha niya ang mga gamit niya.

"I told you that I will play with you until our deal is over. I have no plans to extend it any further. if you like me, stop it. Kahit anong gawin mo, hindi mangyayari ang kagustuhan mo. You cannot replace her even if you are my wife." malamig niyang sambit sa akin.

Pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang iyon ay iniwan niya ako.

Marahan kong binawi ang kamay kong nanatili sa ere. Tumingala ako nang napigilan ang pag-agos ng luha ko. Bakit nakararamdam ako ng sakit?

Hindi dapat, e.

Naramdaman ko 'yong kirot habang sinasabi niya ang mga salitang 'yon. Humarap ako sa aking likuran. Tumingin ako sa aking paanan. Kasabay ng pagyuko ko ay ang pagtulo ng aking luha na kanina ko pa pinipigilan.

Agad ko itong pinunasan. Napadako ang tingin ko sa kamay ko. Tinitigan ko ito at mapaklang natawa.

"Ang tanga mo, Gacianna!" saway ko sa sarili ko.

Ipinikit ko ang aking mata ng muling kumirot at sumikip ang aking dibdib.

You are fucking killing yourself, Gacianna!

Mabilis na pinunasan at tinuyo ang mukha ko at hindi na pinansin ang paninikip ng dibdib ko. Nagsimula na rin akong lumakad paalis.

Pero habang naglalakad ako ay pabagal nang pabagal ang mga hakbang ko. Muli akong napakapit sa dibdib ko.

Punyeta!

Nanghina ang aking tuhod dahilan para mapaluhod ako. Kinuha ko ang aking bag saka kinuha ang mini knife ko. Agad kong sinugatan muli ang palad ko. Mabilis na dumugo ang palad ko. Hinayaan ko lang ito. Pumikit ako at huminga nang malalim.

Unti-unti ng nawawala ang sakit na nararamdaman ko hanggang sa naging normal ulit ang paghinga ko.

Tinago ko ulit ang mini knife ko. Kumuha na rin ako ng pangbenda. Mayr'on akong dalang panyo kaya ito ang pinangbalot ko sa bagong sugat na ginawa ko.

Nang matapos na ako. Natawa na lang ako sa sarili ko. I am really killing myself, but it's okay. This is what I want. I think I already found someone who can give me what I want.

Nahanap ko na ang taong mag-aalis sa akin sa nakapapagod na buhay na ito.

TheKnightQueen 🍀

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top