Chapter 25


Naalimpungatan ako sa naririnig kong ingay na nagmumula sa labas. Nagmulat ako ng mga mata at tumingin sa paligid ko. Marahan akong bumangon habang nagpupunas ng mata. Pagtingin ko ulit sa paligid ko.

Mayroon ng ilaw sa loob ng tent. Wait? Gabi na ba? Agad kong hinanap ang phone ko. Binuklat ko ang kumot, and there it is, nakita ko na ang phone ko. Binuksan ko ito at tiningnan ang oras sa phone screen.

“Oh? 7:00 o’clock na pala.” Napakamot ako sa ulo. “Napasarap ang tulog, ah.” mahina kong saad.

Hindi man lang ako ginising. Inalis ko ang kumot na nakakumot sa’kin. Tiningnan ko pa ito kasi sa natatandaan ko kanina. Hindi ako nakakumot. Kumibit-balikat na lang ako, bakit pa ako mag-iisip? Baka nagkumot naman ako hindi ko lang maalala.

Baka iyon nga, total may memory loss issue ako. Umalis ako sa hinihigaan ko. Makalabas na nga. Mukhang nag-e-enjoy na sila sa labas. Lumapit ako sa pinto saka binuksan ito. Bumungad sa’kin ang ingay ng musika. Lumabas na ako sa tent.

Tumingin ako sa paligid. Lahat ng nakatayong tent ay mayroon ng mga ilaw. Ang ganda ngang tingnan, e. Iba-iba kasi ang kulay ng mga tent tapos mga fall in line pa. Ang bawat isa ay mayroong mga ginagawa. Sa gitna, makikita ang malaki at mahabang mesa. Ang ilan ay nakapalibot dito.

Napadako ang tingin ko sa malapit sa lake. Mayroong tao roon, doon nagmumula ang musika, nagsasayawan sila roon.
Habang nagtitingin ako sa paligid. Nakaamoy ako nang mabangong amoy kaya hinanap koi to kung nasaan. Lumawak ang ngiti ko nang makita ko si Jackross nag-iihaw. Lumakad ako patungo sa kaniya.

“Wow! Its look delicious. Can I have one?” tanong ko pagkalapit ko kay Jackross.

Nag-iihaw siya ng barbeque, isaw, betamax, chicken feet, head, and legs.

“Go ahead,” wika niya,

Napangiti ako. Kumuha ako ng tig-iisang isaw, barbeque at chicken leg. Sinundan pa nga ng tingin ni Jackross ang mga kinuha ko. Nginitian ko siya nang malapad. Una kong kinain ang barbeque.

“Hhm! Yummy! Ikaw ba ang gumawa nito?” sambit ko,

Lumapit ako sa mesa kung saan naroon ang mga iihawin niya pa. Marahan akong umupo sa mesa habang kumakain ng chicken leg.

“Mayroon na bang bagong luto? Sorry, ang bilis maubos nila.” alanganing saad ng lalaking lumapit kay Jackross.

Inabutan kaagad ni Jackross ang humihingi. Binigay niya ang tatlong plate na puno ng barbeque.

“Thank you,” pasalamat naman nito.
Sinundan ko ng tingin iyong lalaki. Nilapag niya ang dala niya sa mesa at sa iba pa. Para siya ang taga-deliver ng mga naluluto ni Jackross.

“Pahingi pa,” parang bata kong saad.

Ipinatong ko sa magkabilaang sides ko ang mga kamay ko. Ang mga paa ko naman nagswi-swing. Nag-puppy eyes ako sa kaniya. Inabutan niya ako ng isang barbeque at isang chicken leg. Kinuha ko ito at nagpasalamat ako sa kaniya.

“Bakit ikaw ang gumagawa nito?” tanong ko, trying to open up the topic.

“Hindi ikaw ang inaasahan kong gagawa nito para sa iba.” dagdag ko.

Agad kong naubos ang binigay sa’kin. Sinilip
ko ang kabilang table kung saan naroon ang mga naluto niya. Inabot ko ito. Ang nakuha ko ay ang barbeque lang. Iyon lang ang abot ng kamay ko. Lihim akong napasimangot. I want more, e.

Kumuha pa ako ng isa. “Oh?” sinundan ko ng tingin ang platong nilalayo niya.
“Jackross! What are you doing? I’m still eating.” I protest.

“You’re eating too much,” he said.     
Hindi ako nagpatalo.

Umalis ako sa pagkakaupo sa mesa. Lumapit ako sa kaniya. Nagulat ako inangat niya ang kamay niya pataas. Hindi pa rin ako susuko. Pagkain iyon, e.

“Jackross! Just give it to me.” wika ko,

“Behave, Gacianna. You are making a scene here,” he whispered.

I stopped reaching for the plate he was holding. I raised my eyebrows.

“It is all your fault. Kung ibinibigay mo lang ba ang pagkain sa akin. Wala tayong magiging problema, at hindi rin tayo makaaagaw ng atensiyon. Hindi rin ako gagawa ng scene here.” bulong ko rin sa kaniya.

Inilagay niya ang kamay niya sa baywang ko.

“What are you going to do if I don't give it to you?” panghahamon niya.

Ako pa talaga hinahamon niya. Ramdam ko ang mga tingin nila sa amin. Hindi man ako lumingon sa kanila ngunit alam ko kung sino ang mga nakatingin at hindi. Some of them watching us. Habang ang ilan sa kanila ay pilit na hindi tumitingin sa amin.

“Well, I can do whatever I want, right?” mapaglaro akong mas lumapit sa kaniya. Inilapit ko ang bibig ko sa kaniyang tainga. Hindi naman niya ako tinulak. “After all, I am your wife.”

Dumistansiya ako sa kaniya. Tumingin ako sa kaniya.

“I am not the one who made a scene here. If you keep holding me like this, holding me like I am your girl. I’m sure they will think that we are something to each other. Ayaw mong malaman nila na kasal tayo, ‘di ba?” Hinawakan ko ang kamay niya at marahan ko itong inalis sa baywang ko.

“Who wants to play with us?” Rinig kong wika ni Sadler.

Tipid na nginitian ko si Jackross. Marahan akong lumayo sa kaniya. Tumungo ako sa kinaroroonan nila Sadler.

“Pasali,” excited akong naki-upo sa kanila. Tumingin ako sa mga kasali rin. “If okay lang sa inyo?” tanong ko sa kanila.

Ramdam ko kasi ang pagka-awkward nila. I think I am the reason. Hindi sila sumagot sa akin. Sa halip na sagutin ako, nagtinginan lang sila.

"Of course, it's okay." basag sa katahimikan ni Sadler.

Tumango at sumang-ayon na rin ang iba. Sinimulan na ni Sadler ang laro. Pinaliwanag niya ang mechanics. Pasimple akong tumingin sa kinaroroonan ni Jackross. Kasalukuyan na niyang kasama si Darrie. Nakikipag-usap siya rito.

Inalis ko ang tingin sa kanila. Nakinig na lang din ako sa rules at nakisabay sa laro nila. Napangiti ako sa mga natatalo. Sasayaw kasi kapag natalo.

Lumipas ang oras, tinawag na ang lahat para kumain na ng dinner. Excited ang lahat na pumunta sa mesa. Nang ayain ako ni Sadler ay sumabay na rin ako. Naki-upo ako at nakiharap ako.

Nang tumingin ako sa mga pagkain. Wala sa mga ito ang gusto. Ang ilan pa sa mga luto ay mayr'on akong allergies lalo na 'yong hipon. Lahat sila ay nakakuha na maliban sa'kin.

"Gacianna, hindi ka ba kukuha ng makakain?" tanong sa'kin ng katabi ko.

Tipid akong ngumiti sa kaniya. Muli akong tumingin sa pagkain.

"Ahm, sorry, pass muna ako. Busog pa ako. Marami akong nakain na barbeque kanina. Sige lang, enjoy your foods." wika ko sabay tayo at umalis.

Tumungo na lang ako sa malapit sa lake. Nawalan na rin naman ako ng ganang kumain. Pumulot ako ng mga bato. Ibinato ko ito sa tubig. Napapangiti ako sa tuwing nagagawa kong mapadaan sa ibabaw 'yong bato sa tubig.

"You're enjoying yourself here." Nawala ang ngiti ko at natigil ako sa ginagawa ko.

Nilingon ko ang taong umabala sa'kin. Bumungad sa'kin si Jackross. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Bakit narito ka? Wala rito si Darrie." ani ko, muli akong humarap sa lake at muling pinagpatuloy ang paglalaro ko.

"Aren't you hungry?" he asked.

"Ano bang pakialam mo?" ma-attitude kong saad.

"The reason why you are here is because of me. Bakit narito ka? Instead of hanging around me?" saad niya,

"Puwede ba! Wala ako sa mood makipagbiruan sa'yo." inis kong wika.

Hindi ko siya hinaharap. Naiinis ako, e. Hindi ko naman alam kung bakit.

"Ang init naman ng ulo. Sayang gusto ko pa naman sanang ibigay 'to sa'yo. Kaso lang mukhang hindi maganda ang mood ng asawa ko." Rinig kong sambit niya.

Talagang pinipikon pa ako ng taong 'to. Inis akong humarap sa kaniya. Handa na sana akong silyakan siya pero natigil ako dahil nakita ko ang hawak niyang Choco milkshake.

Mabilis kong binitawan ang hawak kong maliliit na bato. Patakbo akong lumapit sa kaniya.

"Nasa mood na ako. Akin na," parang bata kong hingi sa kaniya.

Umiling siya na kinasimangot. Sa halip na ibigay sa'kin ang Choco milkshake. Inilabas niya ang kamay niyang mayr'ong hawak na pagkain.

"Eat first," malaking ani niya.

Sinilip ko ang ulam. Baka kasi iyong nakahain doon sa table. Unti-unting sumilay ang ngiti ko nang makita kong beef steak ang nakalagay na ulam.

Agad ko itong kinuha sa kamay niya, pero dumako ang tingin ko sa hawak niya.

"Don't worry, it's yours. You will have this after you finish your food." saad niya,

"Okay," nakangiti kong saka nag-thumbs up sa kaniya.

Nakakita ako ng maliit na mesa. Tumungo ako roon at doon nagpuwesto. Nilapag ko ang dala ko sa table at umupo kaagad. Nagsimula na rin akong kumain. Dumako ang tingin ko kay Jackross ng umupo siya sa kinuha niyang upuan.

"Kumain ka na ba?" tanong ko.

Tanging tango ang sinagot niya sa'kin. Hindi na ako nagtanong pa, kung sabagay, siya naman ang nagluluto. Bigla akong huminto sa pagkain ng mayr'on akong na-realized.

"Are you the one who cooked those foods on the table?" I suddenly asked.

Tiningnan niya ako, "I am not. Mayr'on tayong kasamang cook."

"Then, bakit ikaw ang nag-iihaw kanina?" tanong ko ulit, nagsimula ulit akong kumain.

Wala naman talaga akong paki kung siya ang cook or hindi. Gusto ko lang na magkaroon kami ng conversation.

"I volunteered." he answered.

"Who cooked this?" Tinuro ko ang kinakain ko.

"Me. Napansin kong hindi mo gusto ang inihandang pagkain. So I cooked that for you." he responded.

"Ayiiee! Observant ka pala." panunukso ko.

"Stop talking and finish your foods." wika niya, tumayo siya at umalis.

Napailing na lang ako. Nagpukos na lang ako sa kinakain ko. Ang sarap niya talagang magluto.

Nang matapos na ako, hindi ko pinalampas ang Choco milkshake. Agad ko na itong nilantakan. Hindi ito puwedeng mahuli.

***********

Bigla akong napabangon. Kahit malamig ang sa paligid ay pinagpapawisan ako nang husto. Tumingin ako sa katabi ko. Mahimbing na natutulog si Jackross.

Muli akong humiga at pilit na natulog ulit. Inis muli akong bumangon. Umalis ako sa kama saka marahang binuksan ang pinto. Walang ingay akong lumabas.

Ang tahimik nang buong paligid. Ang lahat ay natutulog na sa kani-kanilang tent. Maaga silang pinatulog para raw maagang magising bukas nang makapagsimula na sila sa activity nila ng maagap din.

Hindi na ako makatulog dahil sa napanaginipan ko kaninang hindi ko maintindihan. Ang labo, e.

Naisipan kong maglakad-lakad muna. Bawat hakbang ko ay tinitiyak kong hindi ako makalikha ng ingay. Panay lang ang lakad ko. Ni wala akong dala na kahit ano. Kahit nga cellphone ko ay hindi ko nadala. Hinayaan kong dalhin ako kung saan ng mga paa ko. Kahit takot ako ay nilabanan ko ito.

Habang naglalakad ako, may napansin akong isang daan. Nakita ko ang mga fireflies na patungo sa isang direksiyon. Tumingin muna ako sa paligid bago kusang humakbang ang mga paa ko para sundan ang mga fireflies.

Nayakap ko ang aking sarili dahil biglang umihip ang hangin. Sinundan ko lang ito ng sinundan hanggang sa natukoy ko ang isang punong pinalilibutan ng mga alitaptap.

Namangha ako sa ganda nito. Madilim ang kapaligiran pero dahil sa mga alitaptap, lumiwanag ang puno. Para itong Christmas tree. Lumapit pa ako sa puno. Napangiti ako dahil mayr'ong ilang lumalapit sa'king alitaptap.

Marahan kong inangat ang kamay ko. Dahil sa ginawa ko, napansin ko ang pulsuhan ko. Napatitig ako sa isang heart shape na nakaukit dito. Hindi ko alam kung saan ko ito nakuha at kung sino ang gumawa nito sa pulsuhan ko. Tiyak akong sinadya itong gawin. Nakikita lang kasi ito sa tuwing nasa dilim ako. Parang katulad din siya nitong mga alitaptap, nakikita at napapansin tuwing nasa dilim lamang.

Kasama rin ito sa mga nabura sa alaala ko. Kahit anong pilit kong alalahanin kung sino ang may gawa nito. Hindi ko siya maalala. Nagpunit ako sa laylayan ng damit na suot ko saka binalot ito upang matakpan. Ayoko kasing may makakita nito.

"I thought you are scared." Napalingon ako sa taong biglang nagsalita.

Sakto namang katatapos ko lang balutin ang pulsuhan ko.

"How can I afraid to this wonderful creatures?" nakangiting tugon ko kay Jackross habang tumitingin sa mga alitaptap.

"Why are here?" I asked.

Lumapit din siya sa kinaroroonan ko.

"I should the one who asked that." balik ani niya.

"I can't sleep." tugon ko,

"Why?" he asked.

"I had a nightmare." maikling ani ko.

"What kind of nightmare?" he asked again.

"I can't remember it." I responded.

Tumingin ako sa paanan ko. Bigla akong mayr'ong nakitang bulaklak. Dinapuan siya ng fireflies. Natuwa ako sa ganda nito kaya umupo ako para makita ito ng malapitan.

Nawala ang atensiyon ko sa bulaklak ng mayr'ong nagpatong ng jacket sa likuran ko dahilan para mawala ang lamig na nararamdaman ko. Napalingon ako kay Jackross.

"Thanks," maikling pasalamat ko.

Inayos ko ang pagkalagay nito.

"Let's go back." he said, tumalikod na siya at humakbang na palayo.

"Jackross," marahang tawag ko sa kaniya.

Huminto siya at lumingon sa'kin.

"Can we," Pinutol ko ang sasabihin ko. Nakita kong naghihintay siya sa sasabihin ko.

Tumayo ako, "Can we stay here for a while?" tanong ko, or more like, pakiusap ko.

Ayoko pang umalis sa magandang lugar na ito. Kung puwede nga ay dito na lang ako, kaya lang, hindi lahat ng magagandang bagay ay nanatili. Alam ko ring ngayon ko lang 'to mararanasan. I want this beautiful place be part of my memories. I want to keep it.

Muli kong pinagmasdan ang mga alitaptap. Mas marami na siya kumpara kanina. Nasa ilalim ako ng isang malaking puno kung saan nagliliwanag sa ganda dahil sa mga alitaptap na dumadapo sa lahat ng parte ng puno.

Naramdaman ko ang paglapit muli ni Jackross.

"Its beautiful," puno ng paghanga kong saad.

"Can you paint this?" wala sa sarili kong nasabi sa kaniya.

Mabilis din akong natauhan.

"I doubt that you will do that. Sino ako para ibigay ang kahilingan ko? Isa lang naman akong hamak na taong dumating lang sa buhay mo." mapakla akong tumawa.

"I know you make all this things--- this sweet things to make me sign our annulment paper. Alam kong gagawin mo ang lahat para sa taong mahal mo, right?" sinulyapan ko siya.

"Yes, I am." walang pagdadalawang isip niyang sagot.

Ni hindi man lang pinastikan.

Tumingala ako to hide my sadness bagay na hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman.

"I envy her. Naiinggit ako sa kaniya kasi mayr'ong taong kagaya mong handa siyang hintayin at hanapin, lumipas man ang maraming taon. Taong nagmamahal at taong tiyak na malalapitan." saad ko,

Why would I suddenly feel this? Bakit bigla kong hinangad ang bagay na hindi magiging akin at bagay na hindi ako magkakaroon?

"Why don't you try to love someone else?" he asked.

Love?

"Love?" mahinang patanong na saad ko sarili.

"How about you tell me what you want? I will give it to you as a gift." he stated.

"Gift? Magkaibigan ba tayo para bigyan mo ako ng gift?" natatawa kong wika.

"Aren't we? Since you changed a little bit. I accepted your offer to be your friend." he added.

"Hanggang friend lang ba talaga ako?" biro ko, tiningnan ko siya. "Hindi ba ako magkakaroon ng lugar diyan sa puso mo? Kahit one percent space lang, oh." dagdag ko pa.

Inalis ko ang tingin ko sa kaniya. Tumingin muli ako sa puno. Hindi ko na tiningnan ang reaction niya.

"Hindi mo na ako kailangan bigyan ng gift kahit pa tapos na ang agreement natin." ani ko,

Sumeryoso ang mukha ko. Hindi ko rin alam kung ano ang mangyayari sa aming dalawa pagkatapos ng isang buwan. Mayr'on akong dahilan kung bakit nanatili pa rin ako sa kabila ng pagtataboy niya sa'kin. Kahit alam kung may mahal siyang iba.

"Hindi mo rin naman maibibigay ang bagay na pinakagusto ko." I continued.

Nakangiti akong humarap sa kaniya.

"Let's go, time to go back." aya ko.

Oras na para bumalik sa reyalidad. Nilagpasan ko siya.

"What is it? Maybe I can give it to you." Nahinto ako sa paglalakad.

Hindi muna ako humarap sa kaniya. Hindi ko kasi alam kung dapat ko bang sabihin iyon sa kaniya.

"Gacianna," tawag niya sa'kin.

Wala akong nagawa kun'di ang harapin siyang muli.

Tiningnan ko siya sa kaniyang mata.

"Death," seryoso kong sagot na ikinakunot ng noo niya.

TheKnightQueen 🍀

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top