Chapter 24


Habang lumalabas ako ng bus ay humihikab ako. Ako ang huling bumaba sa bus. Kagigising ko lang din kasi. Napadako ang tingin ko sa paligid. Biglang nawala ang hikab ko. Hindi ko alam kung saang lugar ito. Wala kang ibang makikita kun'di mga matatayog na puno.

"Hanggang dito na lang tayo. Maglalakad na tayo papasok sa loob. Check ni'yo muna mga gamit ni'yo. Baka mayr'on kayong maiwan sa loob ng bus." Napalingon ako kay professor Yannie.

Nadapuan ng tingin ko si Jackross. Kasama nito sila Belinda, Dan, Darrie at Sadler. Lumapit ako sa kanila.

"What are you doing here?" maarteng bungad sa'kin ni Darrie.

Hindi ko siya pinansin. Kinuha ko sa bag ko ang dala kong camera.

"Bakit ka nga pala narito? You are not part of our class." taas kilay niya pang dagdag.

Hindi man ako nakatingin sa kaniya pero ang mga mata ko nakasilip sa mukha niya.

"Dude, narito rin ako, ah. Hindi rin ako part ng klase ni'yo. Just to remind you." singit ni Sadler.

"Okay lang naman kung ikaw, Sadler. Pero 'yang babaeng 'yan? Paano niya nagawang makasama rito?" segunda naman ni Belinda.

"At bago tayo pumasok sa loob. Para makasiguro tayong walang mawawala sa inyo. I decided na papiliin kayo ng gusto ni'yong maging ka-buddy, nang sa ganoon ay matitiyak ni'yo kung nasaan ang ka-buddy ni'yo. Para na ring mabilis ang pag-check namin sa inyo." Lahat kami ay napalingon sa gawi ni Professor Yannie.

Natigil din sa pagsasalita si Darrie.

"I know you are old enough to take care of yourself, but still, we want to secure your safety. I hope you understand." hinging paumanhin ni Yannie.

Muli akong tumingin sa paligid. Maganda ang lugar, pero hindi ko gusto ang ambiance nito.

"You can now pick your buddy. Once you have, responsibility ni'yo ang isa't isa." muling sabi ni Professor Yannie.

"At huwag ni'yo ring kalilimutan ang pinaka-goal natin sa lugar na ito. We are not here just to have fun. You are also here because of your activity. Finding a beautiful place to paint. Got it?" Professor Yannie proclaimed.

"Yes, Prof!" sabay-sabay na sagot ng studyante niya.

Lahat ay kumilos. Lumapit sa mga gusto nilang maging ka-buddy.

"Jackross/Gacianna," sabay na tawag nina Sadler at Darrie sa pangalan namin.

Napadako ang tingin ko kay Sadler. Hinintay ko ang kaniyang sasabihin pero bago pa man bumuka ang bibig niya tinawag ni Jackross ang pangalan ko at binigay niya sa'kin ang isa kong bag.

"Let's go," saad nito saka naunang lumakad sa'min. Napasunod naman kaagad ako.

"Jackross!" malakas na tawag ni Darrie kay Jackross na walang pakialam.

Kasalukuyan na kaming pumapasok sa loob. Sandali kaming tumigil sa isang maliit na bahay na sa tingin ko ay guard house. Mayr'ong sinusulat doon si Prof. Yannie at ng matapos na siya, tinanggal ni guard ang nakaharang sa daan.

"Thank you, kuya guard." pasalamat ni prof.

"Walang anuman po. Enjoy your stay po. Kapag kailangan ni'yo po ako. Tawagin ni'yo lang po ako." magalang na tugon ni kuya guard.

Pasimple akong lumapit pa lalo kay Jackross. Marahan na kumapit ako sa kaniya. Tumingin ako sa papasukan namin. Alam kong malinis naman siya pero hindi ko lang kasi gusto na napalilibutan ng mga puno ang buong lugar. Pakiramdam ko kasi gubat ang pupuntahan namin.

"Let's go everyone." yaya ni prof. saka pumasok sa loob na sinundan naman ng mga studyante niya.

Lumakad na si Jackross kaya napabitaw ako sa pagkahawak sa kaniya. Hindi ako kaagad nakagalaw. Ayaw kumilos ng mga paa ko papasok sa loob.

"Gacianna, ayos ka lang?" tanong ni Sadler.

Marahan akong tumango sa kaniya.

"Mauna ka na. Susunod ako," pagtataboy ko sa kaniya.

Pinakita ko sa kaniya ang camera at sinabing gusto ko kumuha ng picture saglit sa lugar dahil maganda ito.

"Hintayin na lang kita. Sabay na tayong sumunod sa kanila." he insisted.

"Sige na, mauna ka. Naroon na si Darrie loves mo. Puputak na naman 'yon for sure." pagpupumilit ko.

Ayoko pa talagang pumasok sa loob. Tumagal ng ilang minuto bago ko nakumbinsi si Sadler na mauna na. Nakahinga ako nang maluwag ng mawala siya paningin ko. Ako na lang ang natira ditong studyante.

"Ma'am, ayos ka lang ba talaga?" Napalingon ako kay kuya guard.

Ngumiti ako sa kaniya at tumango. Nagsimulang maglakad ang paa ko pero hindi papasok sa loob. Nakakita ako ng bench na mauupuan kaya agad akong pumunta roon para umupo. Pagkaupo ko, naramdaman ko ang panginginig ng paa ko.

Hinawakan ko ito at marahan na hinaplos. Habang ginagawa ko ito. Tumingin muli ako sa paligid. Hindi ko akalain na sa ganitong lugar pala pupunta. Dapat pala inalam ko muna ang place bago ako mag-decide na sasama.

Nilapag ko sa bench ang camera na hawak ko. Kinuha ko sa bag ang phone ko. Itinaas ko ito upang maghanap ng signal. Zero bar kasi, e.

Nagulat ako ng biglang mayr'ong lumitaw na mineral water sa harapan ko. Agad akong lumingon sa pinagmumulan nito.

"Jackross?" takang tanong ko saka tumingin sa likuran niya. Marahan akong kinuha ang mineral water. Binuksan ko ito saka uminom agad kasi talagang kailangan ko siya.

"Why are you still here?" tanong niya.

"Maganda 'yong lugar kaya gusto kong kumuha ng ilang shots." palusot ko.

"Liar!" saad niya,

Agad na napabaling sa kaniya ang tingin ko. Wala akong maisip na idedepensa kasi totoo naman ang sinabi niya.

"Paki mo ba!" tangging nasabi ko na lang.

Umupo din siya sa bench na inuupuan ko.

"Bakit ka ba narito?" may halong inis na tanong ko.

"Because my buddy is here. Haven't you heard what professor Yannie says?" he said.

"Bakit kasi ako ang pinili mong ka-buddy? At saka, hindi mo responsibility." ani ko,

"Why? Can't I choose my wife to be my buddy?" he responded.

Sumimangot ako sa kaniya, "Tanggap mo ba akong asawa mo? Hindi naman, e. Huwag ka ngang plastic. Alam kong napipilitan ka lang, at saka, wala ka talagang choice."

Kinuha ko ang camera ko maging ang dala kong bag.

"Sige na, pumunta ka na roon. Susunod ako kapag gusto ko na. Sa ginagawa mo, tiyak akong naii-issue na tayong dalawa. Nagtataka na sila sa relasyon natin." saad ko,

Hindi naman sa nagsisisi akong sumama. Disappointed lang talaga ako sa lugar. Hindi ko kasi gusto. Sa lahat ba naman na lugar na mapupuntahan ay sa ganitong klase pa. Ayoko sa ganitong forest theme. Feeling ko kasi hindi ako makahinga sa tuwing titingin ako sa mga punong nasa paligid.

Pilit akong tumayo kahit nanghihina at nanginginig pa rin ang mga tuhod. Ayokong makita niya ako sa ganitong situation.

"Are you afraid?" tanong niya.

Sandali akong natigilan. Nakatalikod ako sa kaniya kaya nagagawa kong itago ang kamay kong nanginginig na rin.

"H-Hindi, ah!" mariin kong deny.

Damn it!

Kailangan kong kalmahin ang sarili ko. Nagsisimula ng sumikip ang dibdib ko. Hindi ko alam kung nagsasalita pa si Jackross hindi ko na kasi ito marinig nang maayos. Pumikit ako nang mariin dahil lalong lumalala ang panginginig at panghihina ko. Takot akong tumingin sa paligid ko. Nakagat ko ang bottom lips ko dahil hindi na talaga ako nakahinga nang maayos.

Uupo na sana ako pero mayr'ong humawak sa'kin at hinarap ako sa kaniya. Naramdaman ko rin ang mga bisig niyang yumakap sa'kin.

"Don't be scared." malumanay niyang bulong sa tainga ko.

Isinandal niya ako sa kaniyang dibdib.

"Calm down. Slowly breathe." ani niya,

Naramdaman ko ang marahan niyang paghaplos sa buhok ko. Napahawak ako sa damit niya.

Tumungo sa baywang ko ang isa niyang kamay. Marahan niya akong pinatingin sa kaniya.

"Open your eyes." mahinahong niyang utos.

Mabilis akong umiling. Muli akong bumalik sa pagkakasandal ko sa dibdib niya. Huminga ako nang malalim.

"Don't think the place, Gacianna." mahina niyang ani.

"Don't be scared. I am here. I won't leave you." mahina niya pa ring sabi.

Sa ilang minutong lumipas, nagawa kong kalmahin ang sarili ko. Marahan akong umalis sa pagkasandal sa dibdib niya. Medyo nakahihinga na rin ako. Marahan kong iminulat ang aking mga mata.

"Do you trust me?" bigla niyang tanong na ikinatingin ko sa kaniya.

"If you trust me, take my hand." ani niya saka marahan niyang ini-angat ang isa niyang kamay.

Dumako roon ang tingin ko. Tinitigan ko ito. Kung usapang tiwala, siyempre, mayr'on ang sagot ko. Pero ----

Tumingin ako sa kaniya.

"I won't leave you, okay?" he assured.

Hindi nga ba talaga?

Sa ngayon oo, sa ngayon hindi niya ako iiwan. Pero pagkatapos nito, wala na.

Kay gandang pakinggan pero nakatatakot paniwalaan.

Naghihintay pa rin siya response ko.

Marahan at kusang umangat ang kamay ko saka dahan-dahang inabot ang kamay niya. Mabilis niyang pinagsiklop ang kamay namin. Nakita kong marahan siyang tumalikod pero hawak niya pa rin ang kamay ko.

Nagmatigas ako kaya napalingon siya sa'kin. Ayoko pa ring pumunta roon. Nginitian niya ako.

"Gacianna," mahinahon niyang tawag sa pangalan ko.

Marahan akong umiling sa kaniya.

"Dito lang ako." saad ko na mayr'ong halong pagmamakaawa.

Wala akong nagawa kun'di ang magpatangay. Nakita ko pa si guard na ang lawak ng ngiting nakatingin sa amin. Humigpit ang kapit ko sa kamay ni Jackross nang makapasok na kami.

Mas naging maliit ang dinaraanan namin kaya mas naging malapit sa mga puno. Two meters na lang itong kalsadang nilalakaran namin.

"F-Frivo, a-ayoko na!" utal kong pakiusap.

"It's fine," sambit niya,

"Nariyan na sila." Napalingon ako sa likuran niya. Nakita ko roon ang buong klase wari'y naghihintay sa'min.

Lumapit sa amin si Professor Yannie.

"Saan ka ba galing, Gacianna? Hindi pa nga tayo nakapagsisimula ay nawawala ka na. Kung hindi pa si Warner ang ka-buddy mo, hindi namin mapapansin na hindi ka namin kasama." ani niya pagkalapit niya sa'min.

Alanganin na lang akong ngumiti. Napakamot na lang ako sa ulo.

Humarap siya sa klase niya at sinabing magpapatuloy na raw.

Ano ba naman 'yan? Wala pa ba kami sa destination nila?

Naramdaman kong binitawan ni Jackross ang kamay ko. Inabutan niya ako ng lollipop na hindi ko tinanggihan. Agad ko itong binalatan at nilagay sa bibig ko.

Nakitang lalapit sa'min si Darrie pero nahatak na siya ni Sadler palayo.

Nagulat ako ng mayr'ong mga kamay ang humawak muli sa'kin. Pagtingin ko si Jackross pala. Dala na niya mga gamit namin. Nagpatangay na lang ulit ako. Mukhang kaya naman niya dalhin lahat. No need to offer a help.

Pagkalipas ng thirty minutes,

"Narito na tayo. Lapag ni'yo na mga gamit ni'yo. Then, start na kayong maghanap kung saan ni'yo itatayo ang mga dala ni'yong tent. Itayo ni'yo na rin agad para mailagay ni'yo na sa loob ang mahahalagang gamit na mayr'on kayo." Professor Yannie announced.

Tumingin ako sa paligid. Malawak siya, at napakapatag ng lupa. Malinis at talagang berde na berde ang kulay ng carabao grass. Kung kanina ay nasa paligid lang ang puno, ngayon ay nasa ilalim na kami nito.

Bumitaw ako kay Jackross. Humakbang ako ng ilang hakbang. Natanaw kong mayr'ong lake sa bandang unahan namin.

Tumingin ako sa paligid. Lahat naman sila abala. Hindi naman siguro masama kung pupunta ako roon. Pasimple akong lumapit sa lake at kaagad itong kinuhaan ng litrato. Super ganda niya. Hindi lang lake kinuhaan ko ng picture, maging ang ilang mga puno at ibon. Nang ma-satisfy na ako. Bumalik ulit ako sa kinaroroonan ni Jackross.

I decided na tulungan siya sa pagtayo ng tent.

"Where's your tent?" tanong ni Sadler.

"I'll help you stand it." he added.

Marahan kong tinuro ang tent ni Jackross na ngayon ay tapos ng itayo. Sinundan naman nito ang tinuturo ko.

"Huh? Tent 'yan ni Jackross, e. Hindi siya papayag na mayroong kasama sa tent niya." sambit niya,

Hindi talaga ako nagdala dahil alam kong mayr'on na si Jackross.

"Hoy, Sadler! Kung binabalak mong sa'min siya sumama. Ngayon pa lang sinasabi kong hindi puwede. Ayokong may kasamang higad, noh!" mariing tanggi ni Darrie.

"Ayoko ring sumama sa mas higad pa sa'kin." ganti ko naman.

Tumingin ako kay Sadler, "Huwag mo akong alalahanin. Iyang Darrie mo ang asikasuhin mo. Kapag ako hindi nakapagtimpi riyan. Naku!" Tinalikuran ko siya at tumungo sa tent namin este ni Jackross.

"Bati naman tayo 'di ba, Jackross? Hahayaan mo naman akong matulog diyan sa tent mo? Sabi mo buddy mo naman ako." ani ko,

Lumapit siya sa'kin. Nagulat ako ng pitikin niya ang noo ko.

"Put your things inside." wika niya,

Napangiti agad ako. Hindi na ako nag-inarte pa. Tumungo na agad ako sa loob. Napa-wow ako sa ganda ng ayos. Malaki ang tent na dala ni Jackross. Kasya rito ang lima or pitong tao. Kahit dito sa tinatapakan ko ay puwede ng humiga.

Pero mayr'on sa loob na style kama. Malaki ito, kasya ang dalawa o apat na tao. Maayos na ring nakalagay at nakasalansan ang kumot at mga unan.

Nilagay ko muna sa tabi ang mga bag na dala ko. Itinabi ko rin sa mga gamit ni Jackross. Tiningnan ko ang mga ito. Tiyak akong mga pangpinta ang laman nito.

Nagkibit-balikat na lang ako at hindi na ako nakialam pa. Excited akong tumungo sa kama at humiga rito.

Waaa! Ang gandang humiga rito. Parang dito na lang ako hanggang sa matapos ang pag-stay nila rito. Humiga ako nang maayos. Kinuha ko ang isang unan saka niyakap ito. Nakangiti akong pumikit ng mga mata. Iyong idlip na plano ko nauwi sa malalim na pagtulog.

TheKnightQueen 🍀

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top