Chapter 23
"Sandali! Wait!" malakas kong sigaw.
Dali-dali akong tumakbo palapit sa kotse ni Jackross. Pagkalapit ko, mabilis kong nilagay sa trunks ng kotse niya ang mga dala ko.
"Let's go," nakangiti kong ani.
Kunot noo niya akong tiningnan.
"Where are you going?" tanong niya.
"Kung saan ka pupunta?" abot taingang ngiting tugon ko.
Bago pa niya ako mapigilan sa pagsama sa kaniya. Nagmadali akong pumunta sa passenger seat but I was surprised when he grab my waist and pin me at his front car.
"What?" I asked hiding my nervousness.
Naipatong ko ang isa kong kamay sa kotse nang ikinulong niya ako sa mga bisig niya. Both hand niya ay ipinatong niya sa kotse sa parehong sides ko pa kaya wala akong takas.
He stare at me with an intense look which make me more feel nervous and wonder at the same time. What the hell he is doing?
"What? kung mayr'on kang gustong sabihin, sabihin mo na. Hindi 'yong titigan mo lang ako. Hindi ako manghuhula at hindi ko rin kayang basahin 'yang nasa isip mo." ani ko na mayr'ong halong sarcastic tone.
Paano ko mababasa? Kung wala akong nakikita sa expressionless face niya. How the hell he can hide those feelings he has?
Pagkalipas ng tatlong minutong paghihintay, wala pa rin siyang sinabi. Isang malalim na buntong hininga lang ang ginawa niya saka marahan niya akong pinakawalan. Nagulat pa ako dahil marahang hinaplos ng daliri niya ang tungki ng ilong ko saka walang salita siyang tumungo sa driver seat.
Napanganga ako sa ginawa niya. Tatlong minuto niya akong tinitigan tapos wala man lang siyang sinabi sa'kin? Ano 'yon?
Wala sa sarili rin akong napahawak sa ilong ko. Weird? May kakaiba akong naramdaman after he caressed my nose. Pakiramdam ko, ginawa na niya iyon sa'kin.
Muntik na akong mapatalon sa gulat nang bigla siyang bumusina.
"Are you just going to stand there and block my way?" wika niya,
Sinamaan ko siya ng tingin saka dali-daling sumakay sa kotse niya.
"Ang sama nito." ani ko pagkasakay ko.
Kaagad kong sinuot ang seatbelt. Nakita ko ang pag-iling niya saka niya pinaandar ang kotse.
So, I know you are wondering kung saan kami pupunta. Well, siya lang talaga dapat.
Kahapon kasi, narinig ko mula sa mga matatabil ang dila na mayr'ong camping ang fine arts course. Hindi talaga siya totally camping kasi outside activity talaga nila iyon ginawa lang nila na camping to make it sounds exciting.
I heard na, pupunta sila sa isang lugar just to paint. Hindi talaga ako kasama kasi magkaiba kami ng courses ni Jackross pero dahil makulit ako and with my charm, napapayag ko silang sumama ako sa kanilang camping.
Hindi ko na sinabi kay Jackross kagabi dahil gusto ko siyang surpresahin. Marahan akong sumulyap sa kaniya. I think hindi ko naman nagawang surpresahin siya.
"What is it?" tanong niya bigla.
"Nothing," mabilis kong sagot sabay tingin sa labas.
Lihim na nakagat ko ang bottom lips ko.
"Stop biting your lips." Nagulat ako at mabilis na binitawan ang bottom lip ko. Tumingin ako sa kaniya ng mayr'ong gulat na mata.
"You?" kunot-noo kong sambit.
Paano niya nalaman ang ginawa ko? Tinago ko nga ng todo sa kaniya. Mannerisms ko talaga ang kagatin ang bottom lip ko. Gawain ko 'yan kapag natatakot, kinakabahan at kung pinipigilan ko ang sarili kong magsalita.
"Just do whatever you want to do. Don't resist it." wika niya na hindi lumilingon sa'kin. Nakapukos siya sa kalsada.
Nakasimangot na sumandal ako sa sandalan ng inuupuan ko.
I feel bored kasi.
"Hindi ka magagalit?" alanganin kong tanong.
Tumingin ako sa kaniya.
"Nope," maikling sagot niya.
"Swear? As in, hindi? What if tumalon ako rito? Open the radio to full volume? and do something that you won't like? Hindi ka pa rin magagalit?" sunod-sunod kong sabi.
Binigyan niya ako ng segundong tingin tapos bumalik ulit ang tingin niya sa kalsada.
"I am not. If you want to do it, go ahead. I know it will satisfy your boredom." tugon niya.
Napangiti ako, napaayos ako ng upo saka umisip ng puwede kong gawin. Hindi naman daw siya magagalit.
"Hmm, sa tingin mo, ilang side mayr'on ang triangle?" tanong ko.
Napangiti ulit ako nang magawa kong sulyapan niya ako. Tinaasan niya pa ako ng kilay na siyang ikinatawa ko.
"Sagutin mo," excited akong marinig ang sagot niya.
Napailing siya.
"Please! Dali na, sagutin mo. Sabi mo gawin ko ang gusto kong gawin." ani ko,
"Three," sagot niya na tila napipilitan lang.
Umiling ako, "Wrong. Mayr'on siyang five sides." parang bata kong sabi.
"How?" pagsasakay niya sa trip ko.
Gumuhit ako sa hangin ng triangle. Binilang ko ang sides nito. "Three side plus out and in side kaya naging five sides siya." Pumalakpak ako sa katangahan ko.
"Ito pa, ilang sides mayr'on ang circle?" tanong ko ulit.
"None," sagot niya naman.
"Ennk! Mali ulit. Circle has two sides." wika ko, "Mayr'on kayang in and outside ang circle." I continued.
"Ano ang tawag sa buntis na pusit?" agad kong tanong ulit.
"What is it?" balik tanong niya.
"It's pusitive!" sagot ko naman tapos pumalakpak pa ako.
"How about this. What do you call a priest that becomes a lawyer?" sambit ko muli.
Naghintay ako ng ilang segundo bago ko sagutin ang sarili kong tanong. "It's a father-in-law!"
"What kind of shoes do robbers wear?" tanong ko ulit.
"What is it?" tanong niya ulit.
"Sneakers!!!" sagot ko with matching taas kamay na parang bata.
"Ito pa," excited kong sabi. "What do you say to a cow who’s in your way?" I continued.
"Tell me," maikli niyang tugon.
"Siyempre, sasabihin mong MOOOOve! I'm sure na maiintindihan ni cow ang gusto mong iparating kasi may MOOO sa unahan." paliwanag ko.
Nakita ko ang pagngiti niya.
"Waaaaa! You smiled," Tinuro ko pa siya.
"I am not." tanggi niya.
"Yes, you are. Don't hide it, and don't deny it." ani ko,
"Okay, that's enough." pigil niya sa'kin.
Umayos ako ng upo. Napalingon ako sa labas dahil inihinto niya ang kotse sa isang tabi. Wala pa naman kami sa school, ah. Bakit siya biglang huminto?
"Stay here," utos niya sa'kin saka siya lumabas ng kotse.
"Teka!" Nahuli na ako, susunod sana ako pero naka-locked ang pinto. Wala akong nagawa kun'di ang hintayin siya.
After five minutes, narinig kong bumukas ang pinto. Mabilis na nilingon ko siya. Magtatanong sana ako kung ano ang ginawa niya pero nahinto ako dahil isang choco milkshake ang siyang bumungad sa'kin.
Parang nabuhay lahat ng cells ko nang makita ko ang Choco milkshake. Walang tanong na kinuha ko ito sa kamay niya saka nagpasalamat ako.
Hindi na ako nagsalita pa. Nakapukos na ako sa milkshake ko.
"Hmmm, yummy!" ani ko,
Ang sarap ng pagkagawa ng milkshake. Mas masarap pa sa gawa ko. Ang galing naman ng store na pinagbilhan niya. Nakuha nila ang taste ko when it comes sa lasa ng milkshake. Gusto ko sanang tanungin siya kung saan niya ito binili para doon na lang din ako bibili, pero tinamad na ako magtanong pa. Gusto ko na lang ng milkshake time.
Naging tahimik na ako hanggang sa marating namin ang school. Naramdaman ko ang paglabas niya kaya hinawakan ko na rin ang pinto, bubuksan ko na sana ito pero naunahan na ako. Bago ko pa buksan ang pinto, mayr'on ng bumukas para sa'kin.
Lumabas na rin ako at pagkalabas ko, isinara na ni Jackross ang pinto. Pumunta rin ako sa trunks niya. Hinintay kong mailabas lahat ng dala niya. Pagkatapos niya na lang saka ko ilalabas ang akin.
Kumakain pa rin ako habang hinihintay siya. Nagulat ako ng nilabas niya rin 'yong akin.
"Gacianna," Napalingon ako sa tumawag sa'kin.
"Sadler!" ani ko rin.
"Dumating ka rin. Sabay kayo ni Jackross? How come?" tanong niya bigla.
Mabilis na napalingon ako kay Jackross na bitbit na lahat ng dala namin.
"Hurry up, Gacianna." wika ni Jackross.
"Mamaya na lang tayo mag-usap." ani ko kay Sadler saka mabilis na sumunod kay Jackross.
"Jackross, tabi na tayo." Rinig kong alok ni Darrie kay Jackross.
"Tayo na lang ang magtabi sa upuan." bulong sa'kin ni Sadler na ikinagulat ko.
Ang bilis naman niyang makasunod.
Ay oo nga pala, kasama rin siya rito sa camping. Well, nagpaalam din siya at mukhang malakas din ang kapit niya, ayon pinayagan din siyang sumama.
Si Darrie lang ang sinusundan ng ugok na 'yan.
Tumingin ako kay Jackross na nilalagay sa taas ang mga bag na dala namin. Hindi ko narinig ang tugon niya kay Darrie. Ayoko namang katabi si Sadler. Kung kay Jackross naman ako tatabi, sure akong issue iyon para sa kanila. Siyempre, bakit ako tatabi sa isang Jackross Frivo Warner, 'di ba?
Bago pa ako makasagot kay Sadler, mayr'on ng kamay ang humila sa'kin saka pinaupo ako. Muntik ko pang mabitawan ang hawak kong milkshake.
Marahan akong tumingin kay Jackross na kasalukuyang nakatingin kay Sadler.
"Sit beside Darrie." maikling utos nito kay Sadler saka umupo sa tabi ko.
Nakangiting tumingin ako kay Sadler. Nang dumako ang tingin niya sa'kin. Tinanguan ko siya bilang sang-ayon sa suggestions ni Jackross. Well, Darrie time niya na rin 'yon. Chance ika nga, 'di ba.
Umayos ako ng upo ng magsimula ng mag-andar ang bus.
Narinig ko ang some rules ni Professor Yannie sa mga students niya. Hindi naman ako nakinig kasi labas ako riyan. Sabit lang naman kasi ako sa activity trip nila.
Lihim akong sumilip sa labas ng bus. Balak ko kasing itapon itong pinaglagyan ng milkshake. Itatapon ko na sana pero nagulat ako ng mayr'ong kumuha nito sa kamay ko. Sinundan ko ito ng tingin.
"Huh?" tanging nasambit ko.
Nakita kong mayr'on siyang pinaglagyan nito. Hindi lang iyon ang ginawa. Nagtaka ako dahil pinatong niya sa lap ko ang isang laptop. Nang tingnan ko ang laptop, naka-play dito ang isang movie.
"Watch it to kill your boredom. If you don't like it, just pick another movie." wika niya, isinuot niya rin sa tainga ko ang earphone na naka-connect naman sa laptop.
I blink twice, trice hanggang sa hindi ko na mabilang kung ilang beses ako kumurap.
Nang muli akong sumilip sa kaniya. Mayr'on din siyang kaharap na laptop, at kasalukuyang nagtitipa rito nang mabilis. Mayr'on din siyang suot na earphone.
Wala na akong nagawa. Nanonood na lang din ako. Sandali akong tumingin sa labas ng bintana saka marahang ipinikit ang aking mga mata.
Ilang segundo ko itong ginawa, pagkatapos ay nagpukos ako sa panonood ko.
Hindi ko alam kung gaano kalayo ang pupuntahan nila. Napahikab ako, sumandal ako.
Lumipas pa ang ilang oras at nakatatlong movie na rin ako. Marahan akong tumingin sa unahan. Mukhang malayo nga ang pupuntahan nila. Sumilip din ako sa kapaligiran namin. Ang ilan sa kanila ay nakatulog na.
Inihinto ko ang pinanonood ko. Kanina pa ako inaantok, e. Tinanggal ko ang earphone sa tainga ko saka pinatay na rin ang laptop. Pinanatili kong nakapatong sa lap ko ang laptop. Hinawakan ko ito at tinayak na hindi siya mahuhulog.
Isinandal ko ang ulo ko sa bintana saka marahang ipinikit ang mga mata ko. Bago ako mahulog sa malalim na pagtulog. Naramdaman kong mayr'ong kamay ang marahang ginalaw ang ulo ko saka marahang ipinatong sa isang balikat.
Naramdaman ko ring kinuha nito ang laptop na nasa lap ko. Lihim akong ngumiti. Isinuot nito muli ang earphone but this time, music naman ang naka-play na lalo namang nagpaantok sa'kin.
Mas lalo akong sumiksik kay Jackross. Marahan ko ring niyakap ang kamay ko sa baywang niya. Akala ko tatanggalin niya pero hindi naman. Akala ko rin itutulak niya ako pero lihim din na nagulat ako nang inilagay niya rin sa baywang ko ang kamay at mas lalong inilapit ako sa kaniya kaya hindi na sa balikat niya nakapatong ang ulo ko.
Sa dibdib niya na ako nakaulunan. Hindi ko napigilang hindi imulat ang mga mata ko at tumingin sa kaniya.
Katulad kanina, hinaplos niya muli ang tungki ng ilong ko.
"Sleep well," malambing niyang saad.
"Close your eyes." Mabilis na sinunod ng mga mata ko ang inuutos niya.
Ginawa ko kaagad ang sinabi niya. Pagkapikit ko pa lang ay agad na akong nakatulog which is bago sa'kin. Kadalasan kasi, hindi kaagad lumalalim ang tulog ko, pero ngayon iba. One word from him, agad akong nakatulog. Tila mayr'ong magic ang bawat salita niya.
TheKnightQueen 🍀
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top