Chapter 22


Pumasok kaming dalawa ni Sadler sa isang store. Iginala ko ang tingin ko sa paligid. Mukhang ito na ang lugar na tinutukoy niya.

"Wooa! Bro! You're here!" Rinig kong wika ng isang tao.

Maybe a friend of him. Nang tumingin ako sa kanila. Nakayakap sila sa isa't isa. Mas pinili ko na lang na maglibot at tumingin-tingin na ng camera. Marami na kasi akong nakita. At isa pa, ayokong magambala ang kumustahan nilang magkaibigan.

"Who is she?" Rinig kong tanong nito.

"Your girlfriend? Finally! Naka-move on ka na kay Darrie." he added.

"Huwag kang issue, Bryan." tugon naman ni Sadler.

Narinig ko ang paglapit sa'kin ni Sadler.

"Gacianna, can I have a minute?" he asked.

Marahan akong tumango sa kaniya. Sumunod ako sa kaniya. Pumunta kami sa taong kausap niya.

"Bryan, she is Gacianna, my friend." pakilala ni Sadler sa'kin.

Napansin ko ang pagkatulala at pagmilog ng bibig niya habang nakatingin sa'kin.

"Gacianna, siya naman si Bryan, my long time friend." pakilala naman niya sa kausap niya.

"Hi, nice meet you." ani ko,

Nagulat ako ng bigla niyang hinila si Sadler. Pumunta sila ng sulok. "Dude, sure ka ba talagang hindi mo siya girlfriend? Pagkakataon mo na 'to, oh. Mas maganda siya kumpara kay Darrie." bulong nito kay Sadler na sa hina nito ay narinig ko na.

Grabe siya kung bumulong, ah.

Naiiling na tumatawa ako. Iba rin 'tong magkaibigan na 'to.

"Tigilan mo nga ako. Narito kami para bumili ng camera. At saka, hindi talaga ikaw ang pinunta ko. Itong store mo." tugon naman ni Sadler.

"Talaga ba, Sadler? Sa lahat ng kaibigan mo. Siya pa lang ang dinala mo rito." sambit ni Bryan na may halong hinala.

"Gago! Malamang! Naghahanap siya ng camera kaya itong store mo ang ni-recommend ko. At saka, tigilan mo nga ako. Mahiya ka naman sa costumer mo." sambit niya sabay tanggal ng pagkakaakbay ni Bryan sa balikat ni Sadler.

Natawa ako sa dalawa dahil naghalmangan pa sila. Talagang hindi siya tinitigilan ni Bryan. Na-miss siguro siya nito. Pinagpatuloy ko na lang ang paglilibot ko.

Impyernes, maganda ang store na ito. Naka-glass ang lahat ng lagayan nito. Malinis at walang kahit anong dumi. Huminto ang tingin ko sa isang camera. Marahan akong lumapit dito. Unang tiningnan ko ay ang presyo. 30,000 pesos ang amount nito.

Hinawakan at marahan kong inangat ito. Tiningnan ko ito. Maganda siya at hindi mabigat dalhin.

"I highly recommend that to you. The quality of the photos is good. Don't worry, may discount ka naman dahil friend ka ni Sadler." Napalingon ako sa sumulpot na lang.

Inopen ko ang camera at kumuha ng photo. Automatic print na rin siya. Kinuha ko ang nilabas na paper. Marahan na pinatuyo ko muna l
Ngumiti ako sa kaniya, "I'll take it."

Kumuha ako ng wallet. Nagbilang ako at pagkatapos binigay ko ang thirty thousand sa kaniya. Kinuha naman niya ito, pero nagtaka ako dahil binalik niya sa'kin ang five thousand.

"I told you may discount ka sa'kin. Twenty-five thousand is enough." wika niya,

"Thanks," Binalik ko na lang ulit sa bag ang pera.

"Okay lang ba na kumain muna tayo? Nagugutom na ako, e. Ngayon lang ulit din kasi itong kumag na 'to napadpad dito." ani ni Bryan saka sinikmuraan si Sadler.

Dumaing naman sa sakit si Sadler.

"K-Kailangan manikmura? Ang sakit, ah!" reklamo ni Sadler.

"Dapat lang 'yan sa'yo." tugon ni Bryan.

Walang nagawa si Sadler ng kaladkarin na siya ni Bryan palabas ng store. Panay pa nga ang dakdak ni Sadler pero balewala ito kay Bryan. Naiiling na sumunod ako sa kanila.

                  *************************

"I'm sorry, ang sabi ko sasamahan lang kita sa pagbili ng camera. Kung saan-saan ka pa tuloy namin nadala. Ginabi ka tuloy. Kasalanan 'to ni Bryan, e." nahihiya niyang sambit.

Kung saan-saan pa kami dinala ni Bryan. Hindi niya talaga pinakawalan ang bawat isa sa'min. Panay ang kuwento rin nito. Hindi siya naubusan ng kuwento at hindi siya napagod, ah.

"It's okay, nag-enjoy naman ako. Anyway, thank you for recommending that store. I am also happy to meet your friend." nakangiting tugon ko sa kaniya.

"Sure ka ba talagang hindi na kita kailangang ihatid? Ihatid na kita. Ako na bahala sa kotse mo. Ipadadala ko na lang bukas sa place mo." ani niya,

Umiling ako, "No need."

Narito kasi kami sa lugar kung saan ko iniwan ko kotse kaninang umaga. Isa pa, ang lugar ko ay lugar ni Jackross, bagay na hindi niya dapat malaman. Binuksan ko ang pinto ng kotse ko. Nagpaalam na ako sa kaniya at sumakay na. Sinimulan ko ng paandarin ang kotse.

Nawala ang ngiti ko nang makalayo na ako. Seryoso akong tumingin sa kalsada. Kinuha ko ang earphone ko at binuksan ang phone.

"I'm done." ani ko saka pinatay ko kaagad ang linya.

Napalingon ako sa side mirror. Pasimple kong binilisan ang pagpatakbo ng sasakyan. Dumaan ako sa mga madidilim na daan. Nang tumingin muli ako sa side mirror. Tinungo ko ang daan na dapat kong tatahakin. Binilisan ko pa ang bilis ng kotse. Lumipas ang isang oras ay narating ko na ang destination ko.

Marahan kong pinark ang kotse sa garage area. Itinigil ko ang engine saka kinuha ang susi sabay labas. Kinuha ko sa back seat ang ilan pang pinamili ko. Pumasok na rin ako sa loob ng mansion.

Pagkarating ko ng living room. Naroon si Jackross. Busy siya sa pagbabasa ng isang newspaper.

"What time is it?" Nahinto ako sa pagtapak sa unang baytang sa hagdan.

Marahan akong lumingon sa kaniya.

"Eleven ng gabi. Bakit?" inosente kong tanong.

"Ganiyan ba dapat ang uwi ng isang babae?" malamig niyang tanong na ikinakunot ng noo ko.

"What?  What's wrong with that? Don't make it a big deal. It's just a matter of time. Huwag mong gawing big deal. At isa pa, ano bang paki mo sa oras ng uwi ko?" ani ko na may halong inis.

Tinalikuran ko siya.

"Who's with you?" tanong niyang muli.

"Why? Curious?" nginisihan ko siya.

Sinamaan niya ako ng tingin.

"Okay. Kasama ko si Sadler sa buong araw. Para rin sa kaalaman mo at bago ka mag-react. Wala sa plan ko ang magkita kami ngayong araw. Nagmagandang loob siya na samahan ako sa pagbili ng camera na ang dapat na gagawa ay ang asawa ko." paglilinaw ko.

"Ikaw ang may gusto na huwag kang samahan." tugon niya.

"Kapag ba sinabi kong samahan mo ako. Sasamahan mo ba ako?" Hindi siya nagsalita. "See! Hindi di ba? Kaya ano pang reason sa pagtatanong sa'yo? Bukod pa roon, wala naman akong inaasahan sa'yo." sambit ko,

Bagot na tinalikuran ko siya.

"Kung wala ka palang inaasahan sa'kin. Bakit hindi na natin ito tapusin? Sign those annulment paper." malamig niyang saad.

Tumayo siya saka naunang umakyat ng hagdan. Natigilan ako. Bigla akong natauhan. Ano na naman bang ginawa mo Gacianna? Tumingin ako sa taas ng hagdan. Natawa na lang ako.

Para sa kaniya, ganoon lang kadali iyon.

Umakyat na lang din ako ng hagdan. Pagkarating ko sa kuwarto ko. Nilapag ko sa couch ang mga pinamili ko. Dumeritso ako  sa drawer kung saan nakalagay ang annulment paper namin. Kinuha ko ito. Marahan akong umupo sa kama.

Mapakla akong ngumiti. Napadako ang tingin ko sa maliit na calendar na katabi ng lampshade. Mayr'on na lamang kaming three weeks na natitira sa deal namin.

"21 days left." mahinang ani ko.

Kinuha ko sa loob ang papers. Kumuha ako ng ballpen saka pinirmahan ang annulment paper namin. Ibibigay ko ito kapag natapos na ang aming deal.

Muli kong binalik ito sa loob ng envelope. Saka nilagay muli sa safe place. May ngiti sa labing tinitigan ko ang drawer. Tumayo ako at nag-inat. Napagdesisyonan kong maligo na nang makatulog na ako.

                   *************************

"Gacianna!" Napalingon ako sa tumawag sa'kin.

"Sadler? morning." bati ko naman.

Sabay na kaming pumunta sa building namin. Lihim na napailing ako dahil kanina pa siya nagsasalita hindi siya maubusan ng kuwento. Natawa na lang ako. Hindi sinasadyang mapagawi ang tingin ko sa kabilang side. Naramdaman kong huminto si Sadler kaya napahinto na rin ako.

Dumako ang tingin ko kay Sadler. Titig na titig siya kay Darrie. Tumingin muli ako kay Sadler. Grabe! sobra naman ang pagmamahal nito kay Darrie. Marahan akong tumabi kay Sadler.

"Matunaw naman siya. Bawasan mo naman ang titig sa kaniya." nakangiwing ani ko.

Ano ba nagustuhan niya sa babaeng 'yan? Ang arte ng taong 'yan. Pag-ibig nga naman, bulag.

"Mauna na ako sa'yo. Magpaka-martyr ka lang diyan. Hintayin na lang kita sa room." Tinalikuran ko na siya.

Maya lang ay nagulat ako na nasa tabi ko na siya. Tiningnan ko ang likuran namin.

"Oh! Bakit narito ka? Akala ko ba magpapaka-martyr ka pa roon? Umalis na ba sila?" ani ko,

Nagulat ako ng ginulo niya ang buhok ko sabay takbo palayo.

"Hey!" malakas na sigaw ko.

Kusang kumilos ang mga paa ko para habulin siya. Anak ng! Walang sino man ang puwedeng humawak at gumulo sa buhok ko. Habang hinahabol ko siya ay panay hagalpak niya ng tawa.

Sa hindi inaasahan, biglanh lumitaw sa harapan ko si Jackross dahilan para mabunggo ako sa kaniya. Muntik na akong tumilapon buti na lang nahawakan niya ako.

"Jackross?" gulat kong sabi.

Pasimple akong tumingin sa likuran niya. Wala na 'yong hinahabol kong tao. Nakalayo na. Umayos ako ng tayo at humakbang paatras upang magkaroon ng distance kay Jackross.

"Sorry, hindi ko sinasadya. Bakit kasi bigla ka na lang lumilitaw?" ani ko kay Jackross.

"Why are you running?" he asked.

"Huh?" Nagtaka ako tapos napalingon ako sa paligid ko.

Nasa building naman kami ng photography.

"And why are you here in our building?" balik tanong ko.

Sa halip na sagutin ako. Nilagpasan niya ako at iniwan.

"Jackross," tawag ko sa pangalan niya.

Hindi niya ako nilingon. Napasimangot ako. Anong problema no'n? Hahakbang na sana ako pero napalingon muli ako sa dinaanan ni Jackross.

"Aish!" inis kong ani sa aking sarili.

Tumakbo ako at hinabol si Jackross pero nawala na lang siya bigla.

"Nasaan na 'yon? Ang bilis naman niyang maglakad?" mahinang bulong ko.

Dumako ang tingin ko sa building nila. Naroon kaya siya? Napagdesisyonan ko na pumunta na lang sa building niya. Pagkarating ko, mabilis kong inakyat ang hagdan patungo sa pangalawang palapag hanggang sa maabot ko ang huling palapag. Tumingin ako sa corridor pero wala akong nakitang anino ni Jackross.

Napadako ang tingin ko sa pinakadulo ng hallway. Nakita kong pumasok sa pintuan si Jackross. Tinawag ko siya pero mukhang hindi niya ako narinig. Mabilis akong tumungo roon at hinabol siya. Narating ko ang pinto, walang pagdadalawang isip na binuksan ko ito.

Pagpasok ko, agad kong nakita si Jackross. Nakangiti akong lumapit sa kaniya nang marahan. Kasalukuyan siyang mayr'ong kausap sa phone kaya hindi ako gumagawa ng ingay.

Malapit na akong makalapit sa kaniya pero nagulat ako ng apat na hakbang na lang ay bigla siyang humarap sa'kin. Binaba niya ang kaniyang phone.

"What are you doing here?" malamig niyang tanong.

Gulat pa rin ako kaya hindi kaagad ako nakasagot. Umayos ako ng tayo. Pinagsiklop ko ang aking kamay saka pinaglaruan ang aking mga daliri.

"Are you mad at me?" mahina kong tanong.

"I'm sorry sa mga nasabi ko kagabi. You are my husband. I should ask you first before doing something." I continued.

"But, I swear! Wala akong idea na magtatagpo kami ni Sadler." mabilis kong dagdag.

Tumingin ako sa kaniya nang dahan-dahan.

"Magkaibigan lang kami ni Sadler. Okay lang naman sa iyo 'yon, hindi ba? Childhood friends naman kayo. So walang issue if friend ko rin siya, asawa mo naman ako." patuloy kong sambit.

Wala akong narinig na tugon sa kaniya. Nakatitig siya sa'kin na parang sinusuri niya ako.

"Who are you?" he asked.

Nagulat ako sa tanong niya.

"You are making me confused." kunot noo niyang wika.

Napayuko ako at lihim na nakagat ko ang aking labi. Masiyado bang halata ang biglaang pagbago ng pakikitungo ko? Kasalanan 'to ng trauma ko, e. Binura ba naman mga alaala ko.

Buo ang loob na humarap ako sa kaniya.

"Open your eyes and let your heart know me." ani ko,

"Are those your new rules?" Inilagay niya ang isang kamay niya sa kaniyang bulsa. "I can obey and do all of your rules. After all, my goal is to get you to sign the annulment paper. Here's the thing that I want you to put on your brain. Never, ever think that I will fall in love with you." walang preno niyang saad.

"I respect you as a woman. Even though we are married on paper, it's still a fact that you are my wife. If you want to play a game, I'll participate, but we have a deadline. We only have 20 days left. Meaning, I can endure spending time with that remaining time." he stated.

Lihim na naikuyom ko ang aking mga palad. Naramdaman ko ang pagguhit ng sakit sa aking puso.

I am aware of it.

Mahirap talagang makipagsiksikan sa taong ayaw sa iyo lalo na sa taong mayr'ong mahal na iba.

Wala akong nahanap na salita para makapagbitaw ng salita. Bigla kasing nablangko bigla ang utak ko.

Napapikit ako at mas naging mariin ang pagkuyom ng aking palad nang lagpasan lang niya ako.

TheKnightQueen 🍀

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top