Chapter 21
"Stop!" pigil ko kay Jackross pagkababa niya sa hagdan. Bigla naman siyang huminto.
"What?" tanong niya.
"Stand firmly." utos ko.
Mula sa likuran ay marahan akong lumipat papunta sa harap niya.
"Hey! What are you doing?" pagpapanik niya.
Hindi ko mapigilang hindi matawa dahil talagang tinitiyak niyang Hindi ako mahulog habang lumilipat ako ng puwesto.
"Gacianna," pinipigilan niyang huwag akong sigawan.
"What?" inosente kong tugon.
Mahigpit ang pagkakapit ko ng mga hita ko sa baywang niya. Ang kamay ko ay kumapit sa leeg niya. Mas natawa pa ako nang titigan niya ako nang maigi.
"Hey! Stop starting me like that. You scaring me." mahinhin na may halong tawa kong wika sa kaniya.
"Sir?" Napabaling ako sa bagong dating.
Nakita ko ang isang lalaking naka-eye glasses. Ang mukha niya ay gulat na gulat na nakatingin sa'min. Tapos iyong gulat niya napalitan ng pagkunot ng noo.
"Hi, Zart." nakangiting bati ko sa kaniya.
Tila natauhan siya, "H-Hi?" baling niya sa'kin, kumunot lalo ang mukha niya ng sa'kin siya nakatingin.
"What is it, Zart?" tanong ni Jackross saka tumingin din kay Zart na wala pa rin sa sarili.
"H-Huh? A-Ano? Ano nga ba ang pinunta ko rito?" bulong niya sa sarili sabay kamot sa ulo niya.
Mukhang naalala na niya kasi tumingin na siya kay Jackross. "May meeting ka with Mr. Yan."
"Reschedule it." utos ni Jackross.
"H-Huh? Wait? What?" gulat na tugon ni Zart.
Hindi na siya pinansin ni Jackross dahil patungo na kaming kusina. Pagkapasok namin ay marahan niya akong pinaupo sa desk. Dahan-dahan din akong bumitaw sa pagkakapit sa kaniya.
"What do you want to eat?" tanong niya pagkalayo niya sa'kin. Kinuha niya ang apron saka isinuot sa sarili niya.
Malapad na ngumiti ako. "Mango milkshake!" parang bata kong wika.
Mabilis na bumaling ng tingin siya sa'kin. Nawala ang ngiti ko dahil sinamaan niya ako nang tingin.
"Really Gacianna? Wine and ice?" His eyebrows raised.
Napa-pout ako ng wala sa oras.
"Sinagot ko lang naman kung ano ang gusto ko, e." nakasimangot kong tugon. I bit my bottom lip secretly.
Hindi ko na narinig pang magsalita siya. Pagkatingin ko sa kaniya. Nakita kong naghahanda at nagsisimula na siya. Nanahimik na lang din ako. Habang naghihintay ako, nakatitig lang ako sa paa kong ang swing ko.
Sumulyap muli ako kay Jackross. Abala pa rin siya sa pagluluto.
"I heard from Serena, nakita mo na raw 'yong mga lalaking pumasok sa studio ko. Anong ginawa mo sa kanila?" bigla at curious kong tanong.
Bigla siyang natigilan na hindi nakaligtas sa mga mata ko.
"Nothing. I did what was best for them." tugon niya.
When I heard that, isa lang ang nasa isip kong best for them pero hindi na lang ako nagsalita pa.
"Why did you save me?" I question again.
"Why? Is there something wrong with saving my wife?" sagot niya without looking at me.
"Hindi mo na dapat 'yon ginawa. Kung hindi mo ako niligtas, sana nasa peaceful place na ako ngayon. By saving me, you gave me another hellish life." saad ko saka mapaklang ngumiti.
Humarap ako sa kaniya sakto ring tumingin siya sa'kin. Binigyan ko siya ng isang tipid na ngiti.
"All I want to achieve in my life is death. Ayoko ng mabuhay sa mundong 'to. Death is my wish, but no one dares grant me that." ani ko, tinago ko ang lungkot sa aking kalooban dahil ayokong kaawaan niya pa ako lalo.
Bumaba ako at tumungo sa niluluto niya. Tiningnan ko ito. "What are you cooking?" pinasigla ko ang boses ko.
Kumuha ako ng spoon. "Okay lang ba kung tikman ko?" paalam ko.
Tumango lang siya sa'kin. Excited akong kumuha ng kunting sauce saka tinikman.
"Wow! It's delicious! You are really a master cook." mangha at bigay puri ko sa kaniya.
"Why?" Rinig kong sambit niya. Kumuha muli ako ng sauce.
"Why would you rather die than live?" Natigilan ako sa tanong niya. Marahan kong naibaba ang spoon na hawak ko.
Why?
Bakit nga ba?
Dahil gusto kong magkaroon ng katahimikan ang kalooban ko. Gusto kong mawala na itong mabigat na nararamdaman ko. Itong sakit at lungkot na matagal ko ng tinatago at dinadala. Mga emosiyong hindi ko alam kung ano ang dahilan.
Ipinikit ko ang aking mga mata. Lihim na kinalma ko ang sarili ko. Humarap ako sa kaniya na mayr'ong ngiti sa labi.
"Ano ka ba? Masiyado mo namang seneryoso ang sinabi ko. Ito naman, oh. Parang binibiro ka lang, e. Sinong tao ang gustong mamamatay? S'yempre! Gusto ko pang mabuhay." saad ko,
Lumapit ako sa refrigerator para kumuha nang malamig na tubig.
"Alam mo bang sobra ang takot ko ng mga panahong napalilibutan ako ng apoy? Thinking na iyon na ang huli kong buhay. Akala ko talaga hindi na ako makaliligtas pa. To the point na alam kong walang mag-aala-knight in shining armor ko." saad ko,
Tumingin ako sa kaniya, "Buti na lang dumating ka. Kahit na hindi ko alam kung ano ang pinaka-reason mo kung bakit mo ako niligtas. Salamat pa rin. I owe you my life."
Tumingin ako sa niluluto niya. "Hindi pa ba 'yan luto? Nagugutom na kasi ako." wika ko,
Nakita kong kumuha siya ng plato. Lumapit ako sa kaniya. Tiningnan ko ang paglagay niya sa plato ng niluto niya. Parang bata kong kinuha ito ng inabot niya sa'kin. Galit-galit muna tayo. Nagugutom na talaga ako. Hindi ko alam kung ilang araw akong walang kain.
Inilapag ko sa table ang plato saka umupo ako sa stool. Nagsimula na akong kumain. Ang sarap niyang maguto, ah.
Mabilis din akong natapos. Tatayo na sana ako para iligpit ang pinagkainan ko nang mayr'ong biglang sumulpot na mango milkshake sa harapan ko.
"You want it, right?" tanong niya.
Mabilis akong tumango sa kaniya. Kinuha niya sa tapat ko ang walang laman na plato. Ipinalit niya ang milkshake.
"Thank you," pasalamat ko.
Narinig kong tumunog ang phone niya. Kinuha niya ito saka sinagot ang tumatawag. Sinundan ko siya nang tingin hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Marahang dumako ang tingin ko sa nasa harapan kong milkshake.
This is the first time that someone has made me a milkshake.
Alam kong hindi dapat itong gawing big deal pero sa buong buhay ko, ako lang sa sarili ko ang gumagawa nito.
********************
Tumingin ako sa labas ng pinto nang marinig ko ang boses ni Zart. Lalabas sana ako pero narinig kong palapit ang kanilang boses kaya hinintay kong makapasok sila.
Kinuha ko na lang ang isa pang niluto ko. Gumising ako ng maaga para magluto ng almusalan bilang kapalit dahil pinagluto rin ako ni Jackross.
Pero s'yempre, nag-jogging muna ako bago humarap sa stove. Isang simpleng omelette lang ang ginawa ko nilagyan ko ng kunting design sa paligid to make it elegant. Nagtimpla na rin ako ng coffee for him.
Inilagay ko rin ang sandwiches na ginawa ko tapos vegetable salad.
"Gacianna?" Dumako ang tingin ko sa kanila.
Napangiti ako, "Good morning sa inyong dalawa." bati ko.
"Aalis ba kayo? Bago kayo umalis. Kumain muna kayo, naghanda ako ng breakfast. Maupo na kayo." ani ko,
Lumapit ako sa coffee na tinimpla ko. Tumingin muna ako sa kanila. Napangiti ako nang makita kong umupo na si Jackross. Kinuha ko ang tinimpla kong coffee saka inilapag ito sa malapit sa plate ni Jackross.
Napansin kong hindi gumagalaw sa kinatatayuan niya kaya lumingon ako kay Zart.
"Bakit nakatayo ka pa riyan? Come here, maupo ka na rin." Kumuha pa ako ng isang plate. Saka kinuha ko pa ang isa kong nilutong omelette. Inilapag ko ito sa table.
"Ah, boss?" wika ni Zart.
"Do what she says." tugon ni Jackross.
Doon lang kumilos si Zart.
Naiiling na naupo na rin ako.
"Hindi kasing sarap ng luto mo ang luto ko. Kaya don't expect na masarap ang pagkagawa ko sa omelette. Still, hope you like it." I said.
"Of course, he will. Omelette is his favorite food." sabat ni Zart.
Napalingon ako kay Jackross. "Really?"
Simpleng tango lang ang sinagot niya. Gusto ko pa sana siyang tuksuhin kaso lang baka masira ko ang mood niya. Ngumiti na lang ako. Tahimik na kaming kumain.
"Saan ka pupunta?" biglang tanong ni Zart.
"Bihis na bihis ka kasi, e. May pupuntahan ka ba?" dagdag niya.
"Papasok na kasi ako bukas sa school. Dahil wala akong camera na magagamit, I decided na pumunta na muna ng mall para bumili." sagot ko.
"Nang mag-isa?" tanong niya ulit.
Mayr'on pang laman ang bibig ko kaya tango lang ang sinagot ko.
"Oo kaya ko naman. Busy kasi si Serena sa pag-aayos muli ng studio ko. Ito namang si Jackross alam kong hindi niya ako sasamahan." ani ko,
"Jackross? Wow! binago mo na pala tawag sa kaniya. Akala ko ba hindi mo siya titigilan sa pagtawag sa second name niya?" ani ni Zart na may halong panunukso.
"Hindi ko na feel na tawagin siyang Frivo. Isa pa, ayaw naman niya. Bakit ko pa ipipilit. Bukod doon, hindi naman ako ang first love niya para tawagin siya sa ganoong pangalan." tugon ko,
"You know what? There's something really bothering me ever since you woke up a few days ago." ani niya, puno ng pagtataka.
Sandali akong natigilan.
"Share it." ani ko, pinigilan ko ang huwag maging seryoso.
"You change." sagot niya,
"In what way?" I asked.
Sa tuwing nawawalan ako ng memorya hirap akong ibalik ang ugali na nakita nila sa'kin. The fact na hindi ko matandaan kong anong ugali ba ang pinakita ko sa kanila.
"Before, you are rebellious and drunkard. Lagi ka ring sarcastic and a baddass woman na handang sumira ng buhay. Laging bored at pasaway." Lumingon siya sa'kin. "Pero ngayon, you are descent, sweet, and caring. At para ka ring hindi makabasag pinggan." he continued.
"Ang laki nga pinagbago ko." natatawa kong komento.
I'll be honest. Hindi talaga ako isang rebelde at lansengga. All those characters that he mentions are not the real me.
"Your point is?" I asked while raising my eyebrows.
"Nothing. Sinabi ko lang napansin ko. Naninibago lang kasi ako. But I like the way you are right now.
Pagkatapos niyang sabihin 'yon, nagpukos na siya sa kinakain niya. Tumingin ako sa wristwatch ko. Tumayo na ako. Kinuha ko ang pinagkainan ko saka nilagay ito sa lababo.
"Mauna na ako sa inyong dalawa. Pakilagay na lang sa lababo ang pinagkainan ninyo. Huhugasan ko na lang 'yan mamaya pagkarating ko." ani ko sa kanila saka lumabas.
Tinungo ko ang couch. Kinuha ko roon ang bag maging ang susi na nakapatong sa mini table. Pagkatapos kong makuha lahat ng kailangan ko. Lumabas na ako at tinungo naman ang garage area.
Sumakay kaagad ako sa kotse at pinaandar ito. Narating ko kaagad ang gate na bumukas naman ng kusa kaya hindi ako nahirapan na lumabas.
Pagkalipas ng ilang oras. Narating ko ang tapat ng mall. Nag-park agad ako. Binuksan ko ang pinto saka lumabas. Tumingin muna ako sa paligid bago pinasok ang loob ng mall. Nagsimula akong maglibot. I decided na mag-window shopping muna bago pumunta sa bilihan ng mga camera.
Napahinto ako sa isang boutique. Tiningnan ko ang pangalan nito. Mukhang magaganda ang mga damit nila. Matingnan nga muna. Pumasok ako sa loob. Lumapit ako sa mga nakasabit na dress.
Nagtingin-tingin ako, baka may magustuhan ako.
Napalingon ako sa biglang mayr'ong sumigaw na babae. Mabilis na nagsilapitan ang mga taong narito rin. Narinig ko ang kanilang singhapan kaya na-curios ako. Tumigil ako sa pagpili at marahang lumapit na rin.
"Oh my god! Tumawag na kayo ng pulis, or doctor." tili at tarantang saad ng isang babae. Namumutla siyang lumayo sa mga nagkukumpulan.
Tumingin na din ako sa tinitingnan nila. Napasinghap din ako nang makita ang isang patay na babae. Napaatras ako sa gulat.
Grabe! Ginilitan sa leeg ang babae. Mulat pa ang mata nito. Nagkagulo ang lahat dahil sa takot. Napalingon ako sa pinto ng mayroong pumapasok na mga pulis at ilang tagaresponde.
Nag-announce sa buong building na huwag magpanik at manatiling kumalma. Lahat kaming nasa loob ng boutique ay hindi muna pinaalis. Lahat kami ay tinanong kung mayr'ong kahina-hinalang taong pumasok. Lahat ng sagot namin ay hindi namin napansin dahil lahat kami nakapukos sa pagpili ng damit. Hindi nagtagal ay pinaalis din naman kami.
Nawalan na tuloy ako ng gana pang mamili ng camera. Malas ko yata ngayong araw. Mas pinili ko na lang na lumabas nang mall. Sa ibang araw na lang kaya ako bumili.
"Gacianna?" Rinig kong tawag sa'kin pagkalabas ko ng building.
Hinanap ko naman ito at nakita ko ang isang lalaki na nakilala kong si Sadler.
"Hi," nakangiti kong sambit.
"You're here. Dito lang pala kita makikita. What happened to you? Bakit ilang araw ka ng hindi pumasok?" bungad na tanong niya sa'kin pagkalapit niya pa lang.
Napakamot tuloy ako sa ulo. Hindi ko kasi alam kung alin ang una kong sasagutin sa mga tanong niya. Ang dami kasi, e. Mukhang napansin niya naman iyon.
"Nevermind. Anong ginagawa mo rito?" tanging tanong niya na lang.
"Bibili sana ako ng camera, but something happened inside. Nawalan na ako ng gana bumili pa. Maybe next time na lang." tugon ko.
Tumango-tango siya. Nakita ko ang pagngiti niya. Nagulat ako ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila kung saan.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko.
"Sa lugar kung saan ako madalas bumili ng camera. Okay lang naman sa iyo na samahan kita, 'di ba?" Huminto kami sa tapat ng isang isang kotse. Binuksan niya ang pinto nito.
"Okay lang naman, pero ----" Tumingin ako sa paligid ko. "--mayroon akong sariling kotseng dala." alanganin kong sabi.
Hinawakan niya muli ang kamay ko saka pinapasok sa loob.
"Balikan na lang natin mamaya." wika niya,
"Okay," mahinang sambit ko.
Pumasok na rin siya sa loob saka nagsimulang pinaandar ang kotse. Tinungo namin ang daan patungo sa sinasabi niyang lugar na pupuntahan namin.
TheKnightQueen 🍀
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top