Chapter 19
"We can't leave him. Let's save him, please!" Pilit akong kumakawala sa babaeng mahigpit ang hawak sa'kin.
"No! Look," Lumuhod siya at iniharap ako sa kaniya.
"Listen carefully, baby. He is gone. We can't go there." wika niya habang pinipigilan ang kaniyang mga luha.
Umiling ako at patuloy na sinabi na kailangan naming pasukin ang umaapoy bahay.
Hindi ko alam kung ano ang nais kong makuha sa loob.
Save? Save who?
Sino ang nasa loob?
Mahigpit na napakapit ako sa nahahawakan ko. Kumunot ang aking noo. Nakikita ko na naman ang mga eksena sa isip ko. I'm aware na nakahiga ako pero hindi ko maigalaw ang buo kong katawan.
Biglang nagbago ang lugar. Nasa gitna kami ng kalsada. Madilim ang buong paligid subalit mayr'on namang stand lamp kung saan naabot pa rin kami ng liwanag.
"Baby! You can leave me. Go! Save yourself." mahinang saad ng ginang.
Hindi ko maintindihan. Gising ang isip ko pero ang katawan maging pananalita ko ay kusang kumikilos. It's like, parang nanonood ako pero ako rin ang gumagalaw.
Umiling ang aking ulo. Ramdam ko ang mga luhang dumaloy sa aking pisngi.
"No! I won't leave you here." matigas na sagot nito.
Napadako ang tingin ko sa kamay naming pilit siyang bumibitaw. Nasa loob ang ginang ng sasakyan. Mukhang nagkaroon ng matinding aksidente. Nasa labas ang kausap ng ginang kung saan nasa katawan ng bata ang kamalayan ko.
"Please! Listen to me. You should save yourself. They're here. Run! Run, please! Leave me!" mariin at halos ibuhos nito ang lakas na mayr'on siya.
Naramdaman kong tumayo ang katawan ko. Tumakbo siya palayo ngunit hindi nagtagal isang malakas na pagsabog ang narinig namin. Natigilan kami pareho.
"Gacianna!" Rinig kong tawag sa'kin.
Naramdaman kong mayr'ong humawak sa'kin.
"Gacianna, wake up!" Tawag muli sa'kin.
Hindi ko pinapansin ang tumatawag sa'kin. Ang buong atensiyon ko ay sa kotseng sumabog. Natulala ako, hindi ako makagalaw. Gusto kong takbuhin ang kotse.
"Gacianna! you're just dreaming. Wake up! Listen to me." Rinig ko sa taong pilit akong ginigising sa reyalidad.
Pero ayoko, ayokong magising. Marahan akong napaluhod. Nakatulala pa ring nakatingin sa kotseng umaapoy pa rin.
Why?
Bakit sa lahat ng taong gustong pahirapan ay ako pa ang napili? Wala naman akong ginawang masama, e.
"Gacianna! I said wake up!" malakas na sigaw sa'kin.
Napahagulgol ako ng iyak. Marahan akong tumingin sa nanginginig kong kamay. Nanlaki at nanlamig ang kalamnan ko nang makita kong mayr'ong dugo sa mga kamay. Naramdaman ko ang malamig na likidong nanggagaling sa aking ulo. Nanginginig na inabot ko ito. Pagtingin ko, buong kamay ko ay nabahiran ng mapulang dugo.
Mas tumindi ang taranta ko nang pagtingin ko sa paligid ko, maraming dugo ang dumadaloy mula sa'kin. Napalilibutan ako nito. Hindi ko alam kung saan ito nagmula.
Isang malakas na tunog ng baril ang siyang narinig ko dahilan din para tuluyan akong magising. Habol hininga akong napabangon.
"Goddamit! Gacianna! What's happening to you?" Rinig kong saad ng kung sino.
Tiningnan ko ang kamay kong nanginginig pa rin. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Maging sa panaginip kong iyon.
"Gacianna," tawag pansin pa rin sa'kin.
"Leave!" malamig kong tugon.
Nanginginig na niyakap ko ang sarili ko. Hindi ko nililingon ang taong kinakausap ako.
"Ewan mo ako!" malamig kong sambit.
Hindi pa rin siya umaalis kaya marahan ko siyang tiningnan. Blangko ang mga matang tumingin ako sa kaniya.
"Who are you?" malamig kong tanong.
Napansin ko ang pagkagulat niya. Sinuri ko siya nang mabuti. I don't remember him. Do I know this person?
"Do I know you?" Tanong ko muli. Tumingin ako sa paligid ko.
Where am I?
"Gacianna?" ani niya sa pangalan ko.
What happened?
"Don't come near me." pigil ko sa lalapit sa'kin.
Mula sa kaming dalawa lang ang tao. Naging apat dahil mayr'ong pumasok na dalawa pa. Ang isa ay nakalab-gown na puti habang iyong isa ay nakasuot ng salamin, katulad nitong tumatawag sa'kin ay hindi ko rin siya kilala.
"Ms. Polarez," ani ng nakalab-gown.
Sa paghakbang niya, kasabay ang pagguhit muli ng isang matinis na tunog sa aking tainga. Napamura ako sa sakit. Mula sa daing hanggang sa sumigaw na ako sa sakit.
"What is happening with her?" Rinig kong sambit nila.
Napahiga ako habang patuloy na dinaraing ang masakit na tinig na naririnig ko pa rin. Mayr'ong humawak sa kamay ko. Pinaharap niya rin ako sa kaniya. Nakikita kong mayr'on siyang sinasabi pero hindi ko siya naririnig.
Nakita kong mayr'ong bumukas ng pinto. Hindi ko alam ang nangyayari basta ang naramdaman ko na lang na kasama ko ay ang babaeng bagong dating. Nagulat ako ng mayr'on siyang tinurok sa'kin. Natigil ako at biglang nawala ang masakit na naririnig ko.
Bago ako mawalan ng malay, mayr'on siyang binitawan na mga salitang tumatak sa'king isipan.
Serena's P.O.V
Kanina pa ako naiinis dahil wala akong maisip na isulat na issue. Ang hirap naman maging journalist ng lipunan. Kadalasan pang nasasagap ko ay mga fake news. Isang malalim na buntong hininga ang nagawa ko.
Ano kaya ang ginagawa ngayon ni Gacianna? Ang bruhang iyon naging asawa lang ng isang Jackross Warner ay nakalimutan na ako. Madalas na lang tuloy kami mag-bonding.
Sumandal ako sa swivel chair. Tumingin ako sa kisame. Speaking of Warner, bakit kaya hindi ko ilagay na ang isang Warner ay kasal na sa isang unknown girl. Napangisi ako pero bigla rin nawala. Umiling ako para mawala 'yon. Kapag ginawa ko iyon, para na ring nilagay ko buhay ko sa hukay.
Ipinikit ko ang aking mga mata para kalmahin ang utak ko. Nilulumot na naman kasi. Habang nakapikit ako, nararamdaman ko ang katahimikan dahilan para mapangiti ako.
Lumipas ang ilang minuto narinig ko ang pagtunog ng alarm. Hindi ko ito pinansin subalit ng ma-realize ko na ang alarm na iyon ay nangangahulugan ng hindi maganda. Mabilis na napamulat ako at dumako roon ang tingin ko.
"Shit! Gacianna!" sambit ko,
Mabilis pa sa alas kuwartong kumilos ako. Tumungo ako sa secretong laboratory ko. Mabilis ang kilos kong binuksan ang safety box. Pagkabukas nito ay agad ko itong kinuha. Nilagay ko ito sa isang maliit na box. Wala akong sinayang na oras. Nilagay ko kaagad sa bag ang box na pinaglagyan ko ng gamot.
Patakbo akong lumabas. Kinuha ko sa drawer ng table ko ang susi ng kotse. Mabilis din akong lumabas sa apartment saka mabilis na lumapit sa elevator. Pero pagdating ko ay mayr'on pang tao sa loob ng elevator. Tumingin ako sa wristwatch ko.
"Shit!" Wala na akong oras para rito.
Tumakbo ako patungong hagdan. Naging mabilis ang pagbaba ko. Habang bumaba ako. Hinahanap ko kung saan matatagpuan si Gacianna. Mabilis kong narating ang basement. Patakbo pa rin akong tumungo sa kotse ko. Nang makita ko ito ay agad ko itong binuksan at sumakay.
Pinaandar ko ang kotse sa sagad na speed para marating ko kaagad ang lugar ni Warner.
Pagkalipas ng thirty minutes ay hininto ko ang kotse sa tapat ng gate. Bumusina ako nang malakas. Nang walang bumubukas ay bumaba ako at lumapit sa gate.
"Open the gate!" malakas kong sigaw.
Tumingin ako sa paligid. Nakakita ako ng camera. Lumapit ako sa tapat nito. Tumingala ako para kita sa camera ang mukha ko.
"I am Serena, a friend of Gacianna. Open the gate. Let me in. I need to see her." I said desperately.
Wala akong nakuhang response. Hindi ako sumuko sa paghahanap ng paraan para makapasok ako. I am fucking aware na hindi ako basta-basta makakapasok dito.
Nakita kong mayr'ong sasakyan na parating mula sa loob. Lumabas ang isang lalaking tiyak akong secretary ni Jackross.
"Open the gate!" mariin kong wika.
Nang makita kong bumubukas na ang gate. Humakbang ako patalikod saka mabilis muling pumasok sa loob ng kotse. Pinaandar ko ito agad at lumusot sa gate. Narinig ko pang tinawag ako pero hindi na ako lumingon pa.
Pagkatigil ulit ng sasakyan. Mabilis na tinungo ko ang pinto ng mansion saka walang paalam na pumasok. Tumingin ako sa phone ko. Napadako ang tingin ko sa hagdan. Tinahak ko ang hagdan at hinahanap ang kuwartong tinuturo ng tracker ko.
Binuksan ko kaagad ang pinto kung saan tumigil ang pagtunog nito. Binuksan ko ito, naabutan kong hawak nila si Gacianna. Dumako ang tingin ko sa kaibigan ko. Napamura ako ng maraming beses nang makita ko ang situation.
The fuck! Not again! Bakit ngayon pa?
Mabilis akong lumapit kay Gacianna at hinila si Warner palayo sa asawa niya.
"Yra," tawag ko sa kaibigan ko.
Tiningnan ko ang kaniyang kabuo-an. Naging seryoso ang aking mukha. Tiyak akong hindi niya kami naririnig.
"Leave us alone." mariin kong utos.
"What's happening to her?" tanong ni Jackross.
Hindi ko siya pinansin. Kinuha ko ang bag ko. Naramdaman kong lumabas sina Jackross. Saktong pagsara ng pinto ay agad kong kinuha ang isang maliit na box. Bumungad sa'kin ang isang maliit na bote at ang isang syringe na inihanda ko kanina. Mabilis na ginawa ko ang dapat gawin.
Pagkatapos kong magawa ang kailangan ko. Mabilis na bumalik sa normal ang paghinga ni Gacianna. Bago pa siya mawalan ng malay ay mayr'on akong binulong sa kaniya.
Nang makita kong banayad na ang kaniyang paghinga ay nakahinga na rin nang maayos. Napaupo ako sa sahig sa sobrang pagod. Goodness! Nabuhay ulit ang adrenaline ko.
Nanghihinang kinuha ko ang bag saka inayos ito. Nang maayos na ang lahat. Marahan akong tumayo. Dumako muli ang tingin ko kay Gacianna. I bitterly smile while looking at her.
Hindi lang ito ang unang beses na nangyari ito sa kaniya. Pero ngayon na lang naulit. Noong nakaraang limang taon pa siya inatake ng trauma niya.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Mabilis na humarap ako at yumukod. "Pasens'ya na kung pumasok ako sa teritoryo mo ng walang pahintulot. Kailangan ko lang talagang gawin 'yon." hingi ko nang paumanhin.
Tumayo ako nang maayos ng humakbang siya patungo sa kabilang side at lumapit kay Gacianna. Inayos niya ang pagkakakumot nito. Pinigilan kong huwag kiligin. Pansin ko ang kakaibang tingin ni Warner kay Gacianna.
"What did you do?" tanong niya bigla.
Lihim na dumako ang tingin ko sa dala kong bag. Napansin ko kasing sumulyap siya roon.
"I give her a medicine." casual na sagot ko.
"What kind of medicine?" he asked again.
"A painkiller." maikling sagot muli.
Tipid akong ngumiti.
"Alam kong mayr'on kang tanong, but keep it." Tumingin ako sa kaniya, direct sa kaniyang mga mata. "I don't know how to answer your questions. Much better na sa kaniya ka mismo magtanong. I'm sure she will answer you, but only if you are curious and have concerns about your wife." I seriously stated.
Mapakla akong natawa ng mayr'on akong naalala.
"Oo nga pala, ang tanging gusto mo lang naman ay makipag-divorce sa kaniya. No need to bother of asking pala. You don't have any concerns about her." Lumapit ako kay Gacianna para ayusin ang pagkakumot sa kaniya ng blanket.
Pagkatapos ko, nagtanong ako sa kaniya. "Why here? Not in the hospital." bagot kong tanong.
Napansin ko kasing narito si Gacianna sa isang kuwarto instead sa hospital. Pinagmasdan ko ang paligid. Kuwarto siguro ito ni Gacianna rito sa palasyo niya.
"She hates hospital." sagot niya na ikinalingon ko sa kaniya.
Tunay nga namang hate niya ang hospital. Sure akong pagmulat pa lang niya at kapag ceiling ng hospital ang namulatan niya, ora-mismo tatakbo siya palabas.
"Anyway, what happened to her? Bakit siya nasa ganoong situation?" seryoso kong tanong muli.
"When I came to her. The whole place is burning. I saved her there. I saw her unconscious. It's a good thing that I still managed to get her out." he answered seriously.
Lihim na dumako ako sa kaniya. Seryoso siyang nakatingin kay Gacianna, but I don't give it an issue. Why? First, I don't see any emotions in his face. All I see is pure blankness and darkness. Second, I am 100 percent sure that he is not in love with Gacianna.
"Who did it?" I asked.
"I'm still looking for it." he answered shortly.
"Thanks for saving her." I purely said.
Kahit paano ay nagpapasalamat pa rin ako sapagkat hindi man maganda ang kanilang samahan, he still save her in hard situation. Hinahayaan pa rin siyang mabuhay dito sa mundo, bagay na kinamumuhian niya.
Ang nakalulungkot lang, once she opens her eyes, I don't know what the situation will be.
TheKnightQueen 🍀
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top