Chapter 18
Napahawak ako sa batok ko. Namamanhid na kasi, kanina pa ako nakatutok dito sa laptop. Hindi pa ako tapos sa ginagawa kong pag-e-edit ng mga photos. Gagawa pa ako ng prenuptial videos. Hindi lang isa ang client ko ngayong araw. Hindi ko inakalang sampu pala ang nakapila, kaya ang resulta, maraming gagawin.
Uminat ako ng braso saka sumandal sa swivel chair. Napadako ang tingin ko sa wall click. Nagulat ako ng twelve thirty na pala ng umaga. Hindi ko napansin ang oras. Hindi pa ako kumakain ng dinner. Napailing na lang ako para sa sarili ko. Nasobrahan na naman ako ngayong araw. Hindi bale na, kailangan ko ng pera para makabili na ako ng bagong camera. Hindi lahat ng oras ay mayr'on akong mahihiraman.
Napatingin ako sa tasa ko. Kinuha ko ito, napabuntong hininga ako dahil wala na itong laman. Tumayo ako saka lumabas para kumuha ng bagong maiinom. Mayr'ong pumapasok na sinag ng buwan kaya walang problema kahit mga nakasara ang ilaw. Wala rin akong planong magbukas. Aksaya lang iyon sa kuryente. Babalik din naman ako sa maliit kong office. Tubig lang naman ang kukuhain ko. Then, babalik muli ako saka gawa ulit ng gawain. Kunti man na lang iyon. Mga three ay matatapos ko na iyon lahat.
Narating ko ang mini kitchen ko. Agad akong kumuha ng tubig sa refrigerator saka isinalin sa basong dala ko. Ipinatong ko ang baso sa mesa. Binuksan ko ulit ang refrigerator para tumingin ng puwedeng makain. Medyo kumakalam na tiyan ko. Humihingi na ng pagkain ang alaga kong sawa sa tiyan ko. Nagrereklamo na sila.
Napatampal ako sa noo. Oo nga pala, halos dalawang linggo nga pala akong hindi pumupunta rito. Wala na akong stock na pagkain. Napangiti ako dahil mayr'on akong nakitang cookies and cream. Mas lalong lumawak ang ngiti ko ng mayr'ong idea na pumasok sa isip ko.
Gagawa ako ng milkshake.
Kumuha ako ng panibagong baso, pero mas malaki na. Aside sa cookies and cream, kumuha pa ako ng mga sangkap sa milkshake. Buti na lang, nagawa kong makabili ng ice cream bago ako pumunta rito. Pinagsama ko lahat ng needed then I blend it all para maging smooth ang texture.
Sa lahat ng favorite ko, milkshake ang siyang pinakagusto ko. Hindi ako mabubuhay kung wala ito. Mas bet ko rin na ako mismo ang gagawa kaysa ang bumili pa ako sa iba. Pag-ako kasi, nakukuha ko ang gusto kong timpla.
Nang matapos na ako, marahan ko itong nilagay sa baso. Nilagyan ko sa tabi ng ilang cookies and cream at binudburan ko rin ito ng dinurog kong cookies. Napangiti ako nang todo ng matapos na ako. Excited na itinabi ko muna ito. Mabilis na nilinis ko ang mga kalat ko. Ayokong kumain na parang dinaanan ng bagyo ang paligid ko. Pagkatapos ay muli kong binalikan ang milkshake ko.
Kumuha ako ng spoon then nagsimula na akong kumain. Sumandal ako sa gilid ng mesa saka nagpatuloy sa pagkain. Maya lang ay bigla akong nakaramdam ng kakaiba sa paligid ko. Alam kong tahimik na pero nakaririnig ako ng mga yabag na siyang ikinakunot ng noo ko. Ganoon pa man, binalewala ko lang ang napansin ko.
Baka guni-guni ko lang. Muli kong itinuon ang pansin ko sa milkshake. Panay ang sandok ko nang sunod-sunod.
Nahinto ako muli dahil nakarinig muli ako ng mga yabag. Itinigil ko ang pagkain ko.
Biglang kumabog ang aking dibdib. Nakaramdam ako ng kaba. Mabilis na napalingon ako sa gawi ng pintuan. Nakarinig ako ng pag-click nito nangangahulugang nabuksan ang pintong alam kong ni-locked ko. Marahan kong nilapag ang baso sa table.
Mas tumindi ang nararamdaman kong kaba nang makita ko ang shadow ng pinto na unti-unting bumubukas. Nanginginig na walang ingay na kinuha ko ang isang kutsilyo.
Bukod sa maliliit na tunog na naririnig ko. May nakikita rin akong mga aninong mabilis na dumadaan. Nagsimulang manginig ang buo kong katawan. Kinain na ng takot ang buong sistema ng katawan ko. Marahan kong inihakbang ang aking mga paa. Pinilit ko pa siyang inihakbang dahil ayaw nitong kumilos.
Habang humahakbang ako, nararamdaman ko ang unti-unting pagsakit ng aking ulo. Mula sa kaunti ang sakit hanggang sa lumala ang sakit nito dahilan para mapapikit ako sa sobrang tindi ng sakit.
"Dammit! Not again!" mariin kong saway sa sarili ko habang nilalabanan ko ang sakit.
Pinakiramdaman ko ang paligid ko. Tuluyan nang nakapasok ang mga nagmamay-ari ng mga yabag na naririnig ko.
"Sino kayo? Anong k-kailangan ni'yo?" Hindi ko magawang imulat ang aking mga mata dahil sa sakit na nararamdaman ko.
"Tingnan mo nga naman. Mukhang sineswerte ako ngayon. Tila umayon sa'kin ang panahon at ang oras." Rinig kong wika ng kung sino.
Pilit kong iminulat ang aking mga mata. Dahil sa walang ilaw, hindi ko makita ang kaniyang mukha nang maayos.
"Sino ka?" matapang kong tanong at pilit pa ring iniinda ang nararamdaman ko.
Tiniyak ko ring hindi nila mapapansin ang panghihina ko. Nagawa kong maimulat ang aking mga mata ko.
"A special friend of your husband." sagot niya,
Husband?
Friend?
Bakit sa ganitong oras pa niya naisipang bumisita?
Nanaginip pa yata sila, e. Ganitong oras ba naman nang abala tapos sa maling lugar pa.
"Kung si Jackross ang hinahanap at kailangan ni'yo. Wala siya rito, at hindi ko alam kung nasaan siya." mabilis kong wika.
Gusto ko siyang umalis na. Dahil hindi ko gusto ang patindi nang patindi kong nararamdaman. Hindi rin maganda ang kutob ko sa kaniya.
"May angking tapang ka rin pala." Naramdaman ko ang paglapit niya. Mabilis na umiwas ako nang sinubukan niyang hawakan ang mukha ko. Nahinto sa ere ang kamay niya. Marahan niya itong binawi.
Muli akong napapikit dahil gumuhit ang sakit sa aking utak. Kasabay noon ay ang paglitaw muli ng mga imahe sa aking isipan.
"Mukhang totoo ngang mayr'on ng asawa si Jackross. Nakamamangha dahil hindi mo man lang itinanggi ang kasal ni'yo. Hindi ka ba natatakot?" mahinahon niyang saad.
Humakbang siya. "Nakapagtataka lang, bakit nililihim ni'yo ang bagay na ito?" Nakita kong nilabas niya ang kaniyang cellphone.
Kusa at mabilis na kumilos ang katawan ko. Malakas na tinapik ko ito. Mukhang hindi niya inaasahan na gagawin ko iyon. Kumunot ang kaniyang noo ngunit kalaunan ay humalakhak siya ng tawa. Pagkatapos niyang tumawa, tiningnan niya ako ng puno ng pagsusuri. Napalunok ako ng laway.
"The bravery and beauty of one woman are my weaknesses. Will it be alright to borrow you for a while from Jackross?" Marahan akong humakbang patalikod. Wala ang atensiyon ko sa kaniya, lalo na sa mga sinasabi niya. Isa lang ang gusto ko, iyon ay ang umalis na sila.
"Wala k-kayong mapapala sa'kin. Hindi ako nagbibiro na wala rito si Jackross." muli kong sambit.
Muli siyang humakbang palapit muli sa'kin. Malakas na hinampas at hinawi ko ang kamay niya. Hindi na ako nakikipagbiruan at lalong hindi na ako natutuwa.
"Sir," Rinig kong sambit ng kaniyang alipores.
"You know what to do." simpleng utos nito.
Nagulat ako ng mayr'ong humampas sa'king binti dahilan para mapalugmok ako at mabitawan ang kutsilyong tinatago ko. Ngunit mabilis ko itong kinuha muli at itinutok sa lalaking nasa harapan ko.
"Huwag kang lalapit!" mariin kong wika.
Napalingon ako sa mga tauhan niya. Nangunot ang noo ko dahil lahat sila ay mabilis na kumilos.
"A-anong ginagawa ni'yo?" Pilit akong tumayo at humarap sa mga taong nagsisimulang magsira ng mga gamit ko.
Pipigilan ko sana sila pero isang kamay ang pumigil sa'kin. Sinubukan kong iwaksi ito subalit masiyado na akong mahina.
Bigla akong natigilan dahil isang tunog ang siyang gumuhit sa aking isipan. Isang matinis at hindi ko maintindihang uri ng tunog. Napahawak ako sa ulo ko maging sa tainga ko dahil nagsasama na naman ang sakit at ang tunog na iyon.
Sa inis ko ay iwinaksi ko ang kamay na humahawak sa'kin.
"Ano ba! Bitiwan mo nga ako! Itigil ni'yo 'yan!" hirap kong saad.
Bawat ingay na naririnig ko mula sa mga sinisirang gamit ko ay mas tumitindi ang naririnig kong ingay na hindi kinakaya ng tainga. Parang katabi ko ang isang speaker na hindi maayos ang tunog.
Napasigaw na ako sa sobrang sakit. Nanghina na ang aking mga tuhod kaya napaluhod na ako. Mahigpit na napakapit ako sa aking ulo at tainga ko.
"T-tama na!" Malakas kong sigaw.
Nararamdaman kong umiikot na ang aking paligid. Halo-halo na ang mga naririnig ko. May naririnig akong halaklak at hindi ko na naiintindihan ang mga sinasabi nila. Tila nabingi na ako subalit naroon pa rin ang matinis na tunog na naririnig ko.
Isang malakas na sampal ang naramdaman ko. Kasabay ng pagbagsak ko. Isang imahe ng mukha ang nakita ko. Napasigaw muli ako sa sakit.
Naikuyom ko ang aking palad ng mayr'ong sumipa sa aking sikmura. Malakas ang pagkakasipa sa'kin dahilan para mapabuga ako ng dugo. Napadako ang tingin ko sa unahan ko. Isang eksena ang nakikita ko. Nagkaroon ng isang panibagong ingay sa paligid ko. Iyon ay ang malakas na iyak at pagmamakaawa ng isang bata.
"T-tama na, p-pakiusap." mahinang ani ko habang nakatingin pa rin sa eksenang nakikita ko.
Naramdaman ko ang paglandas ng aking mga luha sa aking pisngi. Wala akong paki sa ginagawa nilang paulit-ulit na pagsipa sa aking sikmura maging ang pagbuga ko ng dugo.
Tanging nakatuon lamang ang buong tingin ko sa hindi maalis na mga eksenang nakikita ko sa aking harapan. Lalo na sa taong sinasaktan nito.
Wala akong naririnig na iba kun'di ang palahaw ng isang bata. Ang pagmamakaawa nito ng walang humpay.
Nang magkaroon ako ng kamalayan muli sa paligid ko. Napaubo ako at napakapit sa bandang tiyan ko. Sa pagtingin ko sa paligid ko. Umaapoy na ang aking paligid.
Bigla akong natulala muli. Mas tumindi ang panginginig ng kalamnan ko.
"H-hindi! Hindi puwede!" wala sa sarili kong sambit.
Nakita kong umalis na ang mga taong gumulo ng gabi ko.
Pilit akong bumangon pero wala na akong lakas. Muli akong napaubo kasabay din nito ang muling paglabas ng dugo sa aking bibig. Hinayaan kong bumagsak muli ako sa sahig. Hindi nagtagal, muling umatake ang sakit ng ulo ko at ang tunog na masakit pakinggan ay sumabay din. Napasigaw ako sa tindi nang sakit. Halos sabunutan ko ang sarili kong buhok mawala lang ang sakit.
Kasalukuyan ng kinakain ng apoy ang buong studio. Nasa gitna na ako nito. Nakita ko ang pagbagsak ng umaapoy na kabinet sa unahan. Nanlalabo na ang aking paningin.
"Gacianna!" Isang boses ang narinig ko pero hindi malinaw sa'kin. Ni hindi ko na ito makilala pa.
Unti-unting niluwagan ko ang pagkakasabunot ng kamay ko sa buhok ko. Marahang lumapat ang kamay ko sa sahig.
"Gacianna! Where are you? Gacianna!" Tawag sa'kin.
Kahit nanlalabo na ang pagtingin ko. Nakakasilaw ang liwanag na nagmumula sa naglalagablab na apoy sa paligid ko. Nagawa ko pang ngumiti.
"Gacianna!" Tawag ulit sa'kin.
Alam kong ang naririnig kong pagtawag sa'kin ay wala sa reyalidad. Sino naman ang taong tatawag sa'kin sa ganitong situation? At sino ring magtatangkang pasukin ang lugar na malapit nang maubos ng apoy. Kahit nga ang isang tangang tao ay hindi magtatangka.
Sino ba naman ako para sagipin?
Wala din akong kilala na gagawa nito sa'kin.
Dumaloy muli sa aking pisngi ang aking mga luha.
Ito na ba ang katapusan ko?
Kahit na inaatake pa rin ako nang matinding sakit, binalewala ko na lang ito.
"Gacianna," tawag sa'kin ng isang malamyos na boses.
Nakatingin lamang ako sa apoy na papalapit na sa hinihigaan ko. Nilalabanan ko ang pagbagsak ng aking mga mata. Nais kong makita kung paano tuluyang lumapit at dumapo sa aking katawan ang apoy.
Nang marahan ng bumaba ang aking talukap ng aking mga mata. Mayr'on akong nakitang lumusong sa apoy.
"Gacianna!" tawag sa'kin nito.
Wala akong nararamdaman na kahit ano. Hindi pa tuluyang nakasara ang aking mga mata subalit para na rin itong patay. Ang katawan ko ay mistulang patay na subalit lumalaban pa rin ang isang parte ng utak ko.
Nagawa kong marahan na tingnan ang taong buhat ako. Hindi ko makita ang makha niya. Blurred ang nakikita ko.
"Don't you dare to sleep, Gacianna." wika nito.
This time, tuluyan ng bumagsak ang aking mga talukap. Oras na ba para puntahan ko ang aking huling destination?
TheKnightQueen 🍀
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top