Chapter 17
Ang katahimikan na mayr'on ang canteen ay bigla na lang nawala. Pagtingin ko sa paligid ko ay lahat sila naging abala. Mga busy sa pagkuha ng make up saka ilalagay sa kanilang mukha. Para silang mga kiti-kiting hindi mapakali.
Napadako ang tingin ko sa pintuan nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. Hindi nakaligtas sa'kin na makita ang isang babaeng studyante na mabilis niyang itinigil at itinago ang make up kit niya sabay tili. Hindi ko mapigilang pagtaasan siya ng kilay.
"They are still the same." Napalingon ako kay Sadler. "Famous as always." nakangiting komento niya.
Itinaas niya ang kaniyang kamay. "Guys!" Iwinagayway niya pa ang kamay niya.
Gumawi naman kina Frivo ang tingin ko. Napalingon din sila sa'min. Nakita ko ang pagngiti ni Belinda at ni Darrie. Ibinalik ko sa laptop ko ang tingin ko. Naramdaman ko ang pagdating ng dalawang salot sa table namin.
"What the! You are really here?" hindi makapaniwalang tanong ni Belinda.
Hinampas ni Darrie si Sadler. Dumaing ang loko. Hinimas pa ang kaniyang brasong hinampas ni Darrie. "Grabe ka! Sadista ka pa rin." nakangiwing komento ni Darrie.
"Paano kasi hindi mo man lang sa'kin or sa'min sinabi na bumalik ka na. Sana nasundo ka namin sa airport. Hindi pa namin malalaman kung hindi ka namin nakita ngayon." gigil na wika ni Darrie habang panay ang kurot niya kay Sadler.
Ang Sadler naman todo ilag sa mapanakit na kamay ni Darrie. Kawawang Sadler.
"Bro! You've finally come back!" maluha-luhang niyakap ni Dan si Sadler as soon as malapag niya ang pagkain.
"Aish! Mahiya ka nga, Dan." ani nito sabay alis at tulak kay Dan.
"Ito naman, oh! Ngayon na nga lang kita nayakap." kunyaring tampo ni Dan.
"Heh! Tigilan mo nga ako. Mamaya niyan ay sugurin ako nitong girlfriend mo." ani niya sabay baling Kay Belinda.
Naramdaman ko ang pagtabi sa'kin ni Frivo.
"Since when did you come back?" Frivo asked casually.
"Oo nga, Sadler? Bakit hindi rin namin nalaman agad na nandito ka na sa school? As in, wala kaming nalaman sa pagdating mo." Belinda said.
"Kausap pa lang kita kagabi, ah. Hindi mo man lang minention sa'kin na narito ka na pala. Akala ko ang kausap ko ay nasa states pa, 'yon pala nandito na sa pilipinas." himutok naman ni Darrie.
Pinakikinggan ko lang sila. Para rin naman kasing hindi nila ako nakikita. Medyo nagulat din ako sa part na magkakilala silang lahat.
"Kararating ko lang kahapon. Dito na agad ako dumeritso sa school pagkaalis ko sa airport. Excited akong surpresahin kayo." natatawang sagot ni Sadler.
"Sinabi ko kay Dean na huwag sabihin sa inyo ang tungkol sa pag-aaral ko rito. At huwag gawing highlight ang pagdating ko. Buti na lang medyo natakpan naman." He continued.
"Kaya pala marami kaming naririnig na mayr'ong bagong guwapong studyante sa photography building." nakangiwing sambit ni Darrie.
"Waa! Ngayon ko lang narinig na sinabi mong guwapo ako. So guwapo talaga ako sa'yong paningin?" nakangising may halong pang-aasar.
Narinig kong tinapakan ni Darrie ang paa ni Sadler.
"Ouch! Bakit indenial ka pa rin? Guwapo naman kasi talaga ako. Sa lahat, ikaw lang ang hindi sang-ayon na guwapo ako." wika ni Sadler.
Akala ko friendly at natural na sa kaniya ang maging palangiti. May halong kahanginan din pala ang taong 'to.
"Wait nga lang?" biglang putol ng usapan ni Belinda. Tila mayr'on siyang napansin. Ramdam ko ang marahang paglingon niya sa'kin.
"Bakit kayo magkasamang dalawa?" taas kilay na tanong ni Belinda.
"Speaking of witch? Belinda is right. Don't tell me both of you are friends already?" segunda naman ni Darrie.
"Kilala ni'yo si Gacianna?" gulat na wika naman ni Sadler.
Dumako ang tingin sa'kin ni Sadler saka nagtanong. "Do you know them?"
Bagot na tumingin ako sa kaniya. "Not totally. Kagaya mo ay transferred student din ako. Nauna lang ako sa'yo." sagot ko sa kaniya.
Bagot ko ring tiningnan ang dalawang babaeng kanina ko pa gustong pagsisipain.
"I just know them by their names. Ang kilalanin sila is a waste of time. Dapat ko nga ba silang kilalanin?" Unti-unting tumataas ang kilay ko habang nagsasalita ako. "Masiyado ba silang special para kilalanin ko buong pagkatao nila?" I added.
Marahas na tumayo si Darrie. Hindi ako nasindak. Hinihintay ko nga, e. Mukha kasing magaling na siya. Wala ng cast ang braso niya. Puwede ko na ulit baliin.
Naglaho ang exitement ko ng pigilan siya ni Sadler.
"Relax! Binibiro ka lang naman ni Gacianna, e. Huwag mong seryosohin." pagsusuyo ni Sadler.
Sayang!
Pina-upo niya si Darrie. Hawak niya pa rin sa balikat nito. Tumingin sa'kin si Sadler.
"Hindi ba, Gacianna? Nagbibiro ka lang, 'di ba?" mahinahon nitong tanong sa'kin.
Bakit feeling ko ako ang nagiging masama rito?
"Oo na lang." bagot kong sagot.
"See!" ani muli ni Sadler kay Darrie bitch.
"Hmp! Bakit magkasama kayong dalawa?" parang batang nagtatampo ni bruha.
"Mayr'on kaming activity at siya ang partner ko. Katunayan nga ay kasalukuyan kaming gumagawa. We need to finish our activity as soon as possible." pagpapaunawa naman ni Sadler.
Masiyado bang bata ang kausap ni Sadler? Todo paintindi kasi, e. Ano 'yan walang utak?
Hindi ko na lang sila pinansin. Nakaka-stress boses ni Darrie.
"May I?" Hinawakan ko ang DSLR camera ni Sadler. Inangat ko ito at pinakita sa kaniya. Tumango siya bilang tugon saka nagpatuloy na asarin si Darrie.
Kinalikot ko ang hawak ko, nilipat ko sa laptop ang picture na kailangan ko. Binalik ko muli kay Sadler ang camera. Ang bruho nakapukos na masiyado kay Darrie.
"About what ang activity ni'yo?" biglang tanong ni Dan.
"Hmm, we need to explain the painting that we chose from the art museum." Sandler explained.
Kunti na lang ay matatapos na ako. Isinasaayos ko na lang ang pagkalagay ng picture sa files.
"Pinili mo ang gawa ni Ivo?" Napapitlag ako sa gulat nang bigla ba namang sumulpot si Dan, at talagang inilapit pa ang mukha niya sa screen ng laptop ko.
"Bakit? May mali ba?I like his paintings, especially the way he paints for his lover. I'm a little bit curious din sa painting niya." simpleng saad ko.
"His paintings are all about his longtime lover. Hindi pa siya nakaka-move on dahil umaasa pa siya na makikita niya ito." wika niya na parang mayr'ong pinariringgan.
"Tsk! Masiyado naman siyang martyr. Why doesn't he just let her go?" pagsakay ko.
Gusto ko pa sanang dagdagan ang sasabihin ko pero baka mapaghalataan na alam ko na love history nitong Ivo.
"Malay natin patay na 'yong tao. Naghintay lang siya sa wala tapos sinayang niya lang 'yong nasa present niya. Sa halip na nagpukos siya sa kasalukuyan. Binabaon niya ang kaniyang sarili sa nakaraan. Madadala mo ba ang nakaraan sa kasalukuyan? Bakit hindi lang siya maging masaya sa kung anong mayr'on siya ngayon? Ang maghintay sa taong walang katiyakang lilitaw ay pagsasayang ng oras." mahaba kong lintanya.
Katahimikan ang siyang namayani sa kanilang lahat. Natigil ang pagkukulit ni Sadler kay Darrie. Muntik namang maibuga ni Dan ang iniinom niyang soda. Hindi nakaligtas sa'kin ang pagngisi ni Belinda, at ang ubod ng lamig ng katabi kong tao.
Hindi sila nakapagsalita, as if mayr'on akong nasabing hindi maganda, or dapat na hindi ko iyon sinabi. Tinaasan ko sila ng kilay sa mga naging reaksiyon nila.
"Ahm, a-ano, tapos ka na ba?" singit ni Sadler para mawala ang tensiyong nabubuo.
Hindi kaagad ako nakasagot. Nagulat ako nang bigla siyang tumayo. Kinuha ang mga gamit niya saka lumapit sa'kin.
"We need to go. Kailangan naming tapusin ni Gacianna ang papers namin." alanganin na paalam ni Sadler.
Maging mga gamit ko at kinuha na rin ni Sadler.
"Huh? Oy, Sadler!" Rinig kong sigaw ni Darrie.
Pagkalabas namin sa canteen ay binitawan niya ang kamay ko. Paano kasi hinila ba naman ako para makalabas na kami.
Ano bang problema nito?
Marahan kong hinilot ang pulsuhan ko. Aba'h! Close ba kami para hilahin niya ako ng ganoon lang?
"Problema mo?" inis kong tanong.
"Bakit mo kasi sinabi ang mga katagang iyon?" saway niya na mayr'ong halong takot.
Napangiwi ako. "Bakit ba? Wala naman iyong Ivo roon. Maririnig niya ba? Hindi naman, ah! At saka, kung marinig niya naman, totoo naman lahat ng mga sinabi ko." depensa ko.
"Sabihin na nating tama ka pero dapat hindi mo na iyon sinabi pa. Sinarili mo na lang." wika niya muli.
Kumunot ang aking noo. Pumunta ako sa harapan niya, "Teka nga muna!" pigil ko sa kaniya. Huminto naman siya. Tiningnan ko siya nang mapanuri.
"What?" taka at inosente niyang tanong.
"Sabihin mo nga sakin, kilala mo ang pa-mysterious na Ivo na 'yon, noh? Kung makapagtanggol ka parang kaibigan mo 'yong tao." mapanghinala kong sambit.
Nanlaki ang mga mata niya.
"Ako? Kilala ko?" Tinuro niya pa ang kaniyang sarili. "Hindi, noh! Concern citizen lang ako." depensa niya.
Nilagpasan niya ako at nagsimula na muling maglakad. Hinabol ko naman siya. Magsasalita pa sana ako pero nagulat ako ng bigla siyang huminto saka humarap sa'kin.
Ang kaniyang isang daliri ay nakatutok sa'kin. Kunot noo ko siyang tiningnan. Siya naman ngayon ang nakatingin nang mapanuri. Tiningnan niya ako na parang mayr'on akong nagawang kasalanan.
"How do you know them? Especially, Jackross. At talagang tumabi pa siya sa'yo kanina. Knowing him, hindi siya basta-basta lumalapit sa isang babae." He said.
"It's none of your business." bagot kong tugon.
Tumalikod ako sa kaniya at nilubayan siya pero ang bruho hinabol din ako.
"Oy! Sandali! Ito naman, oh. Hindi marunong mag-share." habol ni Sadler.
"Tantanan mo nga ako." sambit ko,
"Yieee! May gusto ka kay Jackross, noh." pangangantyaw niya.
"Nagsalita ang may gusto kay Darrie." segunda ko naman.
"Ganoon ba ako ka-obvious?" ani niya,
"Oo, pero mukhang hindi ka type." bagot kong sagot.
"Dahil si Jackross ang gusto niya." malungkot niyang tugon.
Huminto ako sa paglalakad at lumingon sa kaniya. Kita ko ang lungkot sa mukha niya. Lumapit siya sa railings. Tumingin ako sa paligid ko. Nasa corridor na pala na kami.
Lumapit na rin ako sa kaniya. Makiki-tsismis lang talaga ako.
"Bakit hindi mo siya ligawan?" curious kong sabi.
"Tumigil na ako, at saka si Jackross 'yon, e. Wala akong laban sa taong 'yon. Simula pagkabata namin si Jackross na talaga gusto ni Darrie." ani niya sabay ngiti ng peke.
"Alam ba niya?" tanong ko ulit.
"Oo. Ilang beses akong umamin sa kaniya at ilang beses niya rin akong ni-reject." sagot niya.
"Bakit close pa rin kayo?" tanong ko pa.
"Dahil nangako ako na walang magbabago sa pagkakaibigan namin. Kung ano ang turing ko sa kaniya noon, ganoon pa rin ngayon." ani niya,
Tumango-tango ako.
"Ang complicated naman ng circle of love ni'yo? Ikaw na may gusto kay Darrie pero hindi ka gusto, at si Darrie na may gusto kay Frivo pero hindi rin siya gusto ni Frivo." naiiling kong summary sa story niya.
"Frivo?" gulat niya ring saad.
"Bakit? Frivo ang tawag ko sa kaniya." tugon ko.
Tiningnan niya ako ng hindi makapaniwala. Parang manghang-manghang siya sa'kin.
"Wow! Ikaw na. Ayaw na ayaw niyang tinatawag si Jackross sa second name niya." saad niya,
"Sabi nga nila pero wala siyang magagawa. Gusto ko, e." Umalis ako sa pagkasandal sa railings.
Tinapik ko siya sa balikat.
"Ikaw na bahala sa activity natin. Naipasa ko na papers ko sa'yo kanina. Ikaw na bahala mag-compile at magpasa." wika ko habang lumalayo sa kaniya.
"Teka? Saan ka pupunta?" pasigaw niyang tanong.
"Bye!" pasigaw na tugon ko naman.
Mabilis kong narating ang parking lot. Kaagad akong sumakay at pinaandar ang kotse. Nilisan ko ang school. Tinatamad na akong pumasok.
Mabilis ang pagpapaandar ko sa kotse hanggang sa narating ko ang aking studio. Mayr'on akong appointment ngayon. Mayr'ong magpapapre-nuptial photo taking.
"Ma'am, nakahanda na po ang lahat." bungad sa'kin ni Area.
Tanging tango lang ang tinugon ko. Pagpasok ko ay nakahanda na nga ang lahat. Ang bride at groom ay parehong nakabihis na. Ibinigay sa'kin ni Area ang camera.
"Let's start." simpleng ani ko.
Sumunod naman agad sa'kin ang client. Sinunod nila ang pose na gusto ko para sa pre-nuptial nila. Maraming mga take ang kinuha ko. Lumipas ang ilang oras ay natapos na ako. At ngayon, ako na lang ang natitira dito sa studio. Kasalukuyan kong ini-edit ang mga photos na na-shot ko kanina. Nag-e-edit ako habang umiinom ng wine. Alak kasi ang pangpagising ko. Kailangan kong hindi matulog ngayon.
TheKnightQueen 🍀
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top