Chapter 16
Pagpasok ko sa kusina ay nakita ko si Frivo. At tiningnan ko ang kabuo-an niyang ayos. Nag-jogging din ba siya? Ay, oo nga pala. Gawain nga pala niya ang mag-jogging every morning.
"Morning," masiglang bati ko.
Tumango lang siya sa'kin. Nilagpasan niya ako pagkatapos niyang kumuha ng Gatorade sa refrigerator. Naiiling na kumuha rin ako ng maiinom. Biglang mayr'ong sumagi sa isip ko kaya dali akong lumabas at hinabol siya. Patakbo akong umakyat ng hagdan. Napangiti ako dahil naabutan ko pa siya. Nagmadali pa ako para mapantayan siya. Two steps ahead sa kaniya ang ginawa ko.
"Paalala ko lang and don't ever forget, ngayong araw ang unang araw natin sa ating deal." abot langit na ngiti kong paalala sa kaniya.
Kinawayan ko siya at saka pinagpatuloy ang pag-akyat ko. Nang marating ko ang dulo, muli akong huminto at hinintay si Frivo. Limang hakbang na lang ang natitira nang huminto si Frivo at tumingin sa'kin.
"Nais ko ring ipaalala sa'yo na kung sino ang unang lalabag sa rules ay siyang talo. Kung ikaw ang unang lalabag, hindi ko pipirmahan ang annulment paper, at kung ako ang lalabag, gagawin ko ang gusto mo ng tahimik at walang reklamo. So you better do your job and participate well." pilya kong sabi.
Pagkatapos kong masabi ang dapat kong ipaalala. Tumungo na ako sa aking kuwarto para makapag-ayos na ako at makapasok na.
Nakangiting kumuha ako ng uniform, dumeritso na ako sa banyo. Mabilis din akong nakapag-ayos. Hindi naman ako nagtagal sa banyo. Pagkalabas ko, napadako ang tingin ko sa terrace. Tinungo ko ito.
It's another new day for me. Pero simula ngayon hindi na ordinary day ang bawat lilipas na araw. Sa bawat araw na lilipas ay mahalaga. Hindi dapat masayang ang oras na daraan. Marahang ipinatong ko sa railings ang aking siko. Isang malawak na ngiti ang ginawa ko para maging positive lahat ang pumasok sa araw na ito, at maging sa susunod pang mga araw.
"Are you just going to stand there? We are going to be late." Isang masungit na tao ang siyang umabala sa pagmumuni-muni ko.
Napadako sa kaniya ang tingin ko. Nakita ko si Frivo na nakasandal sa side ng sliding glass door habang naka-cross arms siya. Mataman siyang nakatitig sa'kin tila hindi niya gusto ang ginagawa ko.
Nakangiting lumapit ako sa kaniya at nag-peace sign pa ako sa kaniya.
"Sorry," paghingi ko ng paumanhin sabay mabilis na pumuslit sa loob.
Kinuha ko kaagad ang bag ko saka walang lingon na lumabas ng kuwarto. Lihim na sumisilip ako sa likuran ko. Ramdam ko kasing nakasunod siya. Binalewala ko na lang siya total hindi naman siya nagsasalita.
Narating namin ang garage area. Sabay na lumapit kami sa kaniya-kaniya naming sasakyan. Bago ako sumakay sa kotse ko ay tiningnan ko muna siya. Narinig kong pinaandar niya na ang kotse niya. Nagkibit-balikat na lang ako. Nasa good mood ako ngayong araw. Ayokong sirain ito. Binuksan ko na rin ang pinto saka sumakay. Agad ko ring binuhay ang engine saka sinimulan ng gomora.
Tumingin ako sa side mirror. Nasa likuran ko ang sasakyan ni Frivo. Hinayaan ko na lang siya. Tumingin ako sa wristwatch ko. Katamtamang patakbo lang ang ginawa ko. Maaga pa kaya huwag tayong magmadali. Isa pa gusto ko ring asarin si Frivo dahil hanggang ngayon nakasunod pa rin siya.
Biglang sumagi sa isip ko ang sinabi niya kahapon. Mapakla akong ngumiti. Mukhang totohanin niya ang mga katagang 'yon, at mukhang nagsisimula na siya. Gaano niya ba kamahal ang taong hinihintay niya? Ang suwerte naman niya, lahat gagawin ni Frivo para sa kaniya. Buo rin ang pasya niyang ma-annul agad ang kasal namin.
Ngayon pa lang ay humihingi na ako ng tawad sa babaeng hinihintay niya, pero bakit ba kailangan kong humingi ng tawad kung ang kasal namin ay hindi namin parehong hinangad?
Ano nga ba ang hinihingi kong tawad sa dalawang taong nagmamahalan?
Ah, alam ko na!
Kung nasaan man ang babaeng iniibig ni Frivo, nasa langit, lupa or impyerno man siya, hihiramin ko muna si Frivo ng isang buwan.
Gusto ko rin naman maranasan ang pakiramdam ng married life, noh. Ngayon lang 'to mangyayari sa buhay ko. Kaya lulubusin ko na kahit manghihiram lang ako.
Ny*t*! Bakit ko kailangan hiramin si Frivo kung kasal naman kami in legal? Wait! Legal nga ba talaga? Kailangan ko talagang malaman ang history kung paano kami naging mag-asawa at ikinasal.
Hindi man ako naka-experience na magka-boyfriend, at least nag-jump agad ako sa husband with instant married, iyon nga lang sa PINAKA pang tao sa mundo. Sa tao pang sobrang laki ng bakod sa puso niya. Sa taong impossibleng mapasok ang puso dahil may mahal ng iba.
Ang saklap naman talaga ng buhay ko.
Marahan kong pinark ang kotse sa parking lot. One thing that I like about this parking lot. Mayr'on na akong exclusive parking space, same as Frivo.
Bago ako bumaba, inalis ko muna ang lahat ng thoughts na mayr'on ang maliit kong utak. Saka ko na proproblemahin ang lahat ng iyon. Ang mahala ay ang ngayon.
"Anong oras ang end ng klase ni'yo? Sabay pa rin ba tayong uuwi? Message me na lang kung mauuna ka na, or sabay tayo ulit." nakangiting sambit ko sa kaniya.
Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya. Tinalikuran ko na siya at nagpaalam na mauuna na akong pumunta sa klase ko. Binalewala ko ang mga tumitingin-tingin sa'kin habang naglalakad ako sa corridor. Sanay na ako sa mga mata nila mapanuri. First day pa lang ay ako na himata nila.
Agad akong umupo sa madalas kong inuupuan. Sakto ring pag-upo kay dumating si Professor hindi ko knows ang name. Mayr'ong umupo sa katabi ko pero hindi ko na lang pinansin. Sa harapan na kasi nakatuon ang atensiyon ko.
See! Nasa mood kasi akong makinig ng lesson today. Wala akong planong magtakas ngayon. At saka, nahuhuli kasi ako ng isang professor sa fine arts. Baka gawin na naman akong model sa klase niya.
Ayoko na, noh! Natatakot akong baka mapuno nang pagmumukha ko ang art museum. Mahirap na! Rare kaya ang beauty ko. Hindi ito free lang. Dapat mayr'on din akong bayad.
"Good morning, class. I have something to finish today, so I cannot discuss with you our lesson for today. But I'll give you an activity, and you will pass it later, before five in the afternoon." bungad agad ni Professor.
Ano ba 'yan! Wrong timing ang pagiging good mood ko today.
"By pair ito kaya listen carefully sa mag-pair na tatawagin ko." sambit niya,
By pair naman pala.
"Ms. Terr and Ms. Aldis," pagsisimula niya ng pagtatawag ng mag-pair for her activity.
Sana naman maayos ang maging partner ko.
Marami ng mag-pair na natawag si ma'am pero wala pa rin name ko.
"Mr. Keñionez," Rinig kong tawag ni ma'am.
Nagtaas naman ng kamay itong katabi ko. Nakita ko ang pagtango ni prof saka tingin ulit sa name list niya.
"Your partner will be Ms. Polarez." Mabilis na napagawi kay Prof ang tingin ko.
"Ms. Polarez?" tanong naman ng katabi ko.
Bagot na kinablit ko siya. Napalingon naman siya sa'kin na nagtataka pa.
"What is it?" friendly na tanong niya.
"I am Polarez." sambit ko,
Nagulat siya at kalaunan ay napangiti.
"I am Sadler Keñionez, nice to meet you." ani niya na may ngiti pa rin sa labi.
Mukhang friendly pa itong ka-partner ko. Tanging tango lang ang tinugon ko sa kaniya. Tapos tumingin muli ako kay Prof na nagpa-pairing pa rin. Lumipas ang ilang minuto ay natapos na siya.
"Ang activity ni'yo is to capture an interesting painting in the art museum. Kahit na mag-partner kayo, bawat isa sa inyo ay pipili ng magustuhan ni'yong painting, and you will explain why you choose it." she explained.
Oo nga pala! Wala akong dalang camera. Hindi pa pala napapalitan iyong nasirang camera ko.
"You can now go to the art museum and start your activity. Remember, you need to pass it to me before five in the afternoon. I will no longer accept your activity if you pass it after five o'clock, got it?" she continued.
Kinuha niya na lahat ng kaniyang mga dala saka nag-exit na. Nagsitayuan naman lahat ng mga studyante saka kaniya-kaniyang labas na rin.
Tumayo ang katabi ko. "Tara na, magsimula na rin tayo nang matapos at maipasa na natin agad." pagyaya niya.
"Okay," tugon ko naman.
Kinuha ko na rin ang gamit ko saka sumunod sa kaniya.
"Ikaw 'yong babaeng tumalon kahapon sa bintana at ginamit ang puno para makababa?" pagbasag niya sa katihimikan.
Tango ulit ang ginawa ko.
"Wow! Paano mo iyon ginawa? Ang astig mo roon! Tapos alam mo bang grabe ang kaba ni Professor Alexa sa ginawa mo. Muntik na nga siyang mahimatay, e." walang preno at namamangha niyang wika. Sabay tawa pa.
"It's my hobby." ani ko saka humikab.
"Hobby? Wow! What a good hobby it is." namamangha niyang komento.
Ang taong kausap ko ay transferred student. Nasulyapan ko mukha niya kahapon bago ako mag-decide na mag-skip ng class. Narinig ko rin ang introduction niya, and I remembered his name.
"I don't need your compliments." bagot kong saad. "Sabihin mo nang direct sa'kin na isa akong pasaway at troublemaker. Don't worry, I won't mind it because everyone sees me like that. " I added.
He chuckled,
"Na ah! It's awesome! I'm not joking or something. I am really amazed at you." ani niya na hindi matago ang pagkamangha niya.
"Thanks," polite kong tugon.
"Ngayon lang din kasi ako nakakilala ng babaeng katulad mo." he added.
Nang marating namin ang art museum, sabay kaming pumasok. Bago kami tuluyang makapasok. Nag-log book muna kami. Hindi naman kami nagtagal dahil mayr'on kaagad na naghihintay din sa aming likuran.
Pagtingin ko sa paligid namin. Narito na agad ang mga kaklase namin. Kasama ang kani-kanilang partner ay mukhang naglilibot at nag-di-discuss na sila. Ang iba ay kumukuha na agad ng picture at pumipili na nang kanilang painting na gagawing subject for their activity.
"I'll go with this side, and you'll choose your own path." untag niya sa'kin. " --or mas better na magkasama na lang tayo para makapili at makapag-brainstorming tayo about sa choosen painting sa ating activity." suhestiyon niya.
"You choose," nakangiti niyang sambit.
Sa halip na sagutin ang suhestiyon niya. Tumingin ako sa gawing kanan. "I'll go there." simpleng ani ko.
Nagsimulang tumungo ako sa direksiyong sinabi ko. Tiningnan ko ang bawat sang nakasabit na painting. Kinuha ko rin ang phone ko dahil ito na lang ang gagamitin kong pang-shot. Isang kuha lang naman ang kailangan.
Sa paglilibot ko, hindi ko napansin na narating ko ang exclusive place kung saan ang mga painting ni Ivo ang siyang naririto. Galing na ako rito kahapon, e. Bakit narito na naman ako?
Inilibot ko na lang ang tingin ko sa paligid at hindi nagtagal, one of his painting called me. Inihanda ko ang phone ko. Nang itinapat ko ito ay nagulat ako ng mayr'ong lumitaw na DSLR sa harapan ko. Nangunot ang noo ko. Tiningnan ko ang taong may hawak nito.
"Here, ito na gamitin mo. Hindi ka naman nagsabi na wala ka palang digital camera." wika niya,
Kinuha ko ito. "Sa ngayon, wala pa." ani ko saka kumuha ng ilang shot sa painting na nagustuhan ko.
Hindi na rin ako nag-inarte pa. Binibigay na sa'kin ang grasya, tatanggihan ko pa ba?
Pagkatapos ko ay binigay ko sa kaniya. Lumabas na ako.
"Are you done?" I asked.
"Yeah, sa canteen na lang tayo gumawa." nakangiting bigay niya ng suhestiyon.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Ang sabihin mo nagugutom ka lang, e." natawa siya sa sinabi ko.
"Bingo!" He snap his finger.
Naiiling na lumalakad ako hanggang sa pareho kaming makalakad palabas ng museum. Tinungo nga namin ang canteen. Pagkarating pa lang ay agad siyang nag-order ng makakain. Pati ako ay kinuhaan na rin niya.
"So what are we doing now?" wika ni Sadler the moment na naupo siya sa katapat kong upuan.
"Kaniya-kaniya tayong gumawa ng papers, then let's combined it later, after we finish it. Nang mabilis tayong matapos." saad ko,
"That's good idea." mabilis niyang sang-ayon.
Pareho naming kinuha ang aming mga laptop. Sabay naming binuksan ito. Hindi ko na narinig pa ang kaniyang pagsalita dahil puno na ng pagkain ang bibig niya at pukos na siya sa pagtitipa. Napailing na lang ako. Gutom na gutom talaga siya.
TheKnightQueen 🍀
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top