Chapter 15
Pagkalabas ko sa art museum. Nagtatakang muling humarap ako rito. Mukhang naiwan sa loob nito ang kaluluwa at utak ko.
Sandali? Ano bang nangyayari?
Narinig ko lang ang story no'ng Ivo ay tila nawala ako sa katinuan.
Inocuppied ng story niya ang buong utak ko. Bakit nga ba?
Ewan ko para kasing tumagos sa'kin ang story niya, e.
Napadako ang tingin ko sa hawak kong painting. Ibinigay sa'kin ni Professor 'yong portrait ko na gawa ni Ivo. Nagustuhan ko raw kasi at saka nangako siya na kung ano ang magustuhan ko ay ibibigay niya sa'kin.
Hindi ko naman siya totally nagustuhan. Namangha lang ako sa husay ng pagkagawa. Iyon lang, hindi ko naman sinabing gusto ko siyang kunin. Kinuha ko na lang din. Mapilit siya, e.
Muli kong tinalikuran ang art museum. Pinagsawalang bahala ko na lang kung ano mang story ang narinig ko. Umalis na ako roon pero habang naglalakad ako patuloy pa ring nag-iisip ang utak ko about sa love story ni Ivo.
Ano bang paki ko sa love story nila?
Aish! Kung titingnan kasi nakalulungkot naman kasi talaga, but at the same time, ang complicated.
Kasi kung 'yong Ivo ay kasal na sa fiancee niya, s'yempre magkasama na sila sa iisang bahay. Tapos what if, buhay at bumalik nga si first love. Then, magiging kaawa-awa si present girl. Obviously, mas pipiliin ni Ivo iyong first love niya.
Parang ang sakit naman no'n sa part ni present girl. Ano nga naman bang laban ni girl kay first love, 'di ba?
Bigla akong nahinto sa paglalakad. Pero teka? Kung na-portrait ako no'ng Ivo, meaning naroon din siya at studyante siya ni Professor. Narito ang Ivo na 'yon, question is, sino sa mga studyante ni Professor ang nagmamay-ari ng penname na Ivo?
"Aish!" Nagulo ko ang nanahimik kong bangs sa frustration.
Ipinilig ko ang ulo ko to erase those stories na nilagay sa utak ko ni Professor. Bakit ba nangingi-alam ako? Buhay nila 'yon, labas na ako roon.
Sa parking lot ako dumeritso wala akong balak pang pumasok sa klase. Inilagay ko sa back seat ang dala kong portrait. Pagkatapos sa driver seat naman ako pumasok. Pinaandar ko ang kotse at gomora na ako pauwi.
***********
Pagka-park ko ng kotse sa garahe. Kinuha ko muli sa backseat ang painting. Sumulyap ako sa wristwatch ko. I think masiyado pang maaga para umuwi si Frivo. Ako na naman ang tao rito. Mag-isa na naman ako. Pumasok ako sa loob ng nakangiti at naghu-humming.
Natigil ang paghu-humming ko ng mayr'on akong nakitang tao sa living roon. Nakaupo siya sa couch. Narito na agad si Frivo? Wait? Si Frivo nga ba 'yan?
Marahan akong humakbang at sumilip nang makita ko kung sino. Confirmed! Si Frivo nga. Kumibit-balikat na lang ako. Walang ingay na pinagpatuloy ko ang aking paglakad hanggang sa mabilis akong umakyat ng hindi lumilingon at tumingin sa ibaba.
Sinara ko kaagad ang pinto, ni-locked ko pa. Agad akong tumingin sa paligid. Naghahanap ng mapagsasabitan. Napangiti ako dahil nakakita na ako. Marahan na sinabit ko ito sa wall.
"There you are." sambit ko,
Umupo ako sa bed at tiningnan muli ang painting. Nasa tapat siya ng higaan ko kaya pagkabangon pa lang ay ito agad ang makikita ko. Pero hindi naman siya nakakasawang tingnan. Namamangha ako sa ganda nito. Hindi ako makapaniwala na ako 'yan. Tumayo ako saka kumuha ng damit pambahay.
Pagkalabas at pagkatapos kong magbihis sa banyo. Kinuha ko ang laptop ko. Binuksan ito at pinagpatuloy ang nasimulan kung gawain.
Maya lang ay narinig kong mayr'ong kumakatok sa pintuan. Inalis at pinatay ko muna ang laptop bago ako dali-daling lumapit sa pinto at binuksan ito. Bumungad sa'kin si Frivo.
"What is it?" takang tanong ko.
"Let's talk." maikli at malamig niyang saad saka tinalikuran niya ako.
Nagtataka naman akong sumunod. Ano pag-uusapan namin? Mayr'on ba kaming dapat pag-usapan? Kakamot-kamot sa ulong nakasunod lang ako sa kaniya habang iniisip ko kung ano ang pag-uusapan naming dalawa.
"Anong pag-uusapan nating dalawa?" agad kong tanong pagkapasok namin sa office niya.
Hindi niya ako sinagot or nilingon man lang. Deri-deritso siyang pumunta sa table niya. Mayr'on siyang kinuha sa drawer. Isang brown envelope ang nakita kong nilabas niya. Inabot niya ito sa'kin. Nagtataka naman akong napatingin dito. Tumingin muna ako sa kaniya bago kinuha ang brown envelope.
"Ano laman nito?" clueless kong tanong, ganoon pa man, kinuha ko ang laman ng brown envelope saka tiningnan ito.
Nang tingnan at basahin ko ito. Natigilan ako ng ma-realize ko kung ano ang hawak ko.
"Annulment paper?" mahina kong wika.
Mapakla akong ngumiti nang makita kong mayr'on na siyang pirma.
"You signed it already?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Alam mo na agad na hindi tatagal ang kasal natin. Oo nga naman. Sino nga ba ang taong mananatili sa ganitong situation kung hindi mo naman gusto at pin'lano, 'di ba?" may pagkadismaya kong wika.
Dismaya?
Bakit nga ba ako nadi-disappoint?
Ano ang karapatan kong maramdaman ang bagay na iyon?
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Muli akong tumingin sa hawak ko. Inaasahan ko na ito pero hindi ko inakalang ganito kabilis.
"You look disappointed." Rinig kong wika niya.
Umupo siya sa kaniyang swivel chair. Binuksan ang laptop niya saka mabilis na nagtipa rito.
"A little bit. Bakit hindi ako madi-disappoint? Sino ang hindi manghihiyang? Ikaw ba naman na kasama ko ang taong nais ng lahat ng kababaihan na kasalukuyang asawa ko. Ang suwerte ko hindi ba?" ani ko na mayr'ong halong biro.
Lihim na nakagat ko ang aking bottom lip.
"Do you really want us to get divorced?" I asked.
"Is it not obvious?" balik tanong niya.
"Why?" I asked again.
This time, tumingin na siya sa'kin.
"Ayokong makasama ang isang babaeng hindi ko naman mahal." he prankly said.
Sinabi niya ang mga katagang binitawan niya ng hindi inaalis ang tingin sa'kin. Kita ko sa kaniyang mga mata na hindi siya nagbibiro at hindi siya nagsisinungaling.
Talagang tinagalog niya pa.
"You want to know the reason?" he said.
Reason? I think sapat na ang sinabi niya bilang rason para maghiwalay kami.
Isinara niya ang laptop at ang kaniyang buong atensiyon ay ibinigay niya sa'kin. Umayos ako ng tayo sa kaniyang harapan.
"Let me hear your reason, Mr. Warner. Make sure that is a valid, because if not," Itinaas ko ang hawak kong envelope. "I won't sign this annulment paper." panghahamon ko.
It won't just end like this.
"First, we are not compatible with each other. Second, you are not my type, and I will not fall for you. Lastly, you are troublesome. Ayokong masira ang pangalan ko dahil sa mga pinagagawa mo. I am not the only man who lives on this earth. I am sure you will find a better man who will tolerate your stubbornness and attitude." walang filter na sabi niya.
Hindi ko mapigilang hindi siya lihim na pagtaasan ng kilay. Paano nabubuhay ang taong katulad niya sa mundo? Napakatigas naman ng puso. Hindi ko akalain na mayr'on pa lang taong katulad niya.
"Then? Iyon lang ba?" hirit ko pa.
"I'm sorry, but it's not a valid reason." I continued, pilya akong ngumiti.
"I'm aware na hindi tayo compatible, ang laki kaya ng kaibahan nating dalawa. Alam ko ring hindi mo ako type. Ilang beses mo na kaya 'yang sinabi sa'kin." tugon ko sa mga sinabi niya.
"Hindi rin ako magbabago para lang magustuhan mo. Ang buhay ko ay ganoon na sa simula pa lang. At wala akong paki kung maraming lalaki sa mundo. Isa pa, kung usapang lalaki lang naman. Nakapila lahat ng gustong manligaw sa'kin. Hindi ako nagkaroon ng jowa dahil sa'yo." dagdag ko.
"You can have it." maiksi niyang ani.
"I'm still married." mabilis kong sabi.
"Then sign the annulment paper." mabilis niyang ding wika.
"I won't." nakangiting wika ko.
Naputol ang sasabihin niya ng mayr'ong tumawag sa kaniya. Sinagot niya ito saka tumayo. Lumapit siya sa bintana at tumalikod sa'kin.
Tiningnan ko siya nang mabuti. Hindi pa ako puwedeng umalis dito. Pagkalipas ng three minutes natapos na siyang makipag-usap sa phone.
"Bakit ba ayaw mo sa marriage na mayr'on tayo?" seryoso kong tanong.
"This marriage will not work. It's better for us to end this as early as possible. After our annulment, you can fully enjoy your freedom." tugon niya.
Hindi ko alam pero may gusto akong marinig sa kaniya. I won't stop until I heard it.
Nakita kong nagliligpit siya ng kaniyang desk. Tinatabi niya ang mga folder na nasa ibabaw nito. Pagkatapos, kinuha niya ang kaniyang car key at phone.
"Start packing your things. When I came back, I expected that you were gone. Leave the annulment paper with your signature and put it on my desk." malamig na utos.
Mapakla akong ngumiti. Bakit parang pakiramdam ko tinusok ako ng maraming karayom sa aking dibdib? Pinalayas na nga ako sa bahay namin pati ba naman dito ganoon din. Hindi pa nga ako umaabot ng isang buwan dito.
Am I too much?
Nasosobrahan na ba ako sa pagre-rebelede? To the point na wala ng taong gugustuhing makasama ako.
Akala ko aalis na siya pagkakuha niya ng kaniyang mga gamit pero sandali siyang huminto at tumingin sa'kin ng walang emosiyon.
"You want to know what my reason is for not letting you be my wife for too long?" blangko at malamig niyang saad.
Mahinang pagtango lang ang ginawa kong sagot sa kaniya.
"I love someone else, and I am waiting for her. I don't want you to ruin everything I did." saad niya,
Aside from being a mysterious guy, he is too prankish to care if his words hurt or not.
Marahan akong tumingin sa aking paanan. Lihim na humugot ako ng malalim na hininga. Marahan kong ipinikit ang aking mga mata. Kinalma ko ang aking sarili. Unti-unting humigpit ang pagkakapit ko sa envelope.
"I think it's enough for the valid reason that you are asking. signed those papers so we could have our own lives." Rinig kong wika niya.
"And don't bother me again." he added.
Naramdaman ko ang mabagal niyang paglagpas sa'kin. Rinig ko ang bawat paghakbang niya papalayo. Sa mga oras na ito, pakiramdam ko ang lahat ay nasa mabagal na oras.
Nang maging buo ang pasya ko. Marahan akong nag-angat ng ulo at blangkong tumingin sa aking harapan. Ngumisi ako nang makahulugan.
"Hindi pa nga tayo nagsisimula? Tinatapos mo na agad. Bakit hindi mo bigyan ng chance ang ating kasal?" Marahan akong humarap sa kaniya. Sa aking pagharap ay nakita ko siyang huminto.
"Hindi mo hawak ang ating kapalaran. Hindi mo makikita ang results kung hindi mo susubukan." seryoso kong sambit.
"I don't care if you love someone else. All I want is for you to give our marriage a chance to work." Nang lumingon siya gawi ko. Tinapatan ko ang kaniyang mga titig. Ang kaniyang lamig at blangko niyang mga tingin.
Dahil sa mga oras na ito. Hindi rin ako nakikipagbiruan. We can't just end like this. I need to do something. Buhay ko ang nakataya sa hamong aking binubuo.
Magmukha man akong desperada sa harap niya. Wala akong hinahawakang hindi ko tinatapos. I need to take the risk.
"Baka dahil sa ayaw mong bigyan ng chance ang relationship na mayr'on tayo ay marahil naduduwag at natatakot kang magmahal muli. Are you afraid that you might fall for me? and you will leave that woman of yours." nakangisi kong saad.
He coldly smirk on me.
"Are you that desperate to continue this nonsense marriage?" he asked.
"I am." mabilis kong sagot.
Tiningnan ko siya nang mabuti at ganoon din siya sa'kin. Pilya akong ngumiti sa kaniya. Marahan akong humakbang patungo sa desk niya at sumandal dito.
"Let's have a deal," hamon ko sa kaniya. "Or, if you want, let's take it as a game. We can call it a love game." I added.
Kung kailangan kong sumugal, gagawin ko.
"Just one month. Give us one month to prove that our marriage is a real failure. If you are not afraid, you can take it. But if you are, you are probably afraid that you can't be loyal to the girl for whom you are waiting." I stated.
"We have some rules and mechanics, like a game does." ani ko,
Patuloy lang ako sa pagsasalita dahil nakikita kong nakikinig siya. Kinuha ko na ang opportunity na 'yon.
"First rules: we should act like we are a real couple in or outside of this place. Second, we can have physical contact, but kissing is not allowed." Nginitian ko siya. "Since sabi mo, you don't like kissing me."
"Lastly, mananatili pa ring sekreto ang kasal natin. At ang mechanics ng ating laro, bawat labag sa rules ay nangangahulugang one of us is slowly falling toward the other. " Umalis ako sa pagkakasandal sa desk.
"if we cannot fall for each other. Pipirmahan ko ang annulment paper na 'to at aalis ako na parang bula sa pamamahay maging sa buhay mo. I'll make sure you won't see me again." walang kurap at seryoso kong wika.
"At kung sakali mang dumating ang taong pinakamamahal mo at kung may masira man ako. Ako mismo ang aayos, sisiguruhin kong bago ako umalis, maayos kayong dalawa." determinado kong dagdag sa aking mga sinabi.
Hanggang kailan ako magsisinungaling? Kailan ako makalalaya sa buhay na ito na ang tanging ginawa ko lang ay ang magsinungaling sa sarili ko?
"Do you accept my offer?" mapanghamon kong tanong kay Frivo.
Nanatili siyang walang imik pero hindi ako patatalo. Hindi ako lalabas sa kuwartong ito ng hindi siya pumapayag sa nais ko.
"Alright, let's do it." tugon niya.
Napangiti ako sa decision niya.
"Great! That's all I wanted to hear. Hindi ka naman pala mahirap ka-negotiate." Inalis ko ang pagiging seryoso ko at pinalitan muli ng pagka-energetic.
"Kung gusto mo gagawa pa ako ng agreement, or those rules and mechanics will be kept in our minds. What do you prefer?" I suggested.
"Just keep it in your little brain." Sinamaan ko siya tingin. Nilait ba naman ang utak ko.
"Alright! Dahil sa mabait ako ngayon. Magpapanggap akong walang narinig. Kunyari, compliment na lang 'yong sinabi mo." nakangiting sambit ko, hindi ko naitago ang pagka-sarcastic sa tono ng boses ko.
"See y'ah!" Kumaway pa ako sa kaniya saka siya inunahang makalapit sa pinto.
"I'll see to it that you sign the annulment papers and forfeit the game you invented." Nahinto ang pagbukas ko sa pinto at napahigpit ang pagkahawak ko rito.
Lihim na napangiti ako. Muli akong humarap sa kaniya. "Do your best then, Frivo. Don't let me down by breaking your word. I'll always keep that in mind." Tuluyan ko ng binuksan ang pinto at lumabas.
TheKnightQueen 🌱
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top