Chapter 14


Maaga akong gumising ngayon. Naisipan kong mag-jogging ngayong araw. Hindi na kasi ako nakakapag-exercise. Since malawak naman ang place ni Frivo, malawak din ang matatakbuhan.

Napansin kong hindi talaga village ang lugar niya. Mukhang siya ang nagmamay-ari ng buong lupain. Mala-village style lang ang entrance niya. At tanging ang mansion niya lang ang nakatayo sa gitna nito.

At kung titingnan, parang hindi lang isa ang siyang nagplano ng lugar. Sa tingin ko dalawang tao ang nagplano nito. Everything is prepared, e. Mayr'on din akong nakitang playground, I am sure it's for a kids. Mayr'on ding basketball court, small houses, tree house, at nasulyapan ko ang isang garden.

Tumigil ako sa pagtakbo. Tumingin ako sa araw na unti-unting lumilitaw. Tinitigan ko ito hanggang sa tuluyan na siyang makita.

"My daughter, n-no matter what, be a good girl and make s-sure you will have a g-good life."

Muli akong tumakbo pero pabalik na ng mansion. Pagkapasok ko sa mansion, si Zart kaagad ang nakita ko. Nang maramdaman niya ako ay agad siyang humarap sa'kin. Ngumiti siya sa'kin.

"Good morning, Mrs. Warner." malawak niyang bati.

Hindi ko na pinansin ang tinawag niya sa'kin. Mukhang matigas din ang bungo niya. At feeling ko, nang-aasar na rin siya kaya pabayaan na natin.

Simpleng pagtango na lang ginawa ko bilang tugon sa kaniya. Tumungo ako ng kusina para kumuha ng Gatorade. Pagkalabas ko ulit, nakita ko namang pababa ng hagdan si Frivo.

"Good morning, Frivo!" masigla kong bati sa kaniya.

Sinulyapan niya lang ako.

"Where are you going? Hindi ka papasok today? Mayr'on ka bang meeting?" sunod-sunod kong tanong.

Nakasuot siya ng business attire. Hindi niya pa rin ako pinansin. Pinagmasdan ko siya. He looks more great in his outfit.

"Can I come with you?" tanong ko.

Napalingon siya sa gawi ko. Tinaasan niya ako ng kilay as if mayr'on akong nasabing hindi maganda.

"What? Bawal din ba?" takang tanong ko, lumingon pa ako kay Zart. Umiwas naman siya ng tingin sa'kin.

Napasimangot ako. "Ano ba 'yan? Ang boring mo naman! Pati ba naman 'yon bawal din. Hindi rin ba ako allow makita business mo?" himutok ko.

"Why w---" Kaagad ko ng pinutol ang sasabihin niya. "Oo na, wala akong karapatan. I get it."

Hindi na ako lumingon sa kaniya. Tumalikod na ako. "Ingat na lang." Patalikod akong kumaway.

Umakyat ako ng hagdan. Muli akong tumingin sa kinaroroonan ni Frivo pero wala na siya roon. Umakyat na lang ulit ako ng hagdan at tinungo ang kuwarto ko. Mabilis din naman akong naligo at nagpalit ng damit.

Napabuntong hininga ako dahil habang lumilipas ang araw ay pabagot nang pabagot ang araw na dumarating at lumilipas sa'kin.

Busy ngayon sa trabaho si Serena. Hindi siya puwedeng abalahin. Kinuha ko ang aking bag saka lumabas ng kuwarto ko. Narating ko kaagad ang garage. Tinapon ko sa passenger seat ang bag ko pagkasakay ko sa kotse.

Pinaandar ko ang sasakyan. Sa pagtapat ko sa gate, kusa itong bumubukas. Agad na akong lumusot.

Binuhay ko ang radio para magkaroon naman ng ingay sa loob ng kotse. Nalibang ako sa pakikinig ng music hanggang sa napansin kong papasok na ako sa loob ng university. Tinungo at nag-park kaagad ako.

Tinatamad na tinungo ko ang building at classroom para sa subject namin. Bagot akong umupo. Lumipas ang ilang minuto ay napuno nang studyante ang silid. Sa labas lang ako nakatingin.

Naririnig kong mayr'ong bagong studyante hanggang sa magpakilala ito. Naramdaman kong mayr'ong umupo sa'king tabi. Maging ang discussion ay nagsimula na rin.

Maya lang ay tumayo ako. Kinuha ko ang bag ko. Naramdaman kong napunta sa'kin lahat ng mga mata nila. Hindi ko ito pinansin. Pinagpatuloy ko ang plano ko. Lumapit ako sa bintana.

"Ms. Polarez, back to your seat." wika ni Professor.

Binuksan ko ang bintana. Sa mabilis na kilos ay lumusot ako rito. Napangiti ako dahil sakto lang ang katawan ko sa bintana. Tumingin ako sa punong nasa tapat ko. Bago ako tumalon ay narinig ko pang tinawag nila pangalan ko.

Kumapit ako sa sanga at tumingin sa ibaba. Mayr'on ding kataasan itong puno. Ganoon pa man madali lang ang makababa. Gamit ang mga sanga ay walang hirap akong nakababa. Maayos akong lumanding sa lupa. Tumayo ako nang maayos para ayusin ang nagusot kong uniform.

Patungo na ako ng parking lot ng mayroong tumawag sa'kin. Nilingon ko ito para alamin kung sino siya.

"Found you." nakangiting bungad niya.

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Na-kick out ka na naman ba sa klase?" curious niyang tanong.

Siya 'yong professor na ginawa akong model.

"Mukhang oo. Halika muna saglit." yaya niya saka hinawakan niya kamay ko.

Hindi na ako nakapalag ng kaladkarin niya ako at dinala ako sa art museum. Kumunot pa ang aking noo sa pagkapasok namin.

"Ano na naman ba ipagagawa mo sa'kin? Anong gagawin ko rito sa art museum?" kunot noo kong tanong.

Mali yata ang pagtakas ko sa klase ngayon. Nahuli na naman ako. Sa lahat pang professor na makakikita sa'kin ay siya pa.

"Bakit hindi ka tumingin-tingin sa paligid. Malay mo mayr'on kang magustuhan na painting here. Dahil sa pumayag kang maging model ko kahapon, ibibigay ko ang matitipuhan mo, pero isa lang, ha." she stated with full of smile.

Naiiling na lumakad ako at tumingin-tingin sa paligid. Bukod sa'min, mayr'on pang ibang narito, nagtitingin din, at iyong iba ay kumukuha ng mga pictures.

Impyernes! Bawat painting ay magaganda. Bawat painting ay mayr'ong dalang kahulugan at mensahe. Bawat detalye ng mga kulay, lines, stroke at iba ay napakapulido. Ang ilang painting ay nakasabit sa wall, ang ilan ay mayr'ong nakapatong sa isang mataas na wood na patungan.

Hindi nakakasawang tingnan ang mga painting dahil hindi mo sila mapagkakamalang painting. Para silang kinuha mula sa digital materials tulad ng camera.

Lihim na dumako ang tingin ko sa dalawang babaeng nagbubulungan.

"I think that's her." Rinig kong sabi ng isa.

Sinundan ko sila ng tingin.

"Ang ganda niya, lalo na sa personal." tugon naman ng kausap.

Dumako muli ang tingin ko sa dalawang tao. Nagbubulungan din sila at nagagawi ng tingin sa'kin na ikinataka ko naman. Ganoon din ang mga sumunod pa.

Tiningnan ko ang parang silid na nilalabasan nila. Anong mayr'on sa loob nito at ako ang pinag-uusapan? Matingnan nga. Lumakad ako palapit dito at pumasok din sa loob. Mayr'on akong naabutan na mga tao. Dumako ang tingin nila sa'kin at nagsimula naman sila magbulungan.

"She is indeed beautiful." Rinig kong puri sa'kin.

Nang tingnan ko ang kanilang tinitingnan. Nagulat ako na mukha ko ang narito. Mabilis na tumingin ako sa paligid.

"What the!" gulat kong sabi.

Tanging ako lang ang nasa painting. Don't tell me, ito 'yong results ng pagiging model kahapon? Napangiti na lang ako. Ang gaganda ng pagkagawa nila. Maganda nga naman talaga ako sa portraits. Hindi lang ba isang pose ang nagawa ko? Iba't ibang anggulo kasi ang pagkagawa nila. Mayr'ong full body, half body, at mayr'ong iyong mukha ko lang.

Nilagay talaga nila sa isang place lang. Akala ko nagbibiro lang si Professor na ilalagay niya ang mga painting na ginawa nila sa safe place. Mukhang ito ang safe nila, sa art museum. Pero ginawa naman nilang highlights. Puwede namang isa lang ang ilagay nila rito.

Sa palinga-linga ko, mayr'ong isang portrait na nakakuha ng attention ko. Marahan akong lumakad doon upang mas makita ko nang malapitan. Sa lahat ng painting, ito lamang ang ipinanta akong kasama ang butterfly.

Half body lang ako pero nasa butterfly ang buo kong attention na naipakita sa portraits. My true smile is vivid at kung paano ko tingnan ang butterfly sa aking daliri ay kuhang-kuha ng nagpinta. Kuhang-kuha rin nito ang hugis ng mukha ko. Wala man lang mali or naging iba sa kaniyang pagguhit.

Napakahusay naman niya. Tiningnan ko ang kabuuan ng painting para hanapin ang initial ng nagpinta.

"Ivo?" basa ko sa nakita kong initial sa ibaba.

The name is sounds familiar.

"You like it?" Napalingon ako sa aking likuran at nakita ko si professor.

Marahan siyang humakbang palapit sa'kin. Pagkalapit niya ay tumingin din siya sa portraits.

"Ivo is the best painter we have here. I am not surprised when your interest is caught by his works." she said.

"Is Ivo his real name?" I asked.

"No, it is his penname." she answered.

"Who is he?" I asked again.

Inalala ko muli ang mga taong nasa loob ng silid kahapon. Sigurado akong naroon din siya. Hindi niya makukuha ang ganitong kuha kung wala siya roon. Isa pa, kahapon ang unang beses na naging model ako for this art works.

"Mukhang hindi lang sa art work nakuha ang attention mo. Maging sa mismong painter ay interesado ka rin." ani niya,

Tinaasan ko siya ng kilay dahil binibigyan niya ng issue ang tinatanong ko.

"Tsk! I am not." wika ko,

"Come," Umalis siya sa harapan ng painting. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalabas siya.

Sumunod naman ako. Nakita kong mayr'on siyang pinasukan muli ng isang silid. Pumasok din ako. Katulad siya ng sa kanina. Tiningnan ko ang mga naritong art works. Lahat sila magaganda at nakamamangha ang husay ng gumawa.

"All of this is made by him." nakangiting wika niya.

Him?

Tumingin siya sa'kin. "Him?" I question.

"Ivo," she answered.

Tiningnan ko ang bawat isang painting. Bakit feeling ko iisa lang ang mensaheng ibinibigay niya, especially sa nasa harapan kong painting. A young girl who is fading.

"Heart broken ba 'yang Ivo?" wala sa sarili kong saad.

"Why?" curious naman na tanong ni Prof.

"Dahil pakiramdam ko, that artist is longing for someone. It's like his lover is gone, and he misses her a lot." Tiningnan ko pa ang iba. "All of his art is full of messages. A message na gusto niyang iparating sa first love niya." I added.

"And what is it?" she asked again.

"All art is full of hope, sadness, pain, and love. Hoping for something impossible to happen. Sadness and pain because of her disappearance, and an unconditional love that has never gone to him." ani ko habang masuring tinitingnan ang bawat detalye.

Bakit nararamdaman ko ang mga mensaheng dala ng bawat painting?

That Ivo love this girl on his painting.

Kita roon ang pagmamahal niya sa babae. Bakit mayr'ong lungkot at sakit sa puso siya? Nawala ba ang babaeng minamahal niya?

"You are right. He is disparately longing for his lover. Do you want to hear his story?" Tiningnan niya ako nang mabuti. Tanging simpleng tango lang ang sinagot ko.

Curious din ako, e.

"It happened years ago when they were both young.  'Yang babaeng nakikita mo ay ang babaeng pinangakuan niya ng kasal. They we're not friends, but he fall in love when on their first meeting, love at first sight kung tawagin." Tumingin siya sa painting. Nakangiti niya itong tiningnan.

Kung magkuwento siya parang saksi siya sa love story ng dalawa.

"They became friends in a secret way. Sadly, at that time, he was engaged to someone else." she continued.

Napadako ang tingin ko sa kaniya.

"Engaged? At the young age?" gulat kong wika.

Nakangiting tumango si Prof. "Yes, hindi pa siyang naisisilang ay engage na siya." natatawang sagot niya.

"The boy is against it. Sobra ang pagtutol niya rito that made him a cold person, dahil kahit anong gawin niya. Hindi maputol-putol ang engagement nila ng mysterious fiancee niya." she continued.

Mysterious fiancee? Hindi niya pa nakikita ang fiancee ng time na 'yon?

"Paanong napuno ng lungkot at sakit ang pagsasamahan nila? Natuloy ba ang engagement nila?" mas naging curious ako.

Malungkot na ngumiti si Prof.

"Sino ang babaeng nasa painting? Iyong first love niya or 'yong fiancee niya?" tanong ko ulit.

"His first love." sagot niya.

"Anong nangyari sa kaniya?" tanong ko ulit.

"She died," maikling sagot niya.

Napa-O na lang ako. Nabigla ako sa sagot niya, e. Now I know kung bakit ganito ang mensahe ng painting.

"They said she died in a car accident along with her parents. The problem is, walang nakakita sa katawan nito, that gave him  hope. Hoping na nabubuhay pa rin ito, at someday muling pagtatagpuin ang landas nila." muling sabi ni Prof.

Possible ba iyon? I mean, baka nga kasi hindi naman natagpuan ang katawan, 'di ba?

"Hinahanap niya ba ang babae?" tanong ko ulit.

"I don't know." kibit-balikat na sagot ni Prof.

Ang tindi naman ng pagmamahal niya para dito kay girl. Handang maghintay si guy. Paano kung mayr'on ng iba si girl? Or talagang patay na ito.

"And you know what? I am one of those people who has been interested in his love story, and what makes their love story more interesting? " natatawa niyang saad.

"What is it?" I asked.

"Because that man is already married to that mysterious fiancee he had before." Unti-unting napalingon ako sa kaniya.

Biglang kumabog ang aking dibdib.

Weird!

TheKnightQueen 🌱

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top