Chapter 11
"Why didn't you avoid the knife and let yourself be stabbed?" Ang mga katagang 'yan ang una kong narinig pagkamulat pa lang ng mga mata ko.
Kasalukuyan din akong nakikinig ng sermon ni Jackross which is bago sa aking pandinig. Hindi ko alam kung sino ang sumapi sa kaniya ngayong araw. At hindi ko rin alam kung ano ang pinuputok ng butsi niya.
"Why did you eat the food to which you have allergies?" he asked.
Humugot ako nang malalim na hininga.
"Para sa kaalaman mo, hindi ko iyon kinain. Dahil sa binadtrip mo ako. Hindi ko napansin na ang nakain ko pala ay 'yong hipon. Huli na para mabawi ko pa." mahinahong pagpapaliwanag ko.
Bakit nga ba ako nagpapaliwanag sa kaniya? Teka nga! Ano bang problema niya talaga?
Mabuti na lang pagkagising ko ay wala na ang mapupulang pantal sa katawan ko. Bumalik sa dati ang kulay ng balat ko. Maging ang paghinga ko ay ganoon din. Mamamatay talaga ako sa allergies lang. Kapag umaatake kasi daig pa ang hinihigop kaluluwa ko. Mabilis din akong lalagutan ng hininga dahil paninikip ng dibdib ang unang symptoms.
"Stop pestering your wife, son. Reminder, kagigising niya lang." sulpot ng nanay niya.
Napangiti ako bigla. Parang nabuhayan ako pagkarating niya. Finally! Magiging tahimik na ang tainga ko. Kanina pa ako nakikinig sa sermon ni Frivo.
"Tsk!" tanging naitugon niya, nakita kong paalis na siya.
"Hey, Frivo! Can you ask the doctor if I can be discharged today? I don't want to stay here any longer." ani ko, pero hindi ko alam kung narinig niya. Nakalabas na kasi siya hindi man lang huminto.
Pabagsak na sumandal ulit ako habang nakabusangot ang mukha. Ayoko na kasing manatili pa rito. Mas gusgustuhin ko pang magising sa loob ng kulungan kaysa rito sa hospital.
Narinig ko ang mahinang pagtawa ng kasama ko.
"You know what? I am amazed that you can call him by his second name." wika niya,
Ibinigay niya sa'kin ang isang maliit na bowl na mayr'ong laman na sopas.
"He hates it." she continued.
"Why?" takang tanong ko.
Kumibit-balikat siya. "I don't know. Dumating na lang ang isang araw na ayaw na niyang tinatawag siya sa pangalang Frivo." she answered.
Bakit parang mayr'ong malalim na reason kung bakit ayaw na tawagin ang anak niya sa pangalan nito? Hindi lang niya ito sinasabi. Pansin din iyon sa mga mata niya. Mga matang umiiwas na tumingin sa aking ng tuwid.
"Siguro dahil tinatawag siya sa ganoon ng first love niya." simpleng panghuhula ko.
Hinawakan ko ang kutsara saka nagsimulang kumain. Kumakalam na rin kasi ang tiyan ko sa gutom. Lihim na sinulyapan ko siya. Nakita ko ang pagguhit ng ngiti sa kaniyang labi. Tama ba ang hula ko?
"I called him Frivo because I wanted to tease and piss him off. Mayr'ong mga tao kasi na ayaw silang tawagin sa second name nila, so I'm guessing na ganoon din siya." simpleng paliwanag ko.
Napa-isip ako, nang tinawag ko siya sa ganoong pangalan. Wala akong nakitang reaction niya. Hindi nga siya nag-react, e. Hindi niya rin ako sinaway kaya pinagpatuloy ko ang pagtawag sa kaniya ng ganoon. Isa pa, nasanay na rin naman ako.
Bakit ko nga ba siya tinatawag sa ganoon? I don't why pero iyon ang gustong itawag ng utak ko sa kaniya. Iyon din ang lumabas sa bibig ko ng unang beses ko siyang tinawag sa pangalan niya. It's supposed to be Jackross, but Frivo came out first in my mouth.
Weird?
"How are you?" tanong niya, maybe to change the topic.
"I'm okay. It was a simple stab. It won't kill me." I answered.
"Saktong mayr'on ka pang isang linggo upang makapagpahinga at makapagpagaling ng sugat mo. Huwag masiyadong gumala baka bumukas muli iyang tahi ng sugat mo." paalala niya.
As if may pake ako sa sugat ko. Like what I said, it won't kill me. Hangga't hindi sa puso hindi ako mamamatay. Sometimes I am looking for my death, but it doesn't come to me. Lagi lamang ako nitong nilalagpasan saying hindi ko pa oras mamatay.
Nagkaroon pa kami ng ilang minutong makapagkuwentuhan. Nagpaalam na rin siya kasi mayr'on pa raw siyang gagawin. Buong pamilya na ni Jackross ang dumalaw sa'kin. Kaninang umaga lang rin ako nagkaroon ng malay. Pumunta rin naman dito sila mama pero katulad ni Jackross, sinermonan lang din ako.
Bigla akong natawa nang maalala ko ang sinabi ni Roelyn. Hinahanap niya ang asawa ko dahil gusto niyang makita kung gaano ito katanda. Meaning, hindi pa niya nakikita in person si Jackross. Poor her. Tiyak akong magyayamutak na naman iyon kay mama kapag nakita niya kung gaano pinagpala si Jackross pagdating sa looks.
"Kasama rin ba sa nagkaroon ng damage iyang ulo mo? Tumatawa ka na kasi ng mag-isa." biglang sulpot ng isa.
Tiningnan ko siya ng masama. "Bakit? Masama na bang tumawa? Ang mga tao nga naman, hindi mo maintindihan. Kapag seryoso ka, sasabihin na ngumiti naman. Kapag nakangiti ka naman, sasabihing parang baliw ka naman. Tsk! Tsk!" mahaba kong lintanya.
Binigyan niya lang ako ng tsk response niya.
"Puwede na ba akong lumabas dito? Ayoko na rito. If hindi pa talaga puwede, pakisabi sa kung sino mang doctor ang humahawak sa'kin ay sa mansion na lang ako magpapagaling. Kung hindi puwede sa mansion mo, kahit saan naman puwede ako, basta huwag lang dito." pagmamakaawa ko kay Frivo.
Sana naman kahit ngayong araw ay makinig naman siya sa'kin. Kahit ngayong araw lang.
"At saka, hindi naman big deal ang masaksak sa tagiliran. Daplis lang naman, 'to. Hindi nga umabot sa bituka kaya tiyak akong hindi ako mamamatay kung lalabas na kaagad ako rito sa hospital." dagdag ko pa.
Malapit ko na talagang takbuhin ang pintuan.
"Here," Nawala ang tingin ko sa pintuan. Napadako sa inaabot niya sa'king paper bag. Marahan na kinuha ko naman ito. Sinilip ko ang loob. Napalingon ako sa kaniya dahil damit ang nasa loob.
"Stop talking. We're leaving after you change your clothes." saad niya,
Lumapad ang ngiti ko. Nabuyahan at mabilis na nagre-charge ang energy ko. Mabilis akong bumaba sa higaan saka patakbong pumunta sa kaniya. Niyakap ko sa kaniya.
"Thank you sa anghel na sumanib sa'yo." nakangiting saad ko.
Gulat siya sa biglaang pagyakap ko sa kaniya. Nakatingin lang siya sa'kin. Ngumiti ako sa kaniya ng walang halong kapekean. Tunay na ngiti na ngayon ko lang ginawa sa buong buhay ko.
Bumitaw din ako sa kaniya kaagad. Mabilis na tinungo ko ang banyo. Walang tingin at hindi na rin ako nag-inarte pa sa damit. Hindi ko na nga ito tiningnan pa. Basta ko na lang itong nilabas sa loob ng paper bag saka sinuot kaagad.
Pagharap ko sa salamin. Napatitig ako sa sarili ko. Isang tipid na ngiti na lang ang aking naibigay sa'king sarili.
How long I am going live with this kind of life?
Napatingin ako sa ibaba. The more I see myself in the mirror, the more I pity myself.
Humugot ako nang malalim na hininga. Muli akong humarap sa salamin. Inalis ko ang mga bagay at thoughts na makasasagabal sa'kin.
Muli kong tiningnan ang aking sarili sa salamin. Isang rip jeans na kulay light blue at off shoulder na light blue din ang kulay. Binuksan ko ang isang paper bag pa. Isang kahon ang laman nito. Pagbukas ko, isang bagong stilleto blue high heels bumulaga sa'kin.
My outfit is all color blue. Naiiling na kinuha ko ito saka sinuot na rin. Tinali ko ng ponytail na lang ang buhok ko. Hindi pa naman ako maputlang tingin. Hindi na kailangan lagyan ng lipstick.
Pagkaayos ko ay lumabas na rin ako.
"Frivo, puwede paki-alis naman ng tag price nito." saad ko pagkalabas ko. "Hindi ko maabot, e." problematic kong dagdag.
Inaabot ko siya kanina pero hindi ko maabot. Sakto pang sa tagiliran kong nasaksak. Hindi ko maigalaw nang maayos ang kamay ko dahil konektado siya roon. Ini-ignore ko nga ang pagkirot nito.
Nakatalikod ako sa kaniya. Hinihintay na matanggal niya ang tag price.
"Thank you," Humarap ako sa kaniya saka kinuha ang tag price. "Tara na," pag-aya ko.
Ako na ang naunang lumabas sa'min. Naramdaman ko ang pagsunod niya. Bigla akong huminto at muling humarap sa kaniya.
"Next time, anuman ang mangyari sa'kin. Huwag na huwag mo akong dadalhin sa hospital ulit. Tandaan mo 'yan." wika ko,
Tinalikuran ko siya agad din saka mabibilis na hakbang ang ginawa ko. Nang malapit na ako sa exit. Tinakbo ko na ang pagitan namin.
"Finally!" masaya kong saad nang marating ko ang pinakalabas.
Nakahinga muli ako nang maayos. Hindi na talaga ako papasok diyan sa hospital na 'yan.
Nahinto ako sa paglalanghap ng hangin nang mayr'on akong narinig na busina.
"Get in," utos ni Frivo.
"Huh? Me?" taka ko, tinuro ko pa ang sarili ko.
Tumingin pa ako sa likuran ko.
"Who am I talking to?" he sarcastically asked.
Nagtataka pa rin akong sumakay. Mahirap na baka bumago pa ang isip niya. Baka bigla niyang maalala na hindi siya nagpapasakay sa kotse niya, pero sa kotse niya rin ako nakasakay kahapon, e.
Kay bait naman ng sumanib sa kaniya. Sana huwag nang umalis sa katawan niya.
"You really don't want to stay inside the hospital." ani niya,
"Super! Hospital ang pinakakaaway ko pagdating sa lugar." mabilis kong tugon.
Sumandal ako sa passenger seat.
"Sa condo ni Serena mo na lang ako ihatid. Alam kong hindi ka nag-alalaga ng taong alagain at sagabal. Uuwi na lang ako sa bahay mo kapag fully magaling na ang sugat ko." pagbibigay alam ko sa kaniya.
Wala akong narinig na sagot sa kaniya. Medyo binilisan niya lang ang takbo ng kotse. Inilibot ko ang tingin ko sa loob ng kotse. Naghahanap ako ng bag or something man lang, baka naroon ang phone ko. Hindi ko na kasi maalala kung saan ko iyon huling nagamit. Maging kung saan ko ito nilapag.
"Nakita mo ba cellphone ko?" tanong ko kay Frivo. Hinahanap pa rin ng mata ko ang phone ko. "Tatawagan ko kasi si Serena. I-inform ko lang siya na darating ako." dagdag ko,
Nai-imagine ko kung anong klaseng lugar na naman ang aabutan ko roon kapag hindi ko siya inunahan.
"Call her when we get home." Rinig kong tugon niya.
"Pero," patuloy pa rin ako sa paghahanap kaya hindi ko napagtuonan ng pansin ang sinabi niya.
Naramdaman kong huminto ang sasakyan kaya napasilip ako sa labas. Narito na naman kami sa supermarket. Dumako ang tingin ko kay Frivo nang marinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto. Sinundan ko siya nang tingin hanggang sa marating niya ang pinto sa side ko. Nagulat ako nang pinagbuksan niya ako ng pinto.
Wala sa sarili akong lumabas. Kanina pa ako napapa-isip, e. Anong taon ba ngayon? Tama ba ako ng gising? Baka nasa future year na ako ngayon. Ibang Frivo kasi ang kasama ko. Para kasing ibang tao ang kasama ko.
"Gacianna," Natauhan ako nang marinig kong tinawag niya ang pangalan ko.
Patakbo akong humabol sa kaniya. Mabilis na lumusot ako sa pinto bago pa ito magsara. Sumunod ako sa kaniya. Kumuha siya ng push cart.
"Sandali!" pigil ko sa kaniya.
Tumigil naman siya at lumingon sa'kin. Nakangiting lumapit ako sa kaniya. Tumungo ako sa unahan ng push cart saka sumakay na parang bata.
"Tsk!" Rinig kong wika niya.
Binalewala ko ang mga tingin sa'kin. Pinagtitinginan kasi nila ako. Pasilip-silip lang ang ginagawa ko. Tahimik rin akong tumitingin kay Frivo sa tuwing titigil siya tapos maglalagay sa push cart ng napili at nagustuhan niyang bilhin.
Dumako ang tingin ko sa push cart. Puro mga seasonings and something pang mga pagkain ang narito.
"Wala na ba tayong stock ng pagkain?" out of the blue na tanong ko.
"At saka, do you love doing things like this?" Nakakita ako ng makakain ko. Hinablot ko ito saka nilagay sa push cart.
"Napansin ko kasing ikaw ang namimili sa halip na si Zart, or hindi kaya kahit sinong tao na naka-assigned sa ganitong gawain." curious kong wika.
"Why would I need to pass this simple job if I can do it?" he responded.
So, siya iyong tipong taong hindi pinapasa sa iba ang maliliit na bagay kung kaya naman niyang gawin.
"Why? I mean, you are rich. Kaya mong magpasahod ng ilang tauhan." Tumingin ako sa kaniya, at dahil tumingin ako sa kaniya. Nahuli kong ibinabalik niya lahat ng kinukuha ko.
"Frivo!" saway ko.
Mukhang napalakas ang boses ko dahil lumingon sa gawi namin lahat ng narito.
"Bakit mo ibinabalik lahat ng nilalagay ko? Akin 'yon, e." ani ko,
"Junk food and non-healthy foods are strictly prohibited." simpleng sambit niya.
"Paano iyong iba? Bawal din ba 'yon. Hindi naman junk foods ang iba, ah." reklamo ko.
"I don't like them." pagtutol niya.
"Hindi naman ikaw ang kakain." Umalis ako sa inuupuan ko. Binalikan ko ang mga kinuha niya na siyang binalik niya.
"Gacianna! Bring those back." mariin niyang pagtutol.
"No!" mas mariin kong pagtanggi.
"Look! I don't want us to argue about this. So put those back where you got them." mahinahon niyang saad.
Hindi ako nagpatalo. Lahat ng dala ko ay muli kong nilagay sa push cart.
"Hep! Kung ayaw mong magtalo tayo rito. Hindi mo ibabalik ang mga 'yan." mahinahon ko ring ani.
Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at humugot nang malalim na hininga.
"Alright, you win!" pagsuko niya.
Muli niyang tinulak ang push cart at tinungo ang iba pang parte ng supermarket. Pinuntahan namin ang gulayan at prutas. At katulad ng sa kanina, mayr'on din siyang pagtutol pero sa huli ako pa rin ang nanalo.
Pero habang namimili kami isang bagay ang napansin ko. Mayr'ong mga pagkaing hindi niya gusto, pero iyon ang paborito ko. Mayr'on ding pagkaing gusto at favorite niya na kung saan allergy naman ako roon. Mayr'on naman kaming same taste, pero ilan sa mga kinuha ko ay hindi ko rin naman gusto pero pinaka-ayaw niya. Kinuha ko lang iyon para asarin siya. Pero shhh lang kayo, ah. Secret lang natin, iyon.
TheKnightQueen 🌱
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top