Chapter 10


Narito ako sa itaas, sa terrace, nakapatong sa railings ang mga kamay ko. At tahimik na pinagmamasdan ang mga taong nasa ibaba. Abala sila sa pagsasa-ayos ng mga pagkaing niluto ni Frivo sa table. Pagkatapos na maluto lahat ng menu tonight. Mabilis akong nag-exit at natagpuan ko ang lugar na ito.

Dumako ang tingin ko sa triplets. Sa kanila lang nagmumula ang mga ingay. Naghahabulan sila, ang nagbabantay naman sa kanila ay ang dalawang matanda este mga magulang ng mother ni Frivo. Nakangiti silang pinapanood ang kakulitan ng tatlo.

"No, put it there." Napalingon naman ako sa abalang nanay ni Frivo.

Siya ang nag-aayos ng mga pagkain na galing sa loob. Katulong nito si Danica. Tumingala ako ng tingin. Napangiti ako dahil maraming stars sa kalangitan. Dark na dark ito kaya kitang-kita ang liwanag ng mga stars.

Nawala ang ngiti ko at marahan na inalis ko sa taas ang tingin ko nang maramdaman kong mayr'ong tao sa likuran ko. Mula sa likuran ay humakbang siya patungo sa aking tabi. Nilingon ko siya, si Frivo lang pala.

"Why not go down and help them?" ani niya sabay tingin sa mga nasa ibaba.

"Nandito ba ako kung gusto kong tumulong?" pabalang na sagot ko.

Hindi sa ayoko kong tumulong. Nahihiya lang ako rito sa suot ko. Naiilang ako kapag ganito kaiksi tapos damit pa niya ang suot ko.

"You should not come here." malamig niyang sambit muli.

"Tsk! Sino bang pumunta sa tahimik kong lungga? Sino ba ang nagdala sa'kin dito? Hindi ko gustong pumunta rito." naiinis kong tugon sa kaniya.

"I'm sorry," Gulat na nilingon ko siya.

"You what?" hindi makapaniwalang saad ko.

"About the kissed." ani niya ng hindi nawawala ang tingin sa ibaba.

Kissed?

Doon ko naalala na hinalikan niya ako.

"I don't want to kiss you, but I have no choice. That's the only way to make you shut up." walang prenong saad niya.

Kumunot ang aking noo.

What?

"I regret doing it. You don't have nice lips. Kissing you is terrible and a nightmare. I don't want to do it again." wika niya at marahan na lumingon sa akin na mayr'ong pang-iinsulto.

Dahil sa mga sinabi niya. Nainis ako nang todo kaya kusang gumalaw ang aking mga paa nang masipa siya. Pero ang bwisit! Mabilis na nakailag.

"Really, huh! If you kissed me again, it means you're lying." galit na galit kong wika.

"There's is no again." simpleng tugon niya.

"As if namang magpapahalik ako ulit sa'yo. Ayoko rin naman ng halik mo at puwede ba! umalis ka sa harapan ko. Baka hindi kita matantya, maihulog pa kita. Makagawa pa ako ng kasalanan dahil sa'yo." pigil na pigil ko,

Naikuyom ko ang aking palad. Pinipigilan kong sugurin siya.

"Go down." malamig na utos niya.

"Mag-go down ka mag-isa mo!" inis kong tugon.

Nakahinga ako ng umalis na siya. Gagong 'yon! Mapunta lang rito para inisin ko. Inalis ko ang pagkakakuyom ng palad ko.

"Tsk!" Napailing na lang ako habang unti-unting bumabalik ang pagkalmado ko.

"Narito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap." Napalingon ako sa pumasok muli.

"Danica?" saad ko,

"Ito, oh. Iyong damit. Pasens'ya na, ngayon ko lang naibigay sa'yo." Inabot niya sa'kin ang nasa kamay niya.

"Mga damit ko 'yan na hindi na sa'kin kasya. At iyong iba ay hindi ko pa nasusuot. Tiyak akong kakasya 'yan sa'yo. Sa ganda ba naman ng hubog ng iyong baywang." nakangiting wika niya.

"Salamat." ani ko, saka nginitian siya.

Tinuro niya sa'kin ang kanilang restroom. Nagpaalam ako sa kaniya. Tinungo ko ang restroom nila. Agad akong nagpalit ng damit. Buti na lang at mayr'ong pants sa binigay ni Danica. Humarap ako sa salamin. Inayos ko ang aking bangs.

Nang matapos na ako ay lumabas na ako. Muling bumalik ako sa kuwarto ni Frivo upang labhan ang damit niya. Mabilis ko ring ginawa ang paglalaba. Tinabi ko ito sa mga damit kong nakasampay. Lumabas din kaagad ako.

Habang naglalakad ako, naraanan ko ang mga larawan nila dahilan para mapahinto ako at tingnan ang mga ito.

Mayr'on lang akong napansin sa kanila. Mukhang present silang lahat ngayon maliban sa isang tao. Ang kaniyang ama. Tiningnan ko ang bawat litrato. Maging sa mga larawan ay wala rin siya. Kahit ni isa ay wala siya.

"Hinahanap mo ba sa mga larawan ang ama ni Jackross?" Mabilis na napalingon ako sa nagsalita.

Nakangiting lumapit siya sa kinatatayuan ko. Tumingin din siya sa mga tinitingnan ko.

"Marahil nagtataka ka dahil narito lahat maliban sa kaniyang ama." mayr'ong bahid ng lungkot niyang saad.

"Where is he?" curious kong tanong.

Tipid siyang ngumiti. "Si Jackross at ang kaniyang ama ay hindi maganda ang pagsasama. Galit si Jackross sa kaniyang ama  dahilan para alisin ang lahat ng pictures, o kahit na anong bagay na naka-connect sa kaniya." kuwento niya.

"Galit? Why?" tanong kong muli.

"My son does not like blood. He hates a person who kills." Natigilan ako sa narinig ko. 

"At nagkataong ang trabaho ng kaniyang ama ay ang pumatay ng tao. He is a hitman. Binabayaran upang pumatay. Dahil doon, hindi madalas umuuwi si Jack. Maraming humahabol sa kaniya at ayaw niyang pati kami madamay. Nawalan siya ng oras para sa amin, marahil iyon ang naging dahilan kung bakit nagtanim siya ng galit sa kaniyang ama." pagkukuwento niya.

Hitman?

"My son is a cold person, but believe it or not, he doesn't hurt anyone. Hurting people is not his thing. Ayaw niyang matulad sa kaniyang amang pumapatay ng tao. Kaya nilalayo niya ang kaniyang sarili sa bagay na puwede magdala sa kaniya sa ganoong situation." she continued.

Bakit ganoon?

"Oh, I'm sorry. Ang dami na yata ng sinasabi ko. Kapag nalaman ito ni Jackross. Siguradong sermon na naman ang ibibigay niya sa'kin. Huwag mo na lang sabihin sa kaniya na sinabi ko sa'yo ang tungkol sa ama niya." Tanging tipid na tango lamang ang isinagot ko.

Inaya niya akong lumabas. Nagpatangay na lang din ako sa kaniya. Lahat ng sinabi niya kanina ay hindi mawala sa'king isipan. Ito ang unang beses na magkaroon ng information tungkol kay Frivo. Now, I think he will not became a mysterious guy to me.

"There you are. Saan ba kayo galing na dalawa? Nagugutom na ako, e." bungad sa'min ni Danica.

Lumapit ako sa kinaroroonan ni Frivo. Tahimik na umupo ako sa tabi niya.

"Let's eat!" masiglang wika ni Danica.

Katabi ko rin siya at ang nasa tabi naman niya ay ang kaniyang triplets. Parang walang anak kung kumilos si Danica.

"Tita Jaress!" Lahat kami napalingon sa matinis na boses na iyon.

"The bitch is here." mabilis na bulong sa'kin ni Danica.

Mabilis siyang tumayo. Akala ko sasalubungin niya si Darrie. Isang lalaki ang kaniyang nilapitan.

"Dad!" sabay-sabay na sigaw ng tatlo.

Sabay-sabay ding tumakbo ang mga ito. Napangiti ako habang pinapanood sila. Kinarga ng lalaki ang kaniyang triplets ng sabay-sabay din. Ang cute nilang tingnan.

"What are you doing here?" Biglang nawala ang magandang mood ko.

"You're supposed to be in prison." matinis na saad niya.

Nang tumingin ako sa kaniya. Naka-bandage pa rin ang kamay niya.

"Sorry, maraming nagmamahal sa'kin kaya maraming gustong magpyansa sa'kin. Nag-uunahan pa nga sila, e." pagmamayabang ko.

"You are the one who hurt my sister?" bumaling naman ang tingin ko sa lalaking nilapitan ni Danica which is sa tingin ko ay asawa niya.

"kapatid mo pala siya. Then, can you make her shut up?" seryoso akong tumingin sa kaniya. "Dahil kung hindi, baka hindi lang isang kamay ang mabali ko sa kaniya. Kaya kong baliin ang isa pa para maging pantay na." may pagbabantang saad ko.

"Anong mayr'on? Ang seseryoso ni'yo naman." sulpot naman ni Dan kasama ang girlfriend niyang si Belinda.

Gulat ding napadako sa'kin ng tingin ang dalawa.

"Gacianna?" gulat na wika ni Belinda.

"What are you doing here? kamag-anak ka rin ba ni Jackross?" taas kilay na tanong niya sa'kin.

"Ikaw ba? Kamag-anak ka rin ba?" balik tanong ko.

"Hindi." mabilis niyang sagot.

"Nasagot ko ba ang tanong mo?" bagot kong wika.

"Aish! Tama na nga 'yan. Magsi-upo na kayo nang makapagsimula na tayo ng kain. Hep! Walang magtatanong kung bakit narito si Gacianna. Dahil unang-una kabilang siya sa aming pamilya." agad na pinigilan ni Dean ang dalawa na magtanong pa.

"Hindi rin ni'yo magugustuhan kapag nalaman ni'yo kung ano sa aming pamilya si Gacianna. Kaya help yourself not to ask. Right, girls." segunda naman ng ina ni Jackross.

Padabog na umupo si Darrie sa tapat ng inuupuan ko. Katabi niya si Belinda. Umupo rin sa tabi ni Belinda si Dan. Nagpanalangin muna kami bago kumuha ng pagkain.

"Wow! Ang sarap naman. Who cooked this?" tanong ni Belinda.

"Jackross is the one who cooked tonight's dinner." nakangiting sagot ni Dean.

"Here, eat this. I'm sure you will like it. Favorite foods 'yan ni Jackross." hyper na sambit ni Danica pagkatapos niyang mailagay sa plato ko ang broccoli at shrimp.

Lihim na napangiwi ako.

"Next time, Gacianna will be our cook." Rinig kong wika ni Dean.

Umangat ang tingin ko at inosenteng tumingin sa kanila.

"Huh? Me? What?" takang-taka kong tanong.

Tumawa si Dean sa naging reaction ko.

"I think she can't." Kay Jackross naman ako bumaling. Wala kasi talaga akong ideya sa sinasabi nila.

"She can't cook." muling sabi niya.

"Really?" saad ni Darrie.

"What? Paano mo nalaman na hindi ako marunong magluto? Hindi mo pa nga nakikita, e." mabilis kong depensa.

"How didn't I know if you help me earlier?" nakangising tugon niya.

Natigilan ako sa sinabi niya. Oo nga pala. Iyon din pala 'yong dahilan kung bakit panay ang bangayan namin. Dahilan din kung bakit kami natagalan.

"Frivo!" malakas na saway ko sa kaniya.

Inis akong umayos sa pagkakaupo ko. Walang tingin na tinusok ko ang shrimp na nasa plato saka inis na kumain. Napansin ko ang biglang pananahimik ng lahat.

As in super tumahimik ang lahat. Nilumod ko muna ang kinakain ko bago nagtatakang nagtanong sa kanila.

"Bakit?" tanong ko.

"Anong tinawag mo sa kaniya?" marahan na tanong ng nanay ni Frivo.

"Frivo." agad kong sagot.

Pagtingin ko sa plato ko. Biglang nawala ang hipon. Natigilan at napalunok ako ng ma-realize kong ang nakain ko kanina ay hipon.

What the!

Mahigpit na napakapit ako sa tinidor kalaunan ay mabilis kong hinablot ang baso na may tubig saka ininom kaagad ang laman nito.

Ang tanga mo, Gacianna!

"May mali ba sa pangalang Frivo?" tanging nasambit ko, lihim na pinakiramdaman ko ang aking sarili.

Sasagot pa sana sila nang isang malakas at sunod-sunod na putok ng baril ang narinig namin.

Ang ingay na 'yon ay mas lumalapit pa. Tiyak akong nasa loob ito ng mansion. Mabilis na nagsitayuan ang lahat.

"Take the kids." Rinig kong utos ni Dean.

Narinig ko ang mga tili ni Darrie sa tuwing magkakaroon ng putok ng baril. Hanggang sa nakapasok sa kinaroroonan namin ang pinagmumulan ng ingay na 'yon.

"Huwag kikilos ng hindi naaayon sa aming kagustuhan." pigil sa amin ng isang armadong lalaki.

Mga nakasuot sila ng bonnet kaya hindi makita ang kanilang mga mukha. Nakatutok sa amin ang kanilang mga baril.

Napadako ang tingin ko sa iba. Mayr'on silang mga hawak na lalagyan. Tiyak akong mga simpleng magnanakaw lamang sila.

"What do you want?" tanong ni Dean.

"Wala kayong pakialam kung ano ang gusto namin." sagot sa kaniya.

Nanatili akong nakaupo. Mariin akong napapikit. Sumasakit ang ulo ko at mayr'ong ingay akong naririnig. Pilit na nilalabanan ko ang ingay na mayr'on sa utak ko.

"Tumayo ka!" Malakas na utos sa'kin. Naramdaman ko ang pagtutok ng baril sa ulo ko.

"Gacianna!" Rinig kong tawag sa'kin.

Marahan kong iminulat ang aking mga mata. Pilit ko pa ring nilalabanan ang nararamdaman ko. Nagulat ako nang bigla akong itinayo. Marahas niya akong pinaluhod.

"Sige! Isang kilos pa. Papatayin ko ang babaeng ito." malakas na banta nito.

Bumaril siya sa itaas. Napansin kong ang lahat ay nakatumba na. Lumalaban sina Frivo, Dan at ang asawa ni Danica. Natigil sila at napadako sa direksiyon ko.

Alam kong wala ako sarili. Hindi nagfu-function ang katawan at utak ko. Blangko habang nakatingin ako sa isang direksiyon.

"Dad!" Rinig kong sigaw nila.

"Dein." malakas na sigaw ni Danica sa anak.

Wala sa sariling napalingon ako sa kinaroroonan ni Dein. Mabilis akong kumilos. Tumayo ako at sinipa ang lalaking may hawak sa'kin. Saka mabilis kong tinungo ang kinaroroonan ni Dein. Sinangga ko ang aking sarili sa bata. Mabilis kong pinatulog ang lalaki.

"You okay?" tanong ko Dein.

Tumango sa'kin ang bata. Napalingon ako sa mga pumapasok. Mabilis na kumilos ang mga pulis. Pinusasan nila ang mga armadong lalaki. Lahat kami ay inalalayan na makapasok sa loob. Pagkapasok ko sa loob, kaagad kong hinablot ang isang tuwalya saka binalot sa aking sarili. Tinungo namin ang living room. Naghanap ako ng masasandalan.

Nakaupo sa couch silang lahat. Habang sina Frivo ay kinakausap pa ang ilang mga pulis at tinutulugang tangayin ang mga nanloob. Nakita kong mayr'on silang nilabas na bangkay. Sa tingin ko, mga kasambahay itong nadamay. Sila ang unang nakaharap kanina. At sila ang pinaputukan. May mga bakas din ng dugo ang sahig.

Mahigpit na napakapit ako sa sugat na natamo ko kanina. Sa aking tagiliran bumaon ang kutsilyo na gagamitin kay Dein kanina. Ito ang dahilan kung bakit binalot ko ng tuwalya ang aking sarili.

Mahigpit na napakapit ako sa tuwalya. Hindi lang ang sugat na ito ang iniinda ko. Dahil sa nakain ko kanina ang hipon. Ang totoo ay allergies ako roon. Sumisikip ang dibdib ko. At alam ko ring puno ng pantal ang aking katawan. Mayr'on na rin ako sa aking mukha kaya hindi ako masiyadong tumitingin sa kinaroroonan nila.

Mariin na kinakagat ko ang aking labi nang sa ganoo'y manatili akong gising.

"You okay?" Rinig kong tanong sa'kin.

Ramdam ko ang mga hakbang niyang palapit sa'kin. Maging ang mga tingin nila ay napagawi sa'kin.

"What's going on?" tanong ng ina ni Jackross.

"Are you okay, Gacianna?" tanong ni Danica.

Nang hawakan ako ni Frivo ay mabilis ko itong tinapik. Naalis ang pagkasandal ko at humakbang ako palayo sa kaniya.

Dahil sa natapik ko si Frivo. Naging dahilan ito para mawala ang pagkahawak ko sa tuwalya dahilan para unti-unting mahulog ang tuwalya.

"Oh my god!" Narinig ko ang pagsinghapan nila.

Mariin akong napakapit sa sugat ko. Kanina ko pa pinipigilan ang pag-agos ng dugo pero mukhang malalim ang natamo ko.

Marahan akong tumingin kay Frivo. Marahan akong humakbang palayo.

"D-don't l-look." mahina at pilit kong saad.

Unti-unting lumalabo ang aking paningin. Lumuwag din ang pagkakapit ko sa aking tagiliran hanggang sa naramdaman kong unti-unting natutumba na ako. Ngunit hindi ko naramdaman ang pagbagsak ko sa sahig. Sa isang bisig ako bumagsak. Narinig ko ang kanilang pagtawag sa pangalan ko bago ako tuluyang nawalan ng malay.

TheKnightQueen 🍀

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top