so close
(unedited)
-
Kabanata 22
so close
Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata. Una kong nabungaran ang gwapong mukha ni Red na titig na titig sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang magsalubong ang tingin namin.
"A-anong!" utas ko at agad napabalikwas ng bangon ngunit muli rin akong napahiga nang maramdaman ang sakit ng aking katawan...lalo na ang ibaba...
"Don't move!" utas niya sa akin at agad akong inalalayan. Napangiwi ako sa sakit.
Ibinaba ko ang aking tingin sa aking katawan. Saka lang nag-sink in sa akin ang nangyari kagabi!
We made love!
Oh my holy...
Nag init ang aking pisngi nang maalala kung paano niya ako halikan kagabi...at kung paanong ang mga kamay niya--
"Hey, what are you thinking," utas niya sa akin at pinitik ang noo ko. Agad nalipat sa kanya ang aking tingin.
Nakangisi ang kanyang mapulang labi.
Dagli akong nag-iwas ng tingin.
Suot ko na ngayon ang kanyang white- long-sleeve polo. Mahaba iyon kaya't medyo natakpan noon ang aking undies! Nakapantalon lang siya at naka-topless sa harapan ko! Oh good Lord!
"Sira na yung dress mo..kaya.." aniya sa akin na lalong nagpainit ng aking mukha.
I can't believe we just made love at his car! At his freakin' car!
I cannot believe!
Inalalayan niya akong makaupo sa may shotgun seat. Nahihiya ako sa kaya dahil nakita nya na ang mukha kong bagong gising...as in bagong gising!
Hindi ko na kailangan pang tingnan ang aking sariling repleksyon sa salamin para malaman kung gaano kasama ang hitsura ko ngayon!
"Good morning..." aniya kapagkuwan sa akin. Tinapunan ko siya ng tingin at nakitang ngising-ngisi siya. Napatakip ako sa aking mukha sa sobrang kahihiyan..
Hindi ko na alam ang dapat naming gawin pagkatapos ng ginawa namin. Kagabi...hindi ko na inisip ang bukas...at ngayong tapos na ang nangyari, hindi ko na alam ang dapat kong gawin.
"R-Red..." utas ko sa kanya. Nagtama ang aming mga mata.
"Don't ask me what will happen..." aniya at sumandal sa may driver's seat. Kumirot ang aking puso habang pinagmamasdan siya roon.
Wala siyang...plano?
"We just made it...a plain sex.." malalim ang tinig na utas niya na nagpatigil sa akin.
"But we are--!"
"Oh, cut the crap out! Alam kong alam mong hindi," utas niya sa akin at binalingan ako.
Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang isiniwalat. He...he knows? He knows the truth? Kailan pa?
Nginisihan niya ako at umiling. "Right? All this time, you knew we aren't blood-related, Jakirah. Alam mong pwede tayo. We aren't siblings after all..." utas niya na tila ba napakadali lang isiwalat noon sa mukha ko.
Nangilid ang luha sa aking mga mata habang pinagmamasdan ang walang ekspresyong mukha niya.
He..knew..
Nanginig ang aking labi at akmang hahawakan siya ngunit agad niyang iniwas ang kamay.
"I get it, Jakirah. I get it," utas niya at hinarap ang manibela.
"We're adults now...we can have sex whenever we want.." kaswal ang tinig na utas niya. Nanlamig ang kalamnan ko sa mga naririnig sa kanya.
"B-But Yumirah.." ani ko sa kanya. Unti-unting napapalitan ng lamig ang init na naramdaman ko. Hindi ko akalain...na ganito siya.
Ngumisi siya sa akin. "Yumirah? What about her?" nakataas pa ang isang kilay na utas niya.
"She's your fiance! Ano na lang ang mararamdaman niya kung malaman niya ang nangyari sa atin-"
"Then you won't tell her," simpleng utas niya at pinaandar na ang kanyang Rush. Natigilan ako.
"What?" hindi-makapaniwalang utas ko sa kanya.
"You won't tell, that simple." malamig ang tinig na utas niya. May nakakainis pa ring ngisi sa kanyang labi.
Nag-init ang aking ulo sa ugaling ipinapakita niya. He's talking like he doesn't care about me or Yumirah at all!
"Jerk." mariin ang tinig na utas ko.
Humalakhak siya. "I know...I know," utas niya at di na ako nilingon.
Nanggagalaiti ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa condo unit. Hindi ko akalain na ganito na siya ngayon! He's making love to other women! Even he's with his fiancee!
Asshole! A complete jerk!
"Pray Frairie and Crystal are still asleep.." utas niya sa akin ng itigil niya ang kanyang Rush sa parking lot.
Hindi ko siya kinibo. Biglang sumibol ang kaba sa aking dibdib nang maalala ang mga pinsan kong nasa loob ng unit..
Hinagilap ko ang aking pouch ngunit wala akong makita. Napamura ako nang maalalang naiwan ko yun sa club! Bwisit kasi hila nang hila!
"Mag-ayos ka saglit..." aniya sa akin nang makita niya ang hitsura ko. Naiinis ko siyang inirapan at mabilis na hinagod ang aking buhok gamit ang aking mga daliri.
Nakita kong bumaba ang kanyang tingin sa dibdib ko. Nag-init ang pisngi ko nang makita nakabukas ang dalawang butones doon kaya't dumudungaw ang aking cleavage.
"Magbu-butones na nga lang, ipapakita pa ang dibdib ko!" iritadong utas ko sa kanya na kinangisi niya.
"Of course.." mababa ang tinig na sagot niya. Bwisit! Ang manyak pa!
Ibinutones ko ang isang butones doon at hinanap ang aking heels. Agad ko iyong naktia sa ibaba ng upuan at kinuha.
Natigilan ako nang bigla niyang ibaba ang laylayan ng suot kong long-sleeve polo. Napaangat ako ng tingin sa kanya.
"Your underwear is waving at me.." seryoso ang tinig na utas niya na nagpainit sa aking mukha. Agad kong tinampal ang kamay niyang nasa legs ko na at tinalikuran siya saka sinuot ang aking heels.
"Akala mo naman hindi ko nakita." narinig kong bulong niya pero rinig na rinig naman.
Lalong nag-init ang aking mukha.
"Shut the fuck up!" iritang utas ko at mabilis nang binuksan ang pinto.
"Hey, wait me! Shit!" galit ang tinig na utas niya at mabilis ko nang narinig ang pagbukas at pagsara ng pinto sa driver's seat. Hindi ko siya nilingon at mabilis ang naging lakad ko. Hanggang sa kalahati ng aking hita ang long-sleeve kaya kahit paano ay di ako nasisilapan, ngunit kailangan ko pa ring mag-ingat sa paglalakad..
"Damn it! You are so stubborn!" galit na bulong niya sa tainga ko.
Napaigtad ako at naramdaman ang pagtaas ng mga balahibo ko sa batok dahil sa init ng kanyang hininga.
"Ano ba!" mahina ang tinig na utas ko dahil hinapit niya ako sa may beywang ngunit bumaba rin ang kanyang kamay sa laylayan ng kanyang long-sleeve.
"I am trying to cover you, lady. Kaunti na lang makikitaan ka na ng mga tao rito!" iritadong utas niya sa akin.
Bago pa ako makahuma ay niyakap niya ako nang papasok na kami sa mismong building.
Napamura pa ako nang masalabit ako sa paa niya.
"Let me go!" galit na utas ko dahil nararamdaman ko ang kanya sa kin at naiirita ako nang sobra! Naalala ko ang kagabi!
"No! Stop being so stubborn!" galit ding utas niya sa akin. Nakita kong pinagtititnginan kami roon. Damn him!
Nang tuluyang makapasok sa elevator ay sinandal niya ak osa may pinakagilid at tinakpan ng kanyang katawan. Agad ko siyang sinamaan ng tingin ngunit sinimangutan niya lang ako.
"Bakit mo kasi sinira ang damit ko! Kung di ba naman--" utas ko sa kanya ngunit nginisihan niya lang ako.
Napangiwi ako nang maraming tao ang sumakay sa may elevator. Mariin kong pinikit ang mga mata ko sa sobrang inis nang kaunti na lang ay magdikit na kami rito.
Nakita ko ang pagbaba ng kulay-tsokolate niyang mga mata sa aking labi. "Stop." iritang utas ko sa kanya ngunit mas naaliw pa yata.
Fuck!
"Red?" Nanigas ako sa kinatatayuan ng marinig ang pamilyar na tinig ni Ryzen! Oh my good Lord! Agad akong yumakap kay Red upang matago ang mukha ko.
"Oh! Ryzen.." ani Red, nanatili ang likod kay Ryzen.
"What are you doing..." ani Ryzen, pilit sinisilip si Red. Naramdaman ko ang matitipunong braso ni Red na kinarga ako. Napangiwi ako at lihim siyang minura nang maramdaman ko ang kamay niyang humaplos sa pisngi ng pwet ko. Damn, pervert!
Wala akong choice kundi iyakap sa kanyang baywang ang aking hita.
"You know...men stuff.." nakangising utas ni Red kay Ryzen na humalakhak.
"Sino na naman yan? Diba nag-usap na tayo, Red? Habang di pa gumagaling si Yumirah--"
"Yes! I know, I know, Ry..let's not talk about it here..I am busy.." maagap na putol ni Red kay Ryzen sa kung ano pang sasabihin nito.
Natigilan ako.
Anong ibig sabihin ni Kuya?
Hindi pa ako tapos mag-isip nang maramdaman ko ang pag-tap ni Ryzen kay Red sa likod.
"Thank you, Red. It means a lot to me.." seryoso ang tinig ni Ryzen. Nag-angat ako ng tingin kay Red na blangko ang ekspresyon ng mukha.
I don't get them...
Nang makarating na kami sa floor namin ay mas hinigpitan ko ang yakap kay Red. Nang sumara ang elevator ay saka niya ako binitawan.
"You should go." seryosong utas niya sa akin at nauna na siyang naglakad. Sumabay ako sa paglalakad niya.
"What is it? Anong ibig sabihin nang pinag-usapan nyo ni Ryzen?" ani ko sa kanya.
"None of your business," malamig ang tinig na utas niya at pumasok na sa kanyang condo unit. Naiwan akong tulala sa kanyang pinto.
What? What's the meaning of that?
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng condo unit. Mukhang tulog pa sila dahil tahimik ang living room. Lihim akong nakahinga nang maluwag.
Nang akmang bubuksan ko na ang pinto ng kwartong inookupa ko ay bigla akong nanigas sa aking kinatatayuan.
"Where have you been, Jakirah?" nanlamig ako sa tinig ni Frairie. Dahan dahan ko siyang nilingon na nakasandal sa may hamba ng kitchen.
"A-ah..." hindi makasagot na utas ko.
"Did you sleep with Chaser?" Nalipat ang tingin ko sa kalalabas lang na si Crystal. Mukhang wala silang mga hangover..
"Nawala rin siya bigla kagabi...pati si Red..." ani Crystal at tinignan ako ula ulo hanggang paa.
Natawa siya nang makita ang aking hitsura.
"Look...it's obvious..you slept with someone." nakangising utas niya.
Nanlamig ang aking kamay.
"Who was it, Ja? Chaser? Or Red?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Frai. Hindi siya ngumingiti.
"A-ah..."
"Gaga ka ba, Frairie? Syempre kay Chaser. Kapatid niya si Red! She can't sleep with him!" malakas ang tinig na utas ni Crystal.
Nanginig ang aking kamay habang ayaw akong tigilan ng kakaibang tingin ni Frairie.
"White long-sleeve polo ba ang suot ni Chaser kagabi?" utas ni Frai habang titig na titig pa rin sakin
Nangilid ang luha sa aking mga mata.
"I-I will ex--"
"Shut the fuck up, Frairie!" iritang utas ni Crystal.
"Mag-ayos ka muna, Ja. Kwento mo sa akin nangyari after ha! Mukhang jumbo yun si Chaser eh!" mapaglarong utas ni Crystal sa akin at kinindatan pa ako. Dumiretso na siya sa may kitchen pagkatapos noon.
Naiwan kami ni Frairie na magkatititigan.
"Guess you had a wonderful night, couz," nakataas ang isang kilay na utas niya at nginisihan ako.
Nang makapasok ako sa aking kwarto ay nanginginig pa rin ako. That was close...that was so close!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top