right

(unedited)

-

Kabanata 13

right


Hindi na lang ako nagsalita buong byahe. Naiinis ako pero sa di ko malamang dahilan ay masaya ang puso ko ngayon. I don't want to admit it...but heck, it is the truth!

Napailing-iling ako. This shouldn't get far...this should stop...


Tahimik din siya na lihim kong pinagpasalamat. Nakarating na rin kami sa LSU. Huminga ako nang malalim. Agad kong namataan ang mga pinsan kong nag aabang sa may parking lot.

Kinagat ko ang aking labi at agad ng bumaba. "Take care..." ani Dart sa amin, nakatunghay sa may labas. Ngumiti lang ako sa kanya habang si Louissiana ay mabilis siyang hinalikan sa pisngi.


"Bye, kuya..." ani Loui. Kumaway rin ang iba naming pinsan.

Actually, kinakabahan ako ngunit dahil kasama ko naman sina Crystal..kahit papaano ay hindi na ako kinakabahan. Ibang ang course nina Red, Blaster, Dia at Kaizer. Maging si Louissiana. Si Frairie ay tulad kong Accountancy habang si Crystal ay Finance. Kaya may mga subject na blockmate namin ni Frai si Crystal.


"Kita na lang mamaya.." ani Crystal at kinindatan ako. Ngumiti lang ako sa kanya habang naghiwa-hiwalay na kami ng daan. Napabuntong hininga ako.


"You okay?" untag sa akin ni Frairie. Agad ko siyang tinapunan ng tingin. 

"Yeah.." ani ko at di na muling nagsalita.


Napaigtad ako ng mag vibrate ang cellphone ko pagkaupong pagkaupo ko palang sa upuan.


Nilabas ko ang aking phone at tinignan kung sinong nag message.


From Red

See you at cafeteria...


Mariin kong kinagat ang aking labi. "Who's that?"


Muntik ko ng maitapon ang aking cellphone ng biglang dungawin ni Frairie ang aking phone. Buti na lang at agad kong naiwas iyon. Mabilis ang kabog ng aking dibdib ng mapatingin sa kanya.


"Hey...I didn't mean to startle you..." natatawang utas niya habang weirdo akong tinitignan.


Agad kong binulsa ang aking phone. "O-Okay lang.." ani ko at nag iwas na lang ng tingin.


Dammit. I should be careful...damn. Paano na lang kung nakita niya yun?!


Ramdam ko ang pagtagal ng tingin niya sa akin. Buti na lang at dumating na ang professor namin.

 Mabilis lang ang bawat klase dahil nga first day palang. "Papunta na raw sina Crystal.." imporma sa akin ni Frairie habang busy siya sa pagtipa sa kanyang phone. Tinignan ko lang ang mga estudyanteng unti-unting pumupuno sa cafeteria. 

Iniisip ko kung ano ang dapat kong gawin...Pero alam kong niloloko ko lang ang sarili ko. I know what I should do...but I can't do it. Damn.


"Here they are!" Agad naagaw ni Frai ang aking atensyon at napatingin sa tintignan niya. Napaawang ang bibig ko ng agad siyang mahagip ng mga mata ko. He is looking straight to me.


Hindi ko napansin ang kaway na kaway na si Crystal at ang nakangising mukha nina Dia at Kaizer. Maging ang walang eskpresyong mukha ni Blaster...dahil sa kanya agad dumiretso ang aking tingin. His eyes are serious...so serious.


Nanindig ang aking balahibo. I know...I know this is all wrong...that once everyone knew about us, we'll be dead. But I can't help myself. I can't...stop myself...my heart from falling deeper...deeper in love with him all over again.


I know this is all crazy. This is all going to waste. We can't be, sino bang niloloko ko? Yes, we can be happy for a moment...for months..but...this is all temporary.


I can't risk my all. I just can't risk this time around but my heart wants to try again. Especially now that I know the truth...that we aren't really blood-related.


But I should not be selfish, right? I shouldn't be, right?

Pinagmasdan ko siyang maglakad palapit sa akin, palapit sa amin. At least, I can still be able to be with him..I can still be able to talk to him..


"How's class?" masayang untag ni Crystal. Kung hindi niya pa ako tinapik sa pisngi ay hindi ako mag aangat ng tingin sa kanya.


Pilit akong ngumiti. Mabilis ang kabog ng aking dibdib. He's watching me so closely.


"We're great...boring," ani Frairie at nilingon ako. Tumango lang ako sa kanya at tipid na ngumiti.


"Ayos ka lang, Jaki?" nakataas ang isang kilay na puna sa akin ni Diamond. Mukhang napansin niya ang pagkabalisa ko.


"O-Oo naman!" ani ko, pilit pinasigla ang tinig.


Ngumuso si Crystal at tinitigan ako. "N-Nagugutom lang siguro..." dagdag ko na lang. Umupo na sila sa tabi ko. Nginitian ako ng tipid ni Blaster habang si kaizer ay pinat ang aking ulo.


"Kami na ni Frai mag-o-order.." ani Crystal at hinila patayo ang walang ganang si Frairie.


Pansin kong kanina pa siya ganyan...tila walang gana. I don't know why though...


Hindi ko na siya natanong dahil maging ako ay distracted. Nanigas ako sa kinauupuan ng umupo sa tabi ko si Red.


"Hey.." bulong niya sa akin. Dumampi ang kanyang hininga sa tainga ko. Agad may kung anong humaplos sa aking tiyan.


Hindi ako nakasagot. Mariin kong kinastigo ang sarili. I should act normal...


"Alam mo ba, Jaki...ka-bago bago palang nitong si Red, sobrang popular na kaagad sa building nila..." nakangising utas sa kin ni Kaizer.


Napaangat ako ng tingin sa kanya, hindi alam ang sasabihin.


Alam ko namang agad siyang pagkakaguluhan dito...


Ginala ko ang mga mata sa paligid. Napansin ko ang mga panaka-nakang sulyap nila sa aming table. Napailing-iling ako.


Bukod kay Red, for sure ay maging ang mga pinsan ko ay sobrang kilala rito...


"Mukhang aagawan pa kami ng chicks..." ani Diamon at umiling-iling. Natawa si Kaizer.


"Shut up, Diamond," iritang utas ni Red at binalingan ako.


Nag-angat ako ng tingin sa kanya at agad kong nakita ang mapungay niyang mga matang nakatingin sa akin.


"Don't mind them.." mababa ang tinig na bulong niya upang di marinig ng ibang kasama namin sa mesa.


"Blast, ikaw nga tumulong kay Crystal...wala ako sa mood," utas ni Frairie sa likod ko. Agad akong napaigtad at lumayo nang kaunti kay Red na sobrang lapit sa akin.


Nilingon ko si Frairie na kauupo lang, seryoso ang kanyang mukha. Tumango si  Blaster at umalis na para makapunta sa counter.


Kinagat ko ang aking ibabang labi.


"Anyare sayo? Nagkita kayo ni Xide?" natatawang asar ni Kaizer kay Frairie na agad sinamaan ng tingin ng huli.


"Oopps.." ani Kaizer at tinignan si Dia na nagpipigil ng ngisi.


"Di pa rin nakaka move on..." 


"Shut the fuck up, Kaizer!" galit na utas ni Frairie. Nagulat ako doon kaya't napabaling ako sa kanya.


Who is Xide? Bakit sobrang affected ni Frairie pag ito na ang pinag uusapan? Is he her ex?


Dumating na ang in-order nina Crystal at Blaster. As usual, maingay ang mesa namin dahil kay Crystal, Kaizer at Diamond.


"Dude, you should hit on Melanie..." utas ni Dia at itinaas baba pa ang kanyang magandang kilay.


"Yeah...you should have saw her face when she approached you!" ani Kaizer at nakipag high five kay Diamond na todo rin ang ngisi. Ayoko na sana sila pakinggan pero wala naman akong magawa...


Napabuntong hininga na lang ako at kinagatan ang aking cheese burger.


"Yeah! Nakakainis 'tong si Red eh..." ani Dia.


"You can hit her up...I don't care about her anyway," utas ni Red.


Nakita ang mabilis na pagsalubong ng kilay ni Diamond.

"I am really suspecting your behaviour, dude...so unusual.." ani Diamond at pinanliitan pa ng mga mata si Red na tila nanunuri.


"Anong unusual duon, Diamond? It's because he has a fiancee!" iritadong utas ni Frairie at umirap pa.


"Ha! Kahit na! Dati nga, pinagsasabay-sabay niya pa ang mga babae..." ani Kaizer.


Tila di ko na malunok ang nginunguya kong burger. Bato na ata.


"He has changed!" ani  Crystal at binalingan si Red.


"Is it because of Yumirah?" ani Crystal.


Natigilan kami parehas ni Red. Hindi ko alam na pinipigilan ko na palang huminga habang hinihintay ang sagot niya...


It would hurt...hearing from him..


"Let's not talk about that.." malamig ang tinig na utas ni Red at nilabas ang kanyang cellphone.


"Si Louissiana...di pa ba tapos class nila?" untag ni Blaster. Medyo nakahinga ako nang maluwag dahil lumihis ang usapan.


"Ah! Oo nga pala!" an Crystal at luminga linga sa paligid. "Kanina ko pa siya tinext kung nasaan tayo banda eh..."


Nag vibrate ang cellphone ko. Nilabas ko yun at tinignan ang text.


From Red

Magpaiwan ka mamaya...sabay tayong umuwi.


Nanginig ang kalamnan ko pagkabasa sa kanyang text message. He is making me do things for him...for us..


Naguguluhan ako. Natatakot ako. Pero natutuwa ang puso ko. Hindi ko ma-contain ang halu-halo kong nararamdaman. Gusto kong batukan ang aking sarili dahil hindi ko masupil ang ngiting nagpupumilit sa aking labi.


To Red

Bakit?


Huminga ako nang malalim at nagpatuloy sa pagkain. Ilang sandali lang ay nag vibrate muli ang phone ko.


From Red

I want to be with you...


Nanindig ang balahibo ko dahil kahit text lang yun ay tila narinig ko pa rin sa aking tainga ang boses niya. Mariin akong napapikit.  Alam kong pinanonood niya ako.


Nanginig ang tuhod ko. Buti na lang at nakaupo kami kundi...

Shit.


Natapos ang break time saka palang namin nakita si Louissiana. "Ba't ngayon ka lang?" ani Crystal at sinimangutan si Louissiana na pilit hinahabol ang hininga. 


"M-May nangyari lang...pero nag lunch naman na 'ko," aniya sa amin at kiming ngumiti. Tumango si Frai.

"See you na lang.." ani Frai at kinuha na ang aking palapulsuhan. Napabaling ako sa kanila habang kumakaway si Crystal habang nauuna nang maglakad si Dia at Kaizer. Si Blaster ay kausap si Red pero ang mga mata niya ay diretsong nakatitig sa akin.


Matiim siya kung makatingin. Nakakanginig tuhod. Damn, Villamor!


Hindi ako nakapag focus sa buong durasyon ng klase. Iniisip ko ang ang message ni Red. I shouldn't go. I should turn him down...


It is the safest.


Pero bakit parang may pumipigil sa akin?


"Oh, Jaki. Tara na," untag sa akin ni Frairie. Hindi na gaanong mainit ang ulo niya. Nginitian niya ako habang nag aayosng gamit.


"S-sige." ani ko at sinukbit na ang aking bag.


"They're waiting na ata sa parking lot.." utas ni Frairie habang naglalakad kami sa may hallway, busy siya sa kanyang cellphone. Kinagat ko ang aking ibabang labi.


I don't know what to do anymore...


"Jaki?" untag sa akin ni Frairie. Medyo nakakalayo na siya sa akin, di ko namalayan na masyado akong mabagal maglakad.

"H-huh?" ani ko.


"Tara..." utas niya. Tumango ako at tipid na ngumiti bago siya sabayan.


"Nasaan na si Red?" nakakunot ang noong utas ni Crystal, lumilinga-linga sa paligid.


"Baka nang-chi-chicks lang yun.." ani Diamond.


Umirap si Crystal. "So, dito ka na lang sasabay, Ja?" ani Crystal.


Tumango ako. Pilit ina-assure ang sarili na ito ang tamang gawin. Ang dapat gawin.


Bumuga ako ng hangin at sumakay na sa kotse ni kuya Dart.



This is right...this is right...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top