congratulations
(unedited)
-
Kabanata 15
congratulations
Ilang Christmas...New Year..Valentine's at iba pang holidays ang dumaan...wala siyang paramdam. I slowly got used to it...slowly...
"Wala ba talagang balak umuwi si Red?" usisa ni tito Yuler, dad nina Crystal.
"Oo nga, Jack...it's been two years..." ani Tita Janice habang kiming naghihiwa ng steak.
Today is December 24. Second Christmas na wala si Red. Nandito si Mrs. Villamor. Mula nang dumating siya ay hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin.
I can't feel anything. Manhid na yata...
Of course, masaya ko dahil kasama ko sina papa at kuya Ryzen...maging ang mga relatives ko ngayong Christmas..but there's something...or someone missing...
"I really don't know...ayaw niyang magsabi sa akin, kahit na kay Rouella at Ryzen.." pormal na utas ni papa. Nagkasalubong ang tingin namin at tipid akong nginitian.
Nagbaba na lang ako ng tingin.
It's been two years...he should come back..
"Hindi ko nagugustuhan ang pagiging independent niya masyado...kailan ba sila magpapakasal ng Yumirah na yon?" utas ni tito Jordan.
Natigilan ako sa narinig mula kay tito Jordan. Muntik ko nang maihulog ang hawak-hawak kong kutsara at tinidor buti na lang ay naagapan ko.
"Wala pa akong balita sa mga plano ni Red, Jordan..." kalmadong utas ni papa, nakatuon ang tingin sa kanyang pagkain.
Nawalan ako ng gana sa pagkain mula noon. Pilit kong inuubos ang pagkain na nasa aking pinggan dahil ayokong may makahalata...lalo na ang katabi kong si Ryzen.
Napuno ng usapan ang mahabang mesa tungkol sa politika, business at kung anu-ano pa. Hindi ako makasabay at tahimik lang sa pagkain. Ang daming plano ng mga tito at tita ko...sa kung ano ang mga mangyayari sa hinahawakan nilang kompanya...
"How about Jakirah...?" Natigilan ako at napakurap-kurap ng marinig ang pangalan ko. Ano na nga ang pinag-uusapan nila?
"P-Po?" ani ko.
"I think you should work in Manila...mas maraming opportunities duon.." ani tito Yuler at nginitian ako ng tipid.
Nakita ko ang pagtango ni tita Janice.
"Yes, I agree...Jaki. May kakilala akong kilalang accounting firm sa Manila...I think you should work there," utas niya.
Napatingin ako kay Papa na mataman lang din akong pinanunood. "What do you think, Jack? Babalik ka ba ng States?" usisa naman ni tito
"I need to. May inaalagaan akong investment.." ani papa. "Let Jaki decide.."
"I think it is a great idea, Jaki.." dagdag ni Ryzen sa tabi ko kaya napaangat ako ng tingin sa kanya. Hindi ko alam...hindi ko pa nga napag-iisipan kung saan ako magtatrabaho..
"Yeah...magandang iba na ang environment ng work place natin, Ja," utas ni Frai sa akin pagkakuwan.
Saka lang nag sink in sa akin na kung saan ako pupunta ay duon din siya since parehas kaming ga-graduate ng Accountancy.
Tumango ako. "Yeah...I think it is a good idea," ani ko na lang din at nagpatuloy sa pagkain.
"No! That means malalayo ako sa inyong lahat!" maktol ng pinakabatang si Emerald. Humalakhak ang iilang relatives namin maging ang mga pinsan ko.
"Okay lang yan, Emerald. Di ka naman pababayaan ni Blaster at Dia," asar ni Crystal.
Hindi yata aalis ng Laguna sina Blaster at Diamond. Ang rinig ko ay pupuntang States si Kaizer habang si Louissiana ay luluwas din ng Manila. SI Kuya Dart ay sa Cagayan na maninirahan pansamantala dahil sa aalagaan niyang lupa roon na parte ng pinlalago ng pamilya nila. Ang alam ko rin na Agriculture ang kinuhang course ni kuya Dart. Mahilig talaga siya sa mga probinsiya.
Bumusangot ng mukha si Diamond. "I should also go to Manila," utas ni Diamond sa seryosong tinig.
"Stop it, Diamond..." utas ng mama ni Dia.
Hindi ko alam kung anong mayroon tungkol sa pamilya nna Diamond. Ang alam ko lang ay ayaw paalisin ng parents niya si Dia sa Laguna..
Nagpatuloy ang mahabang kwentuhan. Nakahinga ako nang maluwag habang nakatingala sa madilim na kalangitan mula sa bintana ng aking kwarto.
Nasaan ka na kaya, Red? Ayos ka lang kaya? Ano na kayang nangyayari? Bakit...bakit hanggang ngayon hindi ka pa rin mahagilap?
Sumagi sa aking utak ang huli kong balita kay Red...ang video niya kasama si Yumirah sa isang bar...
Mapait akong ngumiti habang tinitignan ang mabining buwan at ang pagkinang ng mga bituin sa kalangitan.
Masaya na siya...syempre...
Nag-init ang gilid ng aking mga mata. Kapag ganitong mga gabi, hindi ko maiwasang maging emosyonal habang iniisip ang lahat ng nangyari. I find it so unfair...so biased. Bakit ganoon sa amin ang tadhana? Bakit ang saklap? Bakit bawal?
Pinalis ko ang luhang pumatak sa aking pisngi.
Saktong pagpatak ng alas-dose. Masaya dapat ako ngayon dahil Christmas...pero hindi iyon maramdaman ng aking puso. I feel so empty..so hollow inside.
Ilang beses ko siyang tinulak palayo...ang sama-sama ko...habang inaalala ko lahat ng ginawa ko at lahat ng nangyari, iniisip ko kung paano ko iyon nagawa sa kanya..at kung paano nag end up lahat sa ganito. Sa ganitong naiwan ako. Umiiyak. Basag. Wasak. Luhaan.
Hinayaan kong pumatak ang sunod-sunod na luha sa aking pisngi. Hindi ko na maaninag nang maayos ang madilim na kalangitan dahil sa mga luha. Ang alam ko lang ay sobra akong napupuno ng kalungkutan..
I missed him so much..
I missed...him...
Tinakpan ko ang aking bibig gamit ang aking dalawang palad upang walang kumawalang hikbi. Ramdam ko ang bigat sa aking dibdib..kahit ilang beses pa akong umiyak, ilang beses pang pagsisihan lahat...hindi pa rin mababago ang katotohanang wala na. Tapos na.
Ito ang pinakahihintay ko noon, hindi ba? Ang tuluyan siyang mawala...ang tuluyan siyang sumaya sa iba. Kaya paulit-ulit ko siyang itinulak palayo...para protektahan kaming dalawa pareho..pati ang pamilya namin, pero sa huli...ang sakit-sakit pa rin...
Hinayaan kong mawala ako nang gabing iyon. Hinayaan kong umiyak na tila bata ulit. Hinayaan kong ilabas lahat ng hinanakit sa aking sarili...sa tadhana...sa lahat. I want to break free..I want to move on...to let go...
* * *
Ang ingay-ingay ng mga pinsan ko habang pabalik kami sa bahay para mag-celebrate ng graduation. Masaya ako, of course, dahil sa wakas ay graduate na ako...
"Let's lose ourselves for tonight! Yes!!" maingay na sigaw ni Crystal at itinaas pa ang dalawang kamay. Nakita ko ang pag simangot ni Blaster ng tamaan siya ng kamay ni Crystal.
Napangiti ako.
"Oh yeah! Iinom ako nang marami dahil aalis na ako!" ani Kaizer at humalakhak.
"Damn you, dude," ani Diamond sa hindi masayang tinig. Humalakhak lalo si Kaizer. Ilang araw nang ganyan si Diamond, nakakapanibago na hindi siya kasing ingay ni Crystal..
I wonder what's going on.
Nagpatugtog nang malakas sa stereo si Blaster. Si Frairie ay kinakausap ako tungkol sa nangyari kanina sa graduation. Hindi ako makapag focus..
"Dumating na raw si Red ah.." Natigilan ako ng marinig iyon mula kay kuya Ryzen na nagda-drive.
Yes, he's still here. Hinintay nila ang graduation namin, maging si papa at ang mga tito at tita ko.
"What?! For real??" gulat na utas nina Frai at Crystal.
Tumango si Ryzen at sinulyapan ako sa rearview mirror. Maging ang katabi niyang si Dia ay napatingin sa akin.
Nag iwas ako ng tingin habang pinakakalma ang naghuhuramentado kong puso.
"Saan siya? Here sa Laguna?" ani Frairie.
"Iyon lang...walang sinabi..." ani Ryzen na ikinatahimik ng lahat.
"Nagtatampo na ako dyan ha! Feeling ko nagpakasal na sila ni Yumirah sa kung saang lupalop sila naglagi!" utas ni Crystal na nagpout.
Kinagat ko ang aking ibabang labi at nagkunwaring tinitignan ang mga congratulatory messages ng mga classmates at kaibigan ko sa aking phone.
Walang pumapasok sa aking utak kundi...
siya.
Narinig ko ang halakhak ni Ryzen at Kaizer. "Baka nga.." ani Kaizer at umiling-iling.
"Bastard. Di man lang tayo binalitaan," ani Diamond at umiling-iling.
"He's always been like that...so secretive," ani Frairie at bumuntong-hininga.
Sa mga naririnig ko sa kanila ay unti-unti akong nawawalan ng pag-asa. Yumuko na lang ako at pilit iwinaksi ang lahat ng iyon sa aking isipan.
Maybe they really...
Iniisip ko pa lang ay pinanghihinaan na ako ng loob. I am so stupid...I feel so stupid.
"Woooow!" utas ni Crystal nang makababa kami mula sa sasakyan. Kararating lang din ng ibang mga kotse na ginamit since hindi kami lahat kasya sa isang sasakyan.
Nakita ko pa ang maamong mukha ni Louissiana na kabababa lang sa kotse ni Dart. Nginitian niya ko.
Sobrang pinaghandaan ng after party para sa graduation namin. Since marami kaming gumraduate ay talagang pinaghandaan ng mga tito at tita ko.
"Saan ka?" utas sa akin ni Ryzen ng makitang dire-diretso lang ang paglalakad ko sa maluwang na lawn kung saan gaganapin ang after party.
"Palit lang," ani ko. Tumaas ang isang kilay niya at tumango. "Balik ka kaagad."
Tumango na lang ako at mabilis na silang iniwan duon. Actually, I really don't want to participate in any party right now. I feel so exhausted..
O baka dahil lang sa narinig kong usapan nila kaya ayoko nang makihalubilo bigla.
I don't know.
Naiinis ako sa long-sleeved white dress na ipinasuot sa akin ni Ryzen. Dahil bukod sa nakakainis na ruffles nito sa may sleeve ay ang init-init pa. Nagpasya akong magpalit ng isang royal blue sleeveless dress. Manipis lang ang strap nuon kaya kitang-kita ang collarbone ko. Bumagay iyon sa aking complexity. Ang init..
Itinali ko ang mahabang buhok sa isang bun upang walang pumuntang buhok sa aking mukha. Nang maayos na ay bumaba na rin ako. For sure pag tumagal pa ako ay kakatukin na ako ni Ryzen. Ayoko naman noon.
Pagkababa ko sa may lawn ay nagkukumpulan ang mga pinsan ko sa iisang table duon. Nagtaka ako dahil ang ingay nila at tila may tinitignan sila sa may table. Agad niyong naagaw ang aking atensyon.
Mabilis akong lumapit sa kanila para makiusyoso.
"Gosh! Kailan ka ba babalik dito sa Laguna?! I hate you!" narinig kong utas ni Crystal kasabay ng pagsang ayon ni Emerald.
"Dude, naka-score ka na 'no?" may ngising utas ni Diamond at humalakhak kasabay ni Kaizer.
"Meron..na yan..." utas ni Kaizer.
Hindi ko maintindihan ang pinag uusapan nila kaya mas lumapit pa ako.
"Fuxk you..." malalim at natatawang utas ng pamilyar na tinig na iyon.
Tila tumigil ang aking mundo at natulos ako sa kinatatayuan. Ang boses na yun...kilalang-kilala ko ang may-ari n'on...
Bumilis ang kabog ng aking dibdib at tila inilipad ako sa kalawakan habang hindi gumagana ang utak ko...
Is he...here?
"Jakirah! Andito ka na pala.." Natigilan ako nang marinig ang utas ng pinsan namin...hindi ako lumingon dahil hindi ako makagalaw. Tila ako naestatwa roon.
Sabay-sabay nila akong nilingon. Sa hindi ko malamang dahilan ay bigla silang nagsialisan duon..
"Red, si Jakirah..." utas ni Ryzen at umalis sa harapan ng screen.
Doon nagtama ang mga mata namin. Nanginig ang tuhod ko nang mawala ako sa kulay-tsokolate niyang mga mata. Namilog ang mga mata niya at napaawang ang kanyang bibig habang tinitignan ako.
I feel so foolish. Bigla na lang nangilid ang luha sa mga mata ko.
Fuck. For two fucking years...I never even had a glimpse of him..
Dammit. I miss him so much. So much...
Gusto kong yakapin yung screen...halikan..gusto kong magmakaawa pero wala akong lakas.
"Hey, congratulations..." malalim ang tinig na utas niya nang makabawi. Tila ako binuhusan ng malamig na tubig.
He called me not by my name...
"A-ah..s-salamat.." awkward na utas ko. Ngumiti siya nang tipid at tumango...tila dini-dismiss na ako.
"Grabe, Red! I missed you so bad!!" utas ni Crystal at humarang bigla sa may screen. Iyon na ang cue.
Tumalikod ako sa kanila at huminga nang malalim.
The heck....what was that?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top