CHAPTER 85


Karen POV

Lalabas na sana ako sa kotse ng magsalita si kuya

"I-m sorry"- napatingin ako sa kanya at iniwan na siya don. Dumeretso na ako room .nakakainis pa din siya. Ano ba kasing ginawa nila mom sa kanya para magalit siya. Hindi ko na siya maintindihan. Pagkarating ko sa room nakangiti naman akong sinalubong ni ashton.

"Morning "- bati ko

"Morning... Nasan kuya mo? "- tanong niya habang sumilip pa sa likuran ko.

"Hayaan mo na siya... Tara na"- hila ko sa kamay niya. Pero hindi ko siya mahila

"Nagaway na naman kayo? "- tanong niya. Hinarap ko naman siya.

"Hindi ko kasi siya maintindihan... Napapansin ko kasi lately iniiwasan niya sila mom at dad tapos maya't Maya magsisigawan sila "- inis na sabi ko. Hinawakan niya naman ang kamay ko at nilapit ako sa dibdib niya habang hinihimas niya ang ulo ko

"Pabayaan mo na sila.. Maybe may hindi lang sila nag kaintindihan kaya ganon"- sabi pa niya sa akin

"Ki aga aga.. Ah! Hahaha bro may mamaya pa! "- napalayo kami dahil sa narinig naming sigaw ni Carl. Tinignan namin siya sa likod at kasunod niya lang ang iba at may nakakalukong ngiti sa mga mukha nila.

"Tara na sa loob'- aya ni ashton. Pumasok kami sa loob at nagsiupo na sa mga upuan namin. Ng makaupo kami siya ring pagdating ni kuya. Hindi ko siya tinapunan ng tingin. Bahala siya sa buhay niya.

Hindi mo kasama si maica? "- tanong ni ashton sa kanya. Pagkalapit niya sa amin.

"Hindi.. Sasabay daw siya sa uncle niya papasok"-sagot niya. Hindi na sila nagusap pa at naupo na siya sa kabilang upuan. Wala pa din sila ate maica? Baka magkasabay sila ni sir creg.

Hindi din nagtagal nag bell na. Nagsiayus na kami ng upo ng bigla nalang bumukas ang pinto. Nagtaka ako ng hindi si sir creg ang pumasok.

"Ok class.. From now on I will be your class adviser"- kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni tito Blake. Nasan si sir creg? Napatingin ako kay kuya at bakas din sa mukha niya ang pagtataka.

"Sir Blake... Si sir creg po nasan? "- tanong ng isa kong kaklase.

"O! Nag resign na si sir creg and sabay ding nag dropout sila Mr. Tan and Ms. Selvirino.. Nakakapagtaka nga"- hindi naman ako makapaniwala sa sinabi ni tito. S-i ate maica nag dropout? H-ow?

Blagg

Nagaalala kong tinignan si kuya ng tumayo siya at walang pagaalinlangan na tumakbo palabas. Tumayo din kami.

"Zero! "- tinawag pa siya ni trina pero hindi siya pinansin ni kuya at nagtuliy tuloy lang Ito.

Napatingin sa amin si tito na nagtataka pero hindi na namin yun pinansin at sinundan si kuya. Ang bilis niyang tumakbo. Marami rami na din na tumitingin sa amin na students pero wala kaming pakealam. Napatigil kami ng huminto si kuya sa harao ng deans office. Habol ang hininga ko ng lumapit kami sa kanya.

"Kuya"- tawag ko sa kanya. Napatingin siya sa amin at bahagya pa akong naawa sa kanya ng nakita kong umiiyak siya. Pumasok siya sa loob kaya sumunod din kami. Naabutan namin si tita Julie na may binabasa sa table niya. Napatingin siya sa amin ng seryoso.

"T-ita totoo ba na... Nag drop na si Jamaica at rid? "- utal na tanong ni kuya. Nakayuko lang siya at umiiyak ng tahimik habang tinatanong yun.

Naaawa ako sa kanya. Ang kaninag umaga kong inis nawala nalang bigla.

"Sigh** yes.. Actually kahapon pa.. Si sir creg ang nagpasa ng mga form nilang dalawa "- sagot ni tita.

Nakita kong umiling si kuya.

"N-o.. H-indi "- nailing na sabi ni kuya. Hindi ko nadin napigilan ang sarili ko at kusa nang tumulo ang luha ko. Napayakap ako kay ashton na pinapatahan ako.

A-te maica... B-akit?

"Tita wala ba silang sinabing rason kung bakit sila umalis? "- tanong ni hilton

Umiling si tita Julie sa kanya.

"Wala.. Basta basta nalang nag drop sila at nag resign si sir creg"- paliwanag ni tita Julie

Pagkatapos naming kausapin si tita lumabas na kami sa office niya. Napatingin ako kay kuya ng tapikin siya sa balikat ni zen

"Bro.. Seguro may matinding reason sila kaya nagawa nila yun.. Intindihin nalang natin"- sa sinabi ni Zen. Naalala ko ang napagusapan namin nila ate maica kahapon sa parking lot. Ito ba ate? Ito ba ang sinasabi mong gagawin mo na hindi namin magugustuhan.. Dahil kung I to.. Hindi talaga namin nagustuhan.. Hindi ka man lang nagpaalam ng maayos kahit kay kuya lang.. Wala kang sinabi

"Gusto kong puntahan si maica "- biglang sabi ni kuya.

"Samahan ka na namin"- sabi ni kit. Tumango naman kami sa kanya. Naglakad na kami papuntang parking lot at sumakay ako sa kotse ni ashton. Nakasunod lang kami kay kuya. Pagdating namin sa bahay nila ate maica. Naka sarado ang gate.

"MAICA!! "- sigaw ni kuya.

"Kuya tama na! "-sigaw ko sa kanya at nilapitan ko siya. Nag pupumiglas siya sa pagkahawak ko pero hinihigpitan ko ang pagkakahawak ko sa mga braso niya

"NO! KAKAUSAPIN KO SI MAICA!! MAICA!! "- sigaw pa niya. Ganito ba talaga kapag iniwan ka ng mahal mo? King'ina.

"Zero tama na"- awat na din ng mga boys sa kanya.

"NO! gusto kong makausap si maica.. Kahapon ok pa naman kami.. Masaya pa kami ng ihatid ko siya dito"- naiiyak na sabi niya sa amin. Naaawa na ako sa kanya

"MAICA!! "

"KUYA! ANO BA! YOU CANT SEE NAKALOCK ANG GATE.. THATS MEAN WALANG TAO.. KAHIT MAGSISIGAW KA PA DIYAN WALANG MAICA NA LALABAS! "- hindi ko na napigilan pa at nasigawan ko na siya. Napatigil naman siya at napatingin sa akin habang umiiyak pa din. Napaupo naman siya at napahilamos sa kamay niya

"Bakit? B-akit siya umalis"- sabi niya. Huminga ako ng malalim at umupo sa harap niya.

"Kuya... I know na kahit umalis si ate maica.. Babalikan ka non.. Babalik siya.. Mahal ka niya diba? At alam niya na may maghihintay sa kanya kaya... Kung ako sayo hintayin mo siya hanggang sa makabalik siya"- sabi ko sa kanya.

Niyakap ko si kuya at sa balikat ko siya humikbi.

-------------------------------------------------------------

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top