CHAPTER 82


Zero POV

Maaga akong tinawagan ni maica na susunduin ko siya at hindi naman ako magkandaugaga sa mabilis na pagaayos. Hahahaha ang sweet talaga ng babe ko.

Hindi naman nagtagal nakarating na ako sa kanila. Tamang tama naman dahil kalalabas niya lang sa pinto. Ng makalapit na siya sa kotse kk. PinagBuksan ko siya ng pinto.

"Morning babe"- bungad ko sa kanya. Nginitian niya ako Pero nagtaka ako dahil nakangiti siya hindi man lang umabot sa Maya niya ang matamis niyang ngiti.

"Morning.. Nakakain kana? "- tanong niya sa akin. Nagkatitigan kami

"Oo tapos na... Ahmm.. Mukhang hindi maganda ang gising mo ah.. May problema ba? "- tanong ko. Bahagya pa siyang ngumiti sa akin bago umiling

"Hmmm.. Tara na.. Wag mo na akong pansinin"- sabi niya bago binaling ang tingin sa labas ng bintana. Napabuntong hininga naman ako bago ko pinaandar ang kotse at umalis na.

Habang nag dadrive ako pasimple ko siyang tinitignan. May iba sa kanya.

"Pwede mong sabihin sa akin kung may problema ka"- biglang sabi ko. Napatingin siya sa akin at ngayon kitang kita ko sa mukha niya ang lungkot.

"Mamayang uwian.. Date tayo? "Pagiiba niya sa usapan.

"Gusto mo? "-tanong ko sa kanya. Tumango naman siya.

"Segi "- sabi ko .pinark ko na ang kotse ko pagkarating namin sa parking lot ng academy. Nauna akong bumaba at binagbuksan ko naman siya. Inalalayan ko siyang makalabas bago ko isara ang pinto

Hinawakan ko ang kamay niya at sabay making naglakad papasok sa building namin. Hindi din maiiwasan ang bulongan ng ilang students bawat kita sa aming dalawa.

Ng makarating kami sa room. Bumungad sa amin ang barkada na may kanya kanyang ginagawa.

"Hay jusko mga teh! Ang daming love birds dito sa room"- biglang sigaw ni miel yung kaklase naming bakla

"Gaga! Tumigil ka nga! Baka mastuge tayo dito ngayon.. "- sabi naman ng kasama pa niya.

"Hahahaha.. Hoy! Tumigil nga kayo ang iingay niyo! "- sigaw ni trina sa kanila

"Ay ate trina... Ikaw nalang sa barkada niyo walang boylet"- sabi pa ni miel sa kanya

"Che! "- inis na sabi ni trina sa kanila. asar talo talaga

"Hahahaha.. Bakit kasi ayaw pang tumingin sa tabi tabi diyan malay mo nandiyan pala si forever mo"- sabi naman ni Carl sa kanya na may halong pangaasar

"At sino naman aber!? "- galit na tanong sa kanya ni trina

"Hahaha.. Sino pa ide si Kael! "

"Ay teh! Bulag lang! "- hirit pa ni miel sa kanya.

"Hahahahaha"- tawanan nila. Napangiti nalang ako at tinignan si maica sa tabi ko na tahimik lang habang nakatingin sa mga kaklase namin na nagkakasayahan

Maica may hindi ka ba sinasabi sa akin?

Jamaica POV

Nakatingin lang ako sa mga kaklase ko na nagkakasiyahan. Hindi naman nagtagal nagsitahimik na sila ng biglang pumasok si uncle kasunod niya naman si rid. Napatingin pa silang dalawa sa akin pero tinignan ko lang sila ng walang emosyon.

"Good morning class"- panimula no uncle.

"Morning sir. Creg "- balik na bati sa kanya ng mga kaklase ko. Hindi na ako nagabala pang batiin siya at sinandal ko ang ulo ko sa balikat ni zero

"Patulog "- paalam ko sa kanya at pinikit ko nalang ang mata ko.

--------

"Babe"

"Babe wake up.. It's already break time"

"Babe"

"Hmm"- unti unti kong minulat ang mata ko ng marinig ko ang boses no zero.

Napatingin ako sa kanya at nginitian niya ako

"Let's go.. Break time na"- malambing na sabi niya. Napayuko naman ako bago ako tumango. Nilibot ko ang paningin ko pero kami nalang ang natira dito sa room

"Nasan ang iba? "- takang tanong ko sa kanya

"Nauna na sa caf. "- sagot niya. Nag nod nalang ako at tumayo na kami. Lumabas kami sa room at hindi namin inaasahan ng makita namin sa labas si uncle.

"Pwede ko ba muna siyang mahiram zero? "- tanong ni uncle sa kasama ko.

"Sure po.. "- sagot din niya tapos bumaling sa akin"hintayin ka namin sa baba"- paalam niya. Tumango nalang ako at sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makababa siya. Binaling ko naman kay uncle ang tingin ko.

"Let's go to my office? "- aya niya. Sumunod naman ako sa kanya. Wala akong makitang ibang student habang naglalalad kami. Seguro nasa caf na silang lahat.

Hindi naman nagtagal nakarating na kami sa office ni uncle. Pumasok kami at hindi ko naman inaasahan na makikita ko doon sila mac at rid. Napatingin sila sa akin at dumeretso naman ako sa bakanteng upuan at doon umupo.

"Natawagan ko na si master kanina tungkol as desisyon mo maica at napagpasyahan na bukas ng madaling araw aalis na tayo"parang meron sa akin na nanghihinayang dahil sa sinabi ni uncle. Dapat maging ok na ako dahil walang mapapahamak. Pero bakit... Bakit parang nasasaktan ako kapag iniisip kong maiiwan ko ang mga kaibigan ko at ang taong mahal ko.

"Maica... "- tawag sa akin ni uncle.

"Ako na magpapaalam sa Dean sa pag dadrop ninyong dalawa ni rid.. And hindi ba kayo magpapaalam sa mga kaibigan ninyo? "- tanong ni uncle

"Hindi na"- sagot ko.

"May kailangan ka pa bang sabihin? "- tanong ko sa kanya. Umiling naman siya"ok I have to go"- paalam ko sa kanila at umalis na doon. Pagkalabas ko palang sa pinto nagbabadya na naman ang mga peste kong luha. no wag ngayon. Huminga ako ng malalim at naglakad na.

Pagkarating ko sa caf. Nakita ko naman kaagad sila zero. Dumeretso ako sa table namin at binigyan ako ng upuan ni zero sa tabi niya.

"Here.. Ako na nag order para sayo"- sabi niya. Tinignan ko naman ang binili niya.

"Thanks"

"Anong sinabi ni sir creg sayo? "- tanong niya bigla. Bahagya pa akong natigilan pero sinagot ko naman siya kaagad.

"Wala naman.. Sinabi niya lang na tumawag si lolo.. Kinakamusta daw ako"- pagsisinungaling ko. Great.. Pagkatapos kong sabihin yun hindi na siya nagtanong pa. Tinuon ko naman ang atensyon ko sa kinakain ko.

Zero.. Makakaya ba kitang iwan?

"Ate"

"Maica"

"Hey! "

Napabalik ako sa realidad ng tapikin ako ni zero sa balikat. Taka ko naman siyang tinignan.

"Bakit? "- tanong ko

"Ate maica anong nangyayari sayo? "- this time nakatingin na ako kay Karen.

"Kanina ka pa namin tinatawag.. Pero. Mukhang wala ka naman sa tamang wisyo"- nakangusong sabi namam ni trina.

"May problema ba? " tanong ni zero sa akin.

Umiling naman ako

"Nothing.. Iniisip ko lang si lolo.. Na mimiss ko lang siya"- ok dalawa na.

"Wag kang magalala Jamaica.. I know na mimiss ka ng lolo mo"- sabi pa ni daine

Nginitian ko nalang sila ng peke. At tinuloy ang kinakain ko.

Pagkatapos naming kumain bumalik na kami sa room at dumating nadin ang teacher namin. Hindi naman ako nakikinig habang nagdidiscuss si miss sa gitna. Parang wala akong lakas na makinig sa kanya. Napakabilis ng oras at hapon na at tapos na ang klase. Sabay sabay kaming bumaba ng building at nauuna sa amin sa ang mga boys habang nagtatawanan. Nahuli naman kaming mga girls.

"Guys "- tawag ko sa mga girls napatigil naman sila sa paglalakad at tinignan ako.

"Bakit Jamaica? " tanong ni daine

Tinignan ko sila isa isa

"Pa-ano kapag may gi-nawa ako n-a hindi n-iyo ma-gugustuhan.. Mapapatawad niyo pa kaya ako? "- seryoso kong tanong sa kanila. Bahagya pa silang natahimik at parang hindi maintindihan ang sinasabi ko

"Mai-ca.. Hahaha ano bang pinagsasabi mo.. Syempre naman"- natatawang sabi ni Hannah

"Kahit ano pang kasalanang gawin mo.. Kaibigan ka namin kaya mapapatawad ka namin at maiintindihan "- sabi ni daine na nakangiti

"Bakit mo nga pala na tanong?..m-ay ka-salanan ka bang na--"

"Of course wala.. Hahahaha... Natanong ko lang... Hahaha.. Ayun na sila Tara"- putol ko sa sasabihin ni trina at hinila na sila papunta sa mga boys na napatingin sa amin.

Sana.. Magawa niyo ang sinabi niyo.

------------------------------------------------------------

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top