CHAPTER 78


Jamaica POV

Tahimik lang ako ng makauwi kami sa bahay. Nakalabas na si uncle at ngayon nandito ako sa kusina at tahimik na kumakain. Iniisip ko pa din ang sinabi sa akin nila uncle kanina.

Ano bang dapat kung gawin? Natatakot ako sa maaring mangyari.

Ding dong ding dong

Napatingin ako sa pinto ng may nag doorbell. Tumayo nalang ako at ako na ang kusang nagbukas. Bumungad naman sa akin si zero na nakangiti at may dalang bulaklak.

"Oh! "- bungad ko sa kanya

"Hi "

"Pasok ka"- aya ko sa kanya. Ginala niya ang paningin niya sa loob at napatingin naman ako sa hawak niya.

"Hmmm.. Si uncle nasa kwarto niya nagpapahinga.. Dinadalaw mo ba siya? "- tanong ko sa kanya habang sininyasan ko siyang maupo.

"Actually ikaw ang pinunta ko dito.. Here this is for you"- ngiti niyang sabi habang inaabot sa akin ang bulaklak.

"Hindi naman ako ang nadesgrasya Pero ako pa ang dinalhan mo ng bulaklak hahaha"- natatawa ko sabi"thanks "- sabi ko pa at kinuha sa kanya ang bulaklak. Sinilip ko ito at tulip siya. Nilapag ko naman sa center table yun

"So bakit ka nga pala napadalaw.. Akala ko Mamaya ka pa dadating? "- tanong ko at umupo sa harapang upuan niya.

"Hmm.. Wala naman na miss lang kita"- hindi ko naman maiwasan na mahiya sa sinabi niya.

"Ahhhaha.. Namumula ka"natatawang sabi niya

"H-uh hindi ah"- tanggi ko. "Ahmm.. Manang"- tawag ko kay manang na lumabas naman kaagad sa kusina.

"Pwede po bang pakihanda naman ng meryenda para kay zero"- pakiusap ko. Tumango naman siya sa akin.

"Oh! Mukhang nandito kapala zero.. Hahahaha si uncle ba ang dinalaw mo o si maica? "- natatawang tanong ni mac habang pababa sa hagdan

"Hahahaha... Actually siya talaga ang pinunta ko dito"- natatawang sabi ni zero habang nakaturo pa sa akin

"Naks hahahaha...gwapo din ng manliligaw natin maica ah hahaha.. Geh sa kusina muna ako"- paalam ni mac. Tinanguan nalang namin siya.

Napabaling naman ako kay zero na napatingin sa akin. Napatingin ako sa mata niya. Bakit ganito.. Bakit iba ang nakikita ko sa mga mata niya. Kahit nakangiti siya nakikita kong malungkot siya.

"May problema ka ba? "- tanong ko sa kanya bigla

"Bakit mo naman natanong? "

"Dahil nakikita ko"- seryoso kong sagot sa kanya. Hindi naman siya makapagsalita sa sinabi ko

"An--"

"Sinasabi ng mga mata mo.. Malungkot ka"- putol ko sa sasabihin niya

"Zero tell me may nangyari ba? "- tanong ko pa

Natahimik naman siya at iniwas sa akin ang tingin niya.

"Hmmm.. Pwede mo ba akong samahan? '- nabigla naman ako sa tanong niya.

"Saan? "

"Somewhere? "-sabi niya.

"Ok"- sagot ko sa kanya at Tumayo na.

"Wait magpapa--"

"Wag na.. Ok na yan "- putol niya sa sasabihin ko. Napatango nalang ako sa kanya.

"Manang aalis po kami.. "- sigaw na paalam ko kay manang

"Ano? !"- dinig kong sigaw ni manang mula sa kusina Pero hindi ko na siya pinansin pa dahil lumabas na kami ni zero. Inakay niya ako sa kotse niya at pinaupo sa passengers seat

Umikot naman siya at pumasok sa driver seat at nagdrive na.

"Saan ba talaga tayo pupunta? "- tanong ko sa kanya. Napatingin siya sa akin at ngumiti

"Makikita mo din"- sabi niya. Napadaan kami sa park ng subdivision at hindi ko inakala na may daan pala sa gilid non. Nagtuloy tuloy lang kami at wala na akong nakita pang kabahayan dito kung hindi mga nagtataasang puno nalang.

Kita kong paakyat ang tinatahak naming daan. Pero wala parin akong alam kung saan ba talaga kami papunta.

Hindi nagtagal bigla nalang huminto ang sasakyan.

"Nandito na ba tayo? "- tanong ko kay zero. Nag nod naman siya sa akin. Napatingin ako sa labas ng kotse at mula sa kinauupuan ko wala akong nakita kong hindi nagtataasang halaman lang na mistolang pader na kung titignan. Bumaba si zero at pinagbuksan niya naman ako.

"Ano to? "- tanong ko sa kanya

"This is my secret place.. Dito ako paminsan minsan pumupunta kapag gusto ko mapagisa.. Kamakailan ko lang din na deskobre to... Hmm.. Hali ka may ipapakita ako sayo"- sabi niya at ginayak ako.

Taka ako nang lumapit kami sa mistulang pader na halaman. Hinawi niya yun at di ako makapaniwala sa nakikita ko.

Nauna akong pumasok at tinignan ang kabuuan nito. May nakikita akong water falls pababa sa lake tapos mula sa lake may isa pang waterfalls.

"Wow "-yan nalang ang lumabas sa bibig ko. Nakakagaan ng pakiramdam ang tanawin.

"You like it? "- tanong niya at tinabihan ako. Ngiting ngiti ko naman siyang tinignan tapos tumango

"That's good"- sabi niya at hinawakan niya ang kamay ko. Pinahrap niya ako sa kanya hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.

"Maica I know alam mong kamakailan lang tayo nagkakilala but first time I lay my eyes on you wala na akong hinangad pa kung hindi mapasaakin ka.. "- senserong saad niya sa akin

"Z-ero ano--"

"Shhhhh.. Pls let me finish "- sabi niya. Tumango naman ako

"Maica alam mong mahal kita at inamin ko yun sayo ng personal. At pinayagan mo din akong ligawan ka.. Kaya ngayon m-aica"- sabi niya at nagulat nalang ako ng lumuhod siya sa harapan ko.

Dug dug dug dug
Dug dug dug dug

Dug dug dug dug
Dug dug dug dug

"Can you be my girlfriend? "- tanong niya at tinignan ako ng nakangiti.

Nginitian ko siya at nagsalita

"Y-es"- sagot ko. Saglit pa siyang hindi makapaniwala sa naging sagot ko Pero kalaunan nakita ko nalang na yakap yakap niya na ako

"Thank you.. Hindi mo alam kong gaano ako kasaya dahil sa sagot mo"- bulong niya sa akin

Kumalas siya at tinignan ako.

"I love you"ramdam ko kung gaano siya kasaya habang binibigkas niya ang mga katagang yun.

"I love you too"- sagot ko sa kanya. Nilapit niya ang mukha sa akin at hinalikan ako.

Zero POV

Masaya kaming umuwi ni maica sa bahay nila. Hindi na namin namalayan na naabutan na pala kami ng hapon. Magkahawak kami ng kamay papasok sa pinto nila.

"Oyyyyyy ano yannn... Kayo nag date kayo hindi niyo man lang sinabi sa amin! "- bungad na sigaw sa amin ni carl

Nandito na pala sila.

"Oy ano yan kuya bakit magkahawak kayo ng kamay? ...hahaha aminin niyo kayo na ba? "- tanong naman sa amin ni Maxine

Napatingin naman ako kay maica bago tumango sa kanila

"Kyaaaaaahhhh I knee it! "

"Congrats bro... Akalain niyo yun.. Hahahaha"

"Nako kaya naman pala hindi namin kayo naabutan dito hahahaha"

"Ate na talaga kita ate maica hahahaha"- natatawang sabi ni Maxine at niyakap pa si maica

"Hahahaha... "- tawanan namin

Jamaica POV

Habang nakayakap sa akin si Karen napatingin ako sa gawi nila mac at rid na nakatingin sa amin sa gilid ng pinto ng kusina. Kita kong napailing silang pareho at bigla nalang tumalikod

I knew naiisip nila dahil sa ginawa ko wala na nga akong rason para bumalik pa. I'm sorry..

----------------------------------------------------------

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top