CHAPTER 76
Mac POV
Napatingin ako sa bintana at naaaninag ko na ang sinag ng araw. Napatingin ako sa mga kasama ko na tulog na tulog. Napadako ang tingin ko kay rid na naka cross ang braso habang nakasandal at nakapandikwatro na pangbabae. Nakapikit siya at natutulog. Ganyan ba talaga siya matulog mukhang seryoso na seryoso at hindi pwedeng lapitan.
Aaminin ko unang kita ko palang sa kanya kahapon ng gabi nagwapohan na ako sa kanya pero ng makilala ko ang ugali niya. Na-ah nakakatorn off. Ang demonyo at ang sama ng ugali niya. Tsk.
Knock. Knock. Knock
Napatingin ako sa pinto ng may kumatok. Lumapit ako at pinagbuksan ang taong yun pero nagulat ako ng bunungad sa akin ang isang babae na gulat ding napatingin sa akin. May mga kasama din siya
"Sino kayo? "- seryoso kong tanong sa kanila
"Ahmm.. I'm Karen kaibigan namin si Jamaica nandito kami para bisitahin si sir creg"- sabi sa akin ng babaeng kumatok.
Kaibigan sila ni princess. Nginitian ko naman sila.
"I'm Mac.. Ka----"
"Kababata din namin siya ni Jamaica... "- naputol ang sasabihin ko ng bigla nalang sumulpot sa likuran ko si rid at sumingit.
"Rid.. "- masayang tawag sa kanya nong Karen. Napatingin ako kay rid na iba ang tingin niya dito. Hmmmm..
"Ahhhhhahas.. Pumasok kayo "- aya ko sa kanila at binuksan ko ng maigi ang pinto. Sumunod naman sila at doon ko lang nahalata na ang dami pala nila.
Napatingin sila kay boss tapos napadako din sa akin.. Ok. Nakakaramdam ako ng pagkailang. Ngayon ko lang naman sila nakilala e.
"Hi! Mac I'm trina "- masayang pakilala sa akin ng isang babae na halata kong napakamasayahin nito
Nakipag shake hands ako sa kanya.
"This is kuya Ashton.. Pinsan ko at pinsan ko din sila kuya Zen, Hilton, at Carl"-pakilala niya pa sa apat na lalaki. Hindi ko ikakaila may mga itsura naman sila.
"Hi! "- bati nila sa akin. Nginitian ko naman sila.
"I'm Hannah girlfriend ako ni Zen. It's nice to meet you mac"- pakilala sa akin ng isang babae nakatabi ni Zen.
"Hello"- nahihiya kong balik na sabi
"I'm daine gf naman ako ni Hilton"
"Kit pinsan ko naman sa father side si kuya Hilton and gf ako ni Carl"
"Kael "
"Hehehe hi mac I'm Karen gf ako ni ashton at kuya naman yung lalaking natutulog don sa sofa"- masayang sabi ni Karen sa akin. Gf siya ni ashton. Nasulyap ako kay rid na napatingin sa malayo. Kaya naman pala ganito nalang to ka cold. Broken e.. Hahahahaha
"I'm glad to meet you all"- masayang sabi ko sa kanila.
"Tsk"- inis ko namang sinilip si rid. Maguumpisa na naman ba to? Kainis
"Ah-hehehe... Umupo Muna kayo... Ang aga niyo namang bumisita.. Tulog pa ang mga tao dito oh"- nakangiti kong sabi sa kanila habang tinuturo sila princess na mahimbing parin na natutulog.
"Hahaha.. It's ok.. Napadaan lang naman kami...papunta kasi kaming school kaya naisipan na din naming dumaan"- sagot sa akin ni hannah
Napatango naman ako.
"BTW kamusta na pala si sir? "- tanong ni daine
sir? Si boss? Sir?
Kunot noo ko naman tinignan si rid.
"Ok na si uncle.. Actually gumising na siya kaninang madaling araw"- sagot sa kanila ni rid.
"That's good... "-sabi ni hilton
"Hahaha..wala na naman tayong klase sa first subject"- natatawang sabi ni trina.
"Yeah" - dagdag naman nila kael
Sa nakikita ko sa kanila ngayon. Maganda ang pagsasamahan nila. Hmm.. Maliban nalang sa isang tao na kanina ko pa nahahalata na pasulyap sulyap kay Karen... King'ina may salitang move on sa mundo boy. Hahaha
Pero... May nararamdaman akong kakaiba sa kanila. Hindi naman ako mahinang reaper kong hindi ko nahahalata na may kakaiba sa kanila. Hindi sila ordinaryong tao. I know katulad lang din namin sila.
"Hmm"- napatingin kami kay princess ng umungol Ito. Minulat niya ang mata niya at napatingin sa amin
"Nandito pala kayo'- sabi niya pagkakita niya nila ashton
"Napabisita lang ate maica"-masayang sabi ni Karen sa kanya. Nginitian niya lang ito at napatingin kay zero. Nilapitan niya Ito at ginising
"Hey zero wake up"- bulong niya kay zero
Gumising naman Ito at inayos ang sarili.
'Kadiri ka kuya.. .si ate maica pa talaga ang pinapagising mo sayo"- asar ni Karen sa kanya
"Tsk.. Bakit ka nandito? "- walang buhay na tanong ni zero sa kanya
"Malamang dumadalaw. Bawal ba? "- sabi ni Karen sa kanya
"Tsk"- mahinang usal ni zero sa kanya
"Hindi ko man lang alam na ang dami ko palang bisita? "- napatingin kami kay boss ng magalita ito. Gising na pala siya.
Jamaica POV
Nagpaalam kami kay uncle na kakain na muna kami sa baba. Engot din naman kasi tong mga kasama ko dadalaw na nga lang hindi pa kumain sa kanila.
Si mac at rid ang naiwan sa itaas para bantayan si uncle.
"Jamaica hindi ko alam na may isa pa pala kayong kababata ni rid"- sabi ni Carl sa akin pagkaupo namin sa mesa dito sa food court.
Kababata?
"Sino? "- tanong ko sa kanya
"Huh?.. Diba kababata niyo ni rid si mac? "
"Ah.. S-i mac oo kababata namin siya.. Bakit? "
Lintik gandang rason na ginawa nila ah. Kababata seryoso
"Hmmm.. Wala naman.. Ang alam lang kasi namin kayong dalawa lang ni rid ang mag childhood "- sabi ni kit
Hmm... Napatango naman ako sa kanila. Pagkatapos naming magusap napagisipan na naming mag order ng pagkain.
"Tang'ina nagisa na naman ako ni mom ka gabi"- pagkukwento ni trina habang kumakain.
Napatingin naman kami sa kanya na nagtataka.
"Bakit? "- tanong ko
"Hmmm... Tungkol sa nangyari kahapon.. Sinabihan na naman akong magbago na daw ako.. E anong magagawa ko e ganito na ako"- nakanguso niyang saad.
"Hahahahahaha... Be matured trina.. Hindi ka na kasi bata.. Yang mga kalokohan mo ang nagpapahamak sa amin"-pangangaral sa kanya ni kit
"Tsk..ginusto niyo naman e"
"May magagawa ba kami para hindian ka? ..e kung maka blackmail ka wagas e"- sabi naman ni zen
"Hhahahaha..sabihin mo kuya Zen takot kalang na hiwalayan ka ni Hannah hahahaha"- natatawang sabi ni trina sa kanya.
"Sinong hindi matatakot don"nakangusong sabi ni zen
"E sino ba namang tanga ang mainiwala sa sinabi ko.. Kahit pa yata pilitin ko ng pilitin yang mga gf niyo na hiwalayan kayo di papayag yan.. Mahal kayo niyan.. Ako lang naman ang walang love life dito hahahaha"- sabi ni trina
Napatingin kami sa kanya pagkatapos kay kael.
"Bro... Narinig mo na hahaha"- natatawang sabi ni Carl kay Kael sabay tapik pa dito.
Natahimik naman si trina at napatingin kay kael.
"Hoy! Kuya Carl tigilan mo ya---"
"Maghintay kanalang bro"- nakangising sagot ni kael kay Carl.
"Yun hahahahaha"
"Putcha! Natulala ka trina? "
"Hahahahaha"-tawa namin.
Napayuko si trina at parang hindi alam ang gagawin. Hahahaha
-----------------------------------------------------------
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top