CHAPTER 74

Trina POV

Pagkauwi ko palang sa bahay bumungad na sa akin ang matalim na titig ni mom.

"M-om"mahinang usal ko

"What do you think your thinking?.. Hindi ka ba titigil sa mga kalokohan mo ha! Trina? "- kahit kalmado ang pagkakasabi ni mom I know ramdam ko naman ang galit niya

"M-om hindi ko naman sinasadya yun.. At isa pa deal yun at pumayag naman sila kuya ashton at kuya Zen"- paliwanag ko pa. Pero mukhang hindi na nito mababago ang isip ni mom

Napatingin ako kay dad at napabuntong hininga siya

"Sweetie pabayaan mo na muna si trina... Sa edad niyang yan hindi na bago ang mga kalokohan na maari niyang gawin"- nginitian ko si dad

"Tsk... Kaya ganyan ang batang tan kasi kinokonsente mo.. Bahala mga kayo diyan! "- sigaw ni mom at umakyat na. Naiwan naman kami ni dad dito sa baba.

Lumapit si dad sa akin at hinawakan ako sa balikat

"Pagpasinsyahan mo na ang mom mo.. Marami lang kasing iniintindi yun alam mo na man ang trabaho namin... Kaya pasensya na"- sabi ni dad

"Naiintidihan ko dad. Pero kasi sa mga kwento niyo noon hindi naman ganyan si mom.. Paano ba kasi siya naging mainitin ang ulo?"- nakanguso kong tanong

"Hahahaha sa pagkakantanda ko nagsimula lang yan ng pinagbubuntis ka niya tapos seguro nakasanyan niya na kaya hindi naiwasan hahaha"- nailing nalang ako sa sinabi ni dad. Nako pagnarinig yan ni mom lagot na naman siya.

Bzzzzzzz bzzzzz

"Wait dad tumatawag si zero"- tumango lang siya sa akin. Sinagot ko naman ang tawag niya

"Hello ?"

"Trina ikaw na muna magsabi kila Maxine nandito kami ngayon sa hospital"

"Wait! ANO!! hospital? Anong ginagawa mo diyan? Sino ang kasama mo? "- tanong ko sa kanya.

"Sinasamahan ko sila maica . Dinala si sir creg dito... Trina may nangyari sa kanya na hindi namin mapaliwanag"-

"Anong hindi mapaliwanag? Bakit anong bang nangyari kay sir? "

"Trina malubha ang kalagayan niya at sa nakikita kong rason ay napalaban siya dahil may tama siya ng bala"

Bala?

"O-k ako nalang ang magsasabi sa kanila.. Pupunta kami diyan"-

"Salamat '-

"Geh"- pagkatapos naming magusap napahilamos naman ako ng kamay. King'ina paano siya natamaan ng bala?

"May nangyari ba? "- napatingin ako kay dad ng tanongin niya ako

"Si sir creg nasa hospital dad"-

"Sir creg? "Tanong niya.

"Uncle po siya ni Jamaica"

"Oh! How is he? "

Napailing naman ako kay dad.

"Hindi po ok ang lagay niya basi narin sa sinabi sa akin ni zero"

"Hmmm.. Ganon ba"

"Excuse me dad.. Tatawagan ko lang po ang iba"paalam ko sa kanya. Tumango naman siya sa akin. Umakyat na ako sa taas habang dinadial ang phone no. Ni karen

Rid POV

Nakaupo ako ngayon dito sa isahang upuan sa kwarto ni uncle. Hindi pa rin siya gumigising. Nakatulog na din si princess sa tabi ni zero na hindi naman makauwi uwi dahil nagaalala din siya.

Alam na din ng iba ang nangyari at sabi nila dadating sila.

"Magugutom ka na ba? "- tanong ko kay zero. Napatingin siya sa akin.

"H-indi pa naman masyado"- napatango naman ako sa sinabi niya at tumayo.

"Bili lang ako sa baba segurado ako gutom ang isang yan pagnagising"- nakangiti kong sabi. Ginantihan niya naman ako ng ngiti at napatingin kay princess na mahimbing na matutulog.
Lumabas na ako sa pinto at hindi pa ako nakakalayo tumunog naman ang phone ko.

"Hello"-sagot ko

"Rid I heard what happened to creg , how is he? "- parang nakaramdam Naman ako ng kaba ng marinig ko ang boses ni master.

"O-k na po si uncle master"- sagot ko sa kanya

"Thats good... Ipapadala ko diyan si mac at siya ang tutulong sa pagbabantay sa inyo at sa apo ko..kamusta siya"- sabi niya. Napakunot ang noo ko marinig ko ang sinabi niya. Mac?

"Whose mac master? "- tanong ko

"Hahaha makikita mo din siya"

"Ok po. Salamat master..si princess po nakatulog siya sa kakaiyak kanina"

Pagkatapos kong sabihin yun narinig kong nagbuntong hininga si master sa kabilang linya.

"Ganon ba... Rid pakibantayan si maica"

"Wag kayong mag-alala master yun naman talaga ang parte ng buhay ko sa kanya"- nakangiti kong sabi

"Hmm.. Magingat kayo"- huling sabi niya bago ibaba ang tawag.

Napabuntong hininga naman ako bago ako tumuloy sa elevator. Pero bago ako makapasok napatingin ako sa kanan ko ng may naramdaman akong napatingin sa akin at hindi naman ako nagkamali. May isang babae na nakablack suit nakatingin sa akin habang nakaupo

Ngumiti siya at napatayo. Napaharap ako sa kanya ng makalapit na siya sa akin ng tuluyan.

"Hmmm.. Sino ka? "- tanong ko sa kanya

Ngumiti siya bago magsalita

"Mac"- napakunot ang noo ko sa sinabi niya bago ilahad ang kamay sa harap ko. Naalala ko naman ang sinabi ni master kanina.

Gulat akong napatingin sa kanya.

"Mac hahahaha I thought lalaki siya"- nakangisi kong sabi sa kanya. Kita kong nagseryoso ang mukha niya at tinignan ako ng matalim

"At ano naman ang pumasok sa kukote mo at naisipan mong lalaki ako.. Can you see I'm a girl.. I'm here to protect princess "- sabi niya

"Tsk"

"You're rid... Right?.. Sinabi sa akin ni master na magaling ka daw.. Tignan natin ang galing mo"- nainis ako sa sinabi niya. Minamaliit niya ba ako.

"Ano nga pala room no. Ni princess.. Tinatamad akong magtanong sa baba"

"Tsk room 183"- tumalikod na ako at papasok na sana sa elevator ng pigilan niya ako

"Wait! San ka pupunta? "

Inis ko siyang nilingon

"Wala kang pakealam'- sabi ko sa kanya at pumasok na sa elevator pero. King'ina sumunod din siya

Tsk. Hindi ko nalang siya pinansin.

Mac POV

Hey! I'm mac. Hindi ko totoong pangalan yan pero yan ang pangalan na binigay sa akin ni master. Hindi ko din alam kong bakit ako ang pinadala niya dito para bantayan si princess king'ina nagulat nalang ako ng tawagan niya ako. At sabihan na may mission ako. Tsk..

At tapos malalaman kong makakasama ko ang hambog na to. Tawagin ba naman akong lalaki kanina. Pangalan ko lang ang panlalaki pero babae ako.

Ng bumukas ang pinto ng elevator lumabas na kaagad siya. Wtf!

"Hoy! Sandali! "- sigaw ko sa kanya at pilot siyang hinahabol. Ang laki naman kasi ng mga hakbang ng isang to.

"Sandali!! "- sigaw ko pa. Pero wala deadma ang ate niyo

Nakita kong pumunta siya sa food court ng hospital at kinakausap ang cahera doon na babae. Napangiwi naman ako dahil panay ang pa cute sa kanya ng babae perk baliwala lang sa kanya.

Ay bato ang king'ina.

Lumapit ako sa kanya at kinalabit siya

"Hoy! "- napatingin siya sa akin ng matalim

"Ano bang ginagawa mo dito? "- inis na tanong niya. Tinaasan ko naman siya ng kilay

"Hindi ba obvious.. Sinusundan ka malamang'- sagot ko naman

"Bakit mo ba ako sinusundan? '

"Gago ka pala e.. Syempre sasamahan mo ko papunta kay princess "-inis na sabi ko

"Sinabi ko na sayo ang room no. Niya kaya mo na magisa yun"sabi niya at kinuha ang dalawang plastic na in order niya. At tinalikuran na ako.

O.O seryoso.. Antipatiko talaga ang lalaking to.

Nakita ko naman siya na pabalik na kaya hinabol ko na naman siya. Pagkapasok ko sa elevator sapo sapo ko ang hininga ko

"Tsk" tinignan ko siya ng masama dahil sa narinig ko.

Jamaica POV

Naalimpungatan ako at nakita ko nalang na nakasandal pala ako sa balikat ni zero

"Gising ka na pala? "-sabi niya.

"Hmm.. Nasan si rid? "- tanong ko sa kanya. Hindi ko kasi maaninag ang presensya ng isang yun?

"Bumaba.. Bumili siya ng pagkain.. Nagugutom ka na ba? "- tanong niya. Tumango naman ako at nginitian niya lang ako.

10 pm na din kasi.

"Bakit hindi ka pa umuuwi? Baka nagaalala na sayo ang parents mo? "-tanong ko sa kanya.

Nagtaka naman ako ng makita kong naging seryoso siya

"Hindi yun.. Busy sila kaya hindi nila ako mapapansin na wala pa ako"- sabi pa niya

Hindi na ako nagsalita pa dahil mukhang hindi maganda ang samahan nila ng parents niya ngayon base nadin sa nakikita at nararamdaman ko sa kanya.

Tinignan ko naman si uncleat napabuntong hininga ako. Hindi pa rin siya gumigising. Seguro ang dami ng nakalaban niya at nawalan talaga siya ng lakas. At pinagtataka ko lang paano nila nakilala si uncle?

Blaggggh

"Arrrgggggshhhh kainis! "- taka akong napatingin kay rid ng makapasok siya sa pinto.

"Sandali!!! Ano ba!! Sandali! "- mas nagtaka ako ng bigla nalang may pumasok na isang babae at hingal na hingal siya. Napahawak pa siya sa pulo ni rid na hindi naman maipinta ang mukha

"Ang bilis mo naman maglakad.. Hindi mo man lang ako hinintay"- sabi pa nito

"Tsk.. Bitawan mo nga ako"- sabi ni rid sa kanya at hinila ang pulo nito. Magsasalita pa sana ang babae ng mapatingin siya sa gawi namin

"A-hehehehe.. Hi"- nahihiyang usal niya.

Napabaling naman ako kay rid

"Who is she? "- tanong ko

"She's Mac.. Pinadala ng lolo mo"- sabi ni rid

"Omghod ikaw si princess!! Nice to meet you po"- nakangiting bati ng babae at parang nawalan ng tubig ang lalamonan ko dahil sa tinawag niya sa akin. Sinilip ko si zero at bakas sa mukha niya ang pagtataka dahil sa tinawag sa akin ni mac
"Ako po ang pinadala ni mas---- hmmmmmmm'- nakahinga naman ako ng maluwag ng takpan ni rid ang bibig niya

"Sandali lang kakausapin ko lang siya sa labas"- paalam ni rid at hinila na si Mac palabas sa pinto.

"Ahmmm.. Tara kumain na tayo ..nagugutom na ako"- yaya ko kay zero

Nag nod naman siya sa akin

Tsk! Muntik na

-------------------------------------------------------------

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top