CHAPTER 67


Jamaica POV

Nakita kong lumabas na sila ashton sa kwarto ko at ang naiwan nalang ay si zero at rid. Tinignan ko si rid at kita ko sa mga mata niya habang nakatingin sa akin na nag-aalala siya. Hindi ko naman siya masisisi beside this is the first the that he saw me got sick. Hindi nila Alam na nagkakasakit din ako minsan noon sa loob ng empire dahil kapag nagkakasakit ako walang nakakapasok sa kwarto ko.

"Nasan si uncle? "- I ask him.

"Pauwi na.."

Tumango ako sa kanya at akmang tatayo na sana ng pigilan niya ako.
"Magpahinga ka nalang muna ulit baka makasama sa katawan mo ang ma binat. Hindi ka pa fully ok"

"Ok na ako"

"Wag nang matigas ang ulo maica! May sinat ka pa"pagkasabi niya non nilapat niya ang kamay niya sa noo ko. Tinampal ko naman Ito at tinignan siya ng masama

"I said! I'm ok! You got that?.. "-inis na sabi ko sa kanya. Ito ang ayaw ko na mangyari. Na kapag nalaman nila na nagkasakit ako grabe sila kung mag-alala.isang daplis lang nga sa balat ko nagaalburuto na sila sa galit.tsk!.Tumayo siya sa pagkakaupo sa kama ko at nagpakawala ng isang buntong hininga.

"Mahirap ba talaga sayo na ipaintindi na kailangan mong magpahinga muna? "-inis na sabi niya

"Mahirap rin ba sayong ipaintindi na kaya ko na!?.. Yan ang ayaw ko sa inyo nila uncle.. Grabe kayo kung mag-alala sa akin.. Sakit lang to ok! Lagnat lang! "- sigaw ko sa kanya.

"Fine! Kung gusto mong wag magpahinga bahala ka na sa buhay mo!.. Hinatayin mo nalang si uncle padating na din yun"-sabi niya sa akin. Kahit kalmado ang pagkakasabi niya ramdam ko padin ang pagkainis sa tuno ng boses niya. Nakita ko nalang siya na lumabas na sa kwarto ko.

BLAGGGG**

Dinig kong pagsarado ng pinto. Galit na siya. Napabuntong hininga ako at napagawi ang tingin Kay zero na nakatayo sa gilid ko.

"What are you looking at? "- inis na tanong ko sa kanya.

"Tsk! Magaling ka na nga! "- inis na sabi niya. Napataas naman ang kilay ko dahil don. Seraulo din to e no!

"Tsk"

"Bakit mo ginawa Kay rid yun? "-tanong niya.

"Pake mo!? "

"Hindi mo ba alam na nagaalala lang sayo yung Tao? "Inis ko siyang tinignan.

"I know"

"Oh! Bakit ginanon mo siya? Alam mo naman pala na nagaalala lang sayo yung Tao. Parang hindi mo gusto na nagaalala siya sayo? "-tanong pa niya

"Sigh* ...hindi sa ganon.. Ayaw ko lang na makita na nag-alala sa akin ang mga Tao"-paliwanag ko sa kanya. Nakita kong tinignan niya ako ng mariin kaya iniwas ko ang tingin ko. Parang hinihigop ako sa paraan ng pagtingin niya.

"Why? "- dinig kong tanong pa niya

"Why?.. I don't know! Sadyang ayaw ko lang! Nakasanayan ko lang kasi seguro na hindi nakikitang nag-aalala sa akin ang mga Tao. Na ako ang nag-aalala sa kanila at hindi sila"- sabi ko

"Ang weird mo"sabi niya.

"Prrfftt... I'm I? "- I ask him habang nagpipigil ng tawa

"Tsk!.. Mag pahinga ka na"-sabi niya at tinulak ang balikat ko para makahiga sa kama

"Aistt! Ano ba.. Hinay hinay lang sumakit ang ulo ko e"- sabi ko sa kanya at napahawak sa sintindo ko. Ng akmang hihiga sana ako parang biglang bumigat ang ulo ko at sumakit.

"Ayan! Bumabalik na naman ang lagnat mo! Katigasan kasi ng ulo"- pangaral niya sa akin.

"Tsk! "-sabi ko. Ng maka higa ako ng maayos pinikit ko ang mata ko.

Ashton POV

Nandito parin kami sa sala nila Jamaica ng bigla nalang bumukas ang pinto. Doon nakita namin si sir creg na kakapasok lang. Tumayo naman kaming lahat at binati siya

"Good evening po sir"-kami. Gulat pa siyang napatingin sa amin at ng makabawi bahagya pa siyang napatawa.

"Nandito pa kayo?.. It's almost 7:30 pm.. Baka hinahanap na kayo sa inyo? "- sabi niya

"Nako sir! Hindi po.. At staka po nandito po talaga kami para bisitahin si Jamaica"- nakangiting sabi ni kit Kay sir

"Ganon ba "- siya. Napatango naman kami. Napatingin siya sa hagdan ng makita naming pababa si rid at nakasalubong ang kilay at parang inis na inis.

What happened?
"Rid! Kamusta si maica? "- salubong ni sir sa kanya.

"Tsk! Maayos na! Nakakasigaw na nga e! "- inis na sabi ni rid

"Hay! Nag away na naman kayo?.. Nako! Kayong dalawa talaga.. Sandali lang titignan ko lang siya sa itaas"- paalam ni sir at umakyat na sa hagdan. Napabaling naman ang tingin namin Kay rid na nakaupo sa sofa at salubong parin ang kilay

"Anyare sayo? Parang inis na inis ka ah! "- tanong ni Carl sa kanya.

"Tsk! Wala"- siya at iniwas ang tingin sa amin

"Ano nga!? Ito ang kj"- tukso naman sa kanya ni trina

"Aist! Ano ba! Wala ako samood ok! Umuwi na nga kayo! Ok na yung binisita niyo"- inis na sigaw niya sa amin.

"Ewan namin sayo! Bahala ka diyan.. "- sabi ni karen sa kanya at pagbagsak na umupo sa inuupuan niya kanina. Umupo na din ako at pinikit nalang ang mga mata. Iniisip ko pa din ang nakita ko kanina. Ngayon na nakita ko ng harapan si sir creg ano ba talaga siya? May kakaibang aura akong nararamdaman sa kanya.

Sir creg POV

Ng makarating ako sa kwarto ni maica nakita ko si Mr. Lopez

"How is she? "- bungad na tanong ko sa kanya pagkapasok ko sa pinto. Gulat pa siyang napatingin sa akin at nakatingin lang sa akin.

"Mr. Lopez? "

"Ahmm-.. S-hes ok po.. Medyo bumalik lang yung lagnat niya"- paliwanag niya sa akin at mukhang nahihiya pa dahil hindi makatingin sa akin ng deretso. Napangiti naman ako ng palihim dahil sa asal niya. I don't know basta nasisiyahan akong makita siya.

"Ganon ba.. Tatawag nalang ako sa private doctor namin para maasikaso siya ng maigi.. Tutal gabi na din..seguro umuwi na muna kayo"- sabi ko sa kanya

Kita ko sa mga mata niya na hindi niya pa gustong umuwi. Napatingin siya Kay maica na mahimbing na natutulog.

"Sigh* ok po"- sabi niya sabay tingin sa akin

"Hatid na kita sa baba. "- aya ko. Tumango naman siya at lumabas na kami. Pagkababa namin nakita namin ang mga kasama niya na napatingin sa amin

"Tara na guys.. Umuwi na muna tayo"- aya niya sa mga kasama niya. Taka naman siyang tinignan ng mga Ito.

"Ok na ba si maica? "- tanong ni mr. Ashton Smith. Napatingin ako sa kanya at hindi ko mapagkakaila na may pagkakahawig sila ng emperor. Anak nga siya nila. Ang mga batang Ito malaki ang responsibilidad na naka atang sa kanilang mga balikat. Sana sa huli makayanan nila.

"Magpapatawag nalang ako ng private doctor... Kaya soon magiging ok na din siya.. Segi na umuwi na muna kayo.. Bukas niyo nalang siya ulit bisitahin.. Segurado ok na siya bukas"- nakangiti kong sabi sa kanila

"Ganon po ba sir. Segi po Alis na po kami.. "- nakangiting sabi ni ms. Smith sa akin

"Segi na.. Ingat kayo sa paguwi"- sabi ko sa kanila ng makalabas sila sa pinto. Isa isa naman silang sumakay sa sasakyan na dala nila. Bago pa makapasok si mr. Lopez sa loob napatingin pa siya sa gawi namin ni rid at kumaway at ngumiti.

Hindi ko alam pero ang gaan ng loob ko sa kanya. Napatingin naman ako Kay rid ng tapikin niya ang balikat ko.

"Tara na sa loob uncle"- aya niya. Tumango naman ako. Nakasalubong ko naman si manang dita na kakagaling lang sa kusina.

"Nako nandito ka na pala sir.. Ready na po ang hapunan.. Dadalhan ko nalang po si maica sa taas para makakain na din siya"- sabi ni manang

"Salamat manang.. Aakyat nalang muna ako sa taas magpapalit lang ako..."tinignan ko naman si rid"mauna ka na susunod nalang ako"-sabi ko sa kanya at tumuloy na paakyat sa kwarto ko. Pero bago ako pumasok parang may Mali. Napatingin ako sa doorknob at hindi Ito nakasara ng maayos.

May pumasok ba dito?

Tinulak ko ang pinto at pagkapasok ko ng tuluyan. Nilibot ko ang paningin ko.

Wala namang nagalaw at nawala.

Pumunta ako sa mesa ko at tinignan ang cctv footage sa kwarto ko. Napaseryoso ako ng makita ko ang isang Tao na hindi ko inaasahan na makakapasok sa kwarto ko.

Iba talaga ang batang yun. Pareha sila ng mga magulang niya at ng kakambal niya. Nasa dugo na nga nila seguro ang curiosidad sa sarili. Ganyan na ganyan din ang kakambal niya. Tsk!

Ano na ngayon ang gagawin mo. Tutal may hinala ka na tungkol sa nakita mo?

-------------------------------------------------------------

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top