CHAPTER 65


Zero POV

Ng makita ko siyang ginaw na ginaw at nakabukas pa talaga ang aircon ng kwarto niya Dali Dali ko naman itong pinatay,  pagkatapos lumapit ako sa kanya at kinapa ang noo niya. Ang taas talaga ng lagnat niya. Naisipan ko na munang bumaba at ipaghahanda ko siya ng makakain niya para makainom siya ng gamot kaso naalala kong anong iluluto ko sa kanya..

Ang tanga mo zero malamang anong niluluto para sa taong may sakit. Malang pagkain na may sabaw basta mainit

>_< kainis

Pagkababa ko at dumiretso na ako sa kusina nila. Tamang tama naman nakita ko ang isang katulong nila. Nakatalikod siya sa akin at Hindi ako napapansin. Lumapit ako sa kanya at kinalabit siya sa balikat

"Mana----"

"AY JUSKO PO!!! "naputol ang sasabihin ko dahil nagulat ko pa yata. Napangiwi akong nakangiti sa kanya habang napahawak ako sa batok

"Ano ka ba namang bata ka!!  Papatayin mo ba ako sa nerbyos? "- inis na tanong niya sa akin. Bakas parin ang pagkagulat sa kanya dahil nakahawak pa din siya sa dibdib niya at hinahabol ang paghinga.

"Hehehe..s-sorry po.. E-M-manang pwede po bang makahingi ng isang gamot para sa lagnat po? "-tanong ko kaagat sa kanya

"B-bakit? M-may nangyari ba Kay M-maica?.. Anong nangyari sa kanya sa taas? "- bilis na tanong niya sa akin. Alam kong nagaalala na siya. Sino ba naman ang hindi mag-aalala. Sinarili ba naman ang sakit niya. Pati nga seguro uncle niya hindi alam ang sitwasyon niya. Tsk

"M-mataas po ang lagnat e"

"Nako! Yung batang yun talaga... Kaya naman pala ayaw pumasok may lagnat.. O siya sandali kukuha lang ako.. Umakyat kana at bantayan mo siya ako na ang maghahatid sa taas"

"Salamat po...hintayin ko nalang po sa taas..kukuha nalang po muna ako ng pangpupunas sa kanya"

"Oh.. Sige ikaw na bahala diyan sandali lang ako"paalam ni manang  at umalis na. Nginitian ko nalang siya at kumuha na ng malinis na towel at basin na may maligamgam na tubig. Pagkatapos umakyat na ako pabalik sa kwarto niya. Pagkapasok naabutan ko siyang nakatulbong pa din ng kumot .napabuntong hininga ako.

Lumapit nalang ako sa kanya at nilagay sa isang tabi ang basin at binasa ang towel. Piniga ko ito at pagkatapos kinuha ko ang kamay niya pinunasan siya sa braso. Hindi ko naman nakitang nagreklamo siya dahil ang himbing ng tulog niya. Pinunsan ko lang siya at ng matapos nilagyan ko ng basang bimpo ang noo niya.

Seguro kapag umakyat nalang si manang. Sasabihin ko siyang palitan nalang ng damit si jamaica. Umupo ako sa tabi ng kama niya at tumingin sa kanya.

'Ano bang ginawa mo at nagkalagnat ka? Tsk.. '

Dumating naman si manang na may dalang gamot at pagkain para kay Jamaica.

"Manang ako na po"

"Nako iho salamat..."ngumiti naman  ako sa kanya at kinuha ang dala niyang tray at nilagay sa mini table ni Jamaica sa tabi ng kama. Tinignan ko naman si manang sa tabi

"Manang pakibihisan naman po siya ng damit.. Basa na po kasi.. Baba nalang muna ako"-sabi ko sa kanya

"Sige "siya. Tumango naman ako at bumaba na. Sinilip ko pa si Jamaica bago bumaba. Napabuntong hininga nalang ako at tumuloy na pababa. Umupo naman ako sa sofa ng biglang tumunog ang phone ko. Kinuha ko ito

~hilton calling~

Sinagot ko naman.

"Hello "

"Bro asan ka ba? Nagaalala na kami sayo bigla ka nalang nawala! "Ramdam ko sa tono ng boses niya ang hindi mapakali at inis. Bago ko siya sinagot I let go a sigh

"Nasa bahay ako nila Jamaica"

"WHAT!!?... A-nong ginagawa mo diyan ?"

"May sakit siya.. Kaya nandito ako para alagaan at bantayan siya"

"So how is she?  OK na ba siya? "

"Hmm... Mataas pa din ang lagnat"

"Sigh* alam ba to ng uncle niya? "

"Hmm.. I think hindi "

"Ok.. Pupunta nalang kami diyan after class.. Kami nalang magsasabi sa mga teacher sa inyong dalawa para excuse kayo'

"Thank you bro"

"Sige.. Kakain pa kami.. Gutom na ako e.. Bye take care "

Pagkatapos niyang sabihin yun pinatay niya na ang tawag. Ako naman napasandal sa sofa at pinikit ang mata ko. Hindi naman nagtagal nakita ko na si manang ma pababa sa hagdan.

"Tapos na po ba manang? "-tanong ko kaagad sa kanya pagkalapit ko.

"Oo..nako!  Lagot ang batang yun pagnalaman ng lolo niya na nagkasakit yun.. At hindi pa niya pinaalam sa uncle niya.. Bakit kasi nagpaulan pa yun kagabi"-galit na sabi ni manang

Nagpaulan siya ka gabi? Bakit naman?

"Ah.. Sige po.. Akyat na ako.. Aasikasuhin ko lang siya"

"Nako!  Salamat iho dahil nandiyan ka?.. Teka ano ka ba ni Jamaica? "-tanong bigla ni manang. Ngumiti naman ako sa kanya

"Manliligaw niya po"-sabi ko at iniwan na siya don na nakatulala.

Bumalik ako sa kwarto niya at mahina siyang tinapik para magising siya. Kailangan niyang kumain para magkalakas siya.

"Jamaica.. Wake up... "

"Hmmm"ungol niya

"You need to eat... Wake up"

"Jamaica"

Kita kong dahan dahan niyang minulat ang mata niya at tinignan ako. Nginitian ko naman siya at tinulungang makaupo. Sumandal siya at inayos ko ang kumot niya. Kinuha ko naman ang niluto ni manang sa kanyang sopas.

"Eat this"

"W-hats t-hat? "- she ask. Bakas parin sa boses niya na paos siya at hirap magsalita

"Sopas.. Kainin mo na to para makinom ka na nga gamot"-

"Say ahhh"- utos ko at nilapit sa bibig niya ang kutsara para subuan siya. Ngumanga siya at sinubo ang kutsara. Hindi naman nagtagal natapos na siya sa pagkain kaso hindi niya naubos dahil hindi niya na kaya.

"Here drink your med. Tapos magpahinga ka na"- sabi ko. Inabot ko sa kanya ang gamot pati ang tubig. Pagkatapos niyang uminom humiga na siya at nagkumot ulit. Kita kong pumikit siya at malalim ang paghinga niya. Kinapa ko naman ang noo niya at mainit pa din siya pero hindi na katulad kanina na ang init init niya talaga. Nilagyan ko siya ulit ng bimpo sa noo at inayos ang kumot niya. Tinitigan ko lang siya ng ilang minuto bago ko pasyaheng maupo sa upuan na nasa study table niya. Sinandal ko ang ulo ko at hindi ko at natulog na muna

Ashton POV

Natapos ang klase namin na hindi ko namalayan. Iniisip ko lang kasi kong maayos na ang kalagayan ni Jamaica. Nabalitaan ko kasi kay hilton na may sakit daw siya at nandon si zero don para bantayan siya. Nabalitaan lang namin ang lahat kaninang lunch. Katulad ko nagaalala din ang mga kasama ko sa kanya. Kaya pala hindi siya nakapasok.

At  kanina lang namin nalaman na uncle Pala ni Jamaica ang bago naming teacher. Kung hindi pa nagaalala ng sobra si rid hindi pa namin malalaman

Flashback

Natapos ang morning class namin pero ni bakas ni zero hindi pa namin nakikitang bumalik. Matapos ng biglaan niyang paglabas sa classroom na sinundan naman ni crisha hindi na namin siya nakita. Maski si crisha hindi nadin bumalik.

Ngayon nandito kami sa cafeteria at kumakain ng lunch.

"Nasan na ba si kuya? "-maypaalalang tanong ni Karen sa tabi ko habang nilalagyan ko siya ng pagkain sa pinggan.

"Hilton tawagan mo nalang"-utos ko Kay hilton. Kita kong magdadahilan pa sana siya sa akin ng magsalita ako

"Wag kang magdadahilan na wala kang load.. Alam mong walang maniniwala sayo.. Sa araw araw niyong katawagan At katext ni daine.. Mawawalan ka ng load? "- sarcastic na sabi ko sa kanya

"Prrfffttt...Bwaaahahahahahaha"tawa nila carl

"Putcha!  Oo na!! "- sabi niya at tinawagan si zero. Nakatingin lang kami sa kanya at naghintay

"Hello"
"Bro asan ka ba? Nagaalala na kami sayo bigla ka nalang nawala! "- dinig naming tanong niya

"WHAT!!?... A-nong ginagawa mo diyan ?"-nakaramdam kami ng kaba dahil sa sinabi niya. Nasan ba si zero?

"So how is she?  OK na ba siya? "-may paalala sa boses niyang sabi yun

"Sigh* alam ba to ng uncle niya? "

"Ok.. Pupunta nalang kami diyan after class.. Kami nalang magsasabi sa mga teacher natin sa inyong dalawa para excuse kayo"

"Sige..kakainin pa kami bro.. Gutom na ako e bye take care"

Pagkatapos niyang sabihin yun. Binaba niya na ang tawag

"So ano na? "- tanong ni trina

"Hmmm.. May lagnat si Jamaica"

"WHAT!!! "Napatingin kaming gulat na gulat Kay rid ng sumigaw siya

"O-o... Sabi ni zero nasa bahay siya nila Jamaica.. Binabantayan niya..."- gulat na sabi ni hilton sa kanya

"Fcking shit... Uncle need to this"- sabi ni rid at tumayo na tapos tumakbo na palabas ng cafeteria. Nagkatinginan naman kaming natira sa table

"Tara sundan natin"- aya ni Carl at wala na nga kaming nagawa at sundan si rid na papunta sa... OFFICE NI SIR CREG?

Nakita namin siyang walang katok katok na binuksan ang pinto kaya sumunod naman kami sa kanya doon naabutan namin si sir creg na pasubo ng kinakain niyang lasagna

"UNCLE CREG! "sigaw ni rid kaya nahulog ang kutsara ni sir sa pagkakahawak niya at inis na tinignan kami

"PPRFFFFTT"- Pigil na tawa namin.. Epic ..pero ng makita naming tinignan niya kami ng matalim napatahimik nalang kami

"ANO BA!  KITANG ORAS NG PAGKAIN INIISTORBO... ANO BA YUN RID? "- sigaw niya sa amin

"U-uncle si Jamaica kasi... May s-sakit"- utal na sabi ni rid

Uncle? What the hell! Si sir creg ang uncle niya? Papaano?

"What did you said? "- hindi makapaniwalang tanong no sir creg.

"May lagnat si Jamaica uncle"- sabi ni rid.

Flashback end

Ngayon papunta na kami sa bahay nila Jamaica para bisitahin siya. I hope ok na siya. Hindi ko alam pero ang tindi ng kaba at pagaalala ko sa kanya. Parang gusto ko siyang nasa tabi niya lang ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top