CHAPTER 62
Jamaica POV
Pagkahatid sa amin ni rid nila zero. Hindi na kami nagaksaya pa ng oras at naghanda na. Ngayon na namin gagawin ang pinapagawa ni uncle. Ayaw ko nang ipagpabukas pa. Para saan pa kung pwede naman ngayon.
Tinignan ko ang katana ko at nakita ko ang repleksyon ko sa patalim ng katana ko. Ang kulay crimson red kong Mata.
"Princess are you ready? "- tanong ni rid pagkabukas niya ng pinto ng kwarto ko. Tinignan ko siya ng poker face. I just nod at him at nauna nang lumabas. Sinukbit ko ang katana ko sa likuran ko at sinuot na ang maskara ni ferox.
Nakita namin sa baba si uncle at may binigay siya sa aming tracking device.
"You can find them just follow the red dot. "- paalala niya.
Nag nod nalang kami ni rid at nagpaalam na aalis na. Maingat kaming lumabas ng bahay ni rid at sumakay sa kotse na gagamitin namin ngayong gabi. Si rid ang nakatukang may drive habang ako ang nakahawak ng tracking device. Hindi din nagtagal nakarating na kami sa sinabing lugar ng tracking device.
Himinto kami ni rid sa tagong lugar at kita namin sa di kalayuan ang isang malaking bahay na walang ilaw na makikita. Agaw pansin din Ito dahil Ito lang ang bahay na hiwalay sa ibang bahay.
"Be ready rid"- I said to him at nauna nang lumabas sa kotse. Maingat naming inakyat ni rid at malalaking pader ng bahay. Ng makapasok na kami. Aakalain mo talagang wala nang nakatira dito dahil sa mga Patsy na halaman na nakalagay sa mga Paso. At mga nakakalat na mga dahon sa daan.
Napatingin ako sa taas at nakita kong nakabukas ang isang bintana doon. Sininyasan ko si rid at tinuro ang bintana sa taas. Nakuha niya naman ang ibig kong sabibin at Maingat na inakyat ang pader. Good thing dahil may malalaking baging na nakasabit sa pader.
Ng masigurado kong nakapasok na si rid .pinuntahan ko naman ang pinto at nakabukas. Napailing nalang ako. Pinahirapan ko pa si rid nakabukas naman ang pinto. Kapag nalaman niya to segurado ako tatalakan ako non.
Pumasok na ako sa loob at bumungad sa akin ang mga puting tela na katabon sa mga sofa at iba pang gamut dito sa bahay nato.
Naramdaman kong parang may papalapit sa akin kaya nagtago ako sa gilid kung saan madilim na parte.
"Bro kailan kaya tayo bibigyan ng misyon ni boss.. Tinatamad na ako sa pinapagawa niya. "- rinig kong may nagsalita. At nakita ko ang dalawang lalaki na kabilang sa limang target namin ni rid ngayon.
Napahinto sila sa harapan ko kung saan ako nagtatago ngayon. Nakatalikod silang dalawa sa akin kaya hindi nila ako nakikita. Dahan dahan kong kinuha ang dagger ko at mabilis na tinutok sa leeg ng unang lalaki na malapit sa akin sabay sipa sa dibdib ng kasama niya. Hinawakan ng tinutukan ko ang kamay ko at pinilipit niya Ito. Umikot ako at sinipa siya sa balikat sabay suntok sa mukha niya.
"Shit! Who are you! "- galit na sigaw niya sa akin. I smirk. Narinig ko naman na nagkakagulo na sa itaas. I think nagsisimula na si rid. Kinuha ko at katana ko at tinutok ko sa isang tao na sinipa ko kanina na ngayon nasa likuran ko.
"F-erox"- sabi niya ng maaninag niya ang mukha ko
"Arrggggshhhh.... "
"Fcking shit! "
"Dinnn.... Sa likod mo!! "
Napatingin kaming tatlo aa itaas ng marinig namin ang mga sigaw na yun.
"Shit! "- mura nila ng sabay at sumugod na naman sa akin. Sabay nila akong sinuntok pero yumuko ako at tumakbo sa likod nilang dalawa. Winasiwas ko ang katana ko at pinatamaan ang isa sa pisngi. Kita ko kung paano umagos ang dugo don. Shit nabubuhay ang demonyo sa loob ko dahil sa dugo.
Tumalon ako ng mataas at pagkalapag ko sa sahig yumuko ako sinipa ang paa nilang dalawa kaya napadapa sila.
"Arrgggshh"- daing nila.
"Hindi ko aakalain na black assassin pala kayo.. Looks can be deceiving nga naman.."-sabi ko sa kanila at dinaganan ng paa ko likod ng isa at tinutukan ko naman ang isa ng katana ko.
"Soccer player huh"- sabi ko pa
"S-aarrgghh.. Sino k-a ba? "- sabi ng dinaganan ko.
"I think let's end this"- sabi ko at mabilis silang dalawa pinatay. Kitang kita ko ang pag-agos ng dugo nila sa leeg.
Napatingin ako sa taong bumaba na nagpupunas ng matyang dugo sa mukha at kamay niya
"Let's go.. Ang brutal mo talaga"- sabi niya sa akin at nauna nang lumabas.
Mission accomplished
Crrriiingggggggg criiiiingggg
Kinapa ko ang alarm clock sa bed side table ko. Who put this thing on my room? Pinatay ko nalang at umupo na sa kama ko. Shit ramdam ko ang puyat at sakit ng katawan ko. Inikot ikot ko ang ulo ko sabay hawak sa batok.
Tumayo na ako at pumunta sa banyo. Kailangan ko nang mag-ayos may pasok pa ako. Hindi ba pwedeng kahit isang araw lang. Wala na akong gagawin at magpapahinga nalang ako?
Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili bumaba na ako at nakita ko naman si uncle na kumakain na sa kusina.
"Si rid umuwi ba kagabi sa condo niya? '- tanong ko kay uncle pagkaupo ko sa harapan niya.
"Hindi nasa guest room siya natutulog pa"- sagot ni uncle sa akin. Nag nod nalang ako. Pagod na seguro kagabi kaya hindi na kinayanan pang umuwi sa sarili niyang condo.
"Pasok ka na ba? "- tanong ni uncle pagkatapos niyang uminom ng kape niya.
"Yeah.. "- ako
"Sabay na tayo"- sabi ni uncle. Pagkatapos naming kumain umalis na kami at iniwan na si rid. Wala yatang planong pumasok yun.
Pagkarating namin sa school nauna na akong bumaba Kay uncle baka ano pang isipin ng mga students dito pay nakita nilang magkasama kami ni uncle.
Pagkapasok ko sa room hindi ko alam ang magiging reaction ko. Nakita ko lang naman kasi si crisha na nakaupo sa upuan ko at nakasandal Kay zero.
Napabuntong hininga naman ako at napailing nalang. Nang makita ako ni zero tumayo siya at lumapit sa akin.
"Morning "- sabi niya at hinawakan ang kamay ko. Tinignan ko naman ang binigay niyang rose sa akin. Parang nawala bigla ang inis ko kanina dahil sa kanya.
"Zero.. "- napatingin kami Kay crisha na nasa likod ni zero. Napatingin siya sa akin tapos sa rose na hawak ko
"Ow.. Jamaica nandito ka na pala.. "- sabi niya at nginitian ako. Hindi ko naman magawang ngumiti sa kanya.
"Crisha.. Bumalik kana sa upuan mo si Jamaica ang nakaupo diyan"- cold na utos ni zero kay crisha
"Huh! Wala namang pangalan niya diyan ah.. So pwede akong umupo... Kaya Tara na zero nandiyan na si sir"- sabi ni crisha at hinila na si zero Paupo. Tututol sana si zero nang pumunta ako sa tabi nila Karen at Ashton at umupo sa upuan ni rid. Wala naman siya so dito nalang muna ako uupo.
Pagkaupo ko nagsalita si karen
"Ate maica okay kalang?.. Nakakainis na talaga ang babaeng yan "- gigil na sabi ni karen. Nakita lo naman na hinawakan ni Ashton ang kamay niya at pilit siyang pinapakalma
"Karen stop that... Hayaan niyo na siya.. Pagtinuonan niyo pa siya ng pansin baka magkagulo pa. Ayaw kong umabot pa to kila mom "- alalang sabi ni ashton
"Karen.. Ashton is right. Hayaan niyo na siya.. Maybe na miss niya lang kasama si zero kaya ganon"- sabi ko. Tinaasan ako ni karen ng kilay
"Martir ka na ba? Ate hindi mo nakikita... Inaahas niya si kuya sayo"- sabi ni Karen. Napatigil naman ako sa sinabi niya.
"Karen.. Hindi naman kami ng kuya mo.. Kaya kung magkagusto siya kay crisha OK lang sa akin yun"- sabi ko
"Ewan ko sayo.. Basta sa huli sana wag kang magsisi"- sabi niya at tinuon na ang pansin kay sir na nagdidiscus sa unahanan.
Napatingin naman ako sa ballpen ko at pinaglaruan Ito. Napaisip naman ako.
Tama ba tong disesyon ko? Paano kapag nangyaring magkagusto ulit si zero kay crisha. May possibility din yun. Haist! Ano bang gagawin ko?
-------------------------------------------------------------
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top