CHAPTER 61
Jamaica POV
Natapos ang klase namin na wala akong nalaman sa tinuro ni uncle. Hindi ko din alam kong magaling siyang magturo.
"OK class.. Good bye. See you all in our next meeting... Ms. Selvirino and Mr. Rid Felix Tan. Pwede ko ba kayong makausap? Sumunod nalang kayo sa akin sa office ko"- sabi ni uncle
Nakita kong napatingin sa amin ni rid ang mga kaklase namin. I just sigh. Tumayo nalang ako at sumunod na Kay uncle. Nakasunod naman sa akin si rid na tumabi din sa akin sa paglalakad.
"Sa tingin mo? Anong paguusapan natin ni uncle? "- bulong na tanong ni rid. Nagkibit balikat nalang ako. Tutal wala naman akong alam
Hindi din naman nagtagal nakarating na kami sa office ni uncle. Hindi na kami kumatok ni rid. Para saan pa? Pagkapasok palang namin sa pinto. Mahahalata mo talagang maganda ang pagkakaayos ng office niya. Malaki din ito di katulad ng office ng ibang teacher and faculty staff dito sa academy.
"Have a sit'- pormal na saad ni uncle. Tinuro pa niya ang dalawanv upuan sa harap ng table niya.
"Don't be formal uncle...be casual to us"- sabi ko pagkaupo ko sa upuan. Kaharap ko naman si rid na nagpipigil na naman ng tawa. Sinipa ko naman ang paa niya sa baba
"Pprrfft.. Aray! "- dain niya habang hinihimas ang paa niya na nasipa ko.
"Anong problema mo princess? "- tanong niya sa akin. I just gave him a smile.
"Tama na nga yan! Nagaaway na naman kayo! "- singhal ni uncle. Tinignan naman namin siya ni rid ng seryoso at masama. Nageenjoy pa nga kami
"Tigilan niyo ako sa tingin niyong dalawa... Di niyo ako madadala diyan.. Paguntugin ko kayo "- seryosong sabi ni uncle sa amin. Napasimangot naman ako. Ayaw makisabay ang kj talaga.
"Oo na... Ano ba kasi yun? At bakit pinatawag mo kami? "- tanong ko
Nakita kong may kinuha siyang folder at bigla nalang inabot sa akin. Kinuha ko naman ito at tinignan. I saw a five boy. Lahat sila soccer player. Nakilala ko naman sila kaagad.
"Sila ang una nating I- eliminate...kasapi sila ng black assassin.. Magaling silang magpanggap "- saad ni uncle. Tiniklop ko ang folder at nilagay sa mesa niya.
"Kailan sisimulan? "- I ask
"Smirk* ikaw bahala princess... Nakasangga lang sayo si rid"- sabi niya. Napatango naman ako.
"Ok.. Tapusin na natin to"- sabi ko at tumayo na. Tumayo na din si rid at nagpaalam na kami Kay uncle.
Paglabas namin ni rid. Nagulat nalang kami dahil nakita naming si zero kasama sila Ashton at Karen. Nakatayo silang tatlo sa gilid ng pinto na mukhang may hinihintay.
"Zero.. Anong ginagawa niyo dito? "- tanong ko sa kanila. Bago sumagot si zero sa tanong ko tinapunan niya muna ng masamang tingin si rid na tahimik lang sa tabi ko.
"Hinihintay kayo.. Wala tayong class sa next subject kaya nagaya sila Trina na mag bar"- sabi niya
Bar? Maaga pa ah. At may kailangan pa kaming gawin ni rid.
"Saan ba? "- tinignan ko na nagtataka si rid. Seryoso siya ? Sasama siya?
"B-ut rid--"
"It's OK.. Maica maaga pa naman para sa pinapagawa ni uncle sa atin"- sabi niya. Napabuntong hininga naman ako.
"So.. Sama kayo? "- tanong ni Karen na nakangiti sa amin
"It's OK with me.. I don't know sa kasama ko"- sabi ni rid. Napatingi naman silang apat sa akin.
"Sigh ** fine.. '- sapilitang payag ko.
"Yehey! This will going to fun!! Makakawala na din sa paningin ni the bitch crisha"- excited na sabi ni Karen. Napailing nalang ako.
"Tara na.. Kanina pa sila naghihintay sa parking lot"- sabi ni Ashton. Nagsimula na kaming maglakad. Medyo na uuna kami ni zero at ang tatlo nasa likod. Tinignan ko si rid na tahimik lang na naglalakad sa tabi ni Karen. Si Karen naman at Ashton magkahawak ng kamay.
I felt sorry for rid.
"Ano bang inutos sayo ng uncle mo? "-curios na tanong ni rid habang naglalakad kami.
"Ahmm.. Smile.. Secret"- sabi ko sa kanya. Tinaasan Niya naman ako ng kilay.
"Bakit? Confidential ba? "- tanong pa niya.
"Nod **.yeah"- sagot ko.
"OK"- pagkatapos niyang sabihin fun. Hindi na siya ulit nagtanong. Ng makarating kami sa parking lot. Naabutan namin ang mga mukha nila na naiinip sa paghihintay.
"Ang tagal niyo"- reklamong sabi ni zen
"Sorry.. "- hinging paumanhin ko sa kanila.
"Tara na! Excited na ako"- sigaw ni Trina sa loob ng van.
"Tigilan mo kami Trina.. Hindi ka iinom ng alak don! "- sigaw ni Hilton sa kanya
Napatawa naman kami ng palihim
"Puot ** bar nga diba
.that's mean may Alak na binibinta don. Ano bang iniinom pag sinabing bar.. Diba Alak"- singhal naman ni Trina pabalik
"Prrfftt... Hayaan mo na.. Kaya niya namang tiisin ang galit ni tita Jane"- natatawang sabi ni hannah.
"Tara na nga ewan ko sa inyo"- natatawang sabi naman ni Trina. Pumasok nalang kami sa van. Si Carl ang may dadrive at si kit naman ang kasama niya sa unahan. Sunod naman kami ni zero
Ganit ang arrangements
Carl. Kit
------------------------
Ako. Zero .Zen .hannah
---------------
Hilton .daine. Trina and kael
-----------------
Ashton. Karen. Rid
-------------------------------
Kung hindi niya ma gets. Bahala na kayong umitindi. Nag simula nang mag drive si Carl. Habang sa byahe naramdaman ko nalang na may kamay na humawak sa kamay ko. Tinignan ko si zero.
"Ganito muna tayo"- bulong niyang sabi sa akin. Ngumiti nalang ako at hinayaan siya. Hindi din nagtagal nakarating na kami sa sinasabi nilang bar.
"Ang ganda ng bar na to.. Paano niyo to nalaman? "- biglang tanong ni rid.
"Actually kila kit ang bar na to. Daddy niya ang nagpapatakbo nito na Tito ni hilton "- sagot ni Karen sa kanya.
"Ang laki talaga ng family niyo"- manghang sabi ko Kay zero. Tinignan niya ako at nag smirk
"Hayaan mo kapag nagpakasal na tayo.. Papalakihin din natin ang pamilya natin"- sabi niya. Ramdam kong namula ang mukha ko sa sinabi niya.
"Ang landi mo" nakangiti Kong sabi sa kanya.
"Sayo lang naman ah"
Napayuko na ako dahil sa sinabi pa niya. Shit!
"Hahaha....alam niyo ang keso niyong dalawa"- pangaasar ni kit sa amin. Nahiya naman ako. Tang'ina baka di naming halata dinadaga na kami dito. Hahahaha
"Tara na.. " sabi ni zero at ginayak na ako sa loob.
Pagkapasok namin sa loob. Nakita namin na kunti palang ang customer. Seguro dahil maaga pa. Pumwesto kami sa isang pabilog na sofa. Katabi ko ngayon si zero nakanina pa hawak ang kamay ko. Ayaw niya na yatang bitawan e.
"Wait! Kami na magoorder ng drinks"- paalam nila Hilton at Carl. Tumango nalang kami. Nakita kong may kinausap sila na isang lalaki. Hindi maman siya gaanong katanda. At medyo may hawig din sa kanya si kit. Nakita kong papunta sila sa kinaroroonan namin. Ng makalapit na siya biglang tumayo si kit at hinalikan sa pisngi ang lalaki.
"Napabisita yata kayo? "- tanong ng lalaki.
"Hahaha... Tito kiezer naman. Di pa ba kayo nasanay sa amin. Pasulpot sulpot nalang bigla"- natatawang sabi ni Trina sa tinawag niyang tito kiezer
"Btw dad.. This is rid and Jamaica kaibigan din namin"- pakilala ni kit sa amin ni rid sa tinawag niyang dad. So siya ang daddy niya. Kaya naman pala.
"Hello po"- sabay na sabi namin ni rid. Nginitian niya kami at ng mapadako ang tingin niya sa akin. Hindi ko alam pero ako lang ba ang nakakaramdam na parang nagulat siya ng makita ako
"M-ay problema po ba? '- I ask
Nakita kong napakurap siya at mukhang nabalik sa sariling katinuan
"Ahmm.. W-ala naman... Ang nga in order niyo pala parating na... Hintayin niyo lang dito.. Maiwan ko muna kayo may aasikasuhin lang ako sa office ko"- paalam sa amin ng dad ni kit
"Ang weird ng dad mo kit"- sabi ko Kay kit.
"Ewan... O andiyan na ang drinks! "- sigaw ni kit at pumwesto na kami. Umupo nalang ako ulit. Hindi ko nalang inisip pa ang tungkol sa dad ni kit. Pagkalapag palang ng isang case ng beer una nang kumuha ng alak si Trina at binuksan Ito.
"Sa wakas! Makakatikim din ulit "- natatawang sigaw ni Trina at tinungga na ang alak
"Hahaha... Trina paalala lang wag marami huh"- natatawang sabi ni daine sa kanya
"Ano kaba.. Syempre hindi no.. Hindi ako malalasing.. "- seguradong sabi ni Trina at uminom ulit.
"Here"- kinuha ko ang binigay ni zero na alak.
"Thanks"- ngiting sabi ko sa kanya.
Nag nod nalang siya at uminom na .uminom na din ako.
Hindi na namin namalayan ang oras at nakita nalang namin na medyo dumadami na ang nga customer at nagiinoman. Nag simula na ding tumugtog ang dj sa stage at may kumakanta din.
"Isha pang ashlak! "- lasing na sigaw ni trina.
"Trina tama na.. Lasing kana "- pigil sa kanya ni kael at Inagaw ang alak na iinomin niya sana.
"Ano ba!! Ashkin na shyan"- sigaw ni trina at nakipag-agawan kay Kael
"Trina lasing kana... Tama na yan "- sabi ni Ashton sa kanya at nilayo na ng tuluyan ang nga alak sa harapan ni trina.
Wala nang nagawa si trina at nakita nalang namin na nakatulog na siya sa balikat ni Kael.
"Sabi nang wag masyadong maraming iinomin"- naiiling na sabi ni daine
"Woooooooo!! "
"Woooooooooohhhhhh!! "-
Rinig naming sigawan ng nga Tao na pumunta na sa dance floor at nagsimula nang sumayaw. Nakikita kong nagiging wild na sila.
"Tara sayaw tayo"- yaya ni Hannah Kay Zen at nagpaalam na sila sa amin na sasayaw sila sa dance floor. Hindi kalaunan sumunod na din sila daine at kit kasama sila Hilton at Carl. Kaya natira nalang kami dito nila Ashton
"Hindi ka pa ba nahihilo? Baka mapasubra ka? "- alalang sabi ni zero sa akin.
"Nope.. Hindi pa ako lasing"- sabi ko sa kanya. Tumango naman siya at uminom ulit.
Tumayo si rid kaya napatingin kami sa kanya
"Cr lang ako'- paalam niya.
Nag nod nalang kami. Sinilip ko ang relo ko at kita kong 9:00 na ng gabi. Mukhang natagalan na kami dito.
"I think umuwi na tayo.. Gabi na"- sabi ko sa kanila.
"Hmmm.. Mabuti pa nga.. Lasing na si trina e"- sabi ni karen
Napatawa nalang kami
"I tetext ko nalang sila na sumunod na sa atin sa van"- sabi ni Ashton. Tumango nalang kami at nauna na kaming anim sa labas. Pagkalapit namin sa van. Pumasok na kaagad ako at hindi ko namalayan nakasunod pala sa akin si zero. Tumabi siya sa akin.
"Pagod kana? "- he ask. I just nod
"Matulog ka na muna gigisingin nalang kita kapag nakarating na tayo sa inyo"- sabi niya. Hindi na ako nagsalita pa at sinandal ko sa balikat niya ang ulo ko at pumikit na.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top