CHAPTER 59

Zero POV

Nandito na ako sa kwarto ko. Pagkatapos naming magusap ni crisha kanina hindi ko alam kong nasan na si Jamaica. Seguro nauna na siya sa akin na umalis pagkagising niya. Nakita niya kaya kami ni crisha kanina? Wala ring say-say ang pinagusapan namin ni crisha. Hindi niya pa din sinasabi sa akin ang rason niya kung bakit siya umalis non. Kung ayaw niyang sabihin sa akin it her choice I don't even care. Wala na akong pakealam sa kanya.

Napatingin ako sa pinto ng pabalya itong bumukas. Nakita ko naman ang galit na mukha ni Maxine.

"Kuya! It's true... Crisha is back? "- galit na tanong niya sa akin. Hinarap ko siya at tumango

"How did you know? "- I ask her.

"Ashton told me... Nabalitaan daw niyang pumunta si crisha sa academy... And even Trina at kael nakita siya"-sabi pa niya sa akin.

"Nagusap kayo? "- tanong pa niya. Napabuntong hininga ako bago siya sinagot.

"Yeah"

"So ano... She explain her self to you? "- tanong pa niya. Tumango ako

"Anong sabi niya?

"Maxine wala..wala yun nagkamustahan lang kami... Just ..go back to your room"- sabi ko sa kanya sabay talikod na.

"Kuya naman! ...wala lang ba... Damn.. She's your ex kuya. Kamustahan... Niloloko mo ba ako? Kuya tell me the truth may nararamdaman ka pa ba sa kanya? "-seryosong tanong sa akin ni maxine. Fck! Napasabunot naman ako sa buhok ko sa inis.

"Ano ba maxine... Sinabi ko na sayo na wala na sakin yun! Kahit na sabihin niya sa akin ang reason kung bakit umalis siya non. Wala na akong pakealam. "- sabi ko sa kanya.

"So you move on.. How about her. Nakamove on na ba siya? "- tanong pa niya.

"Nope.. She even beg to me na ibalik namin ang dating kami. "- sabi ko

"WHAT!! that bitch... Siya pa talagang may ganang sabihin yan"- inis na sabi ni maxine.

"Maxine.. I want to sleep. Iwan mo na ako"- sabi ko sa kanya.

"Ok.. But kung gusto mo ng kausap nandito lang ako"- sabi niya at iniwan na ako.

Pabagsak akong humiga sa kama at pinikit ang mata. I'm tired I just want to sleep.

Maaga akong nagising at hindi ko alam kung anong nangyari at naabutan namin sila mom at dad sa dining.

"Mom! Dad.. May cecelebrate na ba kami ni maxine? '- tanong ko na natatawa kila mom bago ako umupo.

"Hahaha.. .bakit naman hindi.. Diba hon? "- tanong ni mom kay dad.

"Oo naman... Hahaha... Na miss lang namin kayo'- sabi ni dad.

"Bakit kasi ang busy niyo... Ano bang bago niyong pinagaaralan mom"- tanong ko.

"Hmm...it's confidential son"- sabi lang ni dad. Nagkatinginan kami ni maxine at nagkibit balikat nalang siya at pinagpatuloy ang pagkain.

Pagkatapos naming kumain nagpaalam na kami kila mom na aalis na. Nakarating naman kami sa academy ng mabilisan malapit lang naman kasi. Ngayon naglalakad kami bi maxine sa corridor at kung totoong nakakatunaw ang titig seguro kanina pa kami tunaw ni Max dahil sa mga titig ng mga students.

Hindi nalang namin sila pinansin at pumasok nalang sa room. Napangiti naman ako ng makita ko si Jamaica na nakatingin sa labas ng bintana.

"Ang crepy mo kuya... Diyan ka na mga"- dinig kong sabi ni maxine sa akin at tumabi na kay Ashton. Hindi ko alam na iba na pala upuan niya ngayon. Napailing nalang ako at pumunta na sa upuan ko. Mukhang malalim ang iniisip ni Jamaica hindi niya kasi ako napansin na umupo sa tabi niya.

"Share you're thought'- bulong na sabi ko sa kanya. Mukhang nagulat pa siya sa biglang pagkausap ko sa kanya.

"Kanina ka pa ba diyan? "- tanong niya.

"Hmm... Hindi naman kararating lang namin ni maxine"- sabi ko sa kanya. Tumango siya sa akin.

"Lalim ng iniisip mo kanina ah.. Ano ba yun? "- tanong ko. Tinitigan niya muna ako bago ako sinagot.

"Don't mind it..."- sabi niya at iniwas ang tingin sa akin. Napakunot naman ang noo ko.

"Ok class good morning...May bago pala kayong kaklase.. Be nice to her"- sabi ni sir pagkapasok niya. Napatingin kami sa babaeng pumasok. Pinandigan niya talaga ang sinabi niya na babawiin niya ako ulit. Tsk.. She's crazy.

Napatingin siya sa akin at ngumiti. I just give her a cold expression.

"Hi! Everyone I know kilala na ako ng iba sa inyo.. Especially the student council.. Am I right zero "- sabi niya. Nakita kong napatingin sa akin si Jamaica.

"I'm crisha Mae quinto.. I came from amerika bumalik ako dito dahil gusto kong ibalik ang dati na iniwan ko. "- nakangiti niyang sabi. Tsk.

"Do you know her? "- dinig kong tanong ni Jamaica sa akin. Bumuntong hininga naman ako bago ko siya tinanguan.

"Kaya pala nakatingin siya sayo? "- biglang tanong pa niya.

"You sound like you jealous... Are you? - tanong ko sa kanya habang nakangiti. Inirapan niya naman ako.

"Why would I? "

"Kahit titigan niya ako... Alam mo naman na ikaw parin ang titigan ko"- sabi ko sa kanya at hinawakan ang kamay niya. Pinagsiklop ko naman ang mga daliri namin at sinilip ko siya. Kita kung paano pumula ang mga pisngi niya at hindi din siya makatingin sa akin. Nilapit ko ang bibig ko sa tenga niya at bumulong.

"I really like the way you blushed "- I said to her. Bigla naman siyang napatingin sa akin kaya ngayon magkalapit na ang mukha namin. Kita ko kung paano siya nagulat ngumisi naman ako.

"AHEM..!! "-

Bigla namang iniwas ni Jamaica ang mukha niya at napayuko. Inis ko namang tinignan sila Hannah sa likuran namin at kita kong may nginunguso sila sa unahan namin. Taka ko namang tinignan Ito. At doon nakita ko ang nakakapangasar na ngiti ni sir.

"Mr. Zero lopez... Sana sinabihan mo nalang ako kung ayaw mong makinig sa klase ko. At gusto mong makipagusap kay Ms. Selvirino.. Pagbibigyan naman kita e"- pangaasar na sabi ni sir.

"Segi sir next time sasabihan na kita"- pangsasabay ko sa sinabi niya.

"Hahahhahaha.... "- dinig kong tawanan nila Zen sa likod.

Kita kong napailing nalang si sir.

"Seryoso ka don huh? "- tanong sa akin ni Jamaica. Nilingon ko Naman siya.

"Oo naman.. Ayaw mo non.. Bibigyan tayo ng time ni sir"- pangaasar ko sa kanya. Inirapan niya lang ako. Pagkatapos naming magusap nagdiscuss na si sir. Ako naman pinaglalaruan ang kamay namin ni Jamaica na magkahawak.

Hindi naman nagtagal natapos na ang klase namin. Papaalis na sana kami ng bigla nalang may lumapit sa amin.

"Hi! Pwede ba akong sumabay sa inyo? "- tanong ni crisha habang nakangiti. Sinilip ko si Jamaica at kita kong naiinis siya. Hinawakan ko nalang ang kamay niya.

"Hindi pwede"- galit na sabi ni Maxine.

"Bakit? Di ba noon magkasabay naman tayong lahat kumain ng lunch"- sabi ni crisha.

"Crisha.. May mga bagay na hindi na pwedeng ibalik ang dati.. Tandaan mo yan "- galit na sabi din ni Trina. Inirapan siya ni crisha at nagawi sa akin ang kanyang tingin.

"Smile** zero ca---"-

"Let's go"- nakangiti kong sabi kay Jamaica at tinalukaran na si crisha. Hinila ko naman si Jamaica at ramdam kong nakasunod din sila.

"Arrggghh.. Bakit kasi bumalik pa siya? "-dinig kong sabi ni Hannah sa likuran

"Love.. Maybe she has a reaso---'

"What kinakampihan mo siya.. Zen naman"

"No it's not that... Sigh ok fine.. Baka magaway pa tayo'- sabi ni Zen.

"Sino ba siya, dati niyo ba siyang kasama ?"- napatigil kami dahil sa tanong ni rid.

"She's zero ex"- deretsong sagot ni Ashton. Kita ko kung paano nagulat si rid sa nalaman niya.

"Tsk ...wag na natin siyang pagusapan... Gutom na ako"- sabi ni Carl at nauna na sila ni kit sa loob ng cafeteria. Tinignan ko si Jamaica ang tahimik niya na naman.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top