CHAPTER 57
Jamaica POV
Napatahimik kaming lahat dito sa kusina ng marinig namin ang sigawan nila Ashton at Karen sa loob. Nakatingin lang kami sa pinto at pinapakinggan silang dalawa. Nagulantang nalang kami ng bigla nalang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Ashton na blanko ang expression. Tinignan niya kami ng matalim kaya napaiwas nalang ang mga kasama ko pero ako nginitian ko ng nakakaloko si ashton.
Bago siya umupo sinulyapan niya ako na parang nagtataka siya. Akala niya hindi namin alam. Sumunod naman na lumabas si Karen na pulang pula ang mukha at pilit na tinatago ang ngiti niya sa labi. Hahahaha....I knew it.
"Para kang baliw na nakangiti diyan.. Ang crepy mo na tignan"- napangiwi ako sa binulong sa akin ni zero. Panira talaga ang isang to.
"Che! Kumain ka na nga lang diyan"- sabi ko sa kanya. He give me a smile but a weird smile. Langya.
Napailing nalang ako at hindi na siya pinansin. Tinapunan ko nalang ng tingin si Karen na ngayon nakaupo na sa harapan ni Ashton. Kita pa din ang pagkapula ng pisngi niya. Hindi din siya makatingin kay Ashton ng diretso nakayuko lang siya sa piggan niya. Itong dalawang to hindi pa magaminan ng diretso. Oh well wala na akong pakealam sa kanila kaya na nila ang saril nila.
Nag pahuli ako ng pasok dahil ayaw ko pa ding pansinin si rid.Kakapasok ko palang sa room ng maagaw ng pansin ko ang arm chair ko. Lumapit ako sa upuan ko at tinignan ang red rose na nandon. May nakita naman akong note kaya binasa ko.
I hope I can see your beautiful smile this morning.. 😘
--zero
Napangiti naman ako. Nilibot ko ang paningin ko at napadako yun sa isang tao na kakapasok lang. Napatingin siya kaagad sa akin. He smile to me.
"Ay nako wala ba kayong balak umupo man lang... Tatayo nalang kayo at magtitigan habang nagngingitian? "- nakataas na kilay na sabi ni Trina sa amin. I see her smile to me. Napaiwas nalang ako at umupo nalang sa upuan ko. Tumabi naman si zero sa akin. Pinakita ko sa kanya ang red rose at tinaasan siya ng kilay.
"Red rose... Again? "- sabi ko sa kanya. Nginitian niya ako.
"Ano ba gusto mo.... White rose? "- he ask.
"Hahaha.... Zero Hindi ko kailangan ng rose o material na bagay"- sabi ko sa kanya. Simula nong nakaraang araw nag bibigay na siya sa akin ng red roses. Baka hindi ko na namamalayan mapuno na ng roses ang kwarto ko.
"You know what I want? "- I ask him. Napakunot ang noo niya sa sinabi ko.
"Ano? "
Nginitian ko siya at nakita kong pumasok na si sir.
"Soon "- I just said at nagayos na ng upo. Kita ko kung paano siya nagulat sa sinabi ko. Hahaha.... Iniexpect niya talaga na sasabihin ko sa kanya.hahaha.. Hulaan niya
Natapos ang klase namin at lunch time na. Sinilip ko si zero at nakakunot pa din ang noo niya. Hahaha... Seryoso... Iniisip niya talaga ang sinabi ko. Hahaha.. Kinalabit ako ni Hannah
"Anyare diyan? "- tanong niya habang nakaturo kay zero na mukhang wala sa sarili habang naglalakad papunta sa cafeteria. Nakahawak pa siya sa chin niya na mukhang nagiisip.
"Prrfftt.... Wala... Hayaan mo na"- sabi ko sa kanya. Kita kong napatingin siya sa hawak kong red rose
"Red rose... Again? "-she said. Habang nakataas ang kilay. Nag nod naman ako. Nag kibit balikat nalang siya. Pumasok nalang kami sa cafeteria at umupo sa usual spot na table namin. Dating gawi ang mga boys ang bibili ng pagkain naming mga girls. Hindi naman sila natagalan dahil ginamit naman nila ang charm nila sa mga girls na nakapila sa counter ang boys student naman natakot kaya tumabi na din. Napailing nalang kaming mga girls.
Nagsimula na kaming kumain at napansin kong kanina pa hindi mapakali si rid. Kahit kanina sa room parang wala siya sa sarili niya.
"May problema ba rid? - kahit galit ako sa kanya ,nagaalala pa din ako sa kanya. Tinignan niya ako na parang gulat na gulat. Tinaasan ko naman siya ng kilay.
"Ahmm... A-ano w-wala"- siya at umiwas ng tingin.
"Hey.. Bro tuloy ba yung visitor dito sa academy ngayon? "- tanong bigla ni Carl kay Ashton. Nagtaka naman ako. May bisita?
"Yes ..tuloy yun.. I think naghahanda na sila tita kris sa pagdating ng taong yun"- sabi ni ashton pero habang sinabi niya yun napapasulyap siya kay Karen.
"Para saan ba daw... At bakit may bisita? "- curious na tanong ni kit. Nagkibit balikat lang si ashton at pasimpleng nilagyan ng gulay ang pinggan ni Karen.
"A--"
"Eat that.. Ang payat payat mo'- sabi pa niya at sumubo ng pagkain niya. Wala nang nagawa si karen at nakabusangot na kumain. Napailing nalang kami.
Pagkatapos naming kumain ng lunch hinintay nalang namin na mag bell at bumalik na sa room. Habang naglalakad kami sa corridor nakita kong ngakukumpulan ang mga students at parang may tinitignan sa baba ng building. Tumingin naman kami at nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. What is he doing here?
"Do you know this? -bulong na tanong ko kay rid. Kita kong napalunok siya at hinay hinay na tumango sa akin. Oh! Shit. Uncle ano na naman bang iniisip mo. Bakit ka nandito sa school? Yes you read it nandito si uncle sa academy at siya ang bisita na sinasabi nila ashton.
Kita kong napatingin sa gawi namin si uncle at nag smirk siya sa akin. So this is your plan ha.. Gagawin niyo talaga ang lahat mapabalik lang ako sa empire. Never niyo na akong mapapabalik don. Tumalikod nalang ako at akmang aalis na ng hawakan ni zero ang braso ko para pigilan ako.
"San ka pupunta? "- he ask.
"Library... Wala na akong ganang pumasok.. Tutulog nalang ako don"- sabi ko sa kanya.
"Samahan na kita"-he said. I just shrugged at umalis na kami. Pagkarating ko sa library pumunta na ako sa bakanteng table at pabagsak na umupo sabay ubob ng ulo ko sa table.
"Antok na antok ka na talaga no"-dinig kong sabi ni zero na nakaupo sa harapan ko.
"Hmm"- ako. Ayaw ko nang magsalita, Tutal Nakapikit na din ako.
"The visitor.. Sa pagkakatanda ko. Siya ang uncle mo diba? "- tanong niya. Doon napadilat na ako at hinarap siya.
"Ayaw ko siyang pagusapan"- sabi ko.
"Why? "-he ask.
"Basta"- irita kong sagot sa kanya
"Tsk.. Ok"-sagot niya at tumahimik nalang. Good..
Tutulog na sana ako ulit ng magsalita na naman siya. Letche akala ko tumahik na.
"Kanina ano bang gusto mo? Ayaw mo naman ng material na bagay"- biglang tanong niya sa akin. Sinamaan ko naman siya ng tingin nung una pero ng marealize ko ang tinanong niya.
'Pprrfftt.... Hahahaha... Seriously... Zero iniisip mo pa din yun? "- bilib na tanong ko sa kanya.
"May problema ba don... Kailangan kong malaman kong ano ba ang gusto ng taong mahal ko"- sabi niya at nginitian ako. Parang naramdaman ko yatang namula ang mukha ko sa sinabi niya.
"Che! Ang keso nito "- sabi ko sa kanya.
"Hahaha... What! Ok lang na maging keso basta para sayo"- hirit pa niya. Ay letche... Baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko at baka...
Kiligi----M-masapak ko siya.. Oo masasapak ko na siya.
"Tumigil ka nga! "- sigaw ko sa kanya.
"Shhhhh."- napatingin kami sa librarian na ang sama ng tingin sa amin.
"Kaw kasi... Ang ingay mo"- sabi ko sa kanya.
"Prrffftt.. Na- im not... "
Inirapan ko naman siya at inubob ko nalang ulit ang ulo ko sa table at pinikit ang mata. Hindi ko alam pero hindi ko mapigilan ang ngiti ko.
Rid POV
Ng makita kong ang sama ng tingin sa akin ni princess pagkakita niya kay uncle creg. Parang gusto ko nang tumakbo at magtago sa likod ni uncle. Kainis.. Hindi pa nga ako napapatawad ni princess na dagdagan na naman kasalanan ko. Wala na talagang pag-asa.
Pagkaalis nila zero at princess naisipan ko na ding umalis na. Tutal ano naman ang gagawin ko sa classroom. Makikita ko lang si Karen at Ashton don. Masakit parin sa akin na hindi ako kayang mahalin ng taobg mahal ko.
Pumunta ako sa likod ng building at doon sa ilalim ng malaking puno sumandal ako doon. Huminga ako ng malalim at nilanghap ang sariwang hangin.
Hindi ko na namalayan nakatulog na pala ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top