CHAPTER 52


Ashton POV

Nandito na ako sa classroom at kanina ko pa inaabangan sa pinto kung dumating na si Karen. Sabi niya sa amin kanina sa cafeteria magpapahangin lang siya but until now wala parin siya. Nagsisimula nang may discuss si mam sa gitna. Tinignan ko ang dalawang upuan na bakante sa unahan ko. Pati si rid wala din.

I look at my phone nang may vibrate ito. I saw one. Message at galing ito kay jamaica. Sinilip ko siya at tinaas niya ng kauti ang phone niya para makita ko. Tinignan ko ang text niya.

Jamaica:

Your looking for Karen and rid? They're at the clinic. Nakatulog si Karen kaya dinala siya doon ni rid.

H-ow did she know what I'm thinking? Tinignan ko siya muli at sa ngayon hindi na siya nakatingin sa akin. May vibrate muli ang phone ko and she texted me again.

Jamaica:

Kanina ka pa kasi nakatingin sa pinto. Parang may inaabangan ka

Napabuntong hininga nalang ako dahil sa sinabi niya. Tumayo na ako at napatingin sa akin si mam

"Mr. Ashton Smith... San ka---'

"I will go to the clinic masama ang pakiramdam ko"-putol ko sa sasabihin ng guro ko at mabilis na umalis na sa room. Pupunta na sana ako sa clinic ng magawi ang paningin ko sa glass window ng building. Napatingin ako sa dalawang Tao na nasa gate at kinakausap ang dalawang guard. It's rid and Karen. I thought nasa clinic sila. Bakit palabas sila ng school campus?

Mabilis akong lumiko at bumaba sa building. Tumakbo ako papunta sa gaurd.

"Young master? "-tawag sa akin ng isang guard.

"Open the door. Lalabas ako"- utos ko sa kanila. Mabilis naman nilang binuksan ang pinto. Lumabas na ako kaagad at tinignan ang daan na tinahak nila Karen. Lumiko sila sa tindahan ng mga street foods dito sa gilid ng campus.

Pumunta ako sa kabilang daan at sinandal ang sarili ko sa puno. Mula sa kinatatayuan ko kitang kita ko ang ginagawa nila. I saw how happy she is with rid. Pinipilit niyang pakainin si rid ng ibat ibang klase ng street foods at hindi niya to tinitigilan hanggang hindi to nakakain ang in order niya para sa kanya. Napangiti nalang ako sa kagaguhan na ginawa ko. Stupid ashton. Ano ngayon masasaktan ka sa nakikita mo dahil masaya siya sa iba? This what you want right ang mapalayo muna siya sayo dahil nalilito ka. Walang dapat sisihin dito kundi ang saril ko. Dahil sa katorpehan ko kaya nangyayari ito ngayon. Umalis nalang ako at iniwan na sila don. I think this is better. She's young at makakahanap pa siya ng para talaga sa kanya.

Hindi na ako bumalik pa sa academy. Tinawagan ko nalang si butler Kim na dalhin ang kotse ko dito sa labas ng academy. Hindi naman nagtagal nakarating na siya. Hindi ko na hinintay pang makapagsalita siya. Pagkaabot niya ng susi sa akin pumasok na ako kaagad at pinaharurot ito ng mabilis. This time I secure na hindi na ako maaksidente. Pumunta ako sa bar ni tito kiezer. Pinapasok naman ako ng bantay dahil kilala na nila ako. Pagkapasok ko kunti palang ang costumer. Dumeretso na ako sa barcounter at nag order ng hard drinks. Wala akong pakealam kong malasing ako ngayon. I don't give a damn care to my self. All I want is to escape of all this pain I felt right now.

"Ashton! "- napatingin ako sa tumwag sa akin at nakita ko si tita Bianca at tito kiezer .Tinabihan nila ako. Ako napayuko naman.

"Maaga pa ah.. Bakit ka napadpad dito? ..hmm.. Class hour palang ah"- tanong sa akin ni tito kiezer.

"I just want to unwind my mind"- sagot ko sa kanya at inubos ng isang lagukan ang alak na iniinom ko. Nag order pa ako ng isang glass. Binigay naman sa akin ng bar tender ito ka agad.

"Hindi ba nakakasama sayo yan? Kagagaling mo lang sa pagkakaaksidente mo a"- this time si tita naman ang nagtanong sa akin.

"I'm already ok"- sabi ko at ininom naman ang alak ko.

"Anong nangyari? May problema ba? "- tanong ni tito at kinuha ang baso ko. Tinignan ko siya at kita kong seryoso na siya. Parang nakikita ko na si tita Kate sa kanya ngayon.

"T-tito nong naramdaman mong may gusto kay tita Bianca.. Anong nararamdaman mo kung may kasama siyang ibang lalaki? "- tanong ko sa kanya.

Kita kong hindi niya inaasahan ang itatanong ko. Napabuntong hininga siya bago sinagot ang tanong ko.

"Hmmm... Wala naman kasi akong natatandaan na may umaaligid sa tita mo noong nagkakagusto ako sa kanya. Yung kuya niya pa nga kaagaw ko sa kanya. Prrfftt... Binabakuran kasi siya ng tito spade mo.. Pero kung may iba man. Maybe magagalit ako, magseselos at baka kung ano pa ang magawa ko sa taong yun"- sabi ni tito sa akin. Nag nod ako sa kanya at inaagaw sa kamay niya ang baso ko at inininom ang natirang alak don.

"Why? May nagugustuhan ka na ba? "- tanong sa akin ni tita. Napangiti naman ako dahil sa tinanong niya.

"Yes... But I think hindi niya na ako magugustuhan.. Ngayon ako ang may kasalanan kung bakit mapapalayo siya sa akin at may iba na siya"- paliwanag ko sa kanila.

"Ashton.. Hindi pa huli ang lahat. Fight for her. Kung kailangan mong makipagkupentensya para makuha ang puso niya gawin mo. Dahil yan ang kailangan gawin ng taong totoog nagmamahal. Like your mom and dad. Kahit maraming problema ang mangyari sa kanila at pumigil sa pagmamahalan nila. Lumabam parin sila. Kaya masaya sila ngayon... Kung hindi sila nagkatuluyan may ashton ba kaming kasama ngayon... Wala.. At magkakaroon ka ba ng kakambal? Wala.... Kaya lumaban ka"- paliwanag sa akin ni tita bianca. Tinapik naman ako nitito kiezer at nagpaalam na silang aalis na. Naiwan naman akong nakatulala at inaalala ang sinabi nilang dalawa sa akin.

Fight for her.

Napangiti naman ako at nagorder pa ng isang glass. Binigay niya naman sa akin ito kaagad.

Jamaica POV

Napangiti ako ng makita ko si ashton na umalis sa room. I know hindi niya matitiis si Karen. Mahal niya yun. Napangiti ako habang napatingin kay mam na nagdidiscuss sa unahan

"Why are you smiling? "- bulong na tanong ni zero sa akin. Tinignan ko siya "May problema kung nakangiti ako? "-tanong ko din sa kanya. He tsk'ed at hindi na muling nagtanong pa. Napailing nalang ako.

Natapos ang class hour pero hindi parin bumabalik ang tatlo.

"Hindi parin ba sila bumabalik? "- tanong ni kit na halata mong naiinip na sa kahihintay sa tatlo. Hindi kasi sila makakaalis pauwi kung hindi nila kasama sila Karen at ashton. Ako naman hindi din makakauwi dahil wala pa din si rid. Bakit kasi hindi niya binigay sa akin ang susi e di sana nasa condo niya na ako ngayon. Nagpapahinga

"Hatid ka nalang kaya namin? "- tanong ni zero sa akin at tinabihan ako kung saan nakaupo ako sa gilid kung saan may bakanteng upuan dito sa parking lot.

"Hindi na ah... Nandiyan naman si rid "- sabi ko sa kanya. "Tsk. Bakit kasi sa kanya ka pa nakatira. Kailan ba balik ng uncle mo? "- tanong pa niya.

"Hmmm... Sabi niya matatagalan siya"- tinaasan niya naman ako ng kilay. Nagpigil naman ako ng tawa ko.

"Prrfft.. Ibaba mo nga yang kilay mo.. Para kang bakla"- tukso ko sa kanya at pinilit ko talagang ibaba ang kilay niya. Kaya medyo nagkalapit ang mukha namin. Napatitig ako sa mga mata niya. Her dark eyes na parang binabasa ang nasa isipan ko.

"Ehemmm.... "- napalayo ako bigla sa kanya at tinignan si Trina na nasa harapan namin at nakapameywang na ito.

"Tsk"dinig kong sabi ni zero. Nakita kong may nakakalokong ngiti si Trina na nakalagay sa mukha niya.

"Nandito na po sila rid at karen... Kay tigilan niyo na yang paglalandian ninyong dalawa... Kayo huh! "- sabi ni Trina sa amin.

"A-ano bang pinagsasabi mo Trina? "- tanong ko sa kanya. Bigla niya naman akong kinurot sa tagliran ko.

"Asus....!!..Tara na.. Zero sumunod kana"- sabi ni Trina at hinila na ako kila daine na may nakakaloko ding mga ngiti. Nagtaka naman ako ng hindi ko makita si ashton.

"Nasan si ashton? "- I ask them

"Tsk"napatingin ako kay zero na padabog na pumasok sa van nila.

"Anong nangyayari don? "- tanong ko pa sabay turo kay zero sa loob ng van.

"Wag mo nang pansinin yun.. Nabitin lang yun kanina.. Hahahaha... BTW si kuya ashton sabi ni Butler Kim nauna na daw"- sabi ni Trina sa akin. Tumango naman ako. Nagpaalam na sila na aalis na sila at ng tuluyan na silang umalis. Ako naman hinarap si rid.

"San kayo nagpunta ni Karen? "- I ask him. Pero tinawanan niya lang ako. Eh!

"Hahahaha... Tara na umuwi na tayo"- sabi niya at nauna nang pumasok sa loob ng kotse niya. Sumunod naman ako at hanggang sa makadating kami sa condo niya kinulit ko pa din siya ng kinulit pero hindi niya ako pinapansin. Kainis.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top