Chapter 3 . Hidden Memory
"Avalanche.."
*Ailee POV*
Nasa living room kami ng condo ni Tin. Dito kami tumutuloy ngayon, kasama namin sila luke. Hinihintay lang namin dumating sila Ryle. Nahirapan kaming umalis sa hospital dahil andaming pres na gusto kami kausapin.
"This is so shocking.." saad ni Sab.
Beyond shocking. I can't even explain it in words. Ang sarap kuning ng utak ni Ryle tapos alugin.
"She cant even remember a thing about you" liningon ko si Luke. Kita ko ang paghihirap sakanya. He is not that expressive pero kitang kita sa mukha niya na nahihirapan siya and as a friend.. naaawa ako sakanya.
"I don't know what to do" Minsan lang siya mag sabi ng damdamin niya. It's nice na shine-share niya ito sa amin.
"Let's not rush things.. baka mas mahirapan siya. Let's just wait.. I know that even her brain can't remember you, I know that her heart can." saad ni Tin.
Tumunog ang doorbell at lahat kami ay napalingon doon. I don't know what to feel.
"Hey!"
Binati namin siya nang makapasok siya. Lumapit ako sakanya at kinuha ang isang bag niya.
"I missed you guys." Kahit na nasa harapan namin siya ay pakiramdam ko, hindi siya 'to.
"Lets got to your room" sabi ko at hinila siya sa kwarto niya.
Tinulungan namin siyang maglagay ng mga pinadala ng doctor sa kanya at bumaba kami ulit sa living room.
*Ryle POV*
Napapikit ako at huminga nang malalim. Akala siguro nila na.. okay lang tong nangyayari sakin pero hindi, sobra sobra akong nahihirapan. I want to remember these people. Beleive me I do pero wala talaga.. I just.. can't.
Lalo na siya..
"So tell me.. fiance ka na pala ni sab" sabi ko kay nico. Namula naman bigla si sab. In love nga siya..
"Dont worry--"
"Im not worrying. Alam ko na kahit hindi ko kayo naaalala.. mabuti kang tao." pinutol ko ang sasabihin dapat ni nico at nagsmile sakanila.
This is frustrating me!
"Cant you really remember me?" Napalingon ako sa nagtanong. It was Luke. Huminga ako ng malalim.
"How many times would I tell you? Hindi nga!" Damn! My temper! Bumabalik ang maiksi kong pasensya.
"I'm your fiance" Napaawang ang labi ko. It was really weird hearing it from him. It's like he is claiming me.
"I am sorry too but I am single from head to toe. Saan ka nakakita na may fiance pero hindi niya kilala. I need to go.. punta na ako sa kwarto ko"
Maybe I was too much pero nakakatuyo ng utak. Pakiramdam ko minamadali nila akong maalala lahat pero hindi naman ganon kadali 'yon. Hindi lang naman sila ang nasasaktan dahil hindi ko maalala ang mga taong 'yon. Nahihirapan din ako.. lalo na at gusto ko din silang maalala.
Whenever I see his face.. pakiramdam ko nasasaktan ako tuwing nasasaktan din siya pero hindi naman pwedeng isang sabi lang nila na fiance ko siya ay yun na yon.. It's not that easy.
Bakit ganito ang nararamdaman ng puso ko.
Let us just sleep this..
*Ailee POV*
Umalis na yung ibang boys kanina pa dahil may aayusin pa daw sila. Si James at Luke nalang ang nandito. Ako na ang naghatid sakanila sa labas.
"Luke.. don't worry, I know that she will eventually remember you" sabi ko kay luke at tinapik ang balikat niya.
"Thanks Ailee.. I dont really know what to do right now" I know.. I can see that.
"What friends are for" sabi ko sakanya at ngumiti.
"James.. pasok na ako sa kotse, sunod ka nalang" sabi ni luke kay james. Papasok na sana ako pero pinigilan ako ni james.
"What?" tanong ko sakanya.
"Gusto ko lang sabihin na.. I'll get you back" Napabuntong hininga ako. Aaminin ko.. may naramdaman ako sa puso ko pero dahil lang ba don ay papayag na ako?
"James--"
"I'm not asking for permission. I'll do it whether you like or not" sabi niya. Tinitigan ko lang siya. Why is this so hard. Unang pag-uusap palang namin dati ay mahirap na siyang kausap.
"Bye.. take care okay" sabi niya sakin at nagmadali na akong pumasok. I need to take a break.
"Oh? Bakit nakaupo parin kayo diyan?" tanong ko kay tin and sab. Nakaupo sila sa sofa at problemadong problemado.
"Malamang.. hindi kami nakatayo" Ang sarap sakalin ni Sab minsan. Ang pilosopo talaga. Matalim ko lamang siyang tinitigan.
"Joke! Kasi naman.. we need to talk about ryle" saad niya.
"Wag na natin pakielaman okay? Mahihirapan lang siya. Ang kailangan natin gawin ay iparamdam sakanya na normal parin kahit may mga bagay siya na hindi maalala.. alam ko naman na konting panahon lang yan.. maalala din niya yun." sabi ko sakanila at tumango naman sila.
Nakumbinsi ko rin silang tumayo na at matulog na.
*Ryle POV*
Minulat ko ang mata ko. Napahawak ako sa puso ko.
"Kaya ko to" sabi ko sa sarili ko.
Tumayo ako at nag ayos na. Kinausap ako ni mommy tungkol sa kompanya. Napilit ko siya na papasukin na ako dahil hindi ko rin kaya na nasa bahay lang tsaka responsibilidad ko 'yon.
Paglabas ko wala na sila.. napatingin ako sa refrigerator.
Sorry ryle.. maaga kami pinapasok eh. Kita kita nalang tayo sa harap ng kompanya niyo. Sabay sabay tayo mag lunch
Bigla akong nalungkot.. well I still need to go. Kinuha ko na ang mga bagay na kailangan ko at sumakay sa kotse ko. Dumeretso nako sa office. Pagpasok na pagpasok ko ay napangiti agad ako. May nakalagay na Welcome to our new Director Ryle Harris
"Hi maam. I will be your sexy secretary from today and forever!" Natawa ako sa secretary ko. I guess he's gay.
"Ah.. okay. Wala ba si dad?" tanong ko sakanya at lumapit na sa lamesa ko. Sumunod naman siya sa akin.
"Wala po eh.. he said na I'll take care of you. Don't worry po! Keri ko itech!" natuwa naman ako. Atleast may makakasundo pala ako dito.
"What is your name?" tanong ko sakanya. Umupo ako at linagay ang mga gamit ko sa lamesa.
"Dannie.. Dannie the gorgeous" Mas girl pa ang name niya sakin. Napangiti ako at inalok ang kamay ko.
"I'm Ryle.. Ryle Harris." sabi ko at nag smile sakanya. Inabot naman niya ang kamay ko at kinamayan 'to.
"Ah.. Knows ko po yan" sabi niya. Natawa nanaman ako.. kakaibang mga words pala to.
"Sige thanks.. I hope we can be friends" saad ko. Kinuha ko ang kape na hinanda niya at sumimsim doon. Magaling siyang gumawa ng kape.
"Same here po. Sige po.. I'll fly fly to the moon na po" sabi niya sakin at tumango nalang ako.
Napangiti ako nang makita ko sila. Tumupad ako na makikipagkita ako sakanila sa harap ng kompanya ni dad.
"Hey! You're late" sabi ni sab sakin. Napahawak ako sa buhok ko.
"Sorry" sabi ko at ngumuso.
"Ngapala guys.. we will have a gig daw mamaya with Seff and the others" Balita ni Tin. Tumawid kami ng daan. Mukhang sa restaurant sa harap ng kompanya kami kakain.
Seff? Blurry parts again.. si Tin nag walkout sa hindi malamang dahilan. Sumunod kami at naki upo sa ibang table.. Oh I remember!
"Ah.. okay. Makakasama na naman natin yung seff na sungit na yun" nakangiti kong saad. Damn this! Naalala ko!
"Naalala mo sila Cedric?" Tumango ako sa tanong ni ailee. Medyo may blurry parts pero naaalala ko na nakiupo kami sakanila noon. Tsaka alam ko rin na schoolmate na namin sila simula elementary.
"Yup.. naging school mate natin sila since elementary and naging kaibigan natin sila.. I guess, because of Tin?" Tumango sila sa sinabi ko pero seryoso pa rin nila akong tinitignan.
Nagkibit balikat ako at nauna nang pumasok sa restaurant.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top