Chapter 29 . Coffee and Park Date?
*Ailee POV*
Ryle's anger is scary. Pero hindi ko naman siya masisisi, nasaktan sila ng lubusan. It was almost unbearable.
Natigil ako sa pag-iisip nang marinig na tumunog ang doorbell. Napatingin ako sa orasan.. sino pa ang dadalaw ng ganitong oras? 11:00 pm na. Walang ganang lumabas ako pero hindi ko pinagsisihan na lumabas ako.
Dahan-dahan ako naglakad sa mga petals sa harapan ko.. pagkalabas ko ng gate. Ang pinakamamahal ko ang nasa harapan ko. Napangiti ako at mabili akong lumapit sakanya.
"Hey" bati niya sakin sabay hawak sa batok niya.. ang cute niyang tignan.
Bumilis ang tibok ng puso ko.. siya lang naman ang kayang magparamdam sa akin ng ganito.
"Late na ah.. buti napadaan ka pa" sabi ko sakanya. He's busy because he's handling his father's company now kaya nag aalala ako pag dumadalaw siya ng late.
"Hindi kita nakita buong araw kaya sobrang namiss kita.. then I just drove here" sabi niya. Yinakap ko naman siya.
"James.. I really appreciated it. I love you" sabi ko. Yinakap din niya ako.
Ang sarap talaga sa pakiramdam na sabihan mo ng I love you ang taong mahal mo ng walang iniisip, you just love and let everything be.
"I love you too Ailee" sabi niya sakin. Nanlambot ang puso ko dahil doon.
Humiwalay ako sakanya at hinaplos ko ang mukha niya. He look so tired.
"I hate to say this but.. I need to go" wika niya. Ngumiti ako at tumango.
"Its okay. Goodnight, see you tomorrow. Drive safely." sabi ko sakanya. Hinalikan ko siya sa cheeks at hinintay makalayo ang kotse niya.
*Sab POV*
"Hi babe.." bati sakin ni nico at pumasok kami sa bahay ko.
"Parating na daw si Ryle niyan.." saad ko. Ngayon na kasi kami mamimili ng wedding gown para maayos na.
"Okay.. let's wait for her" sabi niya sabay nakaw ng halik sakin. Pinalo ko naman siya sa kamay.
"Why? Can't I kiss my bride?" tanong niya sakin. Tumawa naman ako.
"You can't" sabi ko sabay dila sakanya.
Natigilan kami nang may tumikhim. Napatingin kami sa pintuan at nakita kong nakatawa si Ryle..
Naisip ko tuloy.. totoo kaya yang mga ngiti niya.?
*Ryle POV*
"Hi Ryle" bati saakin ni Nico. Tinanguan ko naman siya at pumasok sa bahay nila Sab. Umupo kami sa sofa at pinakita ko sakanila ang top 3 designs na ginawa ko.
"So what do you think?" tanong ko sakanila.
"Ang hirap pumili.. lahat sila maganda" sabi ni Sab at tumango naman si Nico.
"But babe.. I think maganda tong nasa gitna.. I mean it is a tube gown but it looks so feminine and at the same time conservative" sabi ni Nico, ngumiti naman si Sab at tumango. Liningon niya ako.
"Ito nalang kukunin namin.." pinili nila yung sinabi ni Nico.
"Actually.. ito din yung pinakagusto ko. I can say good choice." sabi ko at tumayo na.
Actually dapat ay e-mail nalang ang pinadala ko pero gusto ni Sab ay pumunta pa ako.
"So papagawa ko na to para wala na tayo masyadong iniisip for the wedding. Meron na rin akong bridesmaid gowns na match sa dress na to and sa theme niyo. Silver and white ang color theme right?" tanong ko sakanila.
Sabay silang tumango at hindi ko napigilan ang mapangiti.
"Yup.. Thanks sis" sabi ni sab at bineso ko na siya.
"Congratulations to the both of you" sabi ko. I am really happy or them.
Palabas na sana ako pero may nakita pa akong di kanais nais.
"Bro.. sorry late ako, papatulong ka sa tuxedo mo di--" napatigil din siya sa pagsasalita nung nakita niya ako.
Kumirot ang puso ko nang magtama ang mata namin. Sinubukan kong umiwas pero ayaw ng mga mata ko. Ryle! Umayos ka!
"Sis, hindi namin alam na mapang aabot kayo" paliwanag ni Sab. Ngumiti nalang ako at pinilit siyang lingunin.
"Okay lang yun.. hindi naman maiiwasan" wika ko.
Aalis na sana ako pero biglang hinawakan ni sab ang kamay ko. Kumunot ang noo ko at tinignan siya.
"Sis.. pwede mo bang tulungan si Nico sa tuxedo niya?" Napakagat ako sa labi ko. It's her wedding dapat ay hindi ko gawing personal ito. She's just a bride that wants the best for her groom.
"Fine.." sabi ko at umupo ulit. Kinuha ko yung sketch pad ko at pencil ko. Inipitan ko ang buhok at nakita silang nakatingin sakin.
"Oh?" tanong ko.
"Grabe Ryle.. sobrang professional mong tignan. Nkakapanibago lang" sabi ni sab. Tumawa naman ako. Anong akala nila? I can't be professional?
"Akala ko naman kung ano. Lets start" sabi ko.. kahit na iintimidate ako sa tingin nitong katabi ko.. I still tried to be calm.
I tried my best to let my heart be calm..
"Ano bang gusto mo for your tux?" tanong ko sakanya.
"Mas gusto ko sana yung mapapansin yung broad yung shoulders ko.. right bro?" tanong niya kay asungot.
Kumunot ang noo ko dahil doon pero hindi ko na pinansin. I tried imagining it..
"I think.. that's good. Tutal maganda yung shoulders mo" sabi ni asungot. Tumaas ang isang kilay ko. Advice advice pa.
"Okay.. naisip ko na lagyan ng diamonds yung sa may kwelyo. Tutal gusto mo mahaba yung kwelyo diba?" tanong ko sakanya. Tumango naman siya. I remember him, telling me that before.
"Anong gusto mo ribbon or tie?" tanong ko sakanya.
"Bro sa tingin mo?" tanong niya kay luke na asungot. Uh.. magkatabi kami kaya hindi ako makapag-isip ng maayos.
"I think mag ribbon ka.. para makita yung pag ka boy next door mo kasi if you would be doing the normal type of tie.. masyadong mainstream" sabi ni Luke. Ngumiti naman si Nico. Well he got a point.. sang-ayon ako sakanya sa parteng 'yon.
"You heard him" sabi niya. Tumaas lang ang kilay ko at nag sketch na.
I tried my best to focus myself especially on the sketch.
Pinakita ko sakanila yung finish product at tumalon si sab.. napatawa naman kami.
"Sobrang ganda.. I cannot wait to see you wear that" sabi ni sab at hinalikan sa lips si Nico. Napanganga naman ako. Ang fierce ng bestfriend ko.
"Guys.. I have to go" sabi ni Luke.. baka may kikitaing babae? Urg.. bakit ba ako nagrereact.
"Ako rin guys.. I need to go. May meeting pa ako with a client" sabi ko at tumango si sab.
Meeting? Saan ko nakuha 'yon?
"Bye sis.. thanks talaga" sabi niya at nag beso kami.
Kahit ayoko.. sabay kaming lumabas ni asungot. Sasakay na sana ako sa kotse ko pero nagulat ako nang humarang siya sa harapan ko. Mabilis kong naamoy ang pabango niya.
"Pwede ba tayong mag coffee?" tanong niya.. mag no-no sana ako pero parang affected ako masyado pag ginawa ko 'yon.
"Okay" sabi ko at sumakay kami sa kanya-kanyang kotse namin.
Pagkapasok namin sa coffee shop.. lahat sila napatingin sa amin. Well mostly girls ang nandito kaya sakanya sila nakatingin.
Umupo kami sa pinakadulong upuan. Nag order na siya kaya naiwan ako dito. Huminga ako ng malalim at pinigilan na lingunin siya.
Nagring bigla yung phone ko at napasapok nalang ako sa sarili ko.
"Hi seff" bati ko.. nakalimutan ko yung lunch namin ngayon.
"Hi.. mukhang nakalimutan mo yung lunch date natin ah" sabi niya. Tumawa naman ako.
"Date ka diyan.. sorry may importante lang talaga akong kailangan ayusin" sabi ko. Lies. Lies, Ryle.
"It's okay.. tomorrow it is?" tanong niya.
"Okay.. I promise" sabi ko at binaba na ang phone. Nagulat naman ako nung nakita ko si Luke na nasa harapan ko.
"May lakad ka pala.." sabi niya sakin. Nag kibit-balikat nalang ako at ngumiti.
"Nakalimutan ko eh.." sabi ko.
Nagulat ako nung mahulog yung coffee sakanya.. hindi ko alam pero bigla nalang akong lumapit sakanya at kinuha ang kamay niya.
"Ano ba naman yan.. dapat kasi magdahandahan eh. Saan masakit? Ito lang ba yung napaso?" tanong ko sakanya.. hindi siya umimik kaya napatingin ako sakanya.
"Anong tinitingin tingin mo diyan?" tanong ko sakanya.Ngumiti siya kaya parang tumigil yung paligid. What the heck? Ano toh? Highschool story?
Kinuha ko yung panyo ko at binalot yun sa kamay niya, hinila ko na siya. Nakakahiya na sa mga tao. Tsaka nawawala na ako sa sarili ko.
"Wag na tayong mag coffee.." sabi ko. Hinila ko siya sa may park.. nag lakad lakad kami doon.
"How are you?" tanong niya sakin. Ngumiti ako kahit papaano.
"Okay naman.." sagot ko.
"You are really famous.. I've seen many magazines featuring you" wika niya. I made a face and laughed.
"Ikaw din naman eh." sabi ko sakanya.. nagulat ako nung higitin niya ako at may dumaang bike na mabilis.
Napatingin ako sakanya.. sobrang lapit ng mukha niya. Bumilis lalo ang tibok ng puso ko. Namuo din ang luha sa mga mata ko at hindi ko alam saan nanggaling ang mga 'yon.
Namiss ko to.. yung yakap niya, yung mukha niya.. lahat. Kahit ayokong aminin.. namiss ko siya.
"Kailangan ko ng bumalik sa office" sabi ko at umayos ng tayo.
Napahawak ako sa dibdib ko at pinilig ang ulo ko. Get your shit together, Ryle.
"I'm really glad because you accepted my invite for coffee even though it didn't turned out the way it should be. Thanks" sabi niya.
"Thanks" sabi ko at mabilis na tinalikuran siya.
Ryle.. Ano ba toh?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top